Mag-log inAkala ni Alodia Soria, simpleng pagpapakonsulta lang ang gagawin niya. Gusto lang niyang maging sigurado bago sumunod sa susunod na hakbang ng relasyon nila ng kanyang matagal nang kasintahan. Pero hindi niya inaasahan na ang doktor na pinuntahan niya ay walang iba kundi si Dr. Locar Gideon Montecillo — ang hindi niya pa nakikitang Ninong na kababalik lang sa bansa. Si Gideon ay gwapo, kalmado, at iginagalang ng lahat. Pero habang ipinapakilala niya kay Alodia ang mundo ng medisina, unti-unting lumalagpas ang kanilang ugnayan sa dapat na hangganan. Sa bawat pagkikita, mas lalong nahihirapan si Alodia na itanggi ang kaba sa kanyang dibdib… isang damdaming hindi dapat maramdaman ng isang inaanak para sa kanyang Ninong. Habang sinusubukan niyang panatilihin ang pangako sa kanyang boyfriend, natutuklasan din niya ang mga nakatagong katotohanan mula sa nakaraan. Tungkol sa yumaong kasintahan ni Gideon, isang lumang insidente, at isang lihim na nag-uugnay sa kanilang pamilya. Ngayon ay nahaharap siya sa pinakamahirap na desisyon: manatili ba sa kung ano ang alam niyang tama, o sundin ang tibok ng puso kahit na ito ay ipinagbabawal ng lahat? Dahil paano mo mapipigilan ang damdamin mo kapag ang taong hindi mo dapat mahalin… siya rin pala ang taong tunay na nakauunawa sa iyo? “Sa paningin ng iba, ninong ko lang siya at inaanak lang ako. Pero sa bawat tingin niya, alam kong higit pa roon ang nararamdaman namin. At alam kong mali, pero hindi ko na alam kung paano titigil.”
view moreIginugol ko na ang buong umaga ko kaka-basa ng mga articles na nahihiya akong itanong sa iba. Nanood na rin ako ng mga educational videos na ilang beses ko na ring pinause kapag naging personal na ang mga explanations. Panay titig nalang din ako sa screen ng aking laptop hanggang sa gusto ko nang sumuko.
Paulit-ulit kong tina-type sa search bar: “How do you prepare for your first time?”. Hindi bababa sa anim na beses ko na ‘yan ginawa, sobrang daming sagot pero hindi pa rin ako kuntento.
At nineteen, I considered myself reasonably informed. I am a first-year nursing student, after all. Alam ko ang basic human anatomy. Alam kong hindi dapat kinakahiya ang sexual health. Pero iba pala talaga kapag sarili mo na ang usapan. Lalo na at malapit na ang anniversary namin ni Adrian — ang boyfriend ko.
“Ang seryoso mo d’yan,” sabi niya pagkakita sa akin. “Anong nangyari ba?”
Tinawagan ko na talaga ang bestfriend ko, buti nalang at sumagot siya agad.
Kinuwento ko sa kanya ang lahat, ang tungkol sa boyfriend ko at sa upcoming naming anniversary, at sa mga tanong na hinahanapan ko ng tanong online.
Tumango-tango siya at sumagot, “Naiintindihan kita. Pero alam mo, may mga bagay na hindi ko rin naman talaga masasagot nang tama para sayo. Ba’t hindi ka nalang pumunta sa doctor? Sa OB-GYN, sis, sure ‘yan na tama at kumpleto ang informations na makukuha mo.”
Napaisip ako at naramdaman na tama nga siya.
Kaya pagkatapos ng tawag namin ay binuksan ko ulit ang laptop ko at agad nag-book ng appointment. Totoong appointment. Sa isang totoong doctor.
Kaya ngayon ay tahimik lang akong nakaupo sa waiting area nitong private clinic, unti-unting nagsisisi sa bawat desisyon na nagdala sa ’kin dito.
“Miss Castulo?”
Itinaas ko agad ang aking ulo ng tawagin na ako, muntik ko pang mabitawan ang cellphone sa kaba.
Isang nurse ang nakatayo sa gilid ng p***o at magalang na nakangiti
Lumunok muna ako bago sumagot. “Yes?”
“Handa na po si Dr. Montecillo para makausap kayo.”
Tumayo ako at inayos ang aking damit, tapos sinundan siya sa hallway.
Basa ang kamay ko’t kinakabahan. Pero kaya ko ‘to!
Napag-aralan ko naman na ang tungkol sa reproductive system. Consultation lang naman ito. Wala lang ‘yon.
Ilang beses kong inulit ’yan sa sarili hanggang sa huminto kami sa harap ng consultation room at kumatok sa pintuan.
“Come in.”
Mabigat at kalmado ang boses … at malinaw na lalaki.
Binuksan ko ang p***o, at bigla kong nakalimutan ang lahat ng pampalubag-loob na sinabi ko sa sarili ko kanina.
Ang lalaking nasa mesa ay hindi katulad ng doctor na inakala at inaasahan ko noong nag-book ako. Ang akala ko ay babae. Inaasahan kong babae ito dahil halos ang mga nasa ganitong field ay babae. Ang sabi lang naman kasi sa website ay open at available, walang profile ng doctor na nakalagay, kaya basta nalang ako dahil isa ito sa malaki at maayos na ospital dito sa lugar namin.
Mukhang nasa thirty na siya. Baka ay mas bata o mas matanda pa. Maayos ang kanyang itim na buhok, may magandang hubog ng panga at may mukhang kalmadong-kalmado, ‘yong tipo ng mukha na hindi kailanman natataranta. Napakalinis din ng kanyang white gown, may stethoscope sa leeg, at may nakalagay na nameplate sa mesa sa tabi ng maayos na naka-pile na mga papel.
Dr. Locar Gideon Montecillo
Obstetrics and Gynecology
Tumingin siya sa chart na kanyang hawak bago tumingala. “Miss Alodia Soria, right? Good afternoon. I’m Dr. Montecillo. Please, have a seat.”
Itinuro niya ang upuan sa tapat niya na agad ko ring sinunod at maingat na umupo doon.
“How are you feeling today?” dagdag pa niya,
“Fine.”
Naghintay siya ng karugtong kaya napagtanto kong tunog walang kwenta ang sagot ko.
“I mean, Okay lang po ako. Wala naman pong masakit sa akin o ano.”
Sinara niya ang chart at sumagot sa’kin. “That’s good. So what brings you here?”
Ayan na.
Iyan ang tanong na pinaghandaan ko pero hindi ko pa rin kayang sagutin nang maayos.
“Actually, Doc, may gusto lang sana akong itanong…”
“Go ahead.”
“... at medyo nakakahiya po kasi.”
“That’s alright.” His tone remained even. “You can ask me anything related to your health. My job is to help you understand it, not to judge you.”
Ang kanyang simpleng pagpapakalma ay nakatulong ng kaunti, nabawasan ang kaba ko. Pero sobrang kaunti lang talaga.
“Kasi po, may boyfriend ako…”
Tumango lang siya at naghintay ng susunod kong sasabihin.
“Mag-iisang taon na po kami, at malapit na ang anniversary namin at naisip po kasi namin ang alam niyo na po…”
Hindi nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Pero nakakahiya, gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
“Hindi ko pa po kasi nagagawa ‘yon,” mabilis kong idinagdag. “I mean, wala pa po akong experience sa ganyan. At hindi ko naman sinasabing gagawin na namin agad, pero iniisip ko po kasi, at gusto ko lang siguraduhin na alam ko kung paano alagaan ang sarili ko bago ang lahat.”
Matapos ko sabihin ‘yon ay sa wakas naglakas-loob na rin akong tingnan siya.
Hindi siya tumawa sa kahihiyan ko. Hindi niya rin ginawang hindi komportable ang usapan. Nakinig lang siya ng maayos, at malaking tulong ‘yon.
Nagpatuloy ang usapan. Nagtanong siya ng mga bagay na may kinalaman doon at mas pinalalim pa ang usapan tuwing sumasagot ako. May mga sinusulat din siya sa chart habang sinasagot ko ang mga tanong niya at nagkukuwento.
“Doc, bago po… bago ba gawin ‘yon? Meron po bang dapat na gawin?”
“There’s no special cleaning routine required.” He paused to make sure I was following. “What’s more important is understanding consent, contraception, and protection against sexually transmitted infections. If you decide to do so, use appropriate protection, including condoms. If pregnancy is a concern, we can also discuss contraceptive options.
Tanging tango lang ang sinagot ko dito.
“And remember that you can change your mind at any point. Being in a relationship for how long doesn’t mean you’re obligated to do it, even if you’ve already discussed it with your boyfriend.”
Mahigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag. “Alam ko po.”
“Good.” His voice softened slightly. “I’m mentioning it because being prepared also means knowing that the decision remains yours.”
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ang mga salitang ‘yon ay nanatili sa isipan ko.
Napakamaraming oras ang inubos ko sa pag-alala kung handa na ba ako. Na hindi ko na naisip na ang lahat ng paghahanda ko ay nakatuon sa paggawang perpekto ng karanasan ‘yon para kay Adrian. Gusto kong maging masaya siya. I wanted our first time to mean something.
Dr. Montecillo asked a few routine questions about my medical history, medications, menstrual cycle, and any unusual symptoms. I answered it as accurately as I could. The questions were clinical, and his manner remained professional throughout. He didn’t perform an intimate examination since I only came here for advice and reported no symptoms requiring one.
“That’s all for today. My staff can help you with your bill and provide information about contraceptive counseling if you’d like to schedule another appointment.”
Agad akong tumayo at handa ng umalis. “Thank you po for answering my questions, Dr. Montecillo.”
“You’re welcome, Miss Soria!”
Mabilis ko namang nilisan ang room bago pa man lalong mamula ang mukha ko. Nang maisara ko ang pintuan, huminga ako nang malalim at inayos ang mga kailangan ko pang asikasuhin bago makalabas ng ospital na ito.
Nang makarating ako sa parking lot, saka ko lang muling nilingon ang gusali.
Dr. Locar Gideon Montecillo. A handsome, composed, impossibly mature man who had somehow made a conversation about intimate hygiene feel like the most embarrassing experience of my life.
Hinding-hindi ko na siya muling makikita pa.
Iyon ang sinabi ko sa sarili ko bago ako sumakay sa sasakyan.
Hanggang sa makauwi ay iyon ang paulit-ulit kong pinaalala sa sarili ko.
Unfortunately, may ibang plano pala ang mundo sa akin.
—
Habang nagpapalit pa ako ng damit, narinig ko ang boses ni Mommy mula sa baba ng hagdan. Kaya naman ay basta nalang ako nagpalit ng comfortable na shorts at oversize na t-shirt, itinali ang buhok, at bumaba na.
Nasa sala na ang mga magulang ko, mukhang tuwang-tuwa sa hindi ko malamang dahilan. Nakaupo si Dad sa sofa habang hawak ang kanyang cellphone, habang inaayos naman ni mommy ang flower vase sa center table.
“Your ninong is coming to dinner tonight,” anunsyo ni Mommy.
I blinked. “Ninong ko po?”
“Yes, Gideon. Hindi mo pa siya nakikita,” paglilinaw pa ni Daddy.
Pamilyar sa akin ang pangalang ‘yon. Pero how come ninong ko siya kung ‘di ko pa siya nakikita?
Dagdag din ni Mommy, “You were barely a month old when he left for abroad, working overseas. He spent years building his medical career there. After his fiancee passed away, hindi na siya gaanong umuwi. It was terrible for him, they were supposed to get married.”
Sumandal ako sa sandalan ng upuan at pinanood kung paano lumambot ang ekspresyon ni Mommy.
“At ngayon po, nakauwi na siya ng tuluyan?” tanong ko.
“He’s returned to manage his family’s hospital business,” paliwanag ni Dad. “He will be taking a bigger role in running them. He’s been a good doctor and I have always admired him.”
The evening seemed ordinary enough. Lumipas ang mga oras na wala masyadong nangyari hanggang sa tumunog na ang doorbell.
Binuksan iyon ni Dad at sumunod naman si Mommy. Ako naman ay nakatayo lang sa ‘di kalayuan nila.
“Gideon! It’s good to have you home!”
Isang malambot na tawa ng lalaki ang sumunod. “It’s good to be back.”
Napatingala ako agad dahil sa pamilyar na boses, at tila ba ay huminto ang mundo.
Nakatayo siya sa aming pintuan, nakasuot ng button-down shirt habang ang sleeves ay maayos na nakatupi hanggang sa kanyang braso. Ganoon din ang ayos ng kanyang buhok kaninang tanghali. Kilalang-kilala ko ang mukha niya.
Ang parehong kalmadong tingin. Ang parehong hubog ng panga. Ang parehong mga mata na nakikinig ng maayos habang hirap na hirap akong magpaliwanag kung bakit ako nagpunta sa kanya.
Sa isang sandali, parang nakalimutan kong huminga.
Dr. Locar Gideon Montecillo. My gynecologist.
Ay ngayon, nalaman kong siya rin pala ang ninong ko.
Agad akong umiwas ng tingin.
Inalalayan siya ni dad papasok at agad na nagkukwentuhan. Habang ako naman, taimtim na nagdarasal na sana… sana hindi niya maalala o makwento ang nangyari kanina.
Dahil ako, sigurado akong hindi ko ito makakalimutan kahit kailan.
Alam kong may mali nang makita ko si Adrian na may dalang mga bulaklak.Bihira lang siyang magbigay ng bulaklak nang walang okasyon. Sa susunod na araw pa naman ang anniversary namin, at hindi siya ang tipo ng lalaking bigla na lang magbibigay ng regalo sa simpleng hapon lang. Kadalasan kasi ay sa maliit at simpleng bagay niya ipinapakita ang pagmamahal niya.Pero ngayon, nakatayo na naman siya sa labas ng gate namin pero may dalang flower bouquet at nakangiti nang malapad.“For you,” ani niya at inabot sa akin.“Anong meron, may occasion ba?”“Bawal bang walang rason?”“Hindi naman, pero uhh… thank you.”Hinalikan niya ako sa noo at kinuha ang bag ko, gaya ng lagi niyang ginagawa. Napansin kong may ilang estudyante na nakatingin sa amin.“Tara, let’s walk and talk for a while,” aya niya pa.Dumaan kami sa campus courtyard. May mga nadaanan kaming students sa ilalim ng mga puno at ang iba naman ay nagmamadali para sa susunod siguro nilang klase. Habang magkatabi kaming naglalakad, nag
Nakailang bihis na ako hanggang sa pinili nalang ang simpleng blouse and jeans.Nakakatawa. Bibisita lang naman ako sa ospital, hindi pupunta sa isang job interview. Pero tumayo pa rin ako sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili ko kung bagay ba ang suot o kung magmumukha lang akong hindi komportable sa sitwasyon.Maya-maya pa nyan ay tumunog na ang aking phone mula sa message na galing kay mommy.Mommy: Your ninong will pick you up at nine. Don’t keep him waiting because he still has to clock in, ‘nak.Agad ko naman chineck ang oras.Eight forty-five.“Great!” Bulong ko sa sarili at hinablot agad ang bag para makapag hintay na kay Gideon sa baba.Buong gabi kong kinumbinsi ang sarili na isa lang itong ordinaryong educational visit, wala nang iba.Nag-alok si Dr. Montecillo na ilibot ako dahil isa akong nursing student. Pumayag ang mga magulang ko, at alam kong malaking tulong ito para mas maintindihan ko ang kursong kinuha ko.Walang namang kakaiba ron. Wala talaga.Bumalik ako s
Nagising ako kinaumagahan na may isang goal: kalimutan ang lahat ng nangyari kahapon.Madali lang dapat ‘yon.May mga klase akong pupuntahan. May mga gawaing kailangang tapusin. May boyfriend akong naghihintay na tulungan ko siyang maghanda para sa upcoming naming anniversary. Ang dami kong pwede at kailangan pang gawin, kaya wala akong dahilan para mag-aksaya pa ng oras sa pag-iisip tungkol sa ninong ko.Pero sa kasamaang-palad, tila desidido ang utak ko na gawing mahirap ang mga bagay na dapat ay madali lang.Kaya kahit habang nagsisipilyo ako, bumabalik na naman sa isip ko ang mga tingin ni Gideon kagabi. Habang nagbibihis, naririnig ko pa rin ang kalmado niyang boses tuwing magkausap kami. At ngayong nakaupo na ako sa hapag-kainan para mag-almusal, binanggit na naman ni Mommy ang pangalan niya.“Nag-message ang ninong mo kanina,” sabi niya habang nagsasalin ng pagkain sa kanyang plato.Muntik na naman akong mabilaukan nang marinig ang pangalang ‘yon.“Tinanong niya ang schedule m
Hindi pa ’ko kailanman naging interesado sa pagkain sa plato ko.Itinuon ko ang aking atensyon sa mga pagkain at kung paano ko hinihiwa ang manok, umaasang walang makakapansin kung gaano ako katahimik ngayon. Sa tapat ko naman nakaupo si Dr. Montecillo at komportable na kinakausap ang parents ko, sinasagot ang mga tanong nila tungkol sa buhay niya sa ibang bansa.Sana talaga hindi umabot sa akin ang usapan lalo na ‘yong tungkol sa consultation na nangyari kanina.Everytime I remembered the questions I’d asked him, heat crept up my neck. I had told him about my boyfriend, about our anniversary, and my concerns about taking the next step of our relationship. I listened to him explain things I’d been too embarrassed to ask anyone else.And he’s my ninong?!Great! Absolutely great!“Gideon, you should have seen Alodia when she was younger,” sabi ni mommy habang nakangiti. “She used to follow everyone around the house, asking questions about everything.”“Some things never change,” dagdag






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.