Home / Romance / The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG / Chapter 95: A Threat Among the Graves

Share

Chapter 95: A Threat Among the Graves

Author: Reidpurplelh
last update Huling Na-update: 2025-11-05 14:46:15

Kalahating buwan ang lumipas simula nang mawala si Lola, pero para sa akin ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Lahat ng masasayang alaala ni lola ay palagi ko pa ring naiisip, at hindi mawala sa puso ko ang sakit sa puso ko dahil sa pagkawala niya.

Gano'n naman talaga siguro ang buhay. Kailangan ko pa rin umusad kahit mahirap, dahil alam kong 'yon ang gusto niya para sa akin. Hindi pwedeng mag-stay lang ako sa isang kwarto para magmukmok dahil may mga taong naghihintay sa akin. Mga taong umaasa sa pag-usad ko, at mga taong nagpapakatatag din para sa akin.

Tinulungan ko ang pamilya ni Trina na makaahon muli mula sa trahedyang nangyari sa amin. Patuloy pa rin ang pag-build sa small business ko, at kapag nakikita ko ang progress nito ay nakakaramdam ako ng pag-asa. Pag-asa na ipagpatuloy ko ang pangarap na nasimulan ko kahit na wala na si lola.

Pero kahit na pilit akong bumabangon ay hindi pa rin nawawala ang galit ko. Pakiramdam ko nga ay galit na lang ang bumubuhay sa puso ko
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 99:

    Halos mabuga naman ni Rafael ang iniinom niya habang natatawa kaya naman napakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa kaniya, dahil bigla akong naguluhan sa kaniya."What's with that face, Gigi?" natatawang tanong niya pagkatapos ay napaayos sa upuan niya. "Of course, I'm just kidding."Halos makahinga naman ako nang maluwag at napairap na lang sa kaniya habang umiiling dahil akala ko talaga ay seryoso siya sa sinabi niya. Napailing na lang tuloy ako at napairap na lang sa kaniya dahil wala pa rin pagbabago sa kaniya, pero natawa na lang din ako. At least ngayon ay hindi totoo ang sinabi niya dahil kung hindi ay sigurado akong magkakagulo na naman sila ni Leandro. Gusto kong magkasundo sila ulit at ayaw kong mangyari ulit sa kanila ang pag-aaway dahil lang sa isang babae.Ilang sandali pa kaming naroon ni Rafael habang pinag-uusapan ang mga nangyari. Masaya ako na tanggap niya na kami ni Leandro, at sinabi niyang masaya siya para sa aming dalawa. Iyon lang din naman ang gusto kong

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 98: Unveiling Truths

    I started to heal and live again dahil gano'n naman talaga ang buhay hindi ba? We need to move forward, so we can finally heal the wound that neither of us caused, that neither of us ever wanted to carry. Hindi naging madali sa akin ang lahat, pero kinakaya ko at lumalaban ako sa araw-araw kahit na walang oras na hindi ako nangulila sa pagkawala ni Lola. Tanggap ko na noon pa na balang araw ay iiwan niya ako sa mundong 'to dahil matanda na siya, pero hindi ko matanggap na sa gano'ng paraan siya nawala... at kahit na ilang beses na sinasabi sa akin ni Leandro na pabayaan ko na siya na magtrabaho para roon at sa kaniya na ipabuya ang pagi-imbestiga ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. Ngayon pa? Ngayon pa na binigyan ako ng idea ni Luciana na siya ang may kagagawan ng sunog sa lugar namin. Hindi ako titigil na makuha ang hustisya hindi lang para kay lola kundi na rin sa ibang mga tao na nabiktima niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang buksan ko ang drawer ko sa rito s

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   SPG| Chapter 97: The Warmth I Missed

    Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang ulo ni Leandro kaya gano'n ang inakto niya kanina sa pagkain namin ng dinner. Sinabihan naman ako ni Don Severino na suyuin ko na lang si Leandro dahil gano'n lang naman daw ang mga lalaki.Siguro nga ay tama ang sinabi niya dahil simula nang mawala si Lola ay halos nawalan na rin ako ng oras kay Leandro. Halos hindi ko na maibigay ang pagiging girlfriend ko sa kaniya dahil nawalan ako ng gana sa lahat. Naisip ko rin na hindi na tama ang nangyayari kaya gusto kong makabawi sa kaniya. Gusto kong mabawi ang mga araw at oras na nawala sa relasyon namin dahil mas pinili kong mapag-isa.Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto at sinubukan kong maging maingat para hindi ako makagawa ng ingay. Dim na ang ilaw sa loob ng kwarto at tanaw ko kaagad si Leandro na nakahiga na sa kama. Nakatalikod siya mula sa akin kaya hindi ko alam kung tulog na ba siya kaya naman humugot ako nang malalim na hininga bago tuluyang naglakad palapit sa kama."Leandro," mahinang tawa

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 96: The Fight We Didn’t Need

    "Gianna!" Boses agad ni Leandro ang narinig ko pagkapasok ko pa lang ng mansion nila. Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko hanggang ngayon na nakauwi na ako dahil sa pag-aaway namin ni Luciana. Mula sa napakalaking living room ay sinalubong ako ni Leandro at kita sa mukha niya ang pag-aalala. Halos mapalunok naman ako dahil hindi na ako nakapag-message sa kaniya kanina pa, at hindi ko namalayan na nakauwi na pala siya. "Where have you been?!" tanong niya kaagad na may bakas ng irita sa boses niya. "And why you're not answering your phone?" Napaawang naman ang labi ko dahil parang ang hirap salubungin ng mga tanong niya na may kasamang galit. "And you didn't inform me that you're going out today. We have a lot of maids here na pwede mong sabihan kung saan ka pupunta, Gianna." Patuloy niya gamit ang mariin na boses. Napabuntonghininga naman ako at napatango dahil naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko siya kung bakit ganito na lang ang reaksyon niya dahil kahit isa a

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 95: A Threat Among the Graves

    Kalahating buwan ang lumipas simula nang mawala si Lola, pero para sa akin ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Lahat ng masasayang alaala ni lola ay palagi ko pa ring naiisip, at hindi mawala sa puso ko ang sakit sa puso ko dahil sa pagkawala niya. Gano'n naman talaga siguro ang buhay. Kailangan ko pa rin umusad kahit mahirap, dahil alam kong 'yon ang gusto niya para sa akin. Hindi pwedeng mag-stay lang ako sa isang kwarto para magmukmok dahil may mga taong naghihintay sa akin. Mga taong umaasa sa pag-usad ko, at mga taong nagpapakatatag din para sa akin. Tinulungan ko ang pamilya ni Trina na makaahon muli mula sa trahedyang nangyari sa amin. Patuloy pa rin ang pag-build sa small business ko, at kapag nakikita ko ang progress nito ay nakakaramdam ako ng pag-asa. Pag-asa na ipagpatuloy ko ang pangarap na nasimulan ko kahit na wala na si lola. Pero kahit na pilit akong bumabangon ay hindi pa rin nawawala ang galit ko. Pakiramdam ko nga ay galit na lang ang bumubuhay sa puso ko

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 94: Caught Between Curiosity and Grief

    Gusto ko na sanang buksan ang box na mukhang kinaingat-ingatan ni Lola na para sa akin. Wala akong idea kung ano'ng laman no'n at paulit-ulit ang tanong sa isip ko kung ano ang dahilan ni Lola kung bakit hindi niya binibigay sa akin 'to hanggang ngayon. "A-Ano po kayo sa tingin niyo ang laman nito?" tanong ko kila Tita Amelia pagkagtapos ay napabaling ang tingin ko kay Leandro na tahimik lang akong pinanonood, mukhang malalim din ang iniisip. "At bakit ngayon ko lang 'to nakita? Bakit niya tinago sa'kin 'to?" Hindi naman sila nagsalita kaya naman halos mapasapo akong muli sa ulo ko. Bakit ko nga ba tinatanong sa kanila ang isang bagay na halata namang wala rin silang alam. Ang tanging nasisiguro ko lang ay tinago 'to ni Lola nang matagal na panahon sa akin. "Maybe there's a deeper reason behind why she hasn't given that to you," sabi naman ni Leandro habang nakatingin sa box na hawak ko. Muli naman akong napabuntonghininga at kahit na maraming tanong sa isipan ko ay tumahimik na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status