LOGINLimang taon ng matinding pag-ibig ang nagwakas sa pinakamapait na paraan. Iniwan ni William Ferrer si Erin sa araw mismo ng kanilang kasal—para sagipin si Menchie, ang kababata nitong nagtangkang magpakamatay. Sa puntong iyon, napagtanto ni Erin ang isang masaklap na katotohanan: hindi niya kayang tunawin ang pusong yelo ni William. Buong tatag niyang tinapos ang lahat ng koneksyon sa lalaki at nilisan ang Cebu, patungong Maynila upang magsimula ng bagong buhay. Ngunit sa isang gabing puno ng alak at pangungulila, napunta siya sa isang hindi inaasahang sitwasyon—nagising sa kama ng isang cold-hearted billionaire na kaaway pa ng kanyang kapatid na si Randell. Walang iba kundi si Blake Gener! Sa pagsikat ng araw, tahimik siyang gumapang papalayo upang makatakas sa lalaki. Ngunit bago pa man siya makalayo, hinatak siya pabalik sa kama ng lalaki. Ang tinig ni Blake, mabagal at mapanukso, ay bumulong sa kanyang tainga, habang ang mga daliri nito ay dumadampi sa sariwang marka ng kiss mark sa sariling leeg: “My Little Erin.., akala mo ba makakatakas ka matapos mo akong angkinin? Hinalikan mo ako nang ganito— kailangan mo akong panagutan.” Sa mataas na lipunan ng mga mayayaman, kilala si Blake, ang nagmamay ari ng B&G corporation, bilang isang lalaking malamig at aloof. Ngunit walang nakakaalam ng kanyang lihim—ang kanyang pagmamahal sa kapatid ng kanyang mortal na kaaway. Mula noong may mangyari sa kanila ni Erin, bumaba siya sa kanyang pedestal. Ang paghanga ay nauwi sa obsesyon. Bilyun-bilyon ang ginastos niya para bilhin ang isang buong isla para lamang sa babae. Gulat man, hindi naiwasang magtanong ni Erin sa lalaki.. “Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito para sa akin, Blake?” “Para sayo, my Little Erin.. Handa akong magpakababa, at bilhin ang mundo, basta, mahalin mo rin ako..”
View More“Narinig mo ba? Yung childhood sweetheart daw ni Attorney Ferrer… nais daw mula sa rooftop ng hotel? Gustong magsuicide?”
Sumayad ang bulungan ng mga bisita sa pinto, at para bang may matulis na pangil na tumusok sa puso ni Erin.
Napakaraming beses na itong ginawa ni Menchie. Dapat ay manhid na siya. Dapat..
Pero ngayong araw… ibang iba ang naramdaman niya.
Ngayon ang kasal nila ni William. Ang araw sana na pinakamasaya sa kanyang buhay!
At sa lahat ng araw na maaari nitong sirain, ngayon pa talaga? Isang tahimik ngunit malupit na mensahe ang ipinaparamdam ng babae sa kanya: na sa pagitan nilang dalawa, si Menchie pa rin ang pipiliin ng fiancé niya.
Gaya ng dati..
Limang taon silang magkasintahan ni William, at sa bawat anibersaryo, sa bawat sandaling ipinagdiriwang nila ang pagmamahalan nila, sa bawat okasyong darating, palaging may eksenang dramatiko si Menchie. At ang lalaki—walang mintis—ay iiwan siya para alalayan ang babaeng iyon.
At si Erin? Lagi na lang siyang natitira sa likod. Nahihiya. Natatalo.
Ngayon ang huli. Ito ang tanging pagkakataong ibinibigay niya kay William. Kapag lumakad palabas ang lalaki para puntahan si Menchie, ngayong mismong araw ng kasal nila… tapos na ang lahat sa kanila. Hindi na siya babalik sa buhay nito kahit kailan.
“If she wants to die, let her die! What’s the point of calling me?”
Nanlamig ang batok ni Erin sa narinig. Bahagyang nakabukas ang pintuan kung saan naroroon si William; dumulas sa makitid na awang ang malamig at matigas na tinig ng lalaki. Sa sumunod na saglit, humina na ang boses nito, parang alingawngaw na lang ng bubuyog na umiikot sa kanyang pandinig.
Ibinaba ni William ang tawag bago naglakad pababa ng hagdanan.
At nang lumitaw ito sa harap niya—kalma, walang bakas ng pag-aalinlangan at parang walang inaalala—sumiklab ang kaba sa dibdib ni Erin.
Ibig sabihin ba nito… hindi nito balak puntahan si Menchie? At ngayon, siya na ba talaga ang pipiliin ng lalaki? Halos pumalakpak ang tainga niya sa sobrang saya!
Tama ang ultimatum na ibinigay ni Erin sa kanilang relasyon: ito ang huling pagkakataon. At sa sandaling iyon, tila umaayon sa kanya ang tadhana. Sa wakas, may pag-asa siyang hindi siya muling bibiguin ni William.
“Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ng lalaki, walang kaabot-abot na emosyon sa mukha; malamig ang kanyang mga mata. “Malapit na ang kasal. Ready ka na ba?”
Kahit ganoon ang tono at ugali ng lalaki, hindi mapigilan ni Erin ang matuwa. Matagal na niyang alam na may emotional detachment si William—madalas itong walang pakialam sa nararamdaman ng iba. At kahit masakit, tinanggap niya iyon. Minahal niya ang lalaki sa kabila ng mga kakulangan nito.
Mula sa simpleng crush… naging relasyon… at ngayon, kasal na talaga nila. Pakiramdam ni Erin ay natupad na sa wakas ang pinakamailap niyang pangarap.
At alam niyang may halaga siya kay William. Kung wala, bakit siya nito pakakasalan?
Hinawakan niya ang braso ng lalaki, kumikislap ang kanyang mga mata habang nagsasalita, “Sa wakas, honey… ikakasal na tayo ngayon.” Halos tumalon ang tuwa sa kanyang tinig.
“Alam ko.”
Isang diretso, malamig, walang pagbabago. Parang wala lang.Bago pa man mahipo ni Erin ang anumang pag-aalinlangan sa kanyang dibdib, bumukas ang pinto ng event hall. Dito sila ikakasal—sa mismong reception area. Simple lang, pero iyon ang gusto niya. Wala siyang hinihiling kundi ang makasama si William sa altar. Sa harapan, naghihintay ang pari sa kanila.
“Ngayon, i-welcome natin ang ating soon-to-be Mr. and Mrs. Ferrer!” masiglang anunsyo ng emcee, binubuhay ang tahimik na lugar.
Nagpalakpakan ang mga bisita.
Agad napahawak si Erin sa braso ni William at naglakad sila patungo sa altar. Walang maraming seremonyas, diretso na sa main event! Nakapinta sa kanyang mukha ang saya, ang kilig, ang pag-asang ito na ang simula ng bago nilang buhay.
Paglapit nila sa altar, muling nagsalita ang emcee.
“Ngayon ay—”
Hindi na niya natapos ang pangungusap.
Tumunog muli ang cellphone ni William.
At sa isang iglap, napawi ang ngiti sa labi ni Erin. Ang ringtone na iyon… iisa lang ang may karapatang gumamit niyon.
Menchie.
Dahan-dahang hinugot ni William ang cellphone mula sa bulsa ng kanyang coat. Walang pag-aalinlangan, walang tingin kay Erin, sinagot niya ang tawag.
“Bakit?”
Nais sanang iligtas ng emcee ang tahimik na pagkailang sa loob ng hall—gawing biro ang biglaang pagsagot ni William—ngunit napakabilis ng sumunod na nangyari.
“Pupunta na ako diyan.”
Diretsong sinabi iyon ni William, malamig, walang alinlangan. At bago pa maunawaan ng lahat ang nangyayari, bumaba siya ng stage—walang paalam, walang tingin man lang sa bride to be na nakatayo sa tabi niya.
Nag-umpisa ang bulungan sa paligid. May nagtakip ng bibig, may nag-angat ng kilay, may nagpaawang ng labi sa gulat.
“Don’t go!” habol ni Erin,habang hawak ang laylayan ng kanyang wedding gown, pinipilit abutin ang lalaki. Nanginginig ang tinig niya, puno ng pagkadurog. “Sabi mo… ito na ang huling pagkakataon mo. Sabi mo ako na ang priority mo, William…”
Huminto si William. Bahagyang sumimangot, tila napilitan lang makinig. May bakas ng pag-aalinlangan sa kanyang mukha, pero saglit lang iyon.
“Tumalon talaga si Menchie sa building, diyan lang sa malapit..” mahinang sabi niya, parang nagpapaliwanag pero walang emosyon. “Pupuntahan ko muna siya. Ikaw na bahalang gumawa ng excuse sa mga bisita… Babalik ako kaagad.”
“William!” Napakapit si Erin sa braso niya, mahigpit at desperado—halos ibaon ang mga kuko sa kanyang balat. “Kung aalis ka ngayon para puntahan siya… hindi na natin itutuloy ang kasal. Wala nang kasalang magaganap.”
Parang kidlat ang tensiyong bumalot sa pagitan nila.
Marahas na inalis ni William ang kamay nito. “Kung gano’n—bahala ka. Wala akong pakialam sa pananakot mo. Maging makatao ka naman, Erin!”
Para itong sampal na walang tunog. Napaupo halos si Erin sa bigat ng sakit na kumalabog sa dibdib niya. Naluha ang kanyang mga mata, at sa ilang saglit lang, dumaloy ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.
Sandali lang—isang iglap—napakunot ang noo ni William nang makita ang luhang iyon. May bahagyang pag-awang ng konsensya. Pero tulad ng dati, hindi iyon sapat para pigilan siya.
Kailangan niyang puntahan si Menchie.
At sa totoo lang, kampante siya. Alam niyang hindi siya hihiwalayan ni Erin. Alam niyang hindi siya kayang bitawanng babae. Obsess ito sa kanya.. Nasobrahan na ito sa pagmamahal—at iyon ang dahilan kung bakit siya sigurado na tinatakot lang siya ng babae.
Kahit pa galing sa mayamang pamilya si Erin—isang babaeng lumaki sa luho at kapritso—iniwan nito ang lahat. Sumunod ito sa kanya, at iniwan ang sariling pamilya. Ganoon siya kamahal ng babae.. Hindi nito kayang mawala siya.
At ang tanging kapalit na hinihingi ni Erin?
Na pakasalan niya ito balang araw.
At dahil nandito na sila… akala ni Erin, iyon na ang sagot.
Ngunit sa harap ng desisyong ito, unti-unting guguho ang pangarap na iyon.
Si Menchie—ang babaeng palaging nagdudulot ng gulo sa kanilang relasyon—at si William, palaging nandoon upang linisin ang kalat nito. At si Erin? Tinitiis ang lahat. Inuuna ang pang-unawa kaysa sa sakit na unti-unting kumakain sa kanya.
Pero ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. May hangganan na siya.
Tahasan siyang nagbanta: “Kapag umalis ka, tapos na tayo.” Ito ang unang beses na naglagay siya ng matibay na boundary.Subalit si William… hindi niya maaaring pabayaan si Menchie. Hindi pagkatapos ng lahat ng pagtatangkang ito. Hindi kapag may banta na naman sa buhay nito.
Hindi niya maaaring pabayaan si Erin na magkamali sa sariling determinasyon dahil lang sa galit ito—gano’n ang iniisip niya.
Bubuka pa lang ang bibig niya upang magsalita nang muling tumunog ang kanyang cellphone.
At sa sandaling iyon—walang tingin, walang paliwanag—tumakbo siya palabas ng venue.Napatingin ang mga bisita sa isa’t isa.
Hindi makapaniwala.“Tumatakas ang groom!!”
Nang magsimula nang mag-ingay ang buong hall, pinunasan ni Erin ang kanyang mga luha. Pinilit niyang patatagin ang sarili. Lumapit siya sa emcee na tila natulala pa rin dahil sa gulo. Maingat niyang kinuha ang mic, humugot ng hininga, at diretsong nagsabi:
“Ladies and gentlemen… I’m sorry. The wedding is off.”
At doon, tuluyang sumambulat ang kaguluhan. Nag-ingay ang mga bisita, may mga napabulalas, may mga napaawang ang labi sa gulat, may mga nagbubulungan.
Naramdaman niya ang mga titig ng awa. Ang mga tinging puno ng simpatya. Pero wala na siyang pakialam.
Alam niya kung ano ang susunod: pagtatawanan siya ng buong lugar.
Ang babaeng umiibig nang sobra. Ang babaeng iniwan sa altar. Ang babaeng naghintay, nagbigay, nagmahal—pero tinalikuran pa rin.Tumakbo si Erin palabas, halos hindi na niya ramdam ang lupa dahil sa pakiramdam na pagiging lutang. Sa di-kalayuang hotel, may mga nag-uumpukang tao—malakas ang sigawan, may flashing lights, may tensyon.
At doon, sa gitna ng pulutong ng mga tsismoso at rescuer, nakita niya si William.
Inaalo si Menchie, habang unti-unti itong ibinababa mula sa air cushion ng mga rescuer.
Ang babae—nakasuot din ng wedding gown—may namumulang mga mata at nanginginig sa pag-iyak.“William… How could you leave me alone?” halos mapigtal ang tinig ni Menchie habang patuloy ito sa paghikbi. “Di ba… nangako tayo na magsasama tayo habang buhay?”
“Kailan mo ba ititigil ’tong kalokohan mo?” nanlamig ang boses ni William, nakasimangot ngunit gaya ng dati—walang anumang ekspresyon.
Hinawakan ni Menchie ang mukha niya, diretso, walang pag-aalinlangan. “I don’t know…” nanginginig ang boses nito.
At doon—parang may sumaksak sa puso ni Erin.
Noong bata pa sila, minsan niyang hinawakan ang mukha ni William. Tinitigan ito nang buong pagmamahal. Pero agad siyang itinulak palayo, at mariing sinabi ng lalaki:
“Hindi ko gustong may humihipo sa mukha ko.”
Doon unang nabasag ang puso niya. Doon niya unang naramdaman ang lamig ng taong minamahal niya. Hindi iyon malilimutan ni Erin—hindi kailanman.
Pero ngayon… ngayon ay iba.
Hindi gumalaw si William.
Hindi umiwas. Hindi nagalit.Hinayaan niya si Menchie na haplusin ang kanyang mukha. Hinayaan niyang manatili ang kamay nito sa kanya. At nang tumulo ang luha ni Menchie, mas lalo pang humigpit ang yakap ni William, para bang siya mismo ang nasasaktan.
At sa sandaling iyon…
sumabog ang panibagong piraso ng puso ni Erin.Napatingin si Erin sa papalapit ang ambulansiya, umiilaw ang pula’t asul sa malamlam na sikat ng araw.. Nakita niyang binuhat ni William si Menchie mula sa mga rescuer, marahang inalalayan, parang isang bagay na napakahalaga sa kanya—isang bagay na kailanman ay hindi naging si Erin.
At sa sandaling iyon, may malakas na kalabog sa dibdib niya.
Isang katotohanang tumama nang walang awa.Akala niya noon, ang pagiging malamig ni William ay bahagi lang ng pagkatao nito—isang pagkukulang na maaari niyang unawain, tanggapin, at unti-unting pagaanin. Akala niya, kapag sapat ang pasensya, sapat ang taon, at sapat ang pagmamahal… balang araw ay matutunaw din ang yelo sa puso nito.
Na darating ang araw na titingnan din siya ni William nang may init.
Na makikita rin siya nitong mahalaga. Na ang mga matang iyon—maganda pero walang emosyon—ay mapupuno rin ng saya… para sa kanya.Ngunit mali siya.
Lubos na mali.Ang realidad na pilit niyang tinatakasan ay dumamba sa kanya—malinaw, malinaw na malinaw:
May damdamin si William. Pero hindi iyon kailanman para sa kanya.Hindi siya naging tahanan ng lalaki.
Hindi siya naging choice. Hindi siya naging sagot.Napangiti si Erin, isang mapait at durog na ngiti, kasabay ng pagbagsak ng masaganang luha sa kanyang mga pisngi.
Limang taon niyang ipinaglaban ang lalaking iyon—pero ano nga ba siya sa buhay nito?Sa loob niya, may boses na tumatawa, mapanlait at totoo:
“Erin, ang tanga mo. Panaginip lang ang limang taon na ’yan. At ngayong nagising ka na… tumayo ka na.”Tahimik siyang bumalik sa lounge. Walang lingon, walang pag-aatubili. Hinubad niya ang kanyang wedding gown—isang bagay na minsang kumatawan sa pangarap, pag-asa, at pag-ibig na hindi niya kailanman nakuha. Ngayon, isa na lang itong tela ng ilusyon.
Nagpalit siya ng sarili niyang damit, ramdam ang bigat ng bawat paghinga.Sa labas, naroon pa rin ang kaguluhan—mga bulong, sigawan, at pagkalito ng mga bisita sa gulong nangyari sa kasal. Ngunit para kay Erin, naging hungkag ang lahat.
Wala na siyang pakialam.Sanay naman siya.
Sa buong buhay niya, walang ibang naging mas makapal ang mukha pagdating kay William kundi siya.Noong bata pa sila, buong tapang niyang sinundan ang binata—ang kilalang "genius" ng law department—at dahil doon, naging tampulan siya ng biro at pangungutya sa buong university. Tinawag siyang kapit-tuko, desperada, katawa-tawa. Ngunit hindi siya natinag. Kahit dapa, bumabangon siya. Kahit kahiya-hiya, nagpapakatatag pa rin siya.
Ngunit ngayong gabi.. Ang kanyang dream wedding na ikasal sa ilalim ng papalubog na araw, ay naunsiyami.. ngayon siya tuluyang nauntog at nagising sa katotohanan.
Ngayon dumugo ang sugat na matagal na niyang tinatakpan. Ngayon niya napatunayan kung ano ang ayaw niyang aminin sa sarili:Hindi siya gusto ni William.
Hindi kailanman.*****************
Nagtungo si Erin sa law firm nang walang bakas ng pag-aalinlangan sa mukha kinabukasan, ngunit mabigat ang bawat hakbang. Pagkarating sa kanyang mesa, tahimik niyang binuksan ang computer. Walang ibang tunog kundi ang mahinang ugong ng printer habang inilalabas nito ang kanyang resignation letter—isang papel na magtatapos sa limang taong relasyon at tatlong taong pakikipaglaban sa pagmamahal na siya lang ang may dala.
Dahan-dahan siyang huminga habang pinipirmahan ang dokumento, pilit na pinapakalma ang pagkabog ng kanyang dibdib. Pagkatapos, tumayo siya, kinuha ang papel, at marahang inilapag ito sa mesa sa loob ng opisina ni William. Walang sermon. Walang paliwanag. Isang malinis na wakas.
Tapos na. At ayaw na niyang bumalik.
Hindi pa siya nakakalayo nang biglang nag-vibrate ang kanyang telepono. Saglit siyang napatigil.
Si William.
Sinagot niya iyon..
“Nabalitaan ko na kinancel mo ang kasal natin,” bungad nito, malamig pero halatang pinipigilan ang sarili. “Bakit hindi mo sinabi nang maaga? Alam mo bang malaking iskandalo ito para sa firm? Dapat, sinabihan mo ako kaagad!”
Napahawak si Erin sa gilid ng mesa, pilit pinipigil ang panginginig ng kanyang kamay. Umakyat ang galit mula sa sikmura niya, patungo sa kanyang ulo.
“Bakit ko naman itutuloy ang kasal?” balik tanong niya, ang boses niya ay malamig—kalma pero mapanganib. “Gusto mo bang hintayin kita roon? Iniwan mo ako, William. Nakalimutan mo? Ikaw ang tumakbo—bitbit ang babaeng kailangan mong iligtas. Tapos ngayon, may lakas ka pang magtanong ng ganyan? Nasaan na ang hiya mo? Ang kapal ha!”
Natahimik si William. Ilang segundong wala siyang naisagot, na para bang ngayon lang niya naunawaan kung gaano kababa ang ibinagsak ni Erin dahil sa kanya. Mula pa noon, si Erin ang araw sa mundo niya—maingay, masigla, walang sawang nagmamahal. Ngayon lang niya ito narinig na parang tinatalikuran na siya.
“Kasalanan ko ang lahat,” sagot ni William, mabilis pero laging may kontrol. “Hindi ko dapat hinayaan na malagay ka sa ganoong sitwasyon.”
Mapait ang ngiting sumulpot sa labi ni Erin. Bakit nga ba niya naisip noon na ang isang lalaking hindi marunong umiyak, hindi marunong kumapit, ay matututong mahalin siya? Bakit siya umasa?
Tumingin siya sa resignation letter—ang huling pirma niya sa buhay na kasama si William.
“William, tungkol sa pagreresign ko—”
Hindi na niya iyon natapos. Isang malambing na tinig ang sumingit mula sa kabilang linya, malapit, malumanay, at walang pakialam sa sakit ng iba.
“William… masakit ang likod ko. Halika, masahihin mo naman ako.”
Parang tumigil ang oras.
Saglit na katahimikan ang bumalot sa paligid—bago nagsalita muli si William, ngayon ay may bahid ng pagkabalisa pero hindi pagdududa.
“Busy ako ngayon. Pag-uusapan na lang natin sa susunod.”
At isang maikling beep ang sumunod—isang tunog na parang pinto na tuluyan nang isinara sa pagitan nila.
At sa wakas, tuluyang natahimik ang linya.
Nang mapansin ni Jhonary na may mali sa inaarte ni William, agad niyang isinara ang pinto ng opisina. Ayaw niyang may makarinig sa labas. Pagkatapos, mabilis siyang lumapit at napabuntong-hininga.“William, hindi ka ba pwedeng magsalita nang maayos?” sabi niya, halatang nag-aalala. “Hindi mo ba kilala si Erin? Kapag talagang umalis siya, sa tingin mo ba makakatayo pa ang law firm mo?”Malamig na tumingin si William sa kanya. Sa tono niya, may halong pagtatanggol na hindi niya namalayang lumabas. “Hindi mo ba narinig kanina? Siya ang gustong magbitiw. Bakit ko naman siya pipigilan kung ayaw na niya?”Natigilan si Jhonary. Halos hindi siya makapaniwala sa narinig. Seryoso ba ang lalaking ito sa sinasabi niya? talagang pakakawalan nito si Erin? asset iyon ng kumpanya!“Resign resign, huh!” ulit niya. “ Paano niya iiwan ang S&F? Sa buong firm, kahit sino pwedeng umalis—pero hindi si Erin! Hindi niya iyon kayang gawin. Mahal niya ang kumpanya.”Napailing siya. “Kung ganoon, bakit mo siya t
"Nagpasa na ako ng aking resignation letter," sabi ni Erin.Nagulat ang manager ng personnel department, "Huh?" Matagal bago ito nakasagot, "Pagkatapos nito... kailangan mo munang tapusin ang maiiwan mong trabaho."Alam ni Erin na ayon sa pormal na proseso, kailangan niyang magtrabaho pa ng kalahating buwan bago tuluyang makaalis sa kumpanya. Hindi siya gusto gumawa ng mga bagay na walang simula at wakas. Kaya, kahit pa aalis siya, kailangang maayos ang lahat para hindi maging pabigat sa iba."Papasok ako mamaya para sa job handover," sabi ni Erin."Sige, hihintayin kita," sagot ng manager.Pagkatapos ng tawag, huminga si Erin ng malalim. Naibenta na niya ang bahay at handa nang umalis kapag tapos na ang mga kailangan niyang tapusin.Ngunit may kirot pa rin sa puso niya. Matapos magpahinga ng konti, sumakay siya ng kotse papunta sa law firm. Nang dumating siya, biglang naging mas magaan ang pakiramdam sa buong opisina."Miss Sandoval!" tawag ng mga staff na masayang-masaya sa kanyang
“Miss Sandoval?” tawag ng nurse na nagbalik sa kanya sa katinuan.Halos maiyak siya sa biglang alaala ng mga nangyari. Masakit pala talaga kapag nag-iisa ka na, lalo na kapag ibinigay mo na lahat ng pagmamahal at sakripisyo mo sa ibang tao. Pinahid niya ang mga luha na halos bumagsak sa kanyang pisngi, at agad na pinirmahan ang waiver para sa operasyon.Ilang sandali pa, dinala na siya sa operating room. Matapos siyang turukan ng anesthesia, unti-unting nanumbalik ang kawalan ng pakiramdam sa kanyang katawan. Mas nanaig ang walang sakit kaysa sa hapdi na nararamdaman niya. Sa kabila nito, may mga malalabong boses na naririnig niya, hindi niya maintindihan kung saan nanggaling.Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala ng lalaking minahal niya noon. Nakita niya itong nakalugmok sa lupa, habang pinipigilan ng mga kapitbahay na umakyat sa bundok para iligtas ang ina. Naalala rin niya ang unang araw na binuo nila ang S&F Law Firm. Yumakap siya sa lalaki, at halatang nahihiya ito sa kany
CHAPTER 4“Tita, ospital ito. Lahat ng uri ng dugo ay nasa blood bank nila, hindi na kailangang kumuha ng dugo mula sa akin,” malinaw at malamig niyang tugon. "Mas marami namang option dito.."Ang mukha ni Lourdes ay puno ng kalungkutan at pag-aalinlangan. Para bang hindi siya makakapayag na tumatanggi si Erin ngayon. “Ngunit…”Hindi na siya tiningnan ni Erin. Sa halip, ibinaling niya ang kanyang tingin kay William na nakatayo sa gilid. “William, inilagay ko ang aking resignation letter sa iyong mesa. Nakaimpake na rin ang lahat ng gamit ko. May oras ka para bumalik sa kumpanya at pumirma,” mahina ngunit tiyak ang kanyang boses.Napakunot ang noo ni William. “Anong resignation letter?”“Bata ka!” biglang sumigaw si Lourdes, halatang nabalisa. “Ganyan na ba kalaki ang galit mo sa akin? Hindi iyon ang ibig kong sabihin!”Ngumiti si Erin, malamig at walang pag-aalinlangan. “Tita, magpahinga ka. Bigyang-pansin mo ang iyong katawan. Kailangan ko ng umalis at ipagpatuloy ang pag-iimpake n






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews