Share

Chapter 1

Author: Felicidad
last update Last Updated: 2025-01-22 18:16:30

Faye

"Hmmm..." Napabuntong-hininga ako nang malalim at yumakap sa sarili dahil sa lamig na naramdaman ko.

Napamulat ako at agad kong napansin ang hubo't hubad kong katawan. Tunay ngang naipagkaloob ko na ang sarili ko sa fiancé ko.

Agad kong kinapa ang gilid ng kama upang hanapin ang kumot.

"Mahal-" tawag ko kay Chad, pero wala siya sa tabi ko. Napabangon ako bigla.

Luminga ako sa paligid ng kwarto. Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig.

Napangiwi ako nang makita ang kalat. Naparami yata ang nainom ko kagabi.

Natakot ako dahil hindi siya dumating sa hotel sa oras na napag-usapan namin, at hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko.

Mabilis kong hinanap ulit ang kumot nang biglang bumukas ang pinto.

"Mahal, anong oras na? Dumating na ba ang wedding coordinator natin-"

"Gising ka na."

Napatigil ako. Mabilis akong bumaling sa nagsalita, at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang estrangherong lalaki na nakatayo sa pintuan.

Agad ko ring tinakpan ang katawan ko habang mabilis na hinanap ang kumot gamit ang mga mata ko.

Prenteng sinara niya ang pinto, "Tinatakpan mo, as if talaga hindi ko nakita 'yan kagabi," malalim niyang sabi.

Nanginig ako sa takot sa narinig ko mula sa kanya. Unti-unting tumulo ang mga luha ko.

Anong nangyayari? Nasaan si Chadrick? Paanong nakapasok ang lalaking ito dito sa kwarto?

"I'm dreaming..." nanginginig ang boses ko.

"Not really,"tugon niya at nagtangkang lumapit.

"Don't come near me!" sigaw ko.

Umismid siya at tinignan ako nang masama.

"Nasaan ang fiancé ko?!"

"I'm your fiancé from now on, and your soon-to-be husband," sagot niya.

Lalo pang bumaha ang luha ko sa narinig ko sa baliw na lalakeng ito.

"Nasaan si Chadrick? Anong ginawa mo sa kanya?!" sigaw ko, puno ng galit.

Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Wala akong ginawa sa kanya. Siya ang may ginawa."

Lumapit siya nang bahagya.

"I lost a billion, and even investors because of him," mariin niyang sabi.

Nanlilisik ang mga mata ko.

"He will never do that!"

"He did. He stole my woman and collaborated to doom me!" Umigting ang panga niya habang ang kanyang mga mata'y nagdilim.

"Last night, your fiancé went to my woman's suite. It turned out, matagal na silang may relasyon."

Tumulo ang mga luha ko, pero mas tumindi ang galit ko.

"Hindi 'yan magagawa ng fiancé ko!"

Lumapit pa siya, kaya't napaurong ako sa takot. Nanginginig ang buong katawan ko habang umiiyak.

Ang ibig sabihin, hindi si Chadrick ang kasama ko dito kagabi.

Niyakap ko ang sarili ko, habang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari.

Pakiramdam ko, wala na akong natirang dignidad.

"That man was indeed foolish. He stole another woman when he already had you,"wika niya at humakbang pa talaga siya palapit sa kama.

Tumayo ako, "Hayup ka! Huwag kang lalapit!" sigaw ko nang buong lakas.

Dumausdos ang mga luha ko nang hindi siya natinag at lumapit sa akin.

Binaba niya ang bitbit niyang envelope, at may pinulot siya sa gilid ng kama.

"Iniwan kitang nakabalot sa kumot, ang likot mo pa lang matulog-"

"Gago! Demonyo ka-"

Ipinatong niya sa likod ko ang kumot at binalot sa akin.

"Miss, kung inaakala mong pinagsamantalahan kita kagabi, nagkakamali ka. Ikaw ang unang yumakap at humalik sa akin,"aniya.

Ang akala ko kase si Chadrick ang pumasok sa kwarto kagabi. Sa kasiyahan ko, tumakbo ako sa kanya at yinakap siya.

Bumuga siya ng hangin at tinitigan niya akong mabuti, "At pweda ba, kausapin mo ako nang hindi sumisigaw."

Natawa ako sa hangin, "Kausapin ka? Sa demonyong katulad mo?"mapang-uyam kong saad.

"Sabi ng-"bumuga ulit siya.

"Hawakan mo ito, kung ayaw mong makita ko ulit 'yan."

Dumilim ang paningin ko sa kanya at mabilis ko siyang tinadyakan pero nakaiwas siya.

Binuksan niya ang hawak niyang envelope at kinuha mula rito ang mga larawan. Kapagkuwan, pinakita niya sa akin ang mga ito.

"Now, look, kung anong pinaggagagawa ng butihin mong fiancé,"wika niya.

Bumaba ang mga mata ko sa larawan. Pakiramdam ko may bumundol sa dibdib ko nang makita ko sa larawan si Chadrick, nakikipaghalikan siya sa isang babae.

Kinuha ko ang mga larawan sa kanya at inisa-isa ko ang mga ito. Nagiging mas malinaw ang kuha kay Chadrick kasama ang babae. Kumakain sa isang restaurant, magka-holding hands, magkayakap, at kung ano-ano pang nakakapagpiga ng puso ko.

"Now tell me, sino ang demonyo ngayon? Ako o siya?"

Nabitawan ko ang mga larawan at napahugot ako ng malalim na hininga.

Kapagkuwan, mabilis kong tinungo ang pintuan pero mabilis din siyang kumilos, humarang siya sa harapan ko.

"At saan ka pupunta?"tanong niya.

"Kakausapin ko siya,"matapang kong sagot.

Nagtagpo ang mga kilay niya, "For what?"

Umatras ako. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit, pero nananatiling matatag ang tingin ko sa kanya.

"Mahal namin ang isa't-isa at walang makakapaghiwalay sa amin, lalong-lalo na kung ang sisira sa amin ay hindi ko kilalang tao."

Napahinto siya. Sandaling tumingin sa akin bago siya umiwas. Pero napansin ko ang pagtitiim-bagang niya bago niya ibinalik ang paningin niya sa akin.

"You're a foolish woman. He cheated on you. He betrayed you on the eve of your wedding. And yet you're here, declaring your love to each other," galit niyang wika.

Hindi ko magawang paniwalaan ang sinasabi niya. Kilala ko si Chadrick. Mahal niya ako. Hindi niya magagawa ang ipinamumukha sa akin ng lalaking ito.

Pero wala akong naisagot. Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko.

"Crying won't solve anything."

Tumulis ang paningin ko sa kanya.

Nangalumbaba siya at muli niya akong tinitigan ng malalim.

"Marry me, instead,"anas niya.

Marahas ko siyang itinulak, "Baliw ka na. Para sabihin ko sa iyo, ikakasal kami ngayon ni Chadrick,"wika ko.

"And you're still planning to marry him?"tanong niya.

"Oo, matagal na namin itong pinangarap. Hindi kami masisira dahil lang sa mga larawan na pinakita mo sa akin-"

Nahigit ko ang hininga ko nang hapitin niya ang bewang ko.

Naramdaman ko ang mainit niyang palad, ang parehong init na naramdaman ko kagabi.

"Ayoko sa mga taong tanga, lalo na sa mga babaeng nagpapakababa para sa manloloko,"nangangalaiti niyang sabi.

Sinalubong ko ang mabigat niyang titig sa akin.

"Tanga na kung tanga. Matagal na panahon naming pinaghandaan ang kasal namin, pagsubok lang namin ito-"

"Pagsubok niyo ang panloloko niya sa iyo?"

Napalunok ako nang ilapit niya ang labi niya sa akin.

"Pati na rin ang nangyari sa atin kagabi?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 2

    Faye Muli ko siyang tinulak. "Kung alam ko lang na hindi ang fiancé ko ang pumasok dito kagabi, walang mangyayari sa atin." Puno ng pait ko siyang tinitigan. "Alam ng Diyos kung paano nadudurog ang puso ko ngayon, pero hindi ko na maibabalik ang lahat ng nangyari." Nameywang siya sa harapan ko. "Sa sinasabi mo, para talagang pinapalabas mo na pinagsamantalahan kita." "Hindi ba? Nang yinakap at hinalikan kita kagabi, sana tinulak mo ako. Kung matino kang lalaki, sana pinigilan mo ako—" "I was drunk. Pareho tayong lasing." Natigilan ako sa sinabi niya. Pero mapanuri ko ulit siyang tinitigan. "Paano ka nakapasok sa kwartong ito?" tanong ko. "Hindi ko alam," sagot niya. Natawa ako nang mapakla. Mabigat siyang nagpakawala ng malalim na hininga. "Gusto kitang kausapin tungkol sa panloloko nila. Kaya gumawa ako ng paraan para makapasok sa kwartong ito. Tapos 'yun nga, bigla ka na lang sumunggab—" Sumama ang tingin ko sa kanya, pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Umatras

    Last Updated : 2025-01-22
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 3

    Faye Pinipisil ko ang mga daliri ko habang nakaharap sa salamin. Luminga ako sa paligid ng kwarto, iniisip kung may hindi pa ako naayos. Naitago ko na ang mga bote ng alak, mga larawan, damit ko, pati na rin ang kumot. Mayroon pa ba akong hindi naitago? Sa kaisipang ito, lumukob ang sakit sa buong pagkatao ko. Pakiramdam ko, nakagawa ako ng kasalanan. Para akong naibaon sa lupa at parang hindi na ako makakaahon pa. "Miss Faye, ayos ka lang?" tanong ng wedding coordinator. "Oo nga, Ma'am, balisang-balisa ka," puna naman ng make-up artist. "I'm fine," tipid kong ngiti sa dalawa. Faye, umayos ka! Kailangan kong mag-isip nang tama ngayon. Inaayusan na ako para sa kasal namin ni Chad, pero pakiramdam ko, mali na ituloy ito nang hindi ko siya nakakausap nang masinsinan. Gusto kong malaman kung ano bang nagawa kong mali para maghanap siya ng iba. Hindi puwede na umasta ako na para bang walang nangyari. Ang gulo na ng lahat, lalo na't naipagkaloob ko na sa iba ang sarili ko. "Mi

    Last Updated : 2025-01-22
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 4

    Faye Sinara ng wedding coordinator ang pinto. "Miss Faye, kumalma kayo—" Hinarap ko siya. "Paano ako kakalma? My groom is nowhere to be found," pigil kong sabi. "He's on his way—" "Call him then. I want to talk to him." Hindi siya nakasagot. Huminga ako nang malalim at muling hinarap ang wedding coordinator. "Sabihin mo sa akin ang totoo. Papunta na ba rito si Chadrick? May plano pa ba siyang ituloy ito?" mariin kong tanong. Gusto kong makausap siya bago pa magkagulo ang bawat pamilya namin. Napangiwi ang coordinator at umiwas ng tingin. "Ano na? Bakit hindi ka makasagot?" "Miss Faye, please calm down. I've got this. My team is working to find Sir Chad—" Pagak akong tumawa at umiling. "Hindi niyo siya mahahanap, unless pumunta kayo sa babae niya." Gulat na gulat niya akong tiningnan. "Miss Faye, anong sinasabi mo—" Pareho kaming napatingin sa baba nang makarinig kami ng sigawan. Kumalabog ang dibdib ko sa nerbiyos nang makita si Daddy na sinusugod si Tito Rick. Mabilis ak

    Last Updated : 2025-01-22
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 5

    Faye Nagising ako sa pag-uga ng katawan ko. Ilang ulit akong kumurap sa liwanag na bahagyang nakikita ko sa harapan. Hanggang sa tuluyang naka-adjust ang mga mata ko, napagtanto ko na nakasakay ako sa sasakyan. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang kirot mula rito. “May gamot at tubig diyan sa gilid mo. Inumin mo ’yan para gumaan ang pakiramdam mo,” aniya. Bumuga ako ng hangin bago ginilid ang ulo ko. Prenteng nagmamaneho ang hudas na lalaki. “Ang bait naman pala ng kidnapper ko,” mapang-uyam kong saad. Umismid siya. “You’re welcome,” tipid niyang sagot. Umawang ang labi ko dahil sa namumuong inis ko sa kanya. “Pwede ba, pakawalan mo na ako.” “Sure ka? Pulos bundok ang tinatahak nating daan. Maraming nilalang ang naninirahan sa mga kagubatan na ’yan.” “Hindi ako takot sa multo.” “Tao ang tinutukoy ko, Faye.” “Wala akong pakialam, pakawalan mo ako ngayon din.” Saglit siyang bumaling sa akin bago muling ibinalik ang mata sa daan. Kapagkuwan, bumagal ang sasakyan.

    Last Updated : 2025-01-22
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 6

    FayeInirapan ko siya sa tinuran niya, saka ako umiwas ng tingin."Relax, Faye. Ayos lang naman sa akin kung titignan mo ako magdamag. Sanay na ako."Napabaling ako sa kanya. Grabe, ang yabang pala ng lalaking ito."Sa kaka-ignore mo sa tunay na nararamdaman mo ngayon, kung ano-ano na ang ginagawa mo," wika ko."Alam kong nasasaktan ka rin sa ginawa ng dalawa—""I'm not," mabilis niyang tanggi."In denial," sagot ko.Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago itinuon muli ang paningin niya sa daan."Hindi ako nasasaktan. Wala sa bokabularyo ko ang masaktan dahil sa isang babae."Napatitig ako sa kanya."Nagbabago ang nararamdaman ng isang tao. Gusto ka niya ngayon, bukas pwedeng hindi na. Iyon ang realidad ng buhay."This man… He has more scars than I do.Punong-puno ang kanyang salita, pero napakagaan ng kanyang tono—walang emosyon. Sa tingin ko, may malalim siyang pinagdaanan kaya ganito siya mag-react sa ganitong sitwasyon."If you keep getting hurt from the people you meet, how wi

    Last Updated : 2025-01-26
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 7

    Faye "Okay ako, pinipilit kong iwinawaglit sa isipan ko pero itong puso ko..." Hindi ko naituloy, itinikom ko ng mariin ang labi ko. Nalilito na. Hindi talaga ako makapaniwala na ganun na lang aabot ang ilang taon naming relasyon ni Chadrick. Tinuring namin ang isa't-isa na bahagi na ng panghabang buhay namin, wala na 'yun, tapos na ang sa amin. At ang lalakeng ito na ngayon ko lang nakatagpo ay nagkakaroon na ng epekto sa akin. It bothers me. It bothers me more than the cheating issue of Chadrick. Iniwas ko ang mga mata ko. Hindi rin naman siya kumibo pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Kapagkuwan, umandar na rin ang sasakyan. Nakakabinging katahimikan na ang bumalot hanggang sa dalawin na rin ako ng antok. Pumupungas pungas ako nang makaramdam ako ng ingay sa labas. Kinukusot ko pa ang mga mata ko ng bumaling ako kay Lorenzo- Madilim ang kanyang mukha, kunot ang noo. Tumikhim ako pero hindi siya natinag. Tumingin na ako sa labas ng bintana, naamoy ko ang h

    Last Updated : 2025-01-28
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 8

    Faye"Talagang binalak mo akong kidnapin?" deretsahan kong tanong Kay Lorenzo."Yes," masungit niyang sagot.Dumilim ang paningin ko sa kanya, saka ako humarap sa dalawang lalaki."Nasaan ang sakayan dito? May malapit bang airport? O kahit bus terminal na lang?" sunod-sunod kong tanong.Si Doc Arthur ang sumagot. "We don’t have an airport here. The bus terminal is also far, but we have jeepneys you can take to get there—"Pinatigil siya ni Zachary De Guzman. "Miss, bago pa lang kayo, lalayasan mo na siya."Nagtimpi ako at tiningnan siya nang masama. "Mr. De Guzman, hindi mo ba narinig?" Itinuro ko si Lorenzo. "Kinidnap niya ako. Wala kaming relasyon. Ni hindi nga kami magkakilala—"Napatingin ako kay Lorenzo, at namutla ako.Hindi kaya… ikinuwento niya sa kanila ang nangyari sa amin?Mukha naman silang closes sa isa't-isa.Napapikit ako sa sobrang inis. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinanlalakihan siya ng mata."Are you okay?" tanong ni Doc Arthur. "Zach kasi—""What? Eh may kid

    Last Updated : 2025-01-29
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 9

    FayeNasa La Montañosa nga ako, at ang lalaking nasa tabi ko ay isang bilyonaryo. He’s not an ordinary man. Kaya pala puno siya ng kumpiyansa sa paghihiganti at malakas ang loob niyang kunin ako.Pero mas nagulat ako nang bumungad sa akin ang bako-bakong daan, malalawak na taniman, at mumunting kabahayan.Nagtaka ako. Sa lahat ng social gatherings na nadaluhan ko, palaging sinasabi ng mga tao na moderno at progresibo ang La Montañosa—punô ng matataas na gusali at malalawak na mansyon.But this is different from what I’m seeing right now.Isang ordinaryong nayon lamang.Tumingin ako sa rearview mirror. Totoo nga ang sinasabi nilang may mga bilyonaryo sa La Montañosa.Makalipas ang tatlumpung minuto, natanaw ko ang isang kulay puting gate.Ah, so hindi pa ito mismo ang village ng La Montañosa. Napatango ako sa sarili ko. Kunsabagay, napaka-imposible namang ganito lang ang misteryosong village ng mga bilyonaryo.Nang marating namin ang harapan ng gate, bumaba si Nardo at tinungo ang guar

    Last Updated : 2025-01-30

Latest chapter

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 75

    FayeNaghiwalay ang mga labi namin pero ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko.Mabilis pero magaan. Hindi ako natatakot sa nararamdaman ko kay Renz. Kung may ikinakatakot man ako, iyon ang mawala siya sa buhay ko.Hinawakan ni Renz ang pisngi ko at ngumiti siya sa akin. Sumilay rin naman ang ngiti sa aking labi pero nanubig ang mga mata ko. Nagiging emosyonal ako. Masaya ako na nasasaktan.Paano kung naghihirap ang loob niya sa lugar na ito? Paano kung nagpapakatatag lang siya sa harapan ko?His company went bankrupt, he was detained, and he came back here forcefully. But he’s still choosing me to be with him.“Renz, kung nahihirapan ka sa bahay na ito. Pwede tayong tumira sa bahay namin o kung gusto mo magrent na lang tayo. Kung gusto mong bumalik sa La Montañosa, sasama ako sa iyo kahit saan,” wika ko.Lumawak ang ngiti niya. “You want to do our honeymoon in La Montañosa?” Ngumuso ako, “Seryoso ako, kung ayaw mo rito, pwede naman tayong umalis. Renz, sa nalaman ko, hind

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 74

    FayeNagmamadali akong lumabas sa kwarto nang matapos ang almusal namin. Ngayong umiiwas ako kay Renz, ngayon naman siya lumalapit.At lasing ako kagabi pero alam ko ang namagitan sa amin. Naisuko ko ulit sa kanya. Paano ako aakto na business agreement lang ang kasal namin, paano ako iiwas sa kanya?!Nakakahibang!Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, ar narinig ko ang yabag niya sa likod ko kaya nagmamadali kong tinungo ang hagdan. Halos matapilok na ako pababa sa hagdan–“Not too fast, my wife,” sambit niya at hawak na niya ang bewang ko.Tumahip naman ang dibdib ko at napabaling ako sa kanya. Kaagad ko ring nalanghap ang pabango niya. His scent reminds me of his body against mine last night. I blinked my eyes as what happened last night surged in my mind.“Bakit ka ba nagmamadali? May tinatakbuhan ka ba?” tanong niya.“Wa-wala akong tinatakbuha–”Nakagat ko ang labi ko sa inis dahil nabulol ba naman ako.Nanutil ang ngiti sa kanyang labi at nag-init ang pisngi ko sa kahihi

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 73

    LorenzoI stared at my wife, who was sleeping soundly now. I’ve known her since high school, yet she’s still vivid to me as if a decade did not pass between us. I can still recall every detail of my last moment with her when we were in high school before the incident with my parents.When I learned that she had lost her memories of me, I thought it was for the better. I believed that heaven was still with me when He erased her memory because I didn’t want her to remember that tragedy.Yes, it hurt when I found out that she was engaged, but knowing she could have a better life with another man comforted me at least. Yet after so many years of not crossing paths with her, I found that my ex-girlfriend had an affair with her fiancé.It never crossed my mind that she would be cheated on. I always thought no man would hurt a kind woman like her. Sobra akong galit, hindi dahil niloko ako kundi dahil niloko siya. Kaya halos hindi ko na iniisip kung anong kalalabasan ng mga ginawa ko. I too

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 72

    LorenzoTuluyan na ngang hindi ko napigilan ang sarili ko dahil nadala ko na siya sa kama. At nagiging aktibo naman ang asawa ko sa pinagsasaluhan namin.She’s burning me with her touches. And her liquored tongue is turning me on.It’s always been her who makes my heart palpitate into uncountable beats. It’s only her that drives me into the wilderness.She rubbed her palm on my shirt.I stopped, stared at her amusingly.“Love, are you checking if I have abs?” I asked.She’s still tipsy, looking at me. “You can stop me. You know I can’t hold myself.”I smiled playfully, then teased her lips. “Renz, stop me. I decided to let you go and free you. Please-”“You’re wrong timing, I decided not to let you go anymore. Come what may, I’ll hold on to you.”She pouted, squeezing her eyes. “I cannot even stop myself, how can I stop you? Besides, your hands are halfway down my body, withdrawing them is punishable by law,” I firmly said.Kinunutan niya ako ng noo, “What law?”“Law of Honeymoon.”S

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 71

    LorenzoLumukot ang mukha kong nakatingin kay Arthur.“Why did you not call me?” I asked irritably.“Your sister took my phone.”Bumuga ako ng hangin.“Renz, kita mo ang hitsura ko basang-basa dahil sa dalawang ‘to lalo na itong makulit mong kapatid,” inis na ring saad ni Arthur.Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang pinapayungan si Faye. Tinapat na rin ni Arthur ang payong sa kapatid ko.“Halika na,” akay ko ulit kay Faye pero muli niyang hinila ang kamay niya mula sa akin.“Huwag mo akong hawakan,” saad niya. “Lily, let’s go,” dagdag pa niya at may dinampot siya sa damuhan.Natigil ako saglit ng makita ko ang photo album namin.“Sige, Ate.”Tumayo na rin ang kapatid ko at humawak kay Faye. Pipigilan ko na sana sila nang senyasan ako ni Arthur na hayaan sila. Yakap ni Faye ang photo album namin nang humakbang na silla.Nang maglakad na sila pabalik sa mansyon, sumunod na lang kami ni Arthur habang pinapayungan sila.“Ate, sama na lang kita sa dorm ko, gusto mo?”“Pwede mo ba ako

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 70

    LorenzoIlang oras na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Faye sa kwarto. Bumuga ako ng hangin.Ako na naman ang pupunta sa kanya. Sa tuwing makakagawa siya ng pagkakamali, ako pa rin naman ang lalapit sa kanya. Umiling ako. Wala rin namang mapupuntahan ito. Yeah, this is better. We’re not on good terms. It will make it easy for me to dissolve this marriage—I must end this, or we’ll end up hurting each other more.I brushed off my hair frustrated, looking at the window.Napatayo ako ng makita kong umuulan.Tumayo na ako mula sa sofa na kinauupuan ako, deretso akong lumabas sa kwarto. Tsaka ako nagmamadaling bumaba sa hagdan.“Enzo,” natigil ako ng tawagin ako ni Nanay Miriam.“Nay, mamaya na tayo mag-usap,” wika ko at lalabas na sana ako ng magsalita ulit si Nanay Miriam.“Mabait ang asawa mo.”Natigil ako a muli ako napaharap kay Nanay Miriam.“Ang totoo’y ang apo ko talagang si Emma ang nagsimula ng gulo. Kinuha niya ang photo album ng kasal niyo ni Faye at gustong itapon m

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 69

    Faye“Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan,” tuluyan ng nawalan na ako ng pasensya sa kanya.“Hindi ako pumapapel, isa akong Esquivel, nakarugtong na sa pangalan ko kaya may karapatan ako rito. Ikaw? Bukod sa pagiging apo ng mayordoma, ano ka pa rito?” mapa-insulto ko pang tanong.Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa–“Faye.”Tumigil ako at humarap, seryosong nakatingin sa akin si Renz.“Kuya, tulungan mo ako,” lapit kaagad ni Emma kay Renz.Napabuga naman ako ng hangin tsaka ako lumapit sa kanila.“Pinapatapon mo raw ito. Bakit hindi niyo na lang itapon na magkasama para pareho kayong ma-satisfy,” wika ko at sinaksak ko sa dibdib niya ang photo album ng kasal namin.Tsaka ako nagmartsa papasok sa loob ng mansyon.Nang pumasok ako sa kwarto, nanginginig pa rin ang kamay ko sa galit. Tumaas-baba ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.“Hindi ka dapat nagbitiw ng ganung salita,” rinig kong sabi kaagad ni Renz.“A

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 68

    FayeNamumula pa rin ang mga mata ko at pisngi ko nang makarating ako sa Casa Blanca. Tumuloy ako sa mansion kaya tinatago ko na lang ang mukha ko nang hindi makita ng mga katulong. Kase kapag nakita nila ang hitsura ko, magiging ugong na naman ito ng usapan sa Casa.Alam ko na sila ang pinanggalingan ng usapan na linayasan ako ni Renz sa mismong gabi ng honeymoon namin.Hindi alam ni Renz na laman kami ng usapan dito sa Casa at umaabot na nga sa labas. Kung alam niya lang na umaakto ako na parang wala akong naririnig at nagtitiis na lang kapag naririnig ko ito. Sa kabila ng pag-iwas niya sa akin, pinipili ko pa rin na makita siya at maayos kami pero wala, hindi ko alam kung anong gusto niya.Kaya kahit gusto kong manatili dun sa shop kanina at kausapin pa siya, pinili kong umuwi na lang. Nakakasakit. Nakikita ko sa kanya na wala akong panghahawakan.Napatigil ako at napabuga na lang ng hangin. May patutungahan pa ba ito?Napahilamos ako sa mukha ko. “Akin na ito, sabe! Kapal ng mu

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 67

    FayeHindi siya bumitiw sa titig sa akin, bahagya naman akong lumayo. “Pinagsasabi mo ba?” naguguluhan kong tanong.“Alam mo Faye kapag ako talaga hindi nakapagpigil, mawawalan talaga ako ng pakialam sa kalalabasan ng lahat ng ito,” mariin niya pahayag.Nagtagpo naman ang mga kilay ko at masinsinan ko na siyang tinitigan.“Ano ba kasi tinutukoy mo? Ba’t ka na naman galit?” mahinahon kong tanong.Hindi siya nakasagot, nakatitig lang sa akin na parang may gustong sabihin, gustong gawin. At nakakatensyon ang kinikilos niyang ito.Teka nga lang, ako na nga lang mag-analyze sa sinabi niya. Para talaga akong nagku-quiz pagdating sa pag-alam sa kanyang kaisipan.Okay, nagpipigil siya. Anong pinipigilan niya?Naging makahulugan ang titig ko sa kanya–Kung hindi siya makakapagpigil, mawawalan siya ng pakialam?Kapagkuwan,nagbitiw siya ng mata at kaagad din siyang tumayo. Mabilis ko naman na hinawakan ang kamay niya at pinigilan siya.“Wait,” tigil ko sa kanya pagkatapos kong mabuo sa isipan ko

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status