Share

Chapter 5

Penulis: Felicidad
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-22 18:16:44

Faye

Nagising ako sa pag-uga ng katawan ko.

Ilang ulit akong kumurap sa liwanag na bahagyang nakikita ko sa harapan.

Hanggang sa tuluyang naka-adjust ang mga mata ko, napagtanto ko na nakasakay ako sa sasakyan.

Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang kirot mula rito.

“May gamot at tubig diyan sa gilid mo. Inumin mo ’yan para gumaan ang pakiramdam mo,” aniya.

Bumuga ako ng hangin bago ginilid ang ulo ko.

Prenteng nagmamaneho ang hudas na lalaki.

“Ang bait naman pala ng kidnapper ko,” mapang-uyam kong saad.

Umismid siya. “You’re welcome,” tipid niyang sagot.

Umawang ang labi ko dahil sa namumuong inis ko sa kanya.

“Pwede ba, pakawalan mo na ako.”

“Sure ka? Pulos bundok ang tinatahak nating daan. Maraming nilalang ang naninirahan sa mga kagubatan na ’yan.”

“Hindi ako takot sa multo.”

“Tao ang tinutukoy ko, Faye.”

“Wala akong pakialam, pakawalan mo ako ngayon din.”

Saglit siyang bumaling sa akin bago muling ibinalik ang mata sa daan.

Kapagkuwan, bumagal ang sasakyan.

“Okay, sabi mo ’yan, eh,” wika niya at iginilid ang sasakyan.

“Go,” iminuwestra niya ang kamay niya sa pinto ng sasakyan.

Lumukot ang labi ko sa galit ko sa kanya. Tumingin ako sa labas ng bintana—masukal na gubat at matataas na bundok sa malayo.

Bumaling ako sa kanya. “Ibalik mo ako sa Manila.”

“Ayoko nga.”

Kinapa ko ang bote ng tubig sa gilid ko, binuhat ito, at hinampas sa kanya.

“Kinuha mo ako, tapos pabababain mo ako dito! Demonyo ka talaga! Wala kang puso!”

Sinalag niya ang bote ng tubig.

“Ikaw ang gustong bumaba. Mahirap naman kung pipigilan kita.”

Idiniin ko ang kamay ko sa bote.

“Matapang kang sabihin ’yan dahil alam mong hindi ko makakayanang bumaba sa liblib na lugar na ito!”

“Alam mo naman pala.”

Nanggigil ako sa bote bago ko ito binitawan.

“Sana makarating ka sa patutunguhan mo at makatulog ka ng payapa pagkatapos mong kunin ang isang babae at abandunahin sa gitna ng kabundukan!” sigaw ko bago marahas na binuksan ang pinto ng sasakyan.

Nagmartsa ako palayo.

Tumigil lang ako nang marinig ko ang tunog ng sasakyan na papalayo.

Nakagat ko ang labi ko sa galit.

Mangiyak-ngiyak akong luminga sa paligid ko.

Pero hinakbang ko rin ang mga paa ko.

Kayang-kaya mo ’to, Faye! Matapang ka! Wala kang inuurungan—

Muli akong napatigil nang makarinig ako ng kaluskos sa gilid.

“Hangin lang ’yan, Faye… Hangin lang…” ilang ulit kong sinabi sa sarili ko habang pinagpatuloy ko ang paglalakad.

“God, please, protect me.”

Yinakap ko ang sarili ko dahil ramdam ko ang lamig.

Pero tuluyan akong napatigil nang makarinig ng sipol.

Kasunod nito ang yabag sa likuran ko—

“Tulungan n’yo ako!!!” sigaw ko at mabilis akong tumakbo.

Naiyak ako nang maabutan ako ng kung sino at mahigpit na hinawakan ang pulsuhan ko.

“Tulungan n’yo ako!!!” sigaw ko habang nagpupumiglas.

“Hey, it’s me.”

Natigil ako at napatingin sa kanya. Hindi ako nakapagsalita dahil hinahabol ko pa ang hininga ko.

Humugot ako ng malalim na hininga, bumwelo, at sinuntok ko siya ng paulit-ulit.

“Gago ka! Bwisit ka!”

“Hoy-hoy! Bakit ka na naman nananakit?!”

“Kinuha mo na nga ako, pinaglalaruan mo pa ako!”

Hindi ako nakapagpigil; natadyakan ko rin siya.

“Akala ko umalis ka na talaga.”

Sinalag niya ang kamay ko. “I just wanted you to taste your own medicine. Ang tigas kasi ng ulo mo.”

Tumigil ako at tiningnan siya ng masama. “Ako pa talaga ang matigas ang ulo? Ikaw nga itong sapilitan akong kinuha! Sino ka ba, ha?! Ang lakas ng loob mong gawin ’to!”

“I’m Lorenzo Del Mundo. I’m twenty-eight years old, and I own L.D.M. Logistics. And I’m currently living at La Montañosa.”

Tameme ako sa sinabi niya. Tinakpan ko ang noo ko sa inis bago ko siya tiningnan ulit.

“Seryoso ka? Nagpakilala ka pa talaga sa gitna ng kagubatan? Anong ine-expect mo?”

Nagkibit-balikat siya.

“Nice to meet you, Mr. Lorenzo Del Mundo of La Montañosa. Ganun ba?” mapang-uyam kong saad.

Natigil ako.

La Montañosa? Ang eksklusibong village ng mga bilyonaryo?

“Ganyan ka kadesperadong maghiganti? Gagamitin mo pa ang La Montañosa?”

Hinilot niya ang sentido niya.

“Nauubos na ang pasensya ko.”

“Ako rin! Ubos na ang pasensya ko sa ’yo! Alam ko, broken ka, nasaktan ka at naloko ka! Pero ba’t mo ako idadamay, ha?!”

Muli akong umipon ng hininga at binuga ito.

“Naloko rin ako, and take note, nalaman ko pa ang panloloko niya sa mismong araw ng kasal namin. Sino sa atin ngayon ang mas broken?!”

Nanggigigil ko siyang tiningnan, dahil tuluyan na akong sumabog.

“Tapos heto ako, nasa gitna ng kabundukang ito. Sige, sabihin mo sa akin kung sino ang nakakaubos ng pasensya?”

“Pumasok ka na sa sasakyan, o iiwan kita rito.”

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Sa dami ng sinabi ko, iyon lang ang sinabi niya.

“Ano ’yun?” turo niya sa likuran ko.

Mabilis akong napakapit sa kanya.

Maikli siyang natawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Sige na, umuwi ka na sa inyo. Bigyan kita ng pamasahe mo.”

“Bwisit ka talaga! Kidnapper ka!”

“Kidnapper? Kapit na kapit ka nga sa akin.”

Binitawan ko siya. Sumabay naman ang malakas na ihip ng hangin na sumisipol pa ito. Kaya mabilis din akong kumapit sa kanya.

“Bumalik na tayo sa loob ng sasakyan,” untag niya sa akin.

Humakbang na siya; humakbang din ako na nakakapit pa rin sa kanya.

“Kita mo na, gusto mo lang yata akong mayakap,” puna niya.

“Excuse me! Nakakatakot lang dito sa lugar na pinaglagyan mo sa akin!”

“All right, para wala kang masabi,” wika niya sabay ikot ng kamay niya sa bewang ko.

Natigil ako sa ginawa niya.

“You don’t need to do that,” utal ko.

“Ano sabi mo?” lapit niya ng mukha niya sa akin.

Tinulak ko siya at dali-dali na akong pumasok sa loob ng sasakyan.

“Ngayon lang ako nakakita ng taong nakidnap na malayang nakakagalaw,” narinig kong sabi niya.

Inirapan ko siya.

Nagitla ako nang dumukwang siya at hilain ang seatbelt na nasa gilid ko.

“I can do it myself,” sabi ko habang inaayos niya ito.

“Alam ko,” sagot niya.

Tumingin siya sa akin. Napaatras ako nang magkalapit ang mga mukha namin.

Nagdikit ang labi ko nang bumaba ang tingin niya rito.

Humugot siya ng malalim na hininga habang titig na titig siya sa labi ko.

Nakahinga ako ng malalim nang umayos na rin siya ng upo.

Tahimik naman akong napatingin sa labas.

Kapagkuwan, bumaling din ako sa kanya.

Nakatuon ang kanyang atensyon sa daan.

Para bang hindi siya naaapektuhan sa panloloko sa kanya ng dalawa.

He keeps moving forward—

"Baka matunaw na ako niyan."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 93

    FayeInaya ko na si Renz na umupo at pinainom ko na rin siya ng tubig. Pero nanatili siyang tahimik.I’ve always thought that he is a straightforward man. Sasabihin niya ang gusto niyang sasabihin. Hindi siya nagpapapigil pero sa pagkakataon na ito, hindi siya umiimik.“Ang talas pala ng memorya mo,” basag ko sa katahimikan.Nakuha ko naman ang atensyon niya at tumingin sa akin.Gumalaw ang ulo ko at nginuso ang mga rosas na nasa mesa, “Naalala mo ang paborito kong kulay at rosas,” wika ko“I appreciate your effort so don’t feel bad about it,” sabi ko pa at kinuha ko na ulit ang mga rosas.Muli akong ngumiti habang hawak ko na ang mga ito. Sapat na sa akin iyong maalala niya ang gusto ko.Bumaling ako sa kanya nang tanggalin niya ang suot niyang necktie. Nakasunod ang mga mata ko sa kanya ng ginamit niya ito para talian ang mga rosas na hawak ko. Sa dami naman talaga kaseng binigay sa akin, makakabuo talaga kami ng isang bungkos.“Thank you,” sambit ko matapos niyang higpitan ito.Tu

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 92

    FayeAng reaksyon ng mga bisita ay higit pa sa inaasahan ko, lahat ay excited na makita ng malipatan ang collection. Naging abala na nga ang staff ng casa sa paglilista ng pre-order ng lahat. Natutuwa naman akong pinapanood sila hanggang sa inaya ako ni Renz na makipag-usap sa mga bisita. Sa mga reaksyon naman nila sa amin mukhang satisfied naman sila sa naging event. Tsaka lang ako nakaupo ng haharapin na namin ang mga reporter dahil sinabihan ako ni Renz na siya na ang kakausap sa kanila. Hinayaan ko naman na siya at tahimik kong pinanood ang mga bisitang nagsisi-uwian na rin. Hanggang sa hindi ko namalayang naka-idlip na ako, paggising ko wala na akong makitang tao kaya napatayo ako kagagad. Bumaba ang mata ko ng may naramdaman akong nahulog mula sa balikat ko. Dinampot ko ito ng makita kong suit ni Renz ang nalaglag mula sa akin.Luminga ako sa paligid para hanapin siya. Maluwag naman akong nakahinga ng makita ko siya sa stage nakahawak ng mic pero nakatalikod sa akin. Nangunot

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 91

    FayeSa mga sumunod na araw, walang tigil na ang pagtatrabaho namin sa production ng Timeless Flame collection at pati na rin ang paghahanda ng launching nito.Hanggang sa dumating na nga ang mahalagang araw sa amin.Sumilip ako mula sa backstage ng banquet hall. Dinekorahan ng staff ng Casa Blanca ang buong lugar at nakaayos ng mabuti ang mga mesa pero ninenerbyos ako sa pagkakita ko ng mga prominenteng personalidad—art collectors, kilalang negosyante, mga lifestyle editors, at ilang celebrities na kilala sa pagkahilig sa artisan pieces. At napalunok na lang ako ng makita kong nakapuwesto rin ang mga reporter sa isang mahabang lamesa—may mga kamera, notepad, at ang mausisa nilang mga mata.“Faye.”Umatras naman ako at humarap. Ngumiti ako ng makita ko si Renz, lumapit naman siya sa akin. Nakasuot siya ng dark navy suit na lalong nagpatingkad sa kanyang tindig. "Handa ka na?" tanong ko pero ako ang kinakabahan.Marahang hinawakan niya ang kamay ko at tumango sa akin.“Mabuti kung ga

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 90

    FayeMadaling-araw na ng maisipan na namin ng asawa ko na bumalik sa loob at matulog. Kaya naman, naalimpungatan lang ako ng papaalis na siya.“Hubby…” hila ko sa kamay niya.“You need something?” tanong niya. Umiling ako, medyo tulog pa ang isipan ko.“Sinabihan ko na si Nay Miriam sa almusal at pananghalian mo. Huwag ka munang tumulong sa baba. Just rest, okay?”Tumango ako habang bumababa na ulit ang talukap ng mga mata ko.“I’ll go now,” narinig kong sabi niya.Naramdaman ko muna nang halikan niya ang noo ko bago ako dalawin ulit ng tulog.Bandang alas diyes ng umaga ng magising ako. Nag-inat muna ako ng katawan at nag-ayos ng sarili ko bago ako bumaba sa komedor.Nagulat na lang ako nang mapansin ko ang todong pag-aasikaso ng mga kasambahay sa akin.“Anong nangyayari?” naguguluhan kong tanong kay Berna.“Anong–anong nangyayari ma’am? May nangyayari ba ma’am?”“Jusko ka, Berna, umayos ka nga,” puna ni Manang Pacing kay Berna at lumapit na siya sa akin.“May masakit ba sa iyo, m

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 89

    FayeNakasandal ako sa dibdib ng asawa ko pagkatapos ang walang-sawang pagtatalik namin. “Wag ka munang lumabas bukas,” wika niya sa akin kapagkuwan.Tiningala ko siya, “Bakit?” tanong ko.“You need to rest,” sagot niya naman.“Makapagpapahinga na ako mamaya, kinukuha ko na lang ang tulog ko,”“Wife, what we did took a lot of strength from you. At…”“At?”“At mahihirapan kang makalakad bukas.”Nanlaki ang mga mata ko, “Grabe ka naman, makakalakad pa rin naman ako. Malakas ako no,” sabi ko at bumangon na ako–Bahagyang umawang ang labi ko nang makaramdam ako ng kirot sa pagkababae ko.“Wife–”Bumaling ako sa kanya at nakangiwi akong tumingin sa kanya.Kaagad siyang bumangon at dinaluhan ako.He massaged my waist down to my thighs, even reaching my lips to kiss me.. “Gusto kong makita rin iyon pagseset-up niyo ng timeless flameless,” sabi ko.Mabilis siyang tumutol.“Hubby…”sambit ko at ngumuso sa kanya.“Sunduin kita sa hapon at tingnan mo na lang ang finish product,” suko niya at h

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 88

    FayeLinukob ako ng makamundong pagnanasa ng simulan ng asawa kong romansahin ang kahubdan ko. Hinalikan niya ang pisngi ko papunta sa taenga ko. Naipikit ko ang mga mata ko at naging senswal ako sa bawat galaw ng labi niya. “Renz….” anas ko nang dumausdos pababa ang labi niya. Ramdam ko ang basa ng dila niya sa balat ko.“Ummmm…” kagat-kagat ko ang labi ko nang maabot na niya ang dibdib ko at dilaan ang utong ko. Sinubo niya ang kabuuan at sinipsip ito ng paulit-ulit.Umarko ang likod ko, “Ohhhhhhh….Ohhhhhhh….Ohhhhh…”Nanggigil ang labi ko nang pumintig ang pagkababae ko dahil sinapo na ito ng isang kamay niya.Mas lalo lang akong nakaramdam ng antisipasyon, para akong nasilaban at hindi na makahintay.When he switched to my other breast, he also inserted his two fingers in my mound simultaneously, bringing pleasure to me.Umawang ang labi ko sa rumagasang sensasyon sa kalooban ko. Subo-subo niya ang suso ko habang nilalaro ng mga daliri niya ang kaselanan ko.“Renz…ohhhhhhh,” ung

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status