Faye“Anak..”“Mom, hayaan niyo na ako.”Hinawakan ni mommy ng mahigpit ang kamay ko, “Paano ang lalaking iyon?” tanong sa akin ni mommy.Umiwas ako ng tingin pero muli akong pinaharap ni mommy, “Faye, you need to think again, or else you’ll regret this everyday.”Mapait akong ngumiti, “Akala ko ba ayaw niyo sa lalaking hindi ko kilala,”Nangungusap ang mga mata ni mommy na tumitig sa akin, “Alam mo ba kung gaano ako nagulat ng lumuhod ka sa Daddy mo para sa lalaking iyon. Ilang araw kaming hindi nakatulog ng Daddy mo dahil sa ginawa mo,”“Kaya nga mommy, nagsisisi ako na ginawa ko iyon, lalo ko lang kayong sinaktan. Hindi ko dapat iyon ginawa, mali ako–”Umiling sa akin si mommy, “Unang beses ka naming nakita ka sa ganoong estado, puno ng emosyon ang mga mata at kayang gawin ang lahat para sa isang tao. Siguro hindi mo pa napapagtanto ngayon pero sinasabi ko sa iyo anak, may malaking parte na ang lalaking iyon sa puso mo.”Ako naman ang napailing sa sinabi ni mommy, “Nahumaling lang
Faye Pagkatapos niyang tanungin ito, bigla na lang siyang tumayo at humakbang paalis. “Renz, saan ka pupunta?” tanong ko. “Let’s talk about this later, this is not the right time for it. Mag-isip ka munang mabuti, Faye,” sabi niya. “Renz, stay. This might be the last time I’ll see you–” Hinarap niya ako ako at mapakla siya tumawa, “So you’re here to cut me.” Hindi ako kaagad nakasagot, tumango siya. “Okay, then, I hope this is the last time we’ll see each other,” pahayag niya at tinalikuran na niya ulit ako. Mabilis naman akong tumayo at hinawakan ang kamay niya. “Renz, mag-usap muna tayo, wala pa namang thirty minutes–” Tinignan niya ako, “Iba ka rin talaga, gusto mong kausapin pa rin kita pagkatapos ng mga sinabi mo sa akin. Do I look like a pushover person to you, Faye?” tanong niya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit. Binitiwan ko ang kamay niya, “I’m sorry,” “I was a fool to believe your words,” saad niya. “I don’t have a choice, Renz,” nagsusumamo kon
Faye Mariin ang pagkakakuyom ng mga kamay ko habang deretso ko ng sinalubong ang mga mata ni Don Esquivel. “Tutulungan niyo ba talaga siya?” “Kung gusto mo, gumawa tayo ng kontrata, iha. Kung hindi ko tutuparin ang pangako ko, malaya mong putulin ang ugnayan natin. But still, you’ll still be our supplier of boxes,” wika ni Don Esquivel. Kumilos naman ang sekretaryo, umupo siya sa kanyang sarili lamesa at nagsimula na siyang magtipa sa laptop niya. Mbailis ang mga kamay ng sekretaryo na tinipa ang mga sinabing kondisyon ni Don Esquivel kasama na ang mga kondisyon ko rin. Ilang sandali lamang, natapos na ng sekretaryo ang kontrata. Naunang pumirma si Don Esquivel tsaka binigay sa akin ng sekretaryo. Binasa ko naman ang papel, nakita ko naman ang nakasaad na magiging supplier nila ang shop namin. Tutulungan din kami ni Don Esquivel na mabawi ang kumpanya. Nabanggit din ang pangalan ni Renz. Tapos ko ng basahin ito pero nanatili akong nakatitig dito. Kapag pinirmahan ko
FayeWala akong mahanap sa salita, at nanatili akong tahimik.“Mas mabuting isuot mo ito mamaya, Ate. Baka plinano ring imbitahin ni Don Esquivel ang mga Villanueva.”“Tapusin lang namin iyon, at aalis na tayo, Ate.”Tumitig ako sa singsing. Esquivel is a prominent and a respectable name in industry. At kapag sinuot ko ito, walang magtatangkang ipahiya ako sa harap ng lahat. Kahit ang mga Villanueva ay hindi tatangkain na banggain kami.Naiintindihan ko na ngayon ang tinutukoy ni Don Esquivel na regalo sa akin.“Tapusin lang namin iyon, at aalis na tayo, Ate.”Tumango ako sa kapatid ko.Muli kong tinitigan ang singsing, kapag dumalo ako sa party na suot ito, tuluyan na akong hindi makakaatras. At ang kinakatakutan ko ngayon ay ang kalimutan si Renz.He’s the person I don’t want to forget.Hinila ko ang sketchbook ko at nagsimula akong magsulat. Gusto kong itanim si Renz sa buong pagkatao ko. Nang matapos kong isulat ito, tinanggal ko ang papel sa sketchbook at tinupi ito tsaka ko inil
FayeHinihingal akong nakarating sa labas pero hindi ko na naabutan si Renz. Luminga ako sa paligid pero hindi ko na siya makita.Tumakbo na naman ulit ako para hanapin siya. Pero hindi ko pa rin talaga siya makita.Tumigil ako at ilang ulit akong huminga. Nasapo ko ang noo ko.Namalik-mata lang ba ako kanina? Pero nakita ko talaga siya kanina, mukha niya at tindig niya ang nakita ko, hindi ako pwedeng magkamali.“How did you get out of the detention facility?”Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa gawi ng parking lot. Mabilis akong lumapit ng makita ko si Renz kaharap si Chadrick.“I don’t have time for you, bastard,” malutong na mura sa kanya ni Renz at akmang aalis na sana siya ng muling magsalita si Chadrick.“You’re not only a kidnapper, you turned into a criminal on the run. Look, you’ll not get away from your crime,” wika pa niya at inilabas na niya ang cellphone niya at plano yatang tumawag ng pulis.Lumapit ako at mabilis kong inagawa sa kanya ang cellphone niya.“Ganito
FayeSandali kong naipikit ang mga mata ko ng nagmura siya bago ko nagawa sinalubong ang mga mata niyang puno ng galit.“Kaya pala ganun ang mga binitawan mong salita sa akin nang dumalaw ka dahil plano mong magpakasal sa iba. Sana sinabi mo na lang sa akin ang totoo kesa iyong nagmukha pa akong tanga.”“I don’t owe you any explanation, Mr. Del Mundo. Umalis ka na at huwag mo na akong guluhin pa,” wika ko. Kailangan kong magpakatatag sa harapan niya at paalisin siya sa mas madaling panahon dahil nanghihina na ako at konti na lang bibigay na ako. Hindi ko kinakaya ang galit sa akin ngayon ni Renz.Mapakla siyang tumawa. “You just threw me out of your life, just like that.”Kinagat ko ang gilid ng pisngi ko habang pinilit ko ang sarili kong tignan siya ng diretso, at walang emosyon sa mga mata ko.“Were you expecting that I’ll throw my life away for a man I’d just met and only spent days with him.”Umatras si Renz, napansin ko kaagad ang sakit na dumaan sa kanyang mga mata.“Since naka
FayeMula sa madilim na kwarto na kinatatayuan namin, natanaw ko si Don Esquivel sa entablado. Nagbigay siya ng ilang salitang pagbati at pasasalamat sa mga bisita. Narinig ko naman ang palakpakan ng lahat sa ibaba.“Ang totoo’y, matagal ko ng pinapangarap ang gabing ito,” saglit na umikot ang tingin ni Don Esquivel at malungkot siyang ngumit.“Madalas naming pinag-uusapan ng kaibigan kong si Vicente ang pag-uugpong ng aming mga pamilya sa pamamagitan ng aming mga apo,” pagpapatuloy ni Don Esquivel.Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Habang napuno na ng usapan ang bulwagan. Tumigil lang sila ng muling magsalita si Don Esquivel."Ngunit ito’y nanatiling aking pangarap dahil maagang binawian ng buhay ang kaibigan ko... at ang kanyang apo— ay ipinagkasundo sa ibang pamilya para sa isang kasal... kaya akala ko'y tapos na ang lahat,” may bahid na lungkot sa boses ni Don Esquivel habang kinukwento niya ito.Naalala ko naman ang araw na namatay si Lolo. Isang taon lamang na nawala si
Faye "I don't know what you're saying," matigas ko pa rin namang sagot sa kanya. Kailangan kong panindigan itong desisyon ko, or else magiging katawa-tawa talaga ako sa lahat lalo na kay Renz. Pinili ko ang pamilya ko. Kailangan kong tanggapin ang kinalabasan nito. Haharapin ko kahit pa ang galit sa akin ni Renz. "Really?" mapang-uyam niyang tanong. Bumaling naman ako sa kanya. "Yes," deretsahan kong sagot. "Galingan mo sa larong ito, Faye." Nginitian ko siya kaya mas lalo lang na kumulo ang dugo niya sa akin. Sa buong party, puro pang-iinsulto ang natanggap ko mula kay Renz pero hindi ako nagpatinag. Lalo na't nakita ko si mommy na kinakausap siya ng marami.Pinakilala naman kami ni Don Esquivel sa mga bisita niya. Alam kong may ibang nakakakilala sa amin pero lahat sila piniling manahimik. Kahit nga ang pamilya ni Chadrick, kita ko sa mga mata nila ang inis pero naging pipi sila sa harap ni Don Esquivel.Ganito ka-impluwensiya ang pangalang Esquivel. Lahat napapayu
FayeNaghiwalay ang mga labi namin pero ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko.Mabilis pero magaan. Hindi ako natatakot sa nararamdaman ko kay Renz. Kung may ikinakatakot man ako, iyon ang mawala siya sa buhay ko.Hinawakan ni Renz ang pisngi ko at ngumiti siya sa akin. Sumilay rin naman ang ngiti sa aking labi pero nanubig ang mga mata ko. Nagiging emosyonal ako. Masaya ako na nasasaktan.Paano kung naghihirap ang loob niya sa lugar na ito? Paano kung nagpapakatatag lang siya sa harapan ko?His company went bankrupt, he was detained, and he came back here forcefully. But he’s still choosing me to be with him.“Renz, kung nahihirapan ka sa bahay na ito. Pwede tayong tumira sa bahay namin o kung gusto mo magrent na lang tayo. Kung gusto mong bumalik sa La Montañosa, sasama ako sa iyo kahit saan,” wika ko.Lumawak ang ngiti niya. “You want to do our honeymoon in La Montañosa?” Ngumuso ako, “Seryoso ako, kung ayaw mo rito, pwede naman tayong umalis. Renz, sa nalaman ko, hind
FayeNagmamadali akong lumabas sa kwarto nang matapos ang almusal namin. Ngayong umiiwas ako kay Renz, ngayon naman siya lumalapit.At lasing ako kagabi pero alam ko ang namagitan sa amin. Naisuko ko ulit sa kanya. Paano ako aakto na business agreement lang ang kasal namin, paano ako iiwas sa kanya?!Nakakahibang!Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, ar narinig ko ang yabag niya sa likod ko kaya nagmamadali kong tinungo ang hagdan. Halos matapilok na ako pababa sa hagdan–“Not too fast, my wife,” sambit niya at hawak na niya ang bewang ko.Tumahip naman ang dibdib ko at napabaling ako sa kanya. Kaagad ko ring nalanghap ang pabango niya. His scent reminds me of his body against mine last night. I blinked my eyes as what happened last night surged in my mind.“Bakit ka ba nagmamadali? May tinatakbuhan ka ba?” tanong niya.“Wa-wala akong tinatakbuha–”Nakagat ko ang labi ko sa inis dahil nabulol ba naman ako.Nanutil ang ngiti sa kanyang labi at nag-init ang pisngi ko sa kahihi
LorenzoI stared at my wife, who was sleeping soundly now. I’ve known her since high school, yet she’s still vivid to me as if a decade did not pass between us. I can still recall every detail of my last moment with her when we were in high school before the incident with my parents.When I learned that she had lost her memories of me, I thought it was for the better. I believed that heaven was still with me when He erased her memory because I didn’t want her to remember that tragedy.Yes, it hurt when I found out that she was engaged, but knowing she could have a better life with another man comforted me at least. Yet after so many years of not crossing paths with her, I found that my ex-girlfriend had an affair with her fiancé.It never crossed my mind that she would be cheated on. I always thought no man would hurt a kind woman like her. Sobra akong galit, hindi dahil niloko ako kundi dahil niloko siya. Kaya halos hindi ko na iniisip kung anong kalalabasan ng mga ginawa ko. I too
LorenzoTuluyan na ngang hindi ko napigilan ang sarili ko dahil nadala ko na siya sa kama. At nagiging aktibo naman ang asawa ko sa pinagsasaluhan namin.She’s burning me with her touches. And her liquored tongue is turning me on.It’s always been her who makes my heart palpitate into uncountable beats. It’s only her that drives me into the wilderness.She rubbed her palm on my shirt.I stopped, stared at her amusingly.“Love, are you checking if I have abs?” I asked.She’s still tipsy, looking at me. “You can stop me. You know I can’t hold myself.”I smiled playfully, then teased her lips. “Renz, stop me. I decided to let you go and free you. Please-”“You’re wrong timing, I decided not to let you go anymore. Come what may, I’ll hold on to you.”She pouted, squeezing her eyes. “I cannot even stop myself, how can I stop you? Besides, your hands are halfway down my body, withdrawing them is punishable by law,” I firmly said.Kinunutan niya ako ng noo, “What law?”“Law of Honeymoon.”S
LorenzoLumukot ang mukha kong nakatingin kay Arthur.“Why did you not call me?” I asked irritably.“Your sister took my phone.”Bumuga ako ng hangin.“Renz, kita mo ang hitsura ko basang-basa dahil sa dalawang ‘to lalo na itong makulit mong kapatid,” inis na ring saad ni Arthur.Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang pinapayungan si Faye. Tinapat na rin ni Arthur ang payong sa kapatid ko.“Halika na,” akay ko ulit kay Faye pero muli niyang hinila ang kamay niya mula sa akin.“Huwag mo akong hawakan,” saad niya. “Lily, let’s go,” dagdag pa niya at may dinampot siya sa damuhan.Natigil ako saglit ng makita ko ang photo album namin.“Sige, Ate.”Tumayo na rin ang kapatid ko at humawak kay Faye. Pipigilan ko na sana sila nang senyasan ako ni Arthur na hayaan sila. Yakap ni Faye ang photo album namin nang humakbang na silla.Nang maglakad na sila pabalik sa mansyon, sumunod na lang kami ni Arthur habang pinapayungan sila.“Ate, sama na lang kita sa dorm ko, gusto mo?”“Pwede mo ba ako
LorenzoIlang oras na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Faye sa kwarto. Bumuga ako ng hangin.Ako na naman ang pupunta sa kanya. Sa tuwing makakagawa siya ng pagkakamali, ako pa rin naman ang lalapit sa kanya. Umiling ako. Wala rin namang mapupuntahan ito. Yeah, this is better. We’re not on good terms. It will make it easy for me to dissolve this marriage—I must end this, or we’ll end up hurting each other more.I brushed off my hair frustrated, looking at the window.Napatayo ako ng makita kong umuulan.Tumayo na ako mula sa sofa na kinauupuan ako, deretso akong lumabas sa kwarto. Tsaka ako nagmamadaling bumaba sa hagdan.“Enzo,” natigil ako ng tawagin ako ni Nanay Miriam.“Nay, mamaya na tayo mag-usap,” wika ko at lalabas na sana ako ng magsalita ulit si Nanay Miriam.“Mabait ang asawa mo.”Natigil ako a muli ako napaharap kay Nanay Miriam.“Ang totoo’y ang apo ko talagang si Emma ang nagsimula ng gulo. Kinuha niya ang photo album ng kasal niyo ni Faye at gustong itapon m
Faye“Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan,” tuluyan ng nawalan na ako ng pasensya sa kanya.“Hindi ako pumapapel, isa akong Esquivel, nakarugtong na sa pangalan ko kaya may karapatan ako rito. Ikaw? Bukod sa pagiging apo ng mayordoma, ano ka pa rito?” mapa-insulto ko pang tanong.Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa–“Faye.”Tumigil ako at humarap, seryosong nakatingin sa akin si Renz.“Kuya, tulungan mo ako,” lapit kaagad ni Emma kay Renz.Napabuga naman ako ng hangin tsaka ako lumapit sa kanila.“Pinapatapon mo raw ito. Bakit hindi niyo na lang itapon na magkasama para pareho kayong ma-satisfy,” wika ko at sinaksak ko sa dibdib niya ang photo album ng kasal namin.Tsaka ako nagmartsa papasok sa loob ng mansyon.Nang pumasok ako sa kwarto, nanginginig pa rin ang kamay ko sa galit. Tumaas-baba ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.“Hindi ka dapat nagbitiw ng ganung salita,” rinig kong sabi kaagad ni Renz.“A
FayeNamumula pa rin ang mga mata ko at pisngi ko nang makarating ako sa Casa Blanca. Tumuloy ako sa mansion kaya tinatago ko na lang ang mukha ko nang hindi makita ng mga katulong. Kase kapag nakita nila ang hitsura ko, magiging ugong na naman ito ng usapan sa Casa.Alam ko na sila ang pinanggalingan ng usapan na linayasan ako ni Renz sa mismong gabi ng honeymoon namin.Hindi alam ni Renz na laman kami ng usapan dito sa Casa at umaabot na nga sa labas. Kung alam niya lang na umaakto ako na parang wala akong naririnig at nagtitiis na lang kapag naririnig ko ito. Sa kabila ng pag-iwas niya sa akin, pinipili ko pa rin na makita siya at maayos kami pero wala, hindi ko alam kung anong gusto niya.Kaya kahit gusto kong manatili dun sa shop kanina at kausapin pa siya, pinili kong umuwi na lang. Nakakasakit. Nakikita ko sa kanya na wala akong panghahawakan.Napatigil ako at napabuga na lang ng hangin. May patutungahan pa ba ito?Napahilamos ako sa mukha ko. “Akin na ito, sabe! Kapal ng mu
FayeHindi siya bumitiw sa titig sa akin, bahagya naman akong lumayo. “Pinagsasabi mo ba?” naguguluhan kong tanong.“Alam mo Faye kapag ako talaga hindi nakapagpigil, mawawalan talaga ako ng pakialam sa kalalabasan ng lahat ng ito,” mariin niya pahayag.Nagtagpo naman ang mga kilay ko at masinsinan ko na siyang tinitigan.“Ano ba kasi tinutukoy mo? Ba’t ka na naman galit?” mahinahon kong tanong.Hindi siya nakasagot, nakatitig lang sa akin na parang may gustong sabihin, gustong gawin. At nakakatensyon ang kinikilos niyang ito.Teka nga lang, ako na nga lang mag-analyze sa sinabi niya. Para talaga akong nagku-quiz pagdating sa pag-alam sa kanyang kaisipan.Okay, nagpipigil siya. Anong pinipigilan niya?Naging makahulugan ang titig ko sa kanya–Kung hindi siya makakapagpigil, mawawalan siya ng pakialam?Kapagkuwan,nagbitiw siya ng mata at kaagad din siyang tumayo. Mabilis ko naman na hinawakan ang kamay niya at pinigilan siya.“Wait,” tigil ko sa kanya pagkatapos kong mabuo sa isipan ko