Share

Chapter 15 - XIANCE's POV

Kasabay ng papalubog nang araw, andito ako mula sa aking bintana. Nakatulala at hawak sa aking paboritong gitara. Kumakanta ng paboritong kanta.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni muni, ng makarinig ako ng tawanan mula sa baba ng aking bintana. Dalawang batang babae na sa tingin ko ay kaedaran ko lamang.

Naglalaro sila sa tabi ng aming bahay, sa malawak na bakuran sa kanilang tahanan.

"Sila yata yung bagong lipat, " sabi ko sa isip.

Binitawan ko ang gitara at lumapit sa tabi ng bintana para matanaw ng ayus yung mga batang babaeng naglalaro.

Sa tingin ko baseball yung kanilang ginagawa dahil may hawak yung isang bata nang bola at ibabalibag ito sa isang batang babae.

Tuwang tuwa sila sa kanilang ginagawa. Nakakapagod ang pabalik balik na pagkuha ng bola mula sa malayo dahil sa pag palo rito, pero mukhang walang problema para sa isang babae dahil tumatawa naman ito at mukhang nageenjoy naman sila.

Mula dito sa bintana ng kwarto ko kahit malayo sa kanila, nakikita kong pawisa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status