Share

Chapter 4

Author: DeJ4vlues
last update Last Updated: 2023-06-17 10:06:30

WALANG nangyaring maganda sakin simula kahapon doon sa cafehan na yun ... Puro malas ang naganap. Akala ko pa naman mag-eenjoy ako

Una kasi muntik na ko makasagasa ng matanda dahil occupied yung isip ko dahil sa kanta na yun. Bwesit naman kasi bat pinatugtog pa.

Pangalawa naman, noong nagpunta ako sa mall pagyari ng insidente sa cafe, naisip ko na lang na bumili ng paborito kong libro pero noong magbabayad na ko iniwan ko pala sa kotse iyong wallet ko. Medyo napahiya pa ko dahil napurchase na at babayaran ko na lang nga dapat. Pero hinintay naman nila ko na makuha yung wallet ko kaya okay na ko sa part na yun. Medyo nakakahiya nga lang.

At pangatlo, bago lumiko sa village namin bigla nalang huminto ang kotse sakay ko tapos ayaw na umandar. At ang nakakabwisit din dun. Naabutan tuloy ako ng gabi sa kalsada dahil late na dumating yung tinawagan kong gagawa.

Kaya pagdating sa bahay. Umakyat agad ako sa kwarto ko at naligo. Hindi na rin ako bumaba para kumain ng dinner dahil kumain naman na ako nang pastfood sa mall bago umalis.

Sobrang nakakabadtrip yung nangyari kahapon. Sobrang nakakapagod din kaya pagkahiga ko mabilis lang ako nakatulog.

Medyo masakit pa nga buong katawan ko dahil sa mga nangyari kahapon.

Pero sana ngayong umaga wala ng malas. Maganda pa naman ulit iyong gising ko.

Pagkayari kong maligo bumaba na rin ako para kumain. Maaga pa naman kaya tulog pa sila mama ako muna ang nagluto ng agahan para sa amin.

Nagprito ako ng ham, itlog saka hot dog tapos nagsangag na rin ako ng kanin para pares sa agahan.

Hindi ko na sila inantay kumain dahil kailangan ko maaga makapasok ngayon, baka kasi pagalitan na naman ako ni bessy ko si miss witch... Ay switch pla.

Hindi ko na dinala ang kotse baka masira na naman ako, tutal susunduin naman ako ng kaibigan ko mamaya . Nagaaya na magdinner kami dahil simula ng umuwi kami ay hindi na kami nagkita puro text nalang. Busy rin kasi sa trabaho eh.

Hindi naman kalayuan iyong abangan ng sasakyan mula sa bahay namin kaya nilakad ko nalang.

Buti nalang pala at di ako naheels kundi lapnos ang paa ko rito. Mabilis rin naman ako nakahanap ng sasakyan dahil tinulungan ako ni manong guard.

Noong dumating ako sa office, wala pa naman si Xiance kaya inayus ko nalang yung mga dapat ayusin saka nakatanggap rin ako ng may meeting sya mamayang 6:00 pm pagkayari ng trabaho. 

Napaisip pa tuloy ako kung tatawagan ko iyong kaibigan ko na di kami tuloy ngayon or magpapaalam nalang ako kay X. Baka kasi ayain ako na sumama sa kanya.

Hindi naman siguro magagalit iyon, saka walang info. kung para saan iyong email eh baka private tutal halos sa email naman ito ni Xiance nakasend. Hawak ko rin kasi iyon dahil minsan namimiss nya yung mga personal na email na dapat sa kanya but then sya naman nagbigay nun, kaya wala naman sigurong masama.

Ilang minuto lng din dumating na si Xiance kaya tumayo narin ako at nagpunta sa ibaba para ipagtimpla sya ng kape.

"Grabe ang hot talaga ni Sir Xiance hihi" tumatawang sabi sakin ni Sammy.

Naabutan ko rito si Sammy Miller.

Iyong babaeng katabi ko noong naginterview ako nung una. Yung may no. na kasunod ko. Sana maalala nyo.

"Huy Sammy, good morningggg" Masaya namang bati ko sa kanya.

Super bait kasama nyan kaso sa ibang department napunta. Buti nga nakapasa eh. Binigyan ko kasi sya ng tips. Nung pauwi kasi ako pagkatapos ng interview naabutan ko syang nakaupo roon sa labasan. Umiiyak at nawawalan na daw sya ng pagasa makahanap ng trabaho. Kaya ayun kinuha ko yung no. nya para matulungan sya.

Friendly naman ako duhhh.

"Hot nga, sa sobrang hot pwede na sa impiyerno," natatawang sabi ko sabay tumalikod na sa kanya.

Kunyaring sumimangot pa ito sa akin pero natawa rin sa bandang huli. 

Kumaway naman ako bago umalis sa cafeteria ng building. Andun din kasi sya para magtimpla ng sarili nyang kape. Mas nakakatipid daw sya dahil libre. 

Nangungupahan lng kasi sya dito sa manila dahil nasa probinsya ang buong pamilya nya. Sya na lang ang tumataguyod dahil wala na rin siyang papa.

Pagpasok ko ng office ni X, naabutan ko syang pinipirmahan iyong mga papeles na nakatambak sa table nya. Sa sobrang busy di nya narin ako namalayan na nakapasok bitbit ang kape na para sa kanya.

Saka pla pure black coffee gusto nya. Ayaw nya ng may cream. May allergy sya dun eh. Saka para makatulong na rin ng hindi siya makatulog or antukin.

"Ehem" Parinig ko na lang dahil busing busy sya sa ginagawa nya. Bigla naman nya itinaas ang ulo nya para makita kung sino yun.

Duh one and only Kylie Skyler lng naman to.

"Coffee mo boss, pang dagdag sa agahan mo," seryosong sabi ko. Tinanguan lang naman nya ko at bumalik na sa ginagawa nya. 

Yan kasi absent ng absent ang dami tuloy pipirmahan. Tumayo pa ako ng ilang saglit dun at tumalikod na. Aalis na sana ako ng tawagin nya ulit ako.

"Mamaya samahan mo ako sa meeting ko with Ms. Hurtstone it's 6:00 pm today. Doon sa roy-" Hindi nya tinuloy ang sasabihin nya dahil sinamaan ko sya ng tingin.

Nakangiwi naman itong napatingin sa akin pero inayus din ang sarili pagkalipas.

"What's with that face, sabi ko lang naman samahan mo ko," medyo iritang sabi nya.

"Duh, pagkarating ko rito nagemail na ako sayo, Hindi mo ba nabasa. Inimail ko na nga lang ng di ka maabala... Basahin mo muna!" Medyo irita ring sabi ko.

Aba di pwedeng sya lng. May lakad din ako mamaya eh.

Binuksan naman nito yung email nya para basahin iyong inimail ko. Kunot noo pa itong humarap ulit sa akin.

"Mas importante ba toh sa akin," sabi nya sabay irap.

"Oo, mas important sayo!" Pabalang na sagot ko.

"Grabe realtalk ah" bulong naman nya

"Yup, saka uwian na yan no kaya yari na trabaho ko. Free time ko na yun para sa sarili ko" Sabi ko sabay lagay ng kamay ko sa bewang.

Wala naman sya nagawa at hindi nya na rin naman ako pinilit kahit na gusto nya. Alam naman kasi nyang di siya mananalo.

Bumalik na ulit ako sa trabaho ko para wala na akong gagawin bukas. Hindi na rin naman sya nag-utos kung ano iyong gagawin ko.

Wala rin naman siyang meeting ngayong araw dahil inischedule nga kahapon lahat. Tuloy puro pirma gagawin niya ngayon.

Pagdating ng lunch nauna na akong bumaba para kumain, nagpadeliver naman sya ng sa kanya dahil marami pa sya talagang gagawin.

"Huy besh kamusta ang fafa ko" sabi ni ron sabay upo sa tabi ko.

Kahit ilang linggo palang naging kaibigan ko narin itong bakla na toh, si Sammy nga, si Ron saka si miss switch HAHAHAHAHA... Di naman pala masungit eh medyo lang.

"Tanong mo sa pagong, wag sakin besh di kami close," medyo pairap pero natatawa namang sabi ko.

"Taray may di paclose eh ikaw nga lng nakakausap nun," sabi naman nito sabay turo.

"Duh sexytary nya ko kaya dapat lng kausap," natatawa ulit na sabi ko.

"May pag ganun kwento mo nalang labss story nyo samin" sabi ni Sammy. Kararating lang niya dahil ngayon lang sya natapos.

Dahil may pagkamadaldal ako nun nakwento ko yung pinagsamahan namin ni Xiance saka kung bat ko siya kilala, pati na rin kung paano ko sya nakilala pero hindi lahat syempre.

"Love story baka horror story kamo" sagot ko naman.

Nag-tawanan naman yung dalawa dahil sa sinabi ko dahil na kwento ko rin pala iyong malademonyong pakikitungo sakin ni Xiance nung highschool kami.

Oh diba... Wala pang buwan pero kalahati ng buhay ko na kwento ko na. Pwede na nga siguro ko sa mmk kahit isang oras lahat ng kwento andun na .

Bwisit kasi na buhay yun bat nakilala ko pa sya.

Habang kumakain tuloy lang kwentuhan naming tatlo minsan napapalakas ang tawanan kaya nakatingin samin lahat. 

Puro boyfie lang naman yung kinu kwento ni ronnie baby pero nakakatawa rin dahil madalas mag-sagutan si Sammy at si bakla.

Pagkatapos naman namin na mag lunch balik na ulit sa dating gawi kaya matatapos rin ang araw ko na masakit ang ulo, likod at mga kamay ko.

Kaya kailangan ko mag relax mamaya. Gagala ako kasama ng kaibigan ko.

Si Xiance naman at ayun naglinis na ng mesa nya tapos na siguro sa ginagawa dahil uwian narin naman.

May date payan mamaya. Lumabas naman ito ng di ako pinansin. Shiuuus attitude Lolo nyo.

Pagkaalis nya tumayo narin ako para makaalis na. Para pag nakauwi ako palit lng ng damit at konting retouch sa mukha para maging fresh ulit.

Pagdating ng mga 5:30 pm umalis na ako ng bahay para mga 6:00 pm andun na ako sa royal restaurant. Bawal Filipino time dun sa lalaki na yun eh. Important kasi ang oras para sa kanya

Sosyal, royal restaurant ito pag aari ng isa sa mga minions ni Xiance . 

Saka nga pala di ako sinundo kanina dahil may trabaho pang ginagawa si friend ko kaya namasaheros ako kanina pauwi then ngayun mamamasaheros ulit lara pag hinatid nya ko mukhang sweet. Hez Hez.

Natruma talaga ako sa sasakyan namin, first time ko masiraan ng pagod ako eh.

Pagdating dun, nakita ko na agad yung kaibigan ko na kumakaway. Kaya nilapitan ko rin naman agad. 

"Good evening, Kylie" sabi nya sabay b****o.

"Good evening din kamusta trabaho," natatawang sabi ko dahil simula ng umuwi kaming dalawa bising busy na sya.

"Upo ka kaya muna," natatawa ring sabi nito saka ipinaghila ako ng bangko para makaupo na. Pagkayari umupo na rin sya sa upuan nya.

"I always busy to the point na hindi na kita matawagan HAHAHAHA" Natawa rin ako dahil sa sinabi nya dahil totoo nga namn .

"Bat nagtanong pa ko eh alam ko naman na HAHAHAHA" Sagot ko nalang sa kanya.

"Tapos gusto mo mag alaga eh ang busy mo nga," dagdag ko pa.

Tumawag sya ng waiter at sya narin ang umorder para saming dalawa. Alam naman kasi niya kung ano iyong gusto at ayaw ko sa pagkain. Sa tagal ba naman naming magkasama eh.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Nasa taas ng bundok itong restaurant na ito. Tanaw rin dito iyong dati naming school. Arcanum University, grabe nakakamiss pumasok sa school. 

Nag-iisa lang itong restaurant na nakatayo rito pero sikat na sikat dahil sa city light na makikita pag nagpunta ka rito.

Perfect para sa mga couple and also other events. Nung one time nga meron pang nagpoproposed eh. Pinuno nila ng light ang buong paligid then may firework pa.

Kaunti lang ang mga taong nasa loob ng resto ngayon dahil karamihan andun sa labas para makita ng maayos iyong city light. Saka may mini picnic place kasi dun para sa mga taong dun gustong kumain.

At siguro nga mas enjoy pag ganon dahil malamig rin naman sa labasan.

"Kelan balik mo sa Spain lie-lie. Mas nakakamiss dun kaya. Kesa rito maraming trabaho... Saka namimiss na rin kitang kasama," nagrereklmong sabi nya habang nagbabasa parin ng meno.

Naisip ko rin naman ang Spain kaso maraming trabaho pa ang kailangan gawin dito.

"Eh ako di mo ba ko na miss" Bago pa ko makasagot may sumagot na para sa kin.

Pagtingin ko kung sino iyon, si Xiance ang nakita ko . Nasa tabi ko na ito at nakaupo ng baliktad sa upuan.

Hindi namin napansin ang presensya nya dahil siguro busy ako sa labas tumingin at busy rin iyong kaibigan ko sa meno para umorder.

Tumingin naman ako sa kaliwa at kanan para tingnan kung may kasama sya. At hindi nga kalayuan nandun si Ms. Hurtstone nakatingin ng masama sa akin.

"Nice seeing you," sabi ulit ni Xiance dahil hindi pa rin ako magsalita dahil narin sa gulat na andito sya.

"Husshh, di mo ba ko namiss, LUCAS?" Sarcastic na sabi pa ni Xiance na may kasamang ngiti pero masamang tinignan yung kaibigan ko.

Yup si Lucas nga yung kasama ko ngayon, na matagal ko ring nakasama sa ibang bansa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Cinderellas   Chapter 19

    Isang linggo na yung nakalipas simula yung nangyari samin ni Kylie. Hanggang ngayon iwas pa din kami sa isa't isa. No, ako lang pala yung umiiwas. Nahuhuli ko yon lagi na nakatingin sa akin na parang may gustong sabihin pero maya maya din iiwas sya at aalis na. Hanggang ngayon nga hindi ko makalimutan yon eh. Yung kape ko sayang hindi ko pa naiinom. "Tulala~~~" kanta ni Grae sa tabi ko. "Shut up," mahinang sabi ko na lang. Nakatulala nga naman kasi ako dito sa blackboard dahil walang teacher. "Mahal ka nun, wag kang mag-alala~~~" kanta pa nya ulit. Hindibko alam kung san nya napupulot ang lahat ng iyon. Wala na nga sa tono mali mali pa ang lyrics. Inirapan ko nalang dahil dun. "Ikaw? Hindi ka ba minahal kaya ka nagiingay ngayon? " wika ko na nagpatigil sa kanya. "Bat hindi ka mabiro ngayon, Masama bang kumanta" sabi nito saka pumalungbaba sa harapan ko. Nakaupo sya sa desk ng teacher namin sa harapan. Eh nasa harapan din ako ngayon nakaupo. "Si Kylie ba yon saka si Leonel Luc

  • The Billionaire's Cinderellas   Chapter 18

    "I knew it! Hanggang dito ba naman Xiance! " sigaw ni Kylie nung nakita nya ako sa likod ng puno. Nalaman ko kasi kay Kyle na pupunta itong si Kylie kasama ang pinsan nitong si Krizha kila Leonel Lucas dahil may party na gaganapin dun. Nanalo kasi ang grupo nila sa basketball nung nakaraan at ngayong linggo lang icecelebrate. "What are you talking about?" maan-maangan na sabi ko. Nasa mall sila para bumili ng susuotin nila sa friday, sinabihan ko na ai Kylie na huwag ng oumunta dun pero ayaw nya. Napaka pakielamero ko daw. "Sinusundan mo kami. Ano bang problema mo! " Sigaw nito halatang halata ang pagkapikon. "Eh ano din bang problema mo! Bawal ba akong magmall? " sagot ko nalang. Nahuli nya ako na nagtatago dito. Sinusundan ko kasi sila, ewan ko kung bakit. Dapat talaga kay kila Grae ang punta ko pero paglabas ko ng bahay nakita ko na nakagayak si Kylie at paalis na kasama si Krizha. Nacurious ako kaya pumunta ako kila Kylie para magtanong. "Anong bawal! Nararamdaman ko sinusu

  • The Billionaire's Cinderellas   Chapter 17

    "You look like a money with a minion!" Malakas na sigaw ni Kylie sa mukha ko.Malakas naman na nagtawanan yung mga barkada ko dahil sa sinabi nya. Nandito kami kasi sa hallway at naabutan ko si Kylie kaya inaasar ko muna. Saka yang linya na yan kasi ang laging sinasabi nya . Minion ko raw mga barkada ko.Well ako lang naman yung taong kinaiinisan ni Kylie Skyler, and alam nyo naman na yun.At nagsimula ito mong grade 8 kami pero sa susunod na story ko na lang ito babanggitin. Bestfriend naman kami dati eh may umepal lang. Sino nga ulit yon? Leonel Lucas. The ultimate crush ng bayan at crush din ni Kylie. Tumunog na rin naman yung bell kaya nag sipasukan na rin kami sa mga klase namin. Nasa Arcanum University kami nag-aaral, school para sa mga mahihirap at mayayaman kase baata nag exam ka, tyak makakapasok ka. Natapos na rin namn ang araw na ito at ready na rin ako pauwi sa bahay. Pero noong nasa hallway na ako nung school nakita ko si Kylie at Belle hurtstone na naguusap. Si Belle

  • The Billionaire's Cinderellas   Chapter 16

    "Pre. X ,mag-christmas party na naman tayo. Sino date mo sa ball?" tanong ni Grae sa akin.Isa siya sa barkada. Joker din."I don't know, wala nga akong balak umattend eh," mahinahong sagot ko naman, saka umupo sa tabing bintana.Nandito kasi kami sa paboritong tambayan namin. Sa dulong room pero tambakan na ngayon ng mga gamit. High school life eh, alam niyo naman."Luh, pwede ba yun? Alam mo naman na taon-taon ikaw ang prince of the night," sagot namn ni Ashley. May half Korean friend."That's why I don't want to attend" hindi naman yun iyong habol ko dahil graduating na at taon taon ako nga ang nananalo ay nakasawanan ko na. "Tssk, attend na. Mangchiks na lang tayo" Natatawa tawa namang sagot ni Clark Kent. Ayun nga siya ang playboy sa barkada. Sobrang aami niya ng pinaiyak na babae."Si X pa, eh fateful yan sa one and only nya, "sabat ulit ni Grae sabay upo sa tabi ko."Oo nga, saka kawawa naman labado mo, walang date nun" natatawang sabi nya ulit sabay tapik naman sa balikan k

  • The Billionaire's Cinderellas   Chapter 15 - XIANCE's POV

    Kasabay ng papalubog nang araw, andito ako mula sa aking bintana. Nakatulala at hawak sa aking paboritong gitara. Kumakanta ng paboritong kanta. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni muni, ng makarinig ako ng tawanan mula sa baba ng aking bintana. Dalawang batang babae na sa tingin ko ay kaedaran ko lamang. Naglalaro sila sa tabi ng aming bahay, sa malawak na bakuran sa kanilang tahanan. "Sila yata yung bagong lipat, " sabi ko sa isip. Binitawan ko ang gitara at lumapit sa tabi ng bintana para matanaw ng ayus yung mga batang babaeng naglalaro. Sa tingin ko baseball yung kanilang ginagawa dahil may hawak yung isang bata nang bola at ibabalibag ito sa isang batang babae. Tuwang tuwa sila sa kanilang ginagawa. Nakakapagod ang pabalik balik na pagkuha ng bola mula sa malayo dahil sa pag palo rito, pero mukhang walang problema para sa isang babae dahil tumatawa naman ito at mukhang nageenjoy naman sila. Mula dito sa bintana ng kwarto ko kahit malayo sa kanila, nakikita kong pawisa

  • The Billionaire's Cinderellas   Chapter 14

    Ilang minuto na pahinga pa ang nangyari bago ko napansin na tumayo na yung emcee sa stage. Natahimik naman ang lahat dahil dun. Hawak ko ang cell phone ko para tignan ang oras. 1:32 am ang nakalagay."Gabi na, tyak na tulog na tulog na ang anak ko" Wika sa sarili. Lahat ng tao ngayon ay nakatingin sa lalaki na nakatayo ngayon sa harap. Pati na din sila Xiance ay tahimik na nakatingin din dun. Lahat ay natataka kung bakit, dahil nagkaroon naman na ng awarding kanina para sa mga empleyado na masipag na deserve magkaaward. Kahit nga ako may meroon din. Kaya nakakataka na tatayo pa ulit sya. Marami pa ding tao pero halos mga dalaga at binata nalang ang nanduduon. Nagsasayawan yung iba sa harap. "Again, good evening everyone! Before we end this party magkakaroon tayo ng last dance para sa gabi na ito! Special dance para sa mga single na lalaki at babae. "Shemayyy!!!" ngayon ko lang naalala. Kagagawan ko ang lahat ng ito. Natahimik at lalong nagtaka ang bawat tao sa loob ng hall. Nagt

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status