Share

Chapter 108

"Ha?!" Naguluhan ang isang bata at hindi napansin ang babaeng lumapit sa kanila. Huli na upang mapansin niya ito dahil inatake na siya ng babae at hiniwa ang balikat niya. Malakas na napasigaw sa sakit ang bata at sinapo ang kan'yang balikat. "A-Aray! Ang sakit!"

"Darius!" sigaw ni Nash nang dagli na lamang na tumakbo ang kan'yang kaibigan patungo sa bagong grupo. Inis siyang napaigting ng mga ngipin. Nilapitan niya rin ang bagong grupo at inignora ang nag-aalalang pagtawag sa kan'ya ni Ashy.

"Nash! H-Huwag mo akong i-iwan!"

"Layuan mo ang kaibigan ko!" Dumampot ng bato si Nash at kahit alam niyang maling manakit ay malakas niya itong hinampas sa likod ni Midel. Natumba ang babae ngunit hindi nito nabitawan ang patalim.

"Tumakbo na kayo!" sigaw ni Darius sa apat na batang nagdadalawang-isip pang sinipat ang hindi kilalang babae. Nagdesisyon din silang tumakbo palayo at nilapitan sila Ashy na naihi na sa takot at napahikbi.

"N-Nash, D-Darius!" pagtawag ni Ashy at hindi na napigilan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status