Share

Chapter 253

As if on cue, isang malakas na tunog ng pagsabog ang na nagpayanig sa buong barko na ikinatumba nila Cayer. Sa second floor ang nangyaring pagsabog kaya ang iilang bahagi ng sahig ay nawasak. Si Nica na malalaglag sa nabutas na sahig ay nasagip ni Adam. Hinila niya paangat ang babae at niyakap ito nang muling yumanig ang lupa. Nakatayo na ang ilan at nilingon si Sullian na nakatayo sa dulo ng roofdeck. Hawak nito si Nash sa balikat at nakatutok sa ulo nito ang hawak na baril. Dahil dito ay hindi makalapit sila Cayer sa kan'ya.

"This is the end of it all," ang wika ni Sullian at sumabog ang paligid ng third floor. Dahil dito ay kailangan nilang sumuong sa apoy kung tatalon sila sa dagat.

"Nasaan si Shianna? Sabihin mo!" Sinarado ni Cayer ang kan'yang mga palad na nangangati na mapunta sa leeg ni Sullian.

"Hindi n'yo siya mahahanap dito." Nabalot ng matinding pagkaaliw ang mukha ni Sullian. "Wala na siya. Huli na."

Nilagay ni Sullian ang kan'yang daliri sa gatilyo ng baril. Napatitig si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status