Share

Chapter 7 (Part 11)

"My goodness!" Napabuga ng hangin si Mrs. Aurora. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo. Balak mo ba kaming ipahamak?"

"But Shianna already forgave me. Siya rin ang nag-aya sa akin na mag-stay sa Kalinga." Bumuntong-hininga si Solei.

"She'll probably get her revenge on you!" sumapaw si Carolina. "Imposibleng palagpasin ni Shianna ang ginawa mo! Hindi mo ba alam na palaban ang babaeng iyon?" Nilapitan ni Carolina si Solei at sinubukang hatakin ito palayo sa entrance ng mansion. Akmang magsasalita pa ito nang kumawala si Solei sa kan'ya at sunod-sunod na malakas siyang sinampal. Lahat nang nanonood ay natigilan dahil ngayon lamang nila nakitang lumaban si Solei.

"What the?!" Naiiyak na sinapo ni Carolina ang kan'yang pisngi. Nakasalampak din siya sa sahig dahil hindi niya kinaya ang mga sampal ni Solei. She gasped. "Dmitri!"

Malamig na tiningnan ni Solei ang kan'yang asawa at ina. Tinalikuran niya ang mga ito at naglakad palabas sa mansyon. Lahat ay hindi nakahuma sa nangyari, malib
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status