Share

Chapter 7 (Part 22)

Malakas na umihip ang pang-gabing hangin habang ang magagandang city lights ay matatanaw sa paligid. Huminga nang malalim si Vincent habang nakapamulsa. Ang lamig ay Bahagyang bumabalot sa kan'yang katawan kahit nakasuot na siya ng coat. Pormal siyang nakatindig habang nakatayo sa paligid niya ang maraming men in black.

"Put him up," utos niya at tiningnan ang lalaking unti-unting ibinababa. Ang lalaki ay nakatali at nasa labas ng building. Pabaliktad ang ayos nito at ang ulo ang nakaharap sa ibaba ng building. Ang kan'yang katawan ay nababalutan ng kadena, ang makapal naman na taling bakal ay nakadugtong sa isang makina na nakalagay sa itaas na palapag. Sa pamamagitan nito ay makakaya ng mga tauhan na nasa itaas din na hilahin pataas at pababa ang kadena na nakagapos sa lalaki.

Muling bumugso ang malakas na hangin na pumasok sa malaking kuwarto. Ang floor to ceiling window nito ay nakataas kaya pumapasok ang lamig sa silid.

 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status