Share

Kabanata 11

Kabanata 11

"Kung mamahalin mo naman ako ay gagawin ko ang lahat para sa'yo. Magbabago ako. Hindi na ako mambababae. Ikaw na lang ang mas pagtutuunan ko ng pansin," mahaba niyang sabi sa akin kaya kahit nahihilo ng konti ay tumingin ako sa kaniya.

"Sigurado ka ba?" Mahinang tanong ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagngiti niya at narinig ang mahinang pagtawa niya. Marahan niyang itinaas baba ang kaniyang ulo bilang pagsang-ayon.

"Kung bibigyan mo ako nang pagkakataon na alagaan at mahalin ka. Sisiguraduhin ko na ikaw lang ang iibigin ko, Edraly," muling pagbibigay niya sa akin ng matatamis na salita.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Lumapit siya ng kaunti sa akin at ramdam ko ang masuyo niyang paghaplos sa pisngi ko.

"Ròisìn," tipid na tawag ko sa kaniya. Napalunok ako ng laway dahil parang nakaramdam ako ng pagkauhaw.

Ilang beses niyang hinaplos ang aking pisngi. Nakaramdam ako ng pagkahilo at may kakaibang init akong naramdaman sa bawat pagdampi ng balat niya sa katawan ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status