Kabanata 26Sampung minuto ang lumipas at hindi pa rin umuusad ang pila sa lane namin. Nagkaroon kasi ng problema sa POS system. Namatay ito kaya kailangang ulitin ang pag-pounch in ng mga binili noong isang customer.Napayuko na ako sa hawakan ng big cart dahil sa pagsakit ng likod ko. Nararamdaman ko na din ang pangangalay ng binti ko. Hinawakan ko ang tiyan ko.May sumitsit nang ilang beses at nakuha nito ang kuryosidad ko. Napatunghay ako. Nagulat na lang ako noong biglang dumating ang makulit na pulis. Taas baba ang kaniyang balikat dahil sa paghingal. Nang tumingin ako sa kaniyang hawak ay doon ko lang napansin ang dala niyang upuan.Napaayos ako ng pagkakatayo. Humarap ako sa kaniya habang siya naman ay tumigil sa tabi ko. Inilagay niya sa may gilid ko ang upuan. Tinapik niya pa ito upang senyasan akong umupo. Tumaas ang kilay ko dahil sa kaniyang ginawa.Hindi ko alam kung mamangha ba ako sa kaniya o tatarayan ko siya.Tiningnan ko ang kaniyang mukha at nakita ko ang maaliwal
Kabanata 27"Why did you ignored my calls?" Panimulang sabi niya matapos niyang pumasok sa kotse.Nataranta ako sa ekspresyon na ibinibigay niya sa akin. Ang kaniyang mga mata ay malamig na nakatingin sa akin habang ang kaniyang labi ay sobrang magkalapat na akala mo ay nalagyan ng mighty bond at hindi matanggal tanggal.Walang ngisi o ngiti na makikita sa kaniyang mukha. Hindi tulad ng ekspresyon na nakikita ko tuwing sinasalubong niya ako. Sa ilang buwan ay ngayon lang siya naging ganito."Ha? Tumawag ka ba?" tanong ko at pagkatapos ay napangiwi ako. Dali dali kong kinuha at tiningnan ang aking cellphone. Pagbukas ko pa lang ng screen ay nakita ko na doon ang seventy missed calls.Tumingin ako sa kaniya at saktong nakita ko ang kaniyang pag-irap sa akin. Ibinalik ko sa bag ang cellphone ko at pagkatapos ay ngumuso ako."Sorry, hindi ko narinig," sabi ko at pagkatapos ay ngumuso ulit ako.Kailangan ko yatang magpa-cute sa kaniya. Na-hindi ko naman laging ginagawa."You're too preoccu
Kabanata 28Ang pag-aasawa ay hindi madali. Tama nga ang kasabihan ng mga matatanda na 'Ang pag-aasawa ay hindi parang mainit na kanin na pag napaso ka ay iluluwa mo.'Ang bawat pagsasama ay may kaakibat na lungkot, sakit, hirap at problema. Walang masaya lang, ang lahat ay dumadaan sa baku-bakong daan na susubukin ang pagmamahal ninyo at tiwala sa isa't isa. Hanggang saan mo nga ba kayang labanan o ipaglaban ang lahat? Sa kalagitnaan lang ba o hanggang dulo na?Ang iba ay sumusuko, ngunit nakakabilib din na makita ang iba na hanggang dulo ay lumalaban sa mga problema upang makasama lang ang isa't isa.'Ang bawat problema at hirap ay dapat na labanan natin ng magkasama. Walang sukuan. Hamakin man tayo ng kahirapan, maging hadlang man sa atin ang lahat ngunit ikaw at ikaw pa rin ang aking pipiliin. Sa hirap at ginhawa ay patuloy kitang mamahalin at ipaglalaban.'Taimtim kong basa sa mga pangungusap na nakasulat sa isang liham na nakita ko sa isang magabok na kahon.Halata sa kahon ang
Kabanata 29"Where are you, Honey Bunch?" Tanong sa akin ni Ròisìn. Ikinipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng aking tainga at balikat upang hindi iyon mahulog.Gamit ang kaliwang kamay ay hinahawi ko ang ilang damit sa rack. Ang aking kanang kamay naman ay may hawak na milktea.Naghanap ako ng magandang damit para sa baby ko. Iba't iba ang nakalagay sa dress racks, naghalo na ang iba't ibang kulay at design kaya ang hirap mamili ng maganda."Nagsho-shopping ako," Tipid kong sagot sa kaniya.Sa isang Linggo na lumipas ay hindi pa rin mawala sa aking isip ang sinabi ni Papa. Hindi ko naman magawang komprontahin si Ròisìn dahil ayokong magkaaway kami. Sinubukan ko siyang tanungin kung may ideya ba siya sa sinabi ni Papa pero wala ang sagot niya.Sa isang Linggo na iyon ay hindi ko siya masyadong kinakausap. Naging malamig ang turing ko sa kaniya."Saang mall?" Hindi kuntento na tanong niya."Malapit lang sa apartment natin," Sagot ko at itinigil ko na ang paghahanap ng magandang damit s
Kabanata 30Nanghihina ang mga kamay na binitawan ko ang dokumento. Nanlalabo ang mga mata at nanginginig ang mga binti ko dahil sa panghihina. Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.Agad kong ini-dial ang number ni Rio. Isang ring lang ay sinagot niya ang tawag ko. Nang ibuka ko ang aking mga labi ay ramdam ko ang panginginig nito."Rio, I need your help," Mahina kong pakiusap sa kaniya.Sunod sunod na nagtuluan ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko kinaya ang panginginig ng aking mga binti at napaupo ako sa sofa."About what?" tanong niya. Pag-aalala ang maririnig sa kaniyang boses.Napalunok ako ng laway nang maramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko at napapikit ako. Malalim na paghinga ang aking ginawa.Pinigilan ko ang paghikbi upang hindi niya marinig iyon."May ginagawang katarantaduhan ang asawa ko," sabi ko na pilit inaayos ang pagsasalita ngunit sa kalagitnaan ay napapiyok ako."Fuck, it's early in
Kabanata 31"I want to talk to James," Tulala kong sabi kay Rio nang makauwi kami sa bahay namin ni Ròisìn.Pinigilan niya ako na dito umuwi at pilit niya akong kinukumbinsi na sa condo niya ako tumuloy. Hindi ko sinang-ayunan ang gusto niya at ipinilit ko ang pagpapahatid dito.Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin na dalhin ako sa bahay namin—hindi pala. Bahay lang ni Ròisìn.Napapikit ako nang mariin. Hinding hindi ko malimutan ang ginawa niyang kasalanan. Pighati at galit ang humaplos sa aking puso."Who's James?" rinig ko sa boses ni Rio ang kalituhan.Napamulat ako at napatingin sa kaniya. Hindi ko pa ba nasasabi sa kaniya ang tungkol kay James?"I don't know. Maybe Ròisìn's brother or relative? Hindi ko alam. Gulong gulo na ako. Can you help me find him? Pulis siya at naka-duty siya sa Quezon City Police district station 9." Pagbibigay ko sa kaniya ng impormasyon.Nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha. Lumalabas ang linya sa kaniyang noo. "Sabihin mo sa akin kung bak
Kabanata 32Nang magkaroon ako ng malay ang una kong ginawa ay hawakan ang aking tiyan. Hindi pa man ako nakakamulat ay nataranta na agad ako nang wala akong makapa na umbok sa aking tiyan.Sa aking pagmulat ay naramdaman ko na ang paghapdi ng aking mga mata. Maya-maya lamang ay naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko."Ang...baby ko? Nasaan.. ang baby ko?" Pautal-utal na tanong ko sa isang babae.Napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin. Itinuloy niya ang pag-aayos ng swero sa aking kamay. Babangon na sana ako ngunit napatigil ako nang maramdaman ko ang pagsakit ng pagkababae ko. Pati na rin ang likod ko ay sumasakit din."I'm sorry po," Nakayuko na sabi ng nurse.Parang biglang may pumitik sa aking sintido. Kahit nahihirapan ay bumangon ako mula sa pagkakahiga. Tinulungan ako ng nurse upang makaupo. Lumuluhang hinawakan ko ang kaniyang magkabilang balikat."Hindi!" Malakas kong sigaw."Bakit ka nag-so-sorry? No! Nasaan ang baby ko? Hindi!" Binitawan ko siya at pagkatapos ay hinaw
Kabanata 33"Naging masama ba akong tao para parusahan ako ng ganito?" tanong ko sa sariling repleksyon.Hindi ko na makita ang dating ako. Tanging repleksyon ng isang nagdudusang babae ang nakikita ko."Isa lang naman ang hiling ko sa'yo eh!" Lumuluhang sabi ko.Tumingin ako sa itaas at pinagkatitigan ang kisame. I know that he's listening! Alam niya ang lahat ng nangyayari sa mundo!"Isa lang naman....ngunit bakit hindi mo... maibigay!" Sambit ko sa bawat paghikbi.Tila may bumara sa aking lalamunan dahil sa paghikbi. "Ang daya daya mo! Wala akong ginawa kundi maging isang mabuting tao ngunit wala kang ginawa kundi ang pahirapan ako sa buhay ko!""Pamula noong magkaisip ako, wala akong hiniling kundi ang magkaroon ng masayang pamilya! Iyon lang ang hiling ko pero bakit hindi mo maibigay!" May paninisi na salita ko."Bakit hindi mo ibigay sa akin....bakit?"Tumingin ako sa salamin. Pinagkatitigan ko ang sarili kong punong puno ng luha.I'm a pathetic and lonely woman. Hindi ko ba des