Share

Kabanata 4

Penulis: Docky
last update Terakhir Diperbarui: 2024-07-25 19:03:13

Tumakbo si Brandon palapit kay Maya.

“Ako po ba ang tinawag mo?” kumukurap-kurap na tanong ni Maya.

Tumango si Brandon. “You left this.” Iniabot niya ang name tag ni Maya.

Yumuko si Maya. “Maraming salamat po. Mauna na po ako ah. Baka po kasi mahuli ako sa sideline ko.”

Napansin ni Brandon ang maraming keychains sa bag ni Maya. Pinagmasdan niya ang mga ito.

“Sir B! Nakita na po namin ang target!” sigaw ng kasamahan ni Brandon.

Nakaalis na si Maya sakay ng kaniyang bisekleta. Kumaway pa ito kay Brandon.

Kinuha ni Brandon ang keychain sa kaniyang bulsa. ‘Parang kaparehas nito ang mga ‘yon.’ Inalog niya ang kaniyang ulo at agad na sumunod sa kaniyang mga kasamahan.

Hingal na hingal na nakarating sina Brandon sa apartment na kinaroroonan ni Avva. Nasa ika-labinlimang palapag kasi ang apartment ni Maya.

Tapos nang kumain sina Avva at ang mga bata noong dumating sina Brandon. Tulog na rin sina Matthan at Hope nang sandaling iyon.

“Avva Mendez?”

“A-Ako nga. S-Sino kayo? Anong kailangan niyo?” Niyakap ni Avva sina Hivo at Bia.

Ipinakita ni Brandon ang keychain kay Avva. “Sa'yo ba ang bagay na ito?”

Naningkit ang mga mata ni Avva. ‘Bakit nasa kanila ang nawawalang keychain ni Maya? Limang taon na naming hinahanap ‘yon ah!’

Kumawala sa bisig ni Avva si Bia. Kinuha niya ang keychain sa kamay ni Brandon. “Mommy, your name is written inside this boat! This is my mommy’s keychain,” she exclaimed.

Nanlaki ang mga mata ni Brandon. ‘May anak si Sir Gavin kay Miss Avva?’

“Bia, come here! Hivo will protect you and mommy from those b@stards!” Hivo yelled.

Agad na tinakpan ni Avva ang bibig ni Hivo. “Ano bang kailangan niyo sa akin? Bakit kayo naririto?” Nagulat siya nang biglang yumuko sa harap niya ang mga lalaki.

“Miss Avva, naririto po kami para sunduin kayo. Matagal na po kayong hinahanap ni Mr. Gavin Thompson. Kailangan niyo pong sumama sa amin para makita at makausap niyo siya nang harapan. Isama niyo na rin po ang mga anak niyo kay Sir Gavin,” sabi ni Brandon.

‘Gavin Thompson? The only heir of the Thompson clan? The multi-billionaire and the youngest business tycoon in the country? Siya ang naka- one night stand ni Maya?’ sigaw ng isip ni Avva.

“Mommy, is he talking about our daddy? Mabubuo na po ba ang pamilya natin? Hindi mo na po ba kailangang magtrabaho para bayaran ang marami nating utang?” naiiyak na tanong ni Hivo.

“Mommy, sumama na po tayo sa kanila! Gusto ko na pong makita at mayakap si daddy!” dagdag naman ni Bia.

“Naghanda na po si Sir Gavin ng isang villa para sa inyo.” Tumayo si Brandon at inilibot ang kaniyang mga mata sa apartment na kinaroroonan nila. “Mukhang hindi po naging biro ang mga pinagdaanan niyo para maitaguyod ang mga susunod na tagapagmana ng mga Thompson. Sigurado po akong matutuwa si senior kapag nalaman niyang mayroon na siyang mga apo. Naghihintay na po ang sasakyan sa baba, Miss Avva. Hindi niyo na po kailangang mag-impake. Ang lahat ng inyong pangangailangan at kagustuhan ay maiibigay sa inyo ni Sir Gavin.”

Napalunok nang sunod-sunod si Avva. Hindi niya akalaing darating ang araw na mararanasan niyang muli ang marangyang buhay. Higit pa sa inaasam niya ang dumating sa kaniya.

‘Maya, patawarin mo ako pero hindi ko mapapalampas ang ganitong uri ng oportunidad,’ piping turan ni Avva.

Tumayo si Avva mula sa couch at hinawakan ang mga kamay nina Hivo at Bia. “Mga anak, oras na para makilala niyo ang inyong daddy. Dadalhin na kayo ni mommy sa tunay niyong tahanan. Aalis na tayo sa bulok na lugar na ito. Wala nang mambubully sa inyo at higit sa lahat, makakaahon na tayo sa kahirapan.”

Nagtatalon sa tuwa sina Hivo at Bia. Nawala na sa isipan ng dalawang bata ang natutulog nilang mga kaibigan na sina Matthan at Hope.

“Mister?”

“Brandon. Brandon po ang pangalan ko, Miss Avva. Ako po ang kanang-kamay ng inyong mapapangasawa.” Muling yumuko si Brandon sa harap ni Avva.

“Mister Brandon, ihatid mo na kami sa villa ng mga Thompson. Pumapayag na akong sumama sa iyo,” nakangiting wika ni Avva.

Nagbigay-daan ang mga kasamahan ni Brandon para paunahing lumabas ng apartment sina Avva, Hivo at Bia. Pagkalabas ng mga ito ay saka isinara ni Brandon ang pinto ng apartment.

“Daddy. Wait for us, daddy,” bulong ni Hope habang natutulog.

Hinaplos ni Matthan ang buhok ng kaniyang kakambal. “Hayaan mo, Hope, mahahanap din natin si daddy.” Naghikab siya at pagkatapos ay nahiga na ulit sa tabi ni Hope. “Buti pa sina Hivo at Bia, makikilala at makakasama na nila ang totoo nilang daddy. Tayo kaya, Hope, kailan?” aniya bago muling bumalik sa pagtulog.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
aii Hala Ang sama mong kaibigan Avva
goodnovel comment avatar
Josephine Tobias Andulana
aii Ang pangit din Ng ugali mo avva,sakam ka din sa Pera,d ka mapapatawad ni Maya,,aii author,eyy nakakainis
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 313

    “Sa maniwala ka o sa hindi. Ang ga–” Nahinto si Garret sa pagmumura nang maalala niyang kasama nila ang anak niya. Nakatingin lang si Nijiro sa ipad nito. “May ginawa si Gavin kay Maya. Sinaktan ng lalaking ‘yon si Maya nang paulit-ulit kaya sila naghiwalay. Ilang beses nangaliwa si Gavin at alam iy

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 312

    Pinarada ni Garret ang kaniyang sasakyan sa parking area. Nakatulala lang siya at tila wala pang balak na bumaba sa sasakyan. Hindi mawaglit sa isipan niya ang nangyari kanina. Kamuntikan na niyang maangkin si Maya. Kung hindi lang dumating ang doktor kanina ay baka may nangyari na sa kanila. Mas la

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 311

    “Sana…” Huminto si Avva at sumulyap sa labi ni Garret. “Sana ikaw na lang ang pinakasalan ko. Sana ikaw na lang ang naging asawa ko. Sana ikaw na lang rin ang naging ama ng mga anak ko. Siguro maganda ang buhay ko ngayon. Hindi sana ako nagdurusa, hindi sana mababa ang self-esteem ko. Ang daming san

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 310

    Hindi makatulog si Avva. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Garret sa hospital. Namula ang kaniyang mga pisngi. Kinuha niya ang unang at itinakip iyon sa mukha at saka nagsisigaw. Matapos mailabas ang nararamdaman ay kumalma siya at umupo nang maayos sa kama. “Fúck! Ba

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 309

    Ilang oras lang ay nakarating na si Avva sa bahay ni Gavin. Bumungad sa kaniya si Gavin na nakaupo sa salas, habang nagkakape. Mukhang hinihintay yata nito ang pagdating niya. Imbes na dumiretso siya sa silid niya upang makaligo at makapagbihis ay naupo muna siya kaharap ni Gavin. “May problema ba

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 308

    “Mrs. Thompson, based on the results, ay negative naman halos lahat maliban lang sa iyong hemoglobin level. Masyadong mababa ang iyong hemoglobin level. Ibig sabihin, mayroon kang anemia,” paliwanag ng doktor. Mataman naman na nakikinig si Garret sa lahat ng sinasabi ng doktor, lalo pa’t patungkol

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status