Share

Chapter 2

Nasa harap ng pinto si Alina ng hotel room kung saan sila ngayon magkikita ng VIP client na tinutukoy ni Mamu. Ang lakas ng pagdagundong ng kaniyang dibdib at sa tuwing itataas niya ang nanginginig niyang kamay para gamitin ang key card at buksan ang pinto ay nabibitin sa ere ang kamay niya. Puno siya ng pag-aalinlangan at takot. Naroon din ang pangamba na baka nagsisinungaling si Bree sa kaniya na baka may nakakaalam ng gagawin niya sa gabing ito. Ayaw niyang kapag pumasok na siya sa school ay nakatutok sa kaniya ang mata ng mga estyudante at pinag-uusapan siya. Inuusig at pinagtatawanan dahil naging escort siya.

Mariing naglapat ang mga labi niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa card. Pagkatapos ay niyuko ang kaniyang sarili. Ang suot niya ay isang lumang bulaklaking blouse at skinny jeans at flat sandals naman ang sapin niya sa paa. Pinipilit siya ni Bree na hiramin ang isang sexy dress na sinusuot nito kapag pumapasok ito ng Midnight Haven. Subalit tumanggi siya dahil naiilang siya. Ang katwiran niya ay huhubarin naman niya ang damit kung nandito na siya.

"Kaya ko 'to!" she chanted and swallowed the lump in her throat. "Para sa thesis ko!"

Nilakasan na niya ang kaniyang loob at binuksan na ang pinto. Kahit nangangatog ang buong kalamnan niya ay pinilit niyang maging tuwid ang kaniyang tayo at naglakad papasok sa loob. Madilim ang paligid dahil hindi nakabukas ang ilaw. Pero may kaunti pa rin naman siyang naaaninag. Kaya humakbang siya ng limang beses at muli ay animo naitulos siya sa kinatatayuan nang marinig ang isang baritono at malamig na boses. Parang tumayo pa lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa nerbiyos.

"May blindfold sa bedside table. Piringan mo ang iyong mata," maalamig na utos ng tinig.

Nang hindi pa siya kumikilos ay marahas na napahinga ang lalaki. Kaya nanginginig na maingat siyang naglakad hanggang sa sapitin niya ang bedside table. Kinapa niya ito at may nahawakan siyang maliit na tela. Pagkatapos ay inilagay niya ito sa mata at tinali sa likod ng ulo niya.

"T-Tapos na ako, Sir," mahina at nauutal na turan niya.

"Good!" Nag-click ang switch ng ilaw kaya nahulaan niyang binuksan ito ng lalaki. "Did you wash up before coming here?"

Napapalunok na tumango siya. "Y-Yes, Sir."

Narinig niya ang mga yabag ng lalaki na palapit sa gawi niya. Pinigilan niya ang sariling mapaatras nang maramdaman ang hininga nito tanda na malapit ito sa kaniya. Kinipkip niya ang laylayan ng suot niyang blouse at iniwasan mapapiksi nang maramdaman ang daliri nitong humaplos sa baba niya. Napalunok siya nang bumaba pa ito sa may lalamunan niya.

"S-Sir!" nginig na usal niya.

"Strip," maawtorisadong utos uli ng lalaki.

Umakyat yata lahat ng dugo sa mukha niya nang marinig ang utos nito. Ramdam niyang sa kabila ng takot at kabang nararamdaman niya ay namula ang buong mukha niya. Pero dahan-dahan pa rin na kumilos ang mga daliri niya sa pag-alis ng butones ng suot niyang blusa. Mabuti na lamang at may suot siyang piring sa mata dahil baka nakita na nito ang labis na kaba niya. Baka magbago pa ang isip nito at palayasin siya rito.

Nang maalis niya lahat ng butones ay hinubad niya ito at naiwan na lamang ang br* niya. Alam niyang para siyang pagong sa bagal ng paghuhubad niya pero wala siyang narinig n pagkainip sa lalaki. Bagkos ay narinig niya ang marahas na paghinga nito. Ganun din ang paghugot nito ng malalim na paghinga. At nang tuluyang mahubad niya ang lahat ng kaniyang saplot at hubad-baro na siya sa mata ng lalaki ay kinain na naman siya ng hiya. Kahit alam niyang makurba at perpekto ang katawan niya ay hindi pa rin siya sigurado kung papasa ba sa panlasa nito ang kariktan niya.

Napakagat labi siya nang humaplos ang palad nito sa makinis niyang balat kasabay ng malambot at mainit na bagay na dumampi sa nangangatal pa rin na labi niya. Dinilaan nito ang nakapinid niyang labi at unconsciously ay binuka niya ito.

"First time?" patanong na bulong nito at wala sa loob na napatango siya.

Hindi niya sigurado kung guni-guni lamang ba niya pero naramdaman niya na parang umarko ang labi nito bago nito inangkin ang labi niya at mapusok siyang halikan. Ito ang kaniyang unang halik kaya ignorante siya kung paano tumugon. Pero ang haplos at mainit na halik nito ay animo nanghihipnotismo at nakalimutan niyang ang papel niya rito ay isang babaeng babayaran nito para paligayahin niya. Para kasing nagkabaliktad ang sitwasyon dahil ito ang nagbibigay romansa sa katawan niya.

Unti-unti ay gumapang ang kamay niya sa mga braso nito hanggang sa tumaas ito at pumaikot sa batok nito ang kamay niya. Nakakaadik ang halik nito. Lalo na ang pagsipsip at pagkagat nito sa dila at labi niya. Ginalugad lahat ng dila nito ang bibig niya at animo nanunukso pa ang labi nito at dinudunggol ang dila niya para gayahin niya ito.

Sa halik pa lang nito ay nawawalan na siya ng matinong isip. Pati ang tuhod niya ay nawawalan ng lakas at muntik siyang dumausdos. Kung hindi nito hinapit ang baywang niya ay napaupo na siya sa lapag.

Humakbang ang lalaki kaya napaatras siya at ilang segundo lamang ay nakaupo siya sa gilid ng malambot na kama. Nakabukaka siya at nakapuwesto ito sa pagitan ng mga binti niya. Kasabay nito ay naramdaman niya ang paghalik nito sa punong dibdib niya padausdos hanggang sa huminto ito sa kaniyang k*rona at isubo ito.

"Oh d*mn!" biglang naibulalas niya nang s******n nito ito habang nilalaro ng dila nito. Nanginig pa siya dahil humaplos ang isang palad nito sa pagkab*bae niya at bahagyang idiin ng hinalalaki nito ang cl*t niya.

"Did you like that?" the man asked her huskily.

Ngunit nang bigla itong huminto ay bumakas ang pagkalito sa mukha niya. Ngunit agad niyang naintindihan nang marinig ang ingay ng zipper na binaba ng lalaki. At ewan niya pero nagkaroon siya ng pag-asam sa kaibuturan niya. Gusto rin niyang alisin ang piring niya para masilayan ang mukha ng lalaki.

Nang maramdaman niya ang muling paglapit ng lalaki at itinulak siya pahiga ay nilamon na naman siya ng excitement.

Humaplos ang kamay nito sa leeg niya patungo sa cleav*ge niya at napaungol siya ng pisilin nito ang kaliwang dibd*b niya. Habang siya ay humaplos naman sa ngayon ay hubad nang katawan nito. Naramdaman niya ang toned muscles nito mula sa biceps nito, sa likod at dibdib nito. At kahit hindi niya ito nakikita ay nahulaan na niyang matipuno at perpekto ang pangangatawan nito.

Nawala ang atensyon niya sa matitigas na muscle nito nang pumuwesto na ito sa ibabaw niya. Nahigit niya ang hininga nang maramdaman niya ang bagay na dumudungol sa bukana niya. Napakagat labi siya at inihanda na ang kaniyang sarili. Ito na ang bagay na hinihintay niya. Ang tuluyang ibigay na ang puri sa 'di kilalang lalaki.

"Ugh!" Napaigik siya nang magsimula na itong kumilos at sinubukang pumasok. Nanginig ang buong katawan niya at napaluha habang nakakapit ng mariin sa braso ng lalaki.

"It's okay! Just relax!" nanghihipnotismo ang tinig na sabi nito at muling kumilos.

Kinagat niya ang dila niya para hindi siya mapasigaw sa kirot nang tuluyang makapasok na ito. Nanginig ang mga tuhod niya at napahikbi. God! Ang sakit pala ng una. Pakiramdam niya ay nahati ang buong kaluluwa niya.

Nagsimulang umindayog ang lalaki sa ibabaw niya. Pilit niyang huwag lumikha ng ingay sa una pero habang tumatagal ay may kiliti siyang nararamdaman mula sa kaibuturan niya. Umaakyat ito sa ulo niya dahilan para umungol siya at gumalaw ang kaniyang balakang.

Bumilis pa ang pag-ulos nito sa ibabaw niya kaya pati na yata kama ay gumagalaw na rin. Nagpabiling-biling ang ulo niya kaya unti-unti ay bumababa ang blindfold niya at tuluyang naalis ito sa kaniyang mata. Nagmulat siya ng mata at tulalang napatitig sa lalaking nasa ibabaw niya. Nakapikit ang mata nito at bahagyang nakaawang ang bibig. Mabilis ar marahas ang paghinga nito. Tumutulo na rin ang pawis sa noo at ilong nito.

'Eros Ramazzotti!' piping sigaw ng isip niya.

At animo narinig nito ang tinig ng utak niya dahil bigla itong nagmulat ng mata at nagtama ang mata nila. He narrowed his eyes but didn't get mad. Yumuko lang ito hinuli ang labi niya.

"Hmn! F*ck!" mura niya nang idiin nito ang sandata nito sa kaniyang kuweba.

Bumilis pa ang pag-ulos ni Eros at nakakaramdam na siya ng kakaibang kiliti na nagsimula sa kaniyang tailbone paakyat sa ulo niya. At ilang minuto lang ay impit siyang napasigaw nang sumabog ang mga bituin sa kaniyang paningin.

At dahil malapit na rin si Eros ay sa dalawang beses na pagdiin nito ng nota sa kaniyang lagusan ay napaungol ito at nanginig sa ibabaw niya. Maya ay hinugot nito ang sarili sa kaniya at kita niya nang alisin nito ang rubber sa malaking pagkalal*ki nito.

At habang habol niya ang hininga ay saka bumalik sa isip niya na lahat ng tamis na natikman niya ngayon ay panandalian lang. Bumalik din sa kaniya ang reyalidad na nandito siya.

Mapait siyang ngumiti at pigil ang sariling huwag umiyak. Bukas, pagkatapos ng gabing ito ay babalik na siya sa normal na buhay niya. Kakalimutan niyang minsan sa buhay niya ay naging escort siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status