Share

Chapter 3

Pagkapasok ni Alina sa loob ng kaniyang apartment ay napaupo siya labag. Binitiwan din niya ang bag niya kung saan nakalagay ang cheque na kanina lang ay binigay ni Eros. Ni hindi niya tinignan kung magkano ba ang binayad nito at basta na lamang niya sinuksok sa bag niya at patalilis na nilisan ang hotel na ‘yon. Ni hindi siya lumingon para tignan ang gusali dahil ang gusto lang niya ay huwag tumatak sa isip niya na ang hotel na ito ay lugar kung saan niya binigay ang puri sa lalaking hindi man lang niyang kasintahan.

Kahit pa si Eros ang lalaking iyon. Kilalang-kilala niya ang nasabing binata dahil isa ito sa bachelor na hinahabol ng maraming kababaihan. Sa laki ng business na pinamumunuan nito ay hindi maikakaila kung anong antas ng buhay ang meron ito. Isa itong galing sa alta syudad at kilala bilang batam-batang bilyonaryo ng bansa. Ang pamilya Ramazzotti ay noon pa'y kilala at hinahangaan sa larangan ng business. Nagsimula sa sa patriarch ng Ramazzotti hanggang sa henerasyon ng ama ng binata ay sila na ang nasa r***k ng business industry. At noong siya ang sumunod na namuno ng kanilang kompanya at mas lalo pa ngang lumago at lumawak ang hawak nilang negosyo.

Mula sa mga matataas na gusali, real estate, airlines, manufacturing at iba pang negosyo na hawak nila.

Palaging laman ng pahayagan at mga interviews si Eros kaya kilala niya ito. Pero kahit ni minsan ay hindi niya pinangarap na magustuhan ang lalaki dahil langit at lupa lamang silang dalawa. Imposible din na magkrus ang landas nila. Pero hindi niya lubos maisip na darating ang araw na makikilala niya ito ng personal. At mas higit pa ang nangyari sa kanilang dalawa. Ibinigay pa niya ng kusa ang katawan niya at worst ay binayaran siya.

“Ano ba ang iniiyak mo riyan, Ali? Ginusto mo ‘to, eh!” saway niya sa kaniyang sarili nang bigla siyang mapahikbi at tumulo na parang drum ang kaniyang luha.

Kahit na punasan niya ito ay patuloy pa rin ito sa pagmalisbis. Naiinis na sinabunutan niya ang buhok.

“Ali, naman! Minsan lang na gawin mo ito!” Humikbi siya at sumubsob sa mga palad niya. Gusto niyang umatungal ng iyak pero baka magulantang ang nasa kabilang apartment.

Suminghot siya at pinunasan ang pisngi. Mariing pumikit siya bago tumayo at naglakad papasok sa kaniyang kuwarto. Kinuha niya ang tuwalya at pumunta sa banyo. Dito ay halos mamaga na ang ibang parte ng katawan niya sa mariing pagkuskos niya. Pero alam niyang kahit na sampung balde ng tubig ang i uhos niya sa katawan ay hindi niya mababago ang lahat. Kaya naman huminga siya ng malalim at tinapos na ang paliligo.

She chanted in her mind that everything was just a dream. Paulit-ulit itong sinisigaw ng utak niya bago siya kumalma at binalabal ang tuwalya sa kaniyang katawan.

Nang lumabas siya ng banyo ay napatalon siya sa gulat nang maabutan si Bree na nakaupo sa lumang upuan na gawa sa kahoy. Bahagyang natawa pa ito sa naging reaksyon niya.

“Sorry! Pumasok na ako kasi hindi naman naka-lock ang pinto. Alam ko kasi na sa oras na ito ay baka nakauwi ka na kaya dali akong pinuntahan ka— umiyak ka ba?” tanong nito nang matitigan siyang maigi.

Nag-iwas siya ng tingin at pumasok sa kuwarto niya. Agad naman itong sumunod at namaywang.

“Ali, alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon pero kung ang gagawin mo ay kakaawaan mo iyang sarili mo ay hindi mo agad makakalimutan ang bagay na ito. Isipin mo lang na sa naging ex mo binigay ang sarili mo—”

“Bree, gusto kong mapag-isa,” mahinang sabi niya habang nagpapalit ng damit. Pero napalingon siya rito nang suminghap ito at humagikgik.

“Ang dami mong love bites, Ali. Parang naging intense ang jugjugan ninyo ng kliyente mo,” nakangising sabi nito at itinuro ang leeg at balikat niya.

Tinalikuran niya ito para itago ang kaniyang pagsimangot. Sa halip na intindihin nito ang nararamdaman niya ay mas natutuwa pa ito. Sabagay, maiintindihan nga ba nito ang saloobin niya kung ito ay hindi ito nangiming maging escort?

“Kung ayaw mong pag-usapan natin ang tungkol sa kliyente mo ay sabihin mo na lang kung magkano ang binayad niya sa'yo,” pamimilit nito.

Nang ipaalala nito ang tungkol sa pera ay naalala niyang hindi nga pala niya alam kung anong amount ang binayad ni Eros. Kaya naman nagmamadaling nagpalit siya at lumabas ng kuwarto. Pinulot niya ang sling bag niya at kinalkal ito. Kinuha niya ang cheque at nalula siya nang makita ang nakasulat doon.

Hindi niya alam kung pang ilang beses na ba sa gabing ito ang panginginig ng katawan niya. Hindi niya inakalang ganito kalaki ang ibabayad ni Eros sa kaniya sa isang gabing pagtatal*k.

“Patingin ako—”

Mabilis na niyakap niya ang papel at napaatras para iwasan ang kaibigan. Nalukot ang mukha nito at inirapan siya. Ayaw niyang ipakita ang amount ng perang binayad sa kaniya dahil siguradong hihingi ng malaki ang kaibigan niya. Hindi naman sa magdadamot siya pero gusto niyang isikrito pa rin dito. Dahil sa ganito kalaking pera kapag nalaman ng iba ay baka mapahamak din siya. May tiwala naman siya sa kaibigan pero maigi na ang nag-iingat.

“Tignan ko lang naman.” Paismid na wika nito at naupo.

“Hundred fifty,” tipid na sabi niya kaya napatitig ito sa kaniya.

“Iyan lang? Ang damot naman ng kliyente mo, Ali. Sana naghanap si Mamu ng magbabayad ng malaki dahil berhin ka pa,” dismayadong wika nito. “Pero dapat bigyan mo ako riyan, Ali, kasi ako ang nagpasok sa'yo roon.”

Mariing naglapat ang labi niya at hindi agad nakaimik. Pero ilang segundo ang lumipas ay tumango rin siya.

Saka lang ito ngumiti ng matamis. “Bumili ka ng mga bagong damit at magpaayos ka naman. Sulitin mo na iyang perang pinambayad sa'yo.”

Umiling siya at umupo sa isa pang silya. “Para sa tuition ko ito at hindi sa pampapaganda.”

Pinaikot nito ang mata at nagkibit ng balikat. “Bahala ka. Suggestion ko lang naman. Sige, Ali, uwi na rin ako pero ‘wag mong kakalimutan ang pera ko, ha!” Tumayo na ito at tinungo ang pinto. Kumindat pa ito sa kaniya bago binuksan ang pinto.

Nang umalis na ito ay nagbaba siya ng tingin at tinignan ang maliit na pepel. Kalahating milyon, ito ang pinambayad ni Eros sa kaniya.

Ito lang pala ang worth ng virgin*ty niya. Kung tutuusin ay walang amount ang puri ng mga babae. Pero dahil sa kahirapan ng buhay ay meron pa rin ang pinipiling tahakin ang ganitong daan.

Lumuluhang natawa siya. Feeling niya ay napakababa ng pagkatao niya habang hawak ang cheque.

Sana lamang ay hindi na muling magkrus ang landas nilang dalawa ni Eros para makalimutan niyang minsan sa buhay niya ay naging escort siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status