LOGIN"Lo-love, ang pangit mo pala sa malapitan."Agad na kumunot ang noo ni Regulus nang marinig ang sinabi ng asawa niya. Bumitaw siya ng yakap dito at umupo sa kama. Kakagising niya lang kanina dahil pinuyat siya ng asawa para sa pinapahanap nitong pagkain. "Ako? Pangit, love?" tinuro niya pa ang sarili niya. Tumango naman ang asawa niya at hinimas ang tiyan nitong malaki. "Kahapon naman ay ang guwapo mo sa paningin ko, pero ngayon, ang pangit mo na." dagdag pa nito habang nakatingin kay Regulus.Huminga si Regulus ng malalim. Kailangan niya pang habaan ang pasensiya niya. Hindi niya matanggap na pangit siya. Guwapo naman at kamukha niya si Toubias noong pinanganak ito ni Vien. "She's just pregnant, Regulus. She's pregnant," pagpapaalala ni Regulus sa sarili niya."Okay, love." nakangiting wika niya at bumalik sa pagkakahiga. Niyakap niya muli ang asawa pero itinaboy naman siya nito. "Ang baho mo na naman, lo-love. Maligo ka ulit, please." wika nito habang nandidiring nakatingin sa kan
EPILOGUE CONT. Dumaan ang ilang taon. Marami ang nagbago sa buhay ko. Marami akong ginawang hindi maganda, pero isa lang ang nasisigurado ko. Magbago man ang lahat, siya pa rin ang nag-iisang babaeng minahal ko. Hanggang sa isang araw, nagkita muli kami. I'm so proud of her. Naging matapang na ang Vienna ko. I admit na natakot ako sa kaniya at gusto kong mag-usap muli kami pero natatakot ako sa kaniya. Isang araw din ay nalaman ko nalang na may anak na pala siya at may fiance na. She's getting married, while me, ito. Siya pa rin ang minamahal. Nasaktan ako pero kailangan kong maging matatag. I should be happy for her. Nagkaroon kami ng bonding ni Vien kahit na sa maikling pagkakataon lang at masaya na ako roon. Parang magkaibigan lang kami kung mag-usap. Nalaman ko na rin ang dahilan niya kung bakit sila naghalikan ni Keitho noong araw na aamin sana ako sa kaniya tungkol sa nararamdaman ko pero nakita ko sila. I was so happy to talk with her even though nasasaktan ako tuwing binabang
Epilogue Regulus' POV "Ayokong maikasal sa taong hindi ko naman mahal," Iyan ang nasa isip ko matapos kong malaman na ikakasal pala ako kay Vienna Flamean, ang babaeng kaibigan ko na matagal ko ng kinalimutan simula noong pumunta ako sa ibang bansa para doon mag-aral. I already have Eloiza in my life. She's my girlfriend, tapos malalaman ko nalang na ikakasal na pala ako? "Pero hindi ko siya mahal. Si Eloiza ang mahal ko at gusto ko," madiing sambit ko. Nakita ko ang reaksiyon ni Vien pero hindi ko iyon pinansin. Who are her to hurt? Sobrang nainis ako sa kaniya dahil hindi man lang siya tumutol sa kagustuhan ng mga magulang namin. Hindi niya man lang nirespeto ang relasyon namin ni Eloiza. Matapos ang sagutan namin ng mga magulang ko ay umalis na rin kami ni Vien. Hindi ko na rin maipaglaban ang girlfriend ko dahil alam kong kayang-kayang gawin ni Dad ang banta niya. Kaya ngayon ay gagawin ko nalang ang lahat para protektahan si Eloiza. Iniwan ko si Vien ng dalawang linggo
And one day, nagising nalang akong nakaharap sa kabaong niyang ibinababa."M-Mommy, si Daddy ko po! Ayoko po! Mommy si Daddy!" sigaw ng anak ko. Alam na niya ang na tatay niya si Regulus. Nakaraan ko lang siya pinakilala.Sobrang sakit para sa akin na ngayong wala na ang Daddy niya ay saka ko lang sa kaniya pinakilala ito. Pero alam kong mas masakit din iyon sa anak ko.Sobra kong pinagsisihan ang ginawa ko. Hindi ko siya agad naipakilala kay Regulus kahit na alam ko nang siya ang Daddy ni Chandria. I wiped my tears again.Humahagulgol siya habang nagpupumiglas. Gusto niyang makawala kay Lantsov at puntahan ang Daddy niya. Si Chase naman ay humahagulgol na rin.Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko si Regulus at tinatakpan na siya ng lupa, doon lang ako mas humagulgol. Ang mga magulang din ni Regulus ay walang tigil sa pag-iyak.Binuhat ko si Chandria nang tuluyan nang matakpan si Regulus. "Hush, baby. Huwag ka ng u-umiyak, huh? Malulungkot si Daddy natin kapag umiiyak ang baby niya
Pagdating ko sa hospital ay naabutan kong nakaupo sila Tito sa labas ng kuwarto. Agad ko silang nilapitan. "Tito.." Lumingon sila sa akin ni Tita. Namumula pareho ang kanilang mga mata. Patuloy ang pagtulo ng luha nilang pareho. "A-Ano na pong nangyari kay Regulus? Is he okay?" nag-aalalang tanong ko. No'ng sabihin nilang tumigil sa pagtibok ang puso ni Regulus, hindi ako mapakali. Gusto kong umiyak habang papunta rito pero kailangan ko namang tatagan ang nararamdaman ko. Umiling si Tito. Natulala ako saglit bago sunod-sunod na umiling. "No! Tito, ano bang nangyayari? Is Regulus okay?!" napasigaw na ako. Naramdaman kong unti-unting tumulo ang luha ko. Tumingin sa mga mata ko si Tita. "V-Vien, he.. m-my son, he's gone..." kasunod ng pagsabi ni Tita ay ang pagtulo muli ng luha niya. Natulala ako ng ilang saglit. Marahas akong tumayo at pumasok sa loob ng kuwarto ni Regulus. Naabutan kong tinakpan na ng doctor ang mukha niya ng puting tela. "Bakit n'yo ginagawa yan kay Regulus?! Hin
"Sana lang ay hindi naapektuhan ang utak ni Regulus, Vien. Malakas kasi ang impact noong kotse. Ang masyadong naapektuhan ay ang utak niya," sambit ni Tito. Tumingin ako sa gawi ni Regulus nang sabihin iyon ni Tito. "May imbestigasyon na po ba kung bakit ito nangyari sa kaniya?" tanong ko naman. I should know what happened to him. Tumingin si Tito sa akin. "Someone is after him. Pinaputukan daw ang kotse niya at nabangga ito sa isang kotse. But don't worry about it, Vien. Iniimbestigahan na iyon," Umiwas ako ng tingin. Naiisip ko pa lang iyon ay naiiyak na ako. Pero kailangan kong maging malakas. Alam kong kakayanin ni Regulus. Hindi siya madaling sumuko.DAYS turns into weeks and weeks turns into a month. Hindi pa rin gumigising si Regulus. He's already in coma. Tulala ako habang nagtitimpla ng gatas ni Chandria. Papasok na siya sa school. "Mommy?"Napatingin ako sa kaniya. Ngumiti ako bago binigay sa kaniya ang hawak kong baso ng gatas. "Mommy are you okay po?" tanong sakin ng ana







