LOGINNang makarating na siya sa pinakababa ng hagdan. Umupo siya sa pinakagilid non at doon niya binuhos lahat ng nararamdaman niya mula pa noong umalis sila sa bahay ng mga parents nila. Tinakpan niya pa ang bibig niya para pigilan ang mga hikbing gustong kumawala sa bibig niya.
Masyadong kalmado ang paligid para guluhin ng paghikbi niya.
Binuksan niya ang cellphone niya at agad na dumiretso sa contacts. She wants to call the two persons she's comfortable with. Hinanap niya ang pangalan nila. Inuna niya muna si Lantsov pero hindi niya makita ang pangalan nito.
Bumilis ang tibok ng puso niya at bigla niyang naalala ang ginawa ni Regulus.
Binura niya ba yung number ni Lantsov?
Hindi niya naman ito nilagyan ng password kaya madali lang maka-access sa mga apps. Mas lalong naiyak si Vien. Hindi niya pa naman saulado ang bagong number ng kaibigan niya. Paano nalang kung gusto kong humingi ng tulong sa kaniya?
Hinanap niya nalang ang pangalan ni Kat pero bago niya iyon makita ay may boritong boses ang nagsalita mula sa likuran niya.
"You didn't change, Vien. You are still the girl I knew back then. Nagpapadala ka pa rin pala sa emosyon mo," nilingon ni Vien ang likuran niya. Nakahalukipkip si Regulus habang nakatingin sa kaniya.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at mabilis na pinunasan ang luha niya. "Sa taas na tayo. Di'ba mag-uusap pa tayo," pinilit niyang hindi mautal habang nagsasalita. Nilagpasan niya ito at naunang maglakad paakyat.
Alam ni Vien na nakasunod lang ang lalaki sa likuran niya. Saglit siyang humarap sa lalaki. "Pupunta lang ako sa kuwarto mo pagkatapos kong maglinis ng katawan ko," wika ni Vien. Wala siyang imik na naglakad papasok sa kuwarto niya at sinara iyon.
Nang matapos na siya, lumabas na siya ng kuwarto niya at pumasok sa master's bedroom. Naabutan niyang nakasandal si Regulus sa headboard ng kama habang busy sa cellphone nito. Ilang segundong tinitigan ni Vien si Regulus hanggang sa ito na mismo ang umangat ng tingin nito.
Seryoso siyang pinagmasdan ng lalaki mula ulo hanggang paa bago binalik din ulit ang tingin sa cellphone nito. Napabuntong hininga si Vien bago lumakad palapit sa kama at umupo sa gilid non.
Kinuha niya ang suklay na nakalagay sa puting roba na suot niya bago marahang sinuklay ang buhok niya. Lumunok siya bago tumingin kay Regulus. Pinagmamasdan pala siya ng lalaki. "Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" tanong ni Vien.
"About the set-up of this force marriage," sagot naman ni Regulus. Hindi na ito tulad ng kanina na masungit. Tumayo ito at umalis sa kama. Umupo ito sa single sofa na nasa gilid ng wardrobe at paharap sa kama.
Medyo nakahinga ng maluwag si Vien. Kanina pa kasi mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. Sinuklay-suklay niya nalang muna ang buhok niya habang hinihintay niyang magsalita ang lalaki.
"We're legally married pero hindi tayo magtatabi sa kama. I feel like, I'm cheating with Elioza kapag ginawa ko iyon. I hope you understand me, Vien." seryosong sambit ni Regulus.
Hindi umimik si Vien. Tanging tango lang ang sagot niya kahit na nakaramdam siya ng kirot sa puso niya. Nakikinig lang siya sa lalaki. Alam niya naman kung bakit nito sinabi ang mga iyon.
"Kailangan mo rin na matutong magluto, not just me. You are still my wife. You're not a princess while you are with me. Understood?" napatango ulit si Vien.
"Hindi rin ako kukuha ng katulong kahit isa kaya dapat matuto ka. Papayagan rin kitang lumabas kasama ang mga kaibigan mo but, know your limits. Bahala ka sa lahat ng gusto mong gawin pero alalahanin mo rin ang limitations mo. Titira tayo sa isang bubong pero hindi tayo aaktong mag-asawa. Hindi na rin kita kaya pang ituring na kaibigan ko because it feels weird for me." tumikhim si Regulus bago pinagkrus ang mga braso niya.
"And lastly, do all the wife duties.. except," tumigil ito saglit sa pagsasalita. "— in bed," dagdag ni Regulus habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Vien.
This is their first day as a husband and wife. Maagang nagising si Regulus para sana magluto ng kakainin nila. Alam niya namang hindi pa marunong magluto ng heavy breakfast kaya siya na muna ang gagawa non. Mas prefer niya kasi ang heavy breakfast para may lakas siyang magtrabaho.
Tumayo na siya at pumunta sa banyo para gawin ang morning routine niya. After he did it, dumiretso na siya palabas ng kwarto. Bumaba siya ng hagdan at dumiretso sa kusina pero laking gulat niya nang makita niya si Vien na nandoon.
Naabutan niyang nagluluto ang babae. Mukhang nahihirapan pa ito at hindi rin nito napansin ang presensiya niya. Pinasadahan niya ng tingin ang likuran nito.
"Not bad," he said in his mind.
Maganda naman ang katawan nito. Vien has a firm butt and a curvy body. Mahaba rin ang nakalugay na tuwid nitong buhok. Napalunok siya. Ngayon niya lang napansin iyon. Ang huli kasi nilang pagkikita ay matagal na. Payat pa si Vien a hindi pa maayos ang pangangatawan. Napabuntong hininga nalang siya. Hindi niya naman magawang masisi si Vien sa kagustuhan ng mga magulang nila, ang kaso lang. Napansin niya na parang wala lang sa babae na ipapakasal na sila noong nagkita sila para i-announce ang tungkol sa kasal nilang dalawa.
Iyon ang pinagtataka ni Regulus. Ang akala niya ay aayaw si Vien sa kagustuhang mangyari ng parents nila pero nanahimik lang ito. Hindi man lang siya nakarinig ng pagtutol. Nakayuko lamang si Vien habang nag-uusap ang mga parents nila about sa kasalang mangyayari samantalang siya, parang sasabog na bulkan sa sobrang inis at galit.
"H-Hi?"
Nabalik si Regulus sa reyalid matapos marinig ang boses ni Vien sa hindi kalayuan. He look at her face. Napangiwi ito nang makita siya pero kalaunan ay binigyan siya nito ng ngiti. She's indeed gorgeous while smiling. May maliit itong nunal sa ilalim ng kanang mata.
"D-Do you want u-uh coffee?" nauutal na tanong nito sa kanya. Hindi makasagot si Regulus, nakatingin lang siya sa mukha ng babae. Hindi niya inakala na lalaking ganito kaganda ang kaibigan niya noon na payat at laging may bangs. Hindi naman bagay.
Nawala ang ngiti ng babae at lumapit sa kanya. "Hey!" nabalik sa reyalidad si Regulus nang pumalakpak si Vien sa harapan niya. Hindi niya namalayan na nakalapit na ito.
"What happened to you?" nagsalubong ang dalawang kilay nito.
"N-Nothing," siya naman ang nauutal ngayon at umiwas ng tingin. Pumunta siya sa kitchen at nanlaki ang mga mata niya dahil sa malapit nang masunog ang hotdog na niluluto.
Dali-daling pinatay ni Regulus ang stove at tinabi ang pan. Kunot noo niyang hinarap si Vien na nakayuko. Para itong bata na nakagawa ng kasalanan. "I.. I'm sorry, " mahinang sambit ni Vien.
Dumako ang tingin ni Regulus sa kamay ni Vien na tinatago nito sa likuran. Lalong kumunot ang noo niya at lumapit sa harapan ni Vien. Kinuha niya ang kamay ng asawa at mukha namang nagulat ito sa ginawa niya pero hindi niya iyon pinansin. Nakita niya ang maliit na sugat sa hintuturong daliri nito. Sariwa pa dahil sa may lumalabas na dugo ro'n. Umangat siya ng tingin habang kunot parin ang noo.
"What happened to this?" tanong ni Regulus.
"N-Nahiwa ko lang," nakayuko na sagot ni Vien.
"Hindi ka kasi nag-iingat." pagalit ang tono ng pananalita ni Regulus. Hihilain niya na sana si Vien para magamot ang sugat nito pero mabilis nitong inagaw ang kamay.
"Don't mind me. Maliit lang naman ito eh. May pasok ka pa, kumain ka na muna." sambit ng babae bago umalis at tumungo ulit sa kitchen.
"A-Ah, nga pala Regulus. Pupunta ako sa Mall mamaya. May bibilhin ako lang ako," sambit ni Vien. Hindi sumagot si Regulus. He's just staring at his wife. Maya-maya ay lumingon ulit ito.
"Gusto ko sanang isama ka kaso papasok ka pala," medyo humina ang boses ni Vien nang sabihin niya iyon.
"Kaya magpapasama nalang ako kay Lantsov. Hindi raw kasi pwede si Kat kasi busy ang schedule niya this week," dagdag ni Vien na ipinagtaka ni Regulus. Inilapag na nito sa dinning ang kanin na niluto nito.
"Ayos lang ba sa'yo 'yon?" tanong ni Vien bago umupo sa harapan ng asawa niya. "Yes, but know your limitations," masungit na sagot ni Regulus bago sumandok ng kanin. Hindi na nagsalita pa si Vien pero nakangiti siya. Tiningnan ni Regulus ang niluto ng asawa niya. Ito yung hotdog na medyo nasunog nga lang. Palihim siyang napailing.
"Hindi ba ako makakaabala sa inyong mag-asawa?" nakangiting tanong ni Lantsov habang nakaupo sa backseat ng kotse ni Regulus. Nilingon siya ni Vien at nginitian.
"Hindi naman. Di'ba Regulus?" nilingon ni Vien si Regulus na sinulyap-sulyapan si Lantsov mula sa salamin ng sasakyan.
"Lo-love, ang pangit mo pala sa malapitan."Agad na kumunot ang noo ni Regulus nang marinig ang sinabi ng asawa niya. Bumitaw siya ng yakap dito at umupo sa kama. Kakagising niya lang kanina dahil pinuyat siya ng asawa para sa pinapahanap nitong pagkain. "Ako? Pangit, love?" tinuro niya pa ang sarili niya. Tumango naman ang asawa niya at hinimas ang tiyan nitong malaki. "Kahapon naman ay ang guwapo mo sa paningin ko, pero ngayon, ang pangit mo na." dagdag pa nito habang nakatingin kay Regulus.Huminga si Regulus ng malalim. Kailangan niya pang habaan ang pasensiya niya. Hindi niya matanggap na pangit siya. Guwapo naman at kamukha niya si Toubias noong pinanganak ito ni Vien. "She's just pregnant, Regulus. She's pregnant," pagpapaalala ni Regulus sa sarili niya."Okay, love." nakangiting wika niya at bumalik sa pagkakahiga. Niyakap niya muli ang asawa pero itinaboy naman siya nito. "Ang baho mo na naman, lo-love. Maligo ka ulit, please." wika nito habang nandidiring nakatingin sa kan
EPILOGUE CONT. Dumaan ang ilang taon. Marami ang nagbago sa buhay ko. Marami akong ginawang hindi maganda, pero isa lang ang nasisigurado ko. Magbago man ang lahat, siya pa rin ang nag-iisang babaeng minahal ko. Hanggang sa isang araw, nagkita muli kami. I'm so proud of her. Naging matapang na ang Vienna ko. I admit na natakot ako sa kaniya at gusto kong mag-usap muli kami pero natatakot ako sa kaniya. Isang araw din ay nalaman ko nalang na may anak na pala siya at may fiance na. She's getting married, while me, ito. Siya pa rin ang minamahal. Nasaktan ako pero kailangan kong maging matatag. I should be happy for her. Nagkaroon kami ng bonding ni Vien kahit na sa maikling pagkakataon lang at masaya na ako roon. Parang magkaibigan lang kami kung mag-usap. Nalaman ko na rin ang dahilan niya kung bakit sila naghalikan ni Keitho noong araw na aamin sana ako sa kaniya tungkol sa nararamdaman ko pero nakita ko sila. I was so happy to talk with her even though nasasaktan ako tuwing binabang
Epilogue Regulus' POV "Ayokong maikasal sa taong hindi ko naman mahal," Iyan ang nasa isip ko matapos kong malaman na ikakasal pala ako kay Vienna Flamean, ang babaeng kaibigan ko na matagal ko ng kinalimutan simula noong pumunta ako sa ibang bansa para doon mag-aral. I already have Eloiza in my life. She's my girlfriend, tapos malalaman ko nalang na ikakasal na pala ako? "Pero hindi ko siya mahal. Si Eloiza ang mahal ko at gusto ko," madiing sambit ko. Nakita ko ang reaksiyon ni Vien pero hindi ko iyon pinansin. Who are her to hurt? Sobrang nainis ako sa kaniya dahil hindi man lang siya tumutol sa kagustuhan ng mga magulang namin. Hindi niya man lang nirespeto ang relasyon namin ni Eloiza. Matapos ang sagutan namin ng mga magulang ko ay umalis na rin kami ni Vien. Hindi ko na rin maipaglaban ang girlfriend ko dahil alam kong kayang-kayang gawin ni Dad ang banta niya. Kaya ngayon ay gagawin ko nalang ang lahat para protektahan si Eloiza. Iniwan ko si Vien ng dalawang linggo
And one day, nagising nalang akong nakaharap sa kabaong niyang ibinababa."M-Mommy, si Daddy ko po! Ayoko po! Mommy si Daddy!" sigaw ng anak ko. Alam na niya ang na tatay niya si Regulus. Nakaraan ko lang siya pinakilala.Sobrang sakit para sa akin na ngayong wala na ang Daddy niya ay saka ko lang sa kaniya pinakilala ito. Pero alam kong mas masakit din iyon sa anak ko.Sobra kong pinagsisihan ang ginawa ko. Hindi ko siya agad naipakilala kay Regulus kahit na alam ko nang siya ang Daddy ni Chandria. I wiped my tears again.Humahagulgol siya habang nagpupumiglas. Gusto niyang makawala kay Lantsov at puntahan ang Daddy niya. Si Chase naman ay humahagulgol na rin.Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko si Regulus at tinatakpan na siya ng lupa, doon lang ako mas humagulgol. Ang mga magulang din ni Regulus ay walang tigil sa pag-iyak.Binuhat ko si Chandria nang tuluyan nang matakpan si Regulus. "Hush, baby. Huwag ka ng u-umiyak, huh? Malulungkot si Daddy natin kapag umiiyak ang baby niya
Pagdating ko sa hospital ay naabutan kong nakaupo sila Tito sa labas ng kuwarto. Agad ko silang nilapitan. "Tito.." Lumingon sila sa akin ni Tita. Namumula pareho ang kanilang mga mata. Patuloy ang pagtulo ng luha nilang pareho. "A-Ano na pong nangyari kay Regulus? Is he okay?" nag-aalalang tanong ko. No'ng sabihin nilang tumigil sa pagtibok ang puso ni Regulus, hindi ako mapakali. Gusto kong umiyak habang papunta rito pero kailangan ko namang tatagan ang nararamdaman ko. Umiling si Tito. Natulala ako saglit bago sunod-sunod na umiling. "No! Tito, ano bang nangyayari? Is Regulus okay?!" napasigaw na ako. Naramdaman kong unti-unting tumulo ang luha ko. Tumingin sa mga mata ko si Tita. "V-Vien, he.. m-my son, he's gone..." kasunod ng pagsabi ni Tita ay ang pagtulo muli ng luha niya. Natulala ako ng ilang saglit. Marahas akong tumayo at pumasok sa loob ng kuwarto ni Regulus. Naabutan kong tinakpan na ng doctor ang mukha niya ng puting tela. "Bakit n'yo ginagawa yan kay Regulus?! Hin
"Sana lang ay hindi naapektuhan ang utak ni Regulus, Vien. Malakas kasi ang impact noong kotse. Ang masyadong naapektuhan ay ang utak niya," sambit ni Tito. Tumingin ako sa gawi ni Regulus nang sabihin iyon ni Tito. "May imbestigasyon na po ba kung bakit ito nangyari sa kaniya?" tanong ko naman. I should know what happened to him. Tumingin si Tito sa akin. "Someone is after him. Pinaputukan daw ang kotse niya at nabangga ito sa isang kotse. But don't worry about it, Vien. Iniimbestigahan na iyon," Umiwas ako ng tingin. Naiisip ko pa lang iyon ay naiiyak na ako. Pero kailangan kong maging malakas. Alam kong kakayanin ni Regulus. Hindi siya madaling sumuko.DAYS turns into weeks and weeks turns into a month. Hindi pa rin gumigising si Regulus. He's already in coma. Tulala ako habang nagtitimpla ng gatas ni Chandria. Papasok na siya sa school. "Mommy?"Napatingin ako sa kaniya. Ngumiti ako bago binigay sa kaniya ang hawak kong baso ng gatas. "Mommy are you okay po?" tanong sakin ng ana
Nang makauwi sila Vien sa bahay nila ay tahimik pa rin siya. Nandoon pa rin sa bahay nila si Eloiza. Ngunit iba ang aura ng mukha nito. Ngunit nang makita nito si Vien ay umiba rin ang aura ng mukha nito. Ngumiti ito at niyakap siya."Kumusta ka? Ang baby mo?" tanong nito na parang walang ginawa. I
"Vien, you don't understand it," sagot naman ni Regulus bago pinasibad ang sasakyan. Buong biyahe silang walang imik hanggang sa nakarating sila sa mansion ng mga magulang ni Regulus. Napag-usapan kasi ng mga magulang nila na magkaroon sila ng dinner sa mansion ng mga Vallega para makapagkuwentuhan
"You've been so quiet lately,"Tahimik na kumakain si Vien nang magsalita si Regulus. Kagigising niya lang at ito ang naghatid sa kaniya ng pagkain niya. Ayaw niya munang magsalita sa ngayon. Lalo na kung si Regulus ang kumausap sa kaniya. Hindi na rin seryoso ang mukha nito."I'm done," wika ni Vi
Mukhang nagising ito dahil sa sigaw niya. "What are you doing here?!" inis na wika ni Vien. Bumalik sa alaala niya ang narinig niya kagabi. Naikuyom niya ang kaniyang kamao. Biglang siyang nakaramdam ng pandidiri sa sarili niya. Ginamit lang ba nito ang katawan niya noon dahil wala ang girlfriend n







