Share

KABANATA 22

Apolonia

Mangha na nakatitig lamang ako sa nakatatak na logo sa paper bag na may laman na pagkain na nakalapag sa mesa ko.

Nakaalis na ang taong may dala niyon ngunit nanatili pa rin akong nakatanga roon sa halip na abutin iyon at simulang kainin, kahit pa nga tila ba nanghahalina ang mabangong amoy ng pagkain na nanunuot sa ilong ko.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapatanga, gayong napapadalas ang pagpapameryenda sa akin ng amo ko, halos araw-araw yata ay umo-order ito at nagugulat na lang ako dahil pati ako ay mayroon at damay sa pag-order nito.

'Di ko tuloy maiwasang isipin, hindi kaya pinapataba at binubusog lamang ako nito na parang baboy tapos sa huli ay balak pala ako nitong katayin?

May pagdududa na lumipat ang mata ko sa pinto ng opisina nito na nakasarado, ngunit hindi pa man ako gano'n katagal na nakatitig doon ay bigla na lamang bumukas ang pinto dahilan upang mapapitlag at mapasinghap ako nang malakas dahi sa gulat.

Alam kong hindi naman nakaligtas kay Druskelle ang nagi
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status