Sa isang iglap, naging isang ama si Jared ng isang batang hindi naman sa kanya. Alam naman ni Hannah na papel lang iyon at walang kahit na anong meaning pero hindi niya inakala na mangyayari iyon.
Sa awa ng Diyos, okay naman ‘yong baby ni Jane. Naisalba naman ito at bumalik na agad si Jane sa ward. Nakakaawa si Jane dahil namumutla siya at namumula ang mga mata dahil sa kakaiyak niya.
“Huwag ka nang mag-alala, ha? Okay na ang baby mo,” paninigurado ni Jared kay Jane.
“Natatakot ako, Jared,” sabi ni Jane habang siya ay patuloy na naiyak.
Agad na binigyan ng tissue ni Jared si Jane. Tinanggap naman iyon ni Jane at naghawakan pa sila sa kamay. Habang hawak ni Jane ang kamay ni Jared ay doon siya umiyak kaya may luha ang kamay nito. Oo, nakakaawa siya pero mukhang masyado na yata ang pag-aalaga ni Jared sa kanya. Kaya naman, lumapit na si Hannah sa kanilang dalawa.
“Jane, ang sabi ng doktor ay bawal daw sa mga buntis ang masyadong emosyonal. Oo, na-save ang baby mo ngayon pero kapag may nangyari pang ganito ay baka maging delikado na ang lagay ng baby mo,” sabi ni Hannah, kita sa kanya ang pag-aalala kay Jane.
Inalis ni Hannah ang pagkakahawak ni Jane kay Jared, kahit na kita naman niya ang luha ni Jane ay hindi pa rin siya komportable. Pakiramdam niya ay nadudumihan si Jared. Gusto niya na kanya lang ito. Meron siyang mysophobia, sa buhay at sa pag-ibig.
Mukhang hindi sanay si Jane na mabait si Hannah sa kanya kaya natigilan siya. Napansin niyang may luha ang kamay ni Jared kaya naman pinunasan agad niya ito ng tissue.
“Jared, halika. Pupunasan ko ang kamay mo nitong tissue. May mga luha pala na pumatak dyan. Pasensya ka na,”sabi ni Jane habang nagpupunas ng kamay ni Jared.
Hindi pa tapos ang pagpunas ni Jane sa kamay ni Jared ay pinigilan na siya ni Hannah.
“Huwag mo nang gawin iyan, Jane.”
Kitang-kita ni Hannah na natigilan si Jane. Tumingin ito kay Jared na para bang may gusto siya rito kaya kinausap nang masinsinan ni Hannah si Jared paglabas nila ng ward.
“Gusto ka ba ni Jane?”direktang tanong ni Hannah.
“Hindi, ah!” paged-deny naman ni Jared kay Hannah.
“Eh, ikaw ba? Gusto mo ba siya?” tanong ni Hannah ulit.
Ayaw pa naman ni Jared ýong pa-isa isa ang tanong, gusto niya kapag tinanong siya ay lahatan na para isang bagsakan na rin ang sagot. Nang itanong iyon ni Hannah ay kitang-kita na natigilan siya pero sumagot pa rin siya.
“Ano ka ba? Magkaibigan lang kami,”sagot ni Jared.
“Noong araw na nawala si Lyndon, humingi siya ng pabor sa akin habang hawak niya ang kamay ko. Alagaan ko raw si Jane,” sabi ni Jared, nanginginig ang kanyang boses, pati na rin ang mga kamay.
Napansin ni Hannah na kinakabahan si Jared sa tuwing nasasabi ang pagkamatay ni Lyndon. Hindi lang isang beses itong nangyari.
“Wala lang, napapansin ko kasi na masyado na siyang umaasa sa tulong mo,” sagot ni Hannah.
“Eh baka buntis lang siya kaya ganoon. Baka feeling niya, hindi siya safe mag-isa. Hannah, mas iniisip ko ang future nating dalawa,” pag-papaliwanag ni Jared kay Hannah.
Ang dami na niyang paliwanag kay Hannah pero pinagsabihan niya pa rin ito.
“Kahit na inaalagaan mo siya para kay Lyndon, e baka magkagusto pa rin siya sa iyo. Okay? Nag-aalala lang ako,” sabi ni Hannah.
“Alam ko naman iyon, Hannah.”
Ayaw na ni Hannah na humaba pa ang usapan, pakiramdam niya ay napapahiya na siya. Pagkatapos magsalita ni Hannah ay nakarinig siya ng cart wheels kaya naman sinubukan niyang tingnan iyon. Nakita niya na napakaraming tao ang nag-aassist sa ambulansya na dumating.
“Mag-ingat ka, Hannah,” paalala ni Jared sa kanya.
Pagkatapos sabihin iyon ni Jared ay nadali si Hannah ng mga taong nag-aasisst kaya naman hinila siya pabalik ni Jared sa kanya at napasubsob siya sa dibdib nito. Rinig na rinig tuloy niya ang pagtibok ng puso nito.
Naalala niya tuloy ang isang pagkakataon kung saan narinig din niya ang tibok ng puso ni Jared. Nalaglag siya dahil sa isang school activity. Kaya naman nandoon agad si Jared para saluhin siya. Noon pa lang ay na-inlove na siya rito.
Sinara ni Hannah ang kanyang mga mata habang nakayakap pa rin kay Jared. Ayaw na niyang isipin pa kung ano man ang nangyari sa buong araw niya.
“Umuwi na tayo, pagod na ako eh,” sabi ni Hannah.
“Sige, magpapaalam muna ako kay Jane ha? Dyan ka lang,” sagot naman ni Jared pagkatapos ay humalik ito sa noo ni Hannah.
Hindi na sumama pa sa loob ng ward si Hannah, hindi na niya narinig pa ang sinabi ni Jared kay Jane pero paglabas ni Jared ay narinig niya na umiiyak si Jane.
Nang makauwi na sila sa bahay ay nakita nilang gising pa ang mga magulang ni Jared. Nanunuod ito ng TV sa may sala. Pansin din ni Hannah na parang hindi nag-uusap ang dalawang matanda habang sila ay nanunuod.
Natanong na rin naman ni Hannah iyon sa kanila, ang sabi nila ay araw-araw naman daw silang nagkikita. Ano pa ba ang kailangan nilang pag-usapan? Sinabihan na rin naman siya ni Jared noon na noong una ay inlove na inlove ang mga magulang niya sa isa’t isa pero nang maglaon ay parang naging ordinaryo na rin ang mga araw para sa kanila. Dahil doon ay napa-isip si Hannah nab aka ganoon rin sila ni Jared kapag tumanda sila.
Pagkatapos ibigay ng tindera ang sunflower ay nakangiting pumasok sa loob ng kanyang kotse si Hannah. 'Buti pa 'yong tindera, naa-appreciate ako,' sabi niya sa sarili. Nag-drive na si Hannah papunta sa sementeryo. Iniwan niya muna sa shotgun seat ang sunflower na bigay sa kanya ng tindera at kinuha niya 'yong flowers na ilalagay niya sa puntod ng kanyang ama at ina. Nagulat si Hannah pagkarating niya sa puntod, may flowers na nakalagay sa puntod ng kanyang mga magulang. Sa hula niya, dalawang linggo na ang nakakalipas simula noong may naglagay noon doon. Agad na nag-isip si Hannah kung sino ang dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang, walang iba kasi ang gagawa noon kung hindi si Mr. and Mrs. Falcon. Pero, labis ang pagtataka niya dahil wala namang nabanggit si Mrs. Falcon noong nagkita sila at nag-usap. Ang inisip na lang niya ay baka nakalimutan nitong sabihin sa kanya ang pagdalaw nito dahil sa sobrang busy at marami rin namang iniisip na bagay ang ginang. Agad niya
Nanlaki ang mga mata ni Hannah at napabitaw sa pagkakahawak ni Simon sa kanya. Hindi niya maisip na gustong totohanin ni Simon ang relasyon na para sa kanya ay laro lang. "Pwede mo akong maging totoong boyfriend. Try natin. Kung hindi mo magugustuhan ang ugali ko, pwede naman tayong mag-break. Basta, totoong relationship ang gusto ko. Mas okay na sa akin iyon kaysa 'yong laro lang. Alam mo naman na hindi dapat laruin ang feelings ng isang tao, 'di ba?" Dahil sa sinabi ni Simon ay natigilan si Hannah. Napatingin siya nang matagal sa binata. Mataas ang respeto niya sa taong nasa harap niya at mataas din ang tingin ng ibang tao kay Simon kaya hindi niya pwedeng gawin 'yong gusto nito. "Simon, nilinaw ko naman ang lahat, 'di ba? Anong sabi ko sa'yo, laro lang ang gusto ko. Hindi totoo. Kung hindi mo kaya 'yong gusto ko, kalimutan mo na lang. Isipin mo na hindi tayo nag-usap kahit kailan," sagot ni Hannah. Aalis na sana ang dalaga pero pinigilan na naman siya ni Simon. "Pero, kai
Nang makapunta na sa amusement park ay agad na nakita ni Hannah si Simon. Binaba niya ang window ng kotse niya kaya nanlaki ang mga mata ni Simon. Natawa pa si Hannah sa kanyang sarili dahil nakita pa niyang nahirapang lumunok si Simon nang makita siya. 'Ngayon lang ba niya ako nakita na ganito kaganda? Grabe siya kung makatingin sa akin, ah?' sabi ni Hannah sa kanyang sarili. Ang buong akala ni Hannah ay hindi magagandahan si Simon sa kanya. Palagi kasi itong seryoso kapag magkasama sila. Sa isip-isip niya, siguro ay totoo nga na mabilis magandahan ang lalaki sa outer appearance ng mga babae. Dahil alam niyang nagandahan na si Simon sa kanya ay nilugay pa niya ang kanyang buhok. Doon na napatingin ng masama si Simon sa kanya. "O, nagbago na ba ang isip mo? Tinatanggap mo na ba ang offer ko?" tanong ni Hannah pero mukhang hindi agad naintindihan ni Simon iyon. "Ha? Anong sinasabi mo?" tanong pabalik ni Simon kaya lalong nainis si Hannah pero napansin niyang umiiwas ng ting
Pagbaba ng tawag ni Hannah ay inis na inis siya. Hindi niya alam na aabot sa ganoon ang pagkabaliw sa kanya ni Jared. Nang isipin niya muli na magpo-propose ito sa kanya ay napailing siya. Paano nakakaya ni Jared na gawin iyon kahit alam naman niyang wala na sila ni Hannah?Dahil sa inis ay naalala niyang ka-text niya pala noong gabi si Simon kaya minabuti niyang i-text ulit ito. Titingnan niya kung nagbago na ba ito ng isip sa ino-offer niya.HANNAH: Ano? Nagbago na ba ang isip mo? You know, para maging fake boyfriend ko?Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay todo tingin na si Hannah sa kanyang cellphone pero wala pa ring reply si Simon sa kanya.Iniisip niya na busy lang ito sa amusement park kaya hindi ito nagrereply sa kanya. Dahil sobrang gusto na niyang malaman ang sagot nito ay hindi na siya nakatiis, tinawagan niya na ito. Nainis pa siya dahil noong unang beses siyang tumawag ay hindi ito sinagot ni Simon. Nangulit pa siya kaya inis ang tono ng binata ng sagutin nito ang taw
Nagising si Hannah na masakit ang ulo dahil sa labis na kalasingan. Hindi na nga niya napansin na wala na pala si Liane sa bahay nito, marahil ay nasa trabaho na. Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Hannah kaya kahit hindi pa niya nababasa kung sino ang tumatawag ay sinagot niya na iyon. "Hello," antok na antok pa ang kanyang boses. "Miss Hannah, ready na po ba kayo?" tanong ni Secretary Martinez. Kumunot naman ang noo ni Hannah habang iniisip kung tungkol saan ang sinasabi ni Secretary Martinez. Kahit ayaw pa niyang magising ay nagising na ang diwa niya. "Secretary Martinez? Tungkol saan na naman ito? Bakit ka tumatawag sa akin?" naguguluhang tanong ni Hannah. "Miss Hannah, hindi nga po talaga pwedeng hindi kayo pumunta rito sa amusement park. Sige na po, pumunta na po kayo, please?" pagmamakaawa ni Secretary Martinez kaya lalong nainis si Hannah. "Secretary Martinez, sige nga. Tatanungin kita. Bakit ba gustong-gusto mo akong papuntahin dyan? Anong meron?" tanong ni
"At ano, pagkatapos ng kasal natin, itatago mo siya sa isang mansion na siya lang mag-isa dahil kabit mo siya? Oh, pkease, Jared. Alam ko na ang mga ganyang galawan mo, hindi mo na ako maloloko pa."Dahil inis na rin si Jared ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Nasabi na niya ang kanina pang nasa isip."Hannah, ano ba? 'Di ba, sinabi ko na sa iyo noon pa na buntis siya at kailangan ng isang taong mag-aalaga sa kanya? Alam mo rin na nakakaawa siya, pero bakit hindi mo man lang magawang maawa kahit konti? Intindihin mo ang kalagayan niya dahil wala na si Lyndon!" Sa sobrang lakas ng boses ni Jared ay nilayo na ni Hannah ang kanyang cellphone sa tenga. Pero kahit nilayo na niya ang kanyang cellphone ay rinig na rinig pa rin niya ang boses ni Jared, kung anu-ano ang sinasabi. "Hannah, babae ka rin. Dapat ay naiintindihan mo ang sitwasyon niya. Isa pa, noong ikaw naman ang inampon ng pamilya ko ay minahal at tinanggap ka lang nila? Binigay nila ang lahat sa iyo at inintindi ka
Ilang ring pa bago tuluyang nasagot ni Simon ang tawag ni Hannah."Ano iyon? Bakit ka natawag, Miss Hannah?" malumanay ang boses ni Simon nang sabihin niya iyon.Habang nakahawak sa wine glass at nilaro-laro pa ang wine na naroon ay bigla siyang nagsalita."Simon, pwede bang magkunwari kang boyfriend ko? Pagkukunwari lang naman, hindi totoo," sabi ni Hannah.Ilang minuto rin na tahimik si Simon sa kabilang linya. Para bang prinoproseso pa kung ano ang sinabi niya."Nakainom ka ba? Bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin ngayon?" naguguluhan na tanong ni Simon.Hindi naman sumagot si Hannah, sa katunayan ay iniba pa niya ang topic dahil ayaw niyang malaman ni Simon kung nasaan siya."Ano, okay nga lang sa'yo? Gawin kitang fake boyfriend?" "Ang tanong ko ang sagutin mo, nasaan ka ngayon?" may inis na sa boses ni Simon nang sabihin niya iyon."Hayaan mo na pala, mukhang alam ko na ang sagot. Salamat na lang," papatayin na sana ni Hannah ang tawag pero sumagot pa si Simon sa kanya."Hann
Inis na inis si Hannah nang tunggain niya ang basong may laman na alak. "Sino ba 'yon? Galit na galit ka, ah. Si Secretary Martinez? Pinapapunta ka sa amusement park?" tanong ni Liane pero natatawa. "Sino pa nga ba? Hindi ko nga alam kung bakit pumapayag pa iyon na magtrabaho kay Jared! Puro kalokohan lang naman ang inuutos noon sa kanya!" dahil nakainom ay parang lasing na kung makapagsalita si Hannah noong mga oras na iyon. Sasagot pa sana si Liane nang biglang may tumawag na naman kay Hannah. Sa pagkakataon na iyon ay unknown number na naman ang lumabas sa caller ID. "Ano ba 'tong mga to? Wala na ba silang matawagan na iba?!" inis na sabi ni Hannah. Pero, kumalma na rin siya nang ma-realize niyang baka isa iyon sa mga kumpanya na inapplyan niya. Kinalma niya muna ang kanyang sarili bago sagutin ang tawag. "Hello," sagot ni Hannah. "Hi. Is this Miss Hannah Cervantes?" tanong ng isang babae sa kabilang linya. Dahil maganda ang boses noong babae ay naging pormal din an
Nang makarating na nga si Hannah sa bahay ng kanyang kaibigan na si Liane ay agad niyang binuksan ang alak na kanyang dala-dala. Bukod pa roon ay may wine din na nilabas si Liane para hindi naman siya masabihan ng kaibigan na hindi siya handa. Gumawa din siya ng salad na favorite nila ni Hannah. "O, ano ba 'yong sasabihin mo sa akin, ha? Sabi mo, ikakainit ng ulo ko 'yan? Don't tell me si Jared pa rin ang pinag-uusapan natin?" Agad na tumawa si Hannah at saka tumango-tango. Binuksan niya ang isang bag of chips para maumpisahan na ang inuman nila. Uminom din siya noong alak bago tuluyang magkwento sa kaibigan. Napailing na lang si Liane dahil ang buong akala niya ay tungkol sa iba ang ikekwento sa kanya ni Hannah. Hindi niya tuloy malaman kung gugustuhin pa ba niya iyong malaman o hindi na. "Ano naman ang kwento mo tungkol sa lalaking iyon?" mataray na tanong ni Liane. "Pumunta ako sa mansion ng mga Falcon dahil hinatid ko si Mrs. Falcon doon. Paano'y pumunta ba naman sa