Diana's POVHabang nag-aagahan, nag-usap kami ng masinsinan ni Jade sa napag-alaman namin tungkol sa Genius Class program mula sa mismong head ng project na si Mrs. Samson.Ang sabi nya, kung saka-sakaling pumasa si Freslin sa assessment at tuluyang maging estudyante nila, ako bilang ina at legal guardian ay may dalawang opsyon.Una, ay ang italaga ang eskwelahan na maging legal guardian ng anak ko, in favor of free board and lodging. Mayroon kasing isang modernong dormitoryo sa likurang bahagi ng campus kung saan libreng makakatira ang mga estudyante ng Genius Class.Pabor ito sa mga mag-aaral na galing sa malalayong probinsya dahil hindi na nila kailangang gumastos pa para sa boarding house o apartment. Hindi na rin kelangan ng taga-sundo dahil nasa loob ng bakuran ng eskwelahan ang mismong dormitory at nagkalat ang mga guwardiya sa institusyon, at may round-the-clock CCTV monitoring pa.Pangalawa, ay ang ihatid-sundo si Freslin araw-araw mula sa inuupahan naming maliit na apartment
Diana’s POVUmuwi akong parang naguguluhan sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na nakuha ko ang trabaho nang walang kahirap-hirap.P80,000 basic salary, plus a free three-bedroom condo unit. It felt too good to be true.The man even showed me a pamphlet of the condos in CLS Towers when I hesitated signing the contract.At nang mapirmahan ko na, mabilis nyang hinablot ang dokumento na animo’y takot siyang magbago ang isip ko. At yung ekspresyon ng mukha nya. Parang mas masaya pa siya kaysa sa akin.Nakita ko na halos abot-tenga ang ngiti nya. He even laughed and said “good” three times.It’s just so odd to see an employer looking forward to an employment more than the job seeker.May kakulangan ba sa workforce dito sa Dumaran? Iyon ba ang dahilan kaya walang ibang aplikante akong nadatnan kundi ako lang?O baka naman sobrang pangit ng ugali ng magiging boss ko kaya’t walang gustong kumuha ng trabahong ito kahit nakakalula yung sweldo at benepisyo?Hindi na ako binigyan ng pagkakataon n
Diana's POV“R—yan? Anong ginagawa mo dito?” Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.Ang dati kong nobyo na mas mahirap pa sa daga, bakit ngayon ay nakasuot na ng mamahaling Armani suit? At ang suot nitong relos sa kaliwang kamay, kung hindi ako nagkakamali ay isang designer watch na limited edition at gawa ng Patek Philippe.Ang kumikinang sa kislap na Testoni shoes nito, gawang Italya na siguradong mahal dahil sa iilang palamuti nitong diamante.Halos nasa singkwenta milyones siguro kung susumahin lahat ng suot nito sa katawan.For a second, parang tumigil ang utak ko at natuliro. Nakatingin lang ako kay Ryan at nakanganga. Halos hindi rin ako makahinga sa magkahalong gulat at kaba.Mula kasi nang bumalik ako ng Dumaran, palaging sumasagi sa isipan ko kung nasaan na ba si Ryan, ang dati kong kasintahan.Marami akong dapat linawin at ihingi ng tawad sa kanya, kung tutuusin. Makailang beses kong naisip na kung sakaling magkasalubong kami sa daan, magagawa ko bang magtapat ng mga tot
Ryan / Matthew's POVI watched Diana walk out of the restaurant without any kind of hesitation. Bigla akong nainis lalo pa’t kasa-kasama ko itong bwiset na artista na grabe kung makapulupot sa akin.“Darling, what shall we eat?”Ang sakit sa tengang pakinggan ang boses ng babaeng ito na nag-iinarte na naman.“Wala akong gana.” Tumayo ako sabay tanggal ng kamay ni Lisa sa aking braso.“You can tell them what you want to eat. The chef will cook it for you.”Then I started to walk away.“Is it because of that woman?” Narinig kong sabi nya, may halong yamot sa boses nito.Tumigil ako at lumingon sandali sa kanya.“Lisa Hues.” Ang marahan kong sabi. “Siguro hindi pina-intindi ng agency mo ang totoong papel mo sa buhay ko. Let me get it straight. You should only act as my girlfriend whenever I need you to. So in front of other people, act like you’re the perfect girlfriend. But when we’re alone, get as far away as you can from me. Got that? Remember, you neither have the right to be jealous
Diana's POVSunday, Lunchtime“Ano bang kasalanan ng pagkain at halos durugin mo, Sis?”“Huh?” Napatingin ako kay Jade, inaalam kung anong ibig nyang sabihin.“Kaninang agahan, halos hindi mo rin ginalaw ang pagkain mo. Ngayon naman tinutusok-tusok mo lang ng tinidor. Ano ba ang problema?”“Ah ito? Walang problema, Sis. Medyo wala lang akong gana.”Napabuntunghininga si Jade at tinitigan akong maigi.“Magtapat ka nga. Kagabi umuwi kang walang imik at matamlay. Ngayon, wala ka namang gana. May masama bang nangyari sa pagkikita nyo ng boss mo kahapon?”Matagal na nabalot ng katahimikan ang hapag-kainan bago ko nagawang magsalitang muli.“Sa totoo lang, pilit ko ring inaalala kung totoo ba ang lahat ng nangyari kahapon. Kahit kasi kumbinsihin ko ang aking sarili ay parang napaka-imposible.” Pailing-iling kong sagot.“Ano bang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan.” Nakakunot ang noo na giit ni Jade.“Kung tapos ka nang kumain, doon tayo sa kwarto mag-usap. Huwag dito at baka marinig
Diana's POVPagkatapos kong marinig ang sinabi ni Brody ay agad akong nagbihis. Hindi ko alam kung anong klaseng emergency ang tinutukoy ni Brody at kung talaga bang may maitutulong ako.Pero nitong hapon ay tinulungan niya si Freslin na makahanap ng angkop na computer parts para sa laptop nito. Isa itong malaking pabor, at nais ko sanang suklian ito ngayon.“Sweetie, kayo lang muna ni Tita Ninang ang sabay maghapunan. May pupuntahan akong importante. I’ll be back right away,” sabi ko sabay halik sa pisngi ng aking anak.“Ingat ka, mommy.” Kumaway si Freslin at nagpatuloy na tumulong mag-ayos ng lamesa.“Go, ako na ang bahala dito.” Sabi naman ni Jade.Agad akong pumara ng taxi at ilang minuto lang ay narating ko ang matayog na gusali ng Collins Industries.Sa hallway pa lang papuntang opisina ni Ryan ay dinig na dinig ko na ang nagsusumamong boses ni Brody.“Boss, pumili ka na nang isa sa mga damit dito, at ma-le-late na tayo sa interview,” udyok ni Brody, sabay kuha ng mga naka-hang
Diana's POVNgayon talaga ang opisyal na unang araw ko sa trabaho, kahit pa masasabing dalawang beses na akong pinatawag over work-related matters.Dahil sa inasal ni Ryan kagabi bago nya ako ihatid sa bahay, hindi ako nakatulog nang maayos sa sobrang pag-iisip.Kaya tuloy medyo may konting dark circles sa ilalim ng aking mga mata nang magising.Magkagayunpaman, bumangon ako nang maaga at nagluto ng agahan para sa aming tatlo. Hindi ko na ginising si Freslin, bagkus ay nagbilin na lang ako kay Jade kung anong sasabihin kapag nagising na ang anak ko at nalaman nito na wala ako sa bahay.Paglabas ko ng gusali, nagulat ako nang makita na nasa baba at nakaparada yung itim na luxury sedan na sinakyan ko kagabi.Akala ko ay si Brody ang nagmamaneho kaya lumapit ako sa kotse. Pero nang bumaba ang salamin ng driver’s seat, si Ryan ang nakita kong may hawak ng manibela.“Get in.” Simpleng utos nito sa akin.Tatanggi sana ako pero naisip ko na wala rin namang silbi. Pagkapasok ko sa passenger’s
Ryan / Matthew's POVTwo days after…Habang kumakain ako ng breakfast, nakatanggap ako ng tawag mula kay Brody. Kasalukuyan siyang nasa kabisera para sundan at i-verify ang mga leads na binigay ng detective agency sa amin.“Bro, kumusta? Did you manage to find something?” Agad na tanong ko.“I did find something. Ms. Harris’ real name is Nadia Miller. 7 years ago, nakatakda siyang ikasal sa isang Brandon Colton. Ang mga Miller at Colton ang dalawa sa pinakamayamang angkan sa kanilang lalawigan. Pero sa di makumpirmang dahilan, hindi natuloy ang kanilang kasal.”“Hmm? Ano sa tingin mo ang dahilan?”“While hindi ko makumpirma dahil nanatiling tikom ang bibig ng dalawang pamilya sa totoong dahilan, marami ang posibleng nangyari, bro.”I listened as Brody told me his bold speculations.Una, si Diana mismo ay kumalas sa arranged marriage, itinakwil ng pamilya, then nakatagpo ng ibang lalaki at nabuntis.Pero malabong ito ang nangyari, dahil kung kumalas ito sa itinakdang kasal ay dapat ako