Share

Chapter 7

Dianna’s POV

--- Seven Years Later at Dumaran, Palawan port----

Pagkadaong ng barko sa pantalan ay agad akong nakadama ng magkahalong saya at lungkot.

Ibang-iba na kasi ang itsura ng lugar na ito; yung dating mga puno at luntiang tanawin ay napalitan na ng mga gusali. Dumami na rin ang mga tao. Wala na ang dating tahimik at mapayapang kapaligiran.

Nanlumo ako nang mapagtanto na parang hindi na pamilyar sa akin ang lugar na ito. Parang napag-iwanan na ng panahon ang memoryang nakaukit sa aking puso.

Kumusta na kaya si Ryan? Andito pa kaya siya? Hindi ko maiwasang mapaisip.

I smiled bitterly and tried to push away such meaningless thoughts. Tapos na ang lahat, at inaamin kong sobrang nasaktan ko si Ryan noon. Malamang ay may sarili na rin itong pamilya.

Katulad ko- pagkatapos ng mga unos sa buhay ay may sariling pamilya na rin- si Freslin ang nag-iisa kong anak.

Magiliw kong tiningnan si Freslin, ang bibong bata na bunga ng isang gabing kapusukan namin ni Ryan. Ang kapusukang nagpabago sa direksyon ng aking buhay.

Pero wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari; instead I feel blessed and grateful for having such an amazing child.

Masunuring bata si Freslin. Alam ko, sa mura nitong edad ay napilitan itong mag-mature dahil sa hirap ng buhay namin sa isla. Ni hindi ko ito halos nakitang umiyak o magmaktol man lang.

Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nag-aasta itong matanda para lang pagaanin ang loob ko.

Kaya naman kahit may agam-agam ako ay nagpasya akong lisanin na ang islang iyon.

Because it’s not a great place to raise a child.

I want my little prince to have a normal childhood. Yung may makakasama siyang mga batang ka-edad nya. Yung makita siyang nakatawa, masaya dahil walang inaalala sa buhay.

Bukod pa doon, may mas matinding dahilan kaya kailangan kong dalhin si Freslin sa Palawan. Sabi kasi ng matandang guro sa isla, sobrang taas ng IQ ni Freslin kung kaya hindi na nakakasabay ang pang-batang aralin sa kanya.

Genius. Prodigy. A great talent!

Ganito kung ilarawan ng kanyang guro ang talino ni Freslin. Sabi pa nito ay masasayang lang ang dunong ng anak ko kung mananatili ito sa isla. Bukod sa kulang na sa pasilidad ay hindi rin sapat ang mga libro at guro na gagabay sa level ng talino ng anak ko.

“You have to bring your child out of this prison of an island, Mrs. Harris.” Iyon ang mahigpit na tugon ng guro sa akin, sabay abot ng rekomendasyon para sa isang educational institution.

Sabi nya may experimental class na binubuo ang eskwelahang ito para sa mga ubod nang talino, o yung mga geniuses.

Nagulat ako sa nakalagay na address at pangalan ng paaralan:

Northfield Educational System. Dumaran City, Palawan

Dumaran was where Ryan and I met. And Northfield was the name of the university we went to.

May koneksyon ba ang dalawa? Anong klaseng coincidence naman nito. Pero alam kong walang puwang ang pag-dadalawang-isip basta’t kapakanan ni Freslin ang pinag-uusapan.

Nag-usap kami ni Jade, and we both agreed that moving out of the island was the best for my child.

So here I am, back in Dumaran, with two of the most important people in my life.

Habang naglalakad kami pababa ng barko, marahan kong hinaplos ang buhok ng aking anak.

Freslin looked at me with that doe-like eyes of his. Kahit natatabunan ng kanyang malaking salamin sa mata ang kabuuan ng kanyang mukha, hindi maipagkakailang cute at poging bata ang anak ko.

Hindi nakapagtataka. Magandang lalaki nga naman ang ama niya. Pareho pa ang kulay ng kanilang mga mata, golden brown.

Si Ryan. Ewan kung bakit pabalik-balik sa isip ko ang ama ng aking anak. I must be emotional because this place held a lot of his memories.

“Mom, are you okay?” Narinig kong sabi ni Freslin. Marahil napansin nya ang halo-halong emosyon sa aking mukha.

“I’m fine sweetie.” I assured him. “Emosyonal lang si mommy, kasi after many years, nakabalik na ulit ako dito.”

“Yes, baby. Alam mo bang nag-aral kami dito ng mommy mo?” Sabat pa ni Jade. “At ang dami naming ginawang kalokohan dito dati. Hahaha.”

At nagsimula na ngang magkwento si Jade ng ilang karanasan namin dito sa Palawan. Hindi tulad ko na may agam-agam, lubusang kasiyahan ang nadarama ni Jade sa pag-alis namin sa isla.

Sa totoo lang, ang laki ng pasalamat ko sa kaibigan kong ito. Kung tutuusin pwede nya na kaming iwanan ng aking anak sa isla at bumalik na sa kanila, pero hindi. Pitong taon nya akong sinamahan at tinulungang palakihin si Freslin.

She’s like my child’s second mother. That’s why mahal na mahal din sya ng anak ko. Bukod sa aming dalawa ni Jade, iilang tao lang ang talagang nakakasundo ni Freslin sa isla.

Sa una, akala ko ay mahiyain lang ang anak ko at hindi pala-kaibigan.

Pero ang sabi ng matandang guro sa akin ay dahil iyon sa taas ng IQ ni Freslin. Nababagot siyang kausap at kasama ang mga batang ka-edad nya, dahil nga iba ang level ng pag-iisip nya kumpara sa ibang mga bata.

Mas gusto pang kasama ni Freslin yung mga matatandang bisita ni Mang Danny sa coffee shop nya. Ang pagkakaalam ko ay tinuturuan nila yung anak ko ng iba’t-ibang kaalaman.

Yung isa ay ni-regaluhan pa si Freslin ng kakaibang laptop. Maliit lang ito, pero ang sabi ay top of the line daw at hindi available sa market.

Hindi naman ako nagtataka dahil maraming sikreto ang islang iyon. Sa pitong taon na pamamalagi namin roon, alam kong marami sa mga bumibisita o maging yung nakatira doon ay may espesyal na identity.

“H’wag mo nang alamin, at baka ikapahamak mo pa.”

Iyon ang paalala sa akin ni Mang Danny, kaya hindi na ako nag-usisa pa tungkol sa background ng mga taong iyon. Ang mahalaga ay maayos ang turing nila kay Freslin.

Naputol ang aking pag-iisip nang mapansin kong may tinuturo si Freslin sa mga taong nagkukumpulan sa gilid ng kalsada.

“Mom, ano yung hawak-hawak nila?”

Halos maiyak ako nang makita kung ano ang nakapukaw sa kuryosidad ng anak ko. Maaaring sing-taas ng langit ang kanyang IQ, pero may mga ordinaryong bagay na hindi nito alam dahil nakakulong ang kanyang mundo sa maliit na isla lamang.

Mas naging buo ang aking determinasyon na tama lang ang desisyon naming lumuwas ng isla.

“Sorbetes ang tawag d’yan sweetie. Malamig, matamis, at masarap. Gusto mong bumili tayo?”Alok ko pa.

Nag-isip sandali si Freslin bago tumango. “Okay.”

Pagkatapos naming pumila, may hawak na kaming tig-dadalawang apa ng sorbetes. Masaya kaming naglakad habang kumakain.

Walang pagsidlan ang tuwa ng aking anak sa bagong karanasan nya, at sa kaalamang napakasarap pala ng sorbetes.

“Mom, itong sorbetes na ang bagong paborito ko sa lahat.”

My little boy smiled so sweetly that his eyes arched into crescents.

“Huwag kang mag-alala baby. Marami pang masarap na pagkain dito na hindi mo pa natitikman sa isla.” Ang sabad ni Jade.

“Next time, yung halo-halo naman ang i-try natin. Masarap din yun.”

“Talaga, Tita ninang?”

“Oo, naman. Hayaan mo, after we’ve settled down ay hahanap si Tita ng pagkakataong ipasyal ka. Bibili tayo ng maraming pagkain, tapos bibili tayo ng mga damit, manonood ng sine at marami pang iba. Basta ako’ng bahala.”

Tuwang tuwa ang anak ko sa narinig nya.

Habang naglalakad kami ay nagtanong-tanong kami kung saan may mga murang bahay na paupahan. Nakahanap naman agad kami ng kasya sa budget namin. Medyo maliit nga lang ang apartment at malayo nga sa sentro, pero hindi naman kami magtatagal dito at hahanap din kami ni Jade ng mas maayos na tirahan.

Konti lang naman ang mga dala naming gamit kaya nagligpit lang kami sandali at kumain. Kinahapunan ay pinuntahan namin yung address na nakasaad sa recommendation letter na binigay ng matandang guro sa isla.

Kinakailangan kasing i-register nang maaga si Freslin sa Genius Class, bago pa magsimula ang opisyal na klase.

Pumara kami ng taxi at binigay ang destinasyon. Habang binabagtas namin ang daan papuntang eskwelahan ay di ko maiwasang mapaisip na pamilyar talaga ang pangalan ng inirekomendang paaralan para sa anak ko.

“Sis, ito nga ang dating eskwelahan natin, ang Northfield University!” Ang hindi makapaniwalang bulalas ni Jade.

Pero mas nagulat ako sa kasalukuyang itsura ng paaralan. Kung dati ay apat na palapag ang gusali nito na medyo may kalumaan na, ngayon ay may bago nang matayog na building sa pinakaharap nito.

Halos nasa sampung palapag ang bagong gusali na sobrang gara ng pagkaka-disenyo.

Modern, sophisticated, at state-of-the art.

Hindi lang ito ang napansin ko; mas lalo pa yatang lumawak ang sakop ng paaralan dahil meron na itong malapad na espasyo sa may likuran na nababakuran ng iba’t-ibang modernong pasilidad.

“Wow! Mom, dito kayo dati nag-aral ni Tita ninang?” Halata sa boses ni Freslin na hangang-hanga siya sa nakikita nya.

“Oo anak, pero hindi ito ganito kagara dati. Ang laki na nang pinagbago nito.”

Sa loob, nagtanong kami sa guwardiya na magalang na itinuro sa amin kung saan ang tamang opisina para i-rehistro si Freslin.

Dahil may dala na kaming rekomendasyon ay hindi na kami nahirapan sa proseso.

Ang sabi ng in-charge, sa dami ng nagkaka-interes sa bagong programa ng paaralan ay maraming mayayamang angkan ang gustong i-enrol ang kanilang anak sa Genius Class.

Pero dahil nga experimental class pa lamang siya ay isandaang slots lang ang nakalaan ngayong taon.

Kaya naman mahigpit ang alituntunin sa pagpili ng estudyante. Mas maigi yung may bitbit nang rekomendasyon tulad namin, dahil diretso na agad sa assessment.

Otherwise, ay pipila ka talaga at dadaan pa sa ilang preliminary tests.

Sa madaling sabi, ang recommendation letter ay parang isang golden ticket. With it, we’re already a step ahead sa competition. Lihim akong nagpasalamat sa matandang guro sa isla, at muli ay napaisip sa tunay na identity nito.

If everything goes well with Freslin’s assessment later on ay officially, magiging estudyante siya ng Genius Class.

After we secured a schedule for Freslin’s assessment, ay lumabas na kami ng opisina. Habang papalabas kami ng paaralan, napansin naming nagkukumahog ang mga tao sa paligid.

“Bilis, parating na sila Mr. Collins!” Narinig kong sabi nong isa.

Ayon sa usap-usapan, si Mr. Collins daw ang bagong may-ari ng paaralan. Bibisita daw ito for an inspection.

May dumating na magarang kotse at agad naghiyawan ang mga tao. Gusto ko sanang maki-usyoso dahil curious ako sa bagong may-ari ng Northfield University. Hanga ako sa vision at sa improvement na ginawa nya dito.

Kaya lang ay nagyaya nang umuwi si Freslin dahil pagod na daw ito.

I smiled and kinarga ko ang aking anak habang nagpatuloy na sa paglakad paalis ng bakuran ng school.

“Mom, I’m big na.”

“Yes, sweetie I know. Gusto lang ni mama na mayakap ka.” Sabi ko.

Kumapit lang nang mas mahigpit sa akin si Freslin at ngumiti nang sobrang sweet.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status