Home / Romance / The Billionaire's Forgotten Wife / The Billionaire's Forgotten Wife

Share

The Billionaire's Forgotten Wife

Author: CESSYPRINCE
last update Huling Na-update: 2026-02-27 08:13:55

KABANATA 6:

Pagkatapos ng masayang salu-salo, dinala ako ni Vince sa kanyang silid sa itaas ng bahay nina Aling Magda. Kahit pa sabihing simpleng bahay lang ito, ang kwarto ni Vince ay malinis, amoy-lalaki, at puno ng katahimikan na tila naghihintay sa aming pagdating. Ngayong gabi, hindi na kami simpleng magkakilala lang. Ngayong gabi, mag-asawa na kami.

Pagkapasok namin, agad niyang ni-lock ang pinto. Ang tunog ng trangka ay tila hudyat ng pagsisimula ng isang bagong yugto sa aming buhay. An
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Forgotten Wife   The Billionaire's Forgotten Wife

    KABANATA 8:​Tatlong buwan na kaming kasal ni Vince, at masasabi kong iyon ang pinakamasayang yugto ng buhay ko. Kahit hindi pa rin niya naaalala ang nakaraan niya, hindi na iyon naging hadlang. Para sa akin, sapat na ang Vince Sullivan na kasama ko ngayon—ang lalaking maalaga, masipag, at walang ibang ginawa kundi pasayahin ako.​Nag-apply siya bilang helper sa isang warehouse sa karatig-bayan para makatulong sa gastusin namin. Maayos naman ang takbo ng lahat. Tuwing hapon, bago mag-alas sais, ay narito na siya sa bahay para sabay kaming maghapunan.​Pero ngayong araw, mag-aalas otso na ng gabi ay wala pa rin ang anino niya.​"Suzette, kanina ka pa pabalik-balik diyan sa pinto. Maupo ka muna at baka nalate lang ng out ang asawa mo," saway sa akin ni Tiya Bebe habang nag-aayos ng lamesa.​"Tiya, kinakabahan po kasi ako. Hindi naman nagpapatagal si Vince sa daan. Alam niyo naman 'yun, nagmamadaling makauwi dahil ayaw niyang naghihintay ako," sagot ko. Hawak-hawak ko ang cellphone ko pe

  • The Billionaire's Forgotten Wife   PULO'T GATA (SPG)

    KABANATA 7: Unti-unti, naramdaman ko ang kanyang kamay na dumadausdos pababa, sa aking hita, sa aking pinakapribadong bahagi. Napasinghap ako nang maramdaman ang kanyang daliri na marahang pumapasok, binabasa, inihahanda ako para sa kanya. Ang sakit na dulot ng pagkaburao ay may halong sarap, isang sensasyong hindi ko maipaliwanag. "Masakit ba?" tanong niya, agad na huminto. "Sasabihin mo sa akin, ha? Hindi ako magpapatuloy kung masakit." Umiling ako. "Masakit... pero gusto kong maramdaman ang lahat, Vince. Ikaw ang gusto ko." Hinalikan niya ako nang marahan bago bumaba ang kanyang ulo. At doon, sa pagitan ng aking mga hita, dumampi ang kanyang labi. Napasinghap ako nang maramdaman ang kanyang dila—mainit, malambot, at napakagaling. Hinalikan niya ako doon na parang sinasamba, dinilaan, sinisipsip hanggang sa hindi ko na mapigilan ang pag-ungol. Ang sarap ay unti-unting pumupuno sa aking sistema, ang hiya ay napapalitan ng pagnanasang sumisigaw sa bawat hibla ng aking pagkatao. "

  • The Billionaire's Forgotten Wife   The Billionaire's Forgotten Wife

    KABANATA 6: Pagkatapos ng masayang salu-salo, dinala ako ni Vince sa kanyang silid sa itaas ng bahay nina Aling Magda. Kahit pa sabihing simpleng bahay lang ito, ang kwarto ni Vince ay malinis, amoy-lalaki, at puno ng katahimikan na tila naghihintay sa aming pagdating. Ngayong gabi, hindi na kami simpleng magkakilala lang. Ngayong gabi, mag-asawa na kami.Pagkapasok namin, agad niyang ni-lock ang pinto. Ang tunog ng trangka ay tila hudyat ng pagsisimula ng isang bagong yugto sa aming buhay. Ang tanging liwanag na nagmumula sa labas ay ang sinag ng kabilugan ng buwan na tumatagos sa bintana, nagbibigay ng mumunting liwanag sa paligid. Sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung saan ilalagay ang aking mga kamay.Naramdaman ko ang kaba sa aking dibdib, isang kaba na may halong pananabik at takot. Humarap ako sa kanya, at doon ko nakita ang titig ni Vince—titig na tila ako lang ang tanging mahalaga sa mundo. Titig na nagpaparamdam sa'king ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo."

  • The Billionaire's Forgotten Wife   The Billionaire's Forgotten Wife

    KABANATA 5: Isang linggo. Iyon lang ang itinagal ng preparasyon, ngunit sa bawat sandaling lumilipas, tila habambuhay na ang hinintay ko para sa araw na ito. Simple lang ang aming kasal—walang marangyang dekorasyon, walang dambuhalang reception. Pero habang naglalakad ako sa gitna ng maliit na kapilya, sa pagitan nina Tiya Bebe at Tiyo Ben, ang tanging nakikita ko lang ay ang lalaking naghihintay sa akin sa dulo ng altar. Si Vince Sullivan. Siya ang pinakagwapong lalakeng nasisilayan ko, at sa loob ng ilang minuto, siya na ang magiging asawa ko. Matapos ang palitan namin ng "I do," dumating ang sandaling pinakahihintay ng lahat—ang aming wedding vows. Bahagyang humakbang si Vince papalapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay, at doon ko naramdaman ang lamig at bahagyang panginginig nito. Kabado siya, pero ang kanyang mga mata ay punong-puno ng katapatan. "Suzette," panimula niya, ang boses niya ay gumaralgal nang bahagya. "Alam kong masyadong mabilis ang lahat. Hi

  • The Billionaire's Forgotten Wife   The Billionaire's Forgotten Wife

    KABANATA 4:​Tanghali na ako nagising kinabukasan. Hindi na ako ginising ni Betty dahil alam niyang inabot na ako ng madaling araw bago nakatulog. Pagkatapos maghilamos at mag-ayos ng sarili, bumaba agad ako sa kusina para kumain.​"Gising ka na pala, Suzette. Kumain ka na muna rito. Pinapasunod ka na ni Betty sa bakery pagkatapos," wika ni Tiya Bebe habang abala sa pagluluto ng yema na ipinapalaman ni Tiyo Ben sa mga tinapay.​"Opo, Tiya. Salamat ho," sagot ko at mabilis na tinapos ang aking pagkain.​Bahagyang maulap ang langit kaya hindi na ako nag-atubiling kumuha ng payong. Maikli lang naman ang lakad patungong bakery. Habang binabaybay ang pamilyar na daan, napansin ko ang isang aninong sumasabay sa akin. Paglingon ko, laking gulat ko nang makita si Vince sa tabi ko. Sinasadyang humaharang ang matikas niyang katawan sa sikat ng araw upang hindi ako direktang tamaan nito.​"Mataas na ang sikat ng araw, ah. Ngayon ka lang ba nagising?" tanong niya na may halong biro.​"Tinapos ko

  • The Billionaire's Forgotten Wife   The Billionaire's Forgotten Wife

    KABANATA 3:​Hindi pa rin rumi-rehistro sa isip ko ang biglaang pag-akyat ng ligaw ni Vince. Mas lalong hindi ko inaasahan ang mainit na suporta nina Tiya Bebe at Tiyo Ben. Kasalukuyan kaming apat na nasa sala, pormal na kaharap ang binata na tila ba isang seryosong paglilitis ang nagaganap.​"Vince, seryoso ka ba rito sa pamangkin naming si Suzette?" tanong ni Tiyo Ben, binabasag ang nakabibinging katahimikan.​"Opo. Ilang linggo ko na rin ho itong balak. Ang kaso, sa tuwing uutusan ako ni Tita Magda na bumili sa inyo, kayo ho ang nagbabantay ng bakery o kaya naman ay ang anak ninyong si Betty," magalang na sagot ni Vince, diretso ang tingin sa mga mata ni Tiyo Ben.​"Nag-aaral kasi itong si Suzette kaya Sabado at Linggo lang siya madalas sa bakery," paliwanag ni Tiya Bebe. "Pero sabi mo’y ilang linggo mo na siyang gustong ligawan? Akala ko ba’y kanina lang kayo unang nagkita?"​Maging ako ay napatingin kay Vince. Nagtataka rin ako dahil wala akong matandaang pagkakataon na nag-krus

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status