FAZER LOGIN"Sino ka sa akala mo para pagsalitaan ako nang ganyan? You’re just my brother’s secretary. Know your place." Iyan ang mga salitang binitawan sa akin ni Ezekiel Morgan—ang bilyonaryong suplado, mapagmataas, at walang pakialam sa mundo. Pero sa likod ng bawat matatalim niyang tingin, ang nakikita ko ay ang lalaking pinakasalan ko limang taon na ang nakalilipas sa isang liblib na probinsya. Para sa kanya, isa lamang akong hamak na empleyado. Pero para sa akin, siya si Vince Sullivan—ang misteryosong estranghero na naging mundo ko sa loob ng tatlong buwan bago niya ako iniwan nang walang paalam. Ngayong nakatira ako sa iisang bubong kasama siya, dalawang bagay lang ang maaari kong kahantungan. Ang mapatunayan ko na siya ang nawawala kong asawa. O ang madurog muli sa harap ng lalaking mahal ko na hindi ako maalala.
Ver maisKABANATA 1:
SUZETTE's POV "Suzette, tulinan mo riyan at maaga tayong pupunta ng bakery!" matinis na sigaw ni Betty ang matalik kong kaibigan. Siya ang naging kasama ko simula noong mamatay ang mga magulang ko noong bente anyos pa lamang ako. Nag-iisa lamang akong anak kaya't grabe ang hirap na pinagdaanan ko para mairaos ang aking pag-aaral at makatulong sa negosyo ng pamilya ng kaibigan ko na walang pag-aalinlangang kumupkop sa akin. "Heto na lalabas na ako!," sigaw ko pabalik sa kaibigan ko. Naging routine ko na ang tumulong sa bakery tuwing sabado at linggo kapag wala akong pasok sa eskwela. Bente-kwatro anyos na ako ngayon nasa third year college na rin sa kursong Business Administration. Isang taon na lamang at matatapos na ako sa pag-aaral. "Tapos mo na ba ang mga assignments mo, Suzette?" tanong ng kaibigan ko habang naglalakad kami papuntang bakery. "May isa pa akong tinatapos pero mamayang gabi ko na lang gagawin." nakangiting wika ko sa kanya. "Siguraduhin mo lang na isa na lang 'yon, pauuwiin talaga kita pag nalaman kong hindi," naka-ngiting wika niya sa akin. Hindi niya ako ino-obliga na tumulong kapag may mga kailangang tapusin sa eskwela, yun ang pinagpapasalamat ko sa pamilya nila dahil kahit iniwan na ako ng mga magulang ko ay may pamilya namang nagmamahal sa akin. "Oo nga, promise." "Nabalitaan mo ba yung tungkol sa pamangkin nila Aling Magda?" "Pamangkin? Wala naman akong nababalitaan, bespren, bakit ano bang meron?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Sila Aling Magda at Mang Lito ang kustomer na laging pumapakyaw ng paninda namin sa bakery lalo na tuwing anihan ng palay para ipameryenda sa mga trabahador nila. "Naku, mahina talaga ang radar mo pagdating sa mga lalake, bespren." "Alam mo namang hindi ako nakikipag-chismisan, bespren at lalong wala din akong balak alamin ang kung sinong poncio pilato na sinasabi mo," mahaba kong pahayag sa kanya. "At saka alam mong nakatuon lang ang buong atensyon ko sa pag-aaral, ayaw kong mawala ang scholarship ko." "Naks! Ang dami mo ng sinabi e nagkukwento lang naman ako," nakangising tugon nito sa mahabang litanyang sinabi ko. "Aba'y kilala kita Bettina! Hindi mo babanggitin ang isang lalake kung wala ka na namang balak na ipakilala ito sa akin." "Sabi ko nga, pero ang gwapo niya, bespren. Kahapon 'nong bumili siya ng tinapay halos malaglag ang panty ko noong ngumiti siya pagkaabot ko ng binili niyang pandesal." "Naku! tumigil tigil ka nga dyan, Betty." turan ko sa bespren kong hindi mapawi ang ngiti sa labi dahil sa pang-iimagine niya doon sa lalaking gwapo na sinasabi nito. Nakarating kami sa tapat ng bakery at agad na rin pumasok sa loob nito. Maaga itong nagbubukas dahil maagang nagsasalang ng ilulutong mga tinapay si Tiyo Ben ang ama ni Betty at siyang panadero sa bakery. "Magandang umaga po,Tiyo Ben." magalang kong bati rito nang madaanan ko siya sa may kusina ng bakery. "Magandang umaga rin, Suzette. Kayo ba'y kumain na?" tanong nito sa amin ni Betty. "Hindi pa ho, nagmamadali na po si Betty kanina kaya dito na lang po siguro kami kakain ng pandesal at kape." "O, siya may bagong luto na akong pandesal. Kumain muna kayo bago niyo buksan ang bakery." wika nito sabay talikod na sa amin para tingnan ang mga nakasalang na tinapay. Kumuha ako ng dalawang limang piso sa dala kong lumang pitaka para makapag-kape sa may vendo machine sa tapat ng bakery. Matapos naming mag-umagahan ni Betty ay nagbukas na kami ng bakery. Sunud-sunod na ang pagdating ng mga tao para bumili ng pandesal. "Sampung pirasong pandesal nga." baritonong wika ng lalaki sa harap ko sabay abot nito ng singkwenta pesos na buo. Inabot ko ito sabay talikod para kumuha ng sampung pirasong pandesal, hindi ko na ito tinapunan ng tingin. Hindi ko namalayan na nakasunod rin pala si Betty sa akin. "Bespren! Siya yun!" nakangising wika nito sabay sundot sa tagiliran ko. "Betty, ano ba! Sinong siya yun?" nagmamaang-maangan kong tanong kahit alam ko sa isip kong baka ito yung lalaking kinukwento niya kanina sa akin. "Yung poging lalaking 'yon yung sinasabi ko sayo kanina." "Pogi ba yun? Mukha namang hindi e," kamot ulo kong tugon sa kaibigan ko na parang inasinang bulate sa kilig "Hay naku, bespren, mukhang kailangan mo na talagang magpatingin sa espesyalista sa mata," naismid na wika nito. Matapos kong ilagay sa paper bag ang pandesal at kumuha ng panukli ay lumabas na ako at akmang iaabot ko na ang binili niyang tinapay nang magtama ang paningin namin. Nasulyapan ko ang itsura niya, makapal ang kilay, magulong buhok na bagay na bagay sa kanya, mapilantik na mga pilik-mata, matangos na ilong, manipis at mapulang labi. Gwapo nga siya. Hindi ko aakalaing magaling nga tumingin si Betty sa mga gwapong lalaki. "A-ah, Miss yung pandesal ko." bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses niya. "A-Ay! Sorry heto na yung pandesal at sukli mo," pilit na ngiti ko sa binata sabay abot sa tinapay at sukli niya. "Na-star-struck ka rin ano?" malapad ang ngiti na saad ni Betty. "M-Medyo," utal na sagot ko rito. "Sus, aminin mo na kasi, bespren, pogi siya no?" "Oo na, oo na!" nakangiti kong sagot rito, alam kong hindi niya na ako tatantanan dahil sa unang pagkakataon ay may pumasa na sa panlasa ko. "Hayaan mo, ipapakilala kita sa kanya sa susunod." "Pwede bang next year na lang kapag tapos na ako mag-aral?" "HINDI! SA LALONG MADALING PANAHON IPAPAKILALA KITA DOON SA POG----." sigaw nito sa akin, mabilis ko namang tinakpan ang bibig nito dahil nakakahiya baka marinig ni Tiyo Ben. "I'm Vince...Vince Sullivan," sabay kaming napamulagat ni Betty nang marinig namin ang boses ng binatang nagpakilalang Vince Sullivan. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakatingin rin ito sa akin na may nakamamatay na ngiti sabay kindat sa akin saka ito tuluyang naglakad palayo.KABANATA 21:Hindi nagkaroon ng barilan. Hindi rin nagkaroon ng habulan. Ang itim na sasakyang humarang sa amin ay isa lamang pagkakamali ng isang lasing na driver na mabilis ding umalis matapos naming businahan. Ngunit sa loob ng kotse, ang katahimikan ay mas mabigat pa sa anumang putok ng baril.Nang makarating kami sa tapat ng apartment ko, hindi agad bumaba si Ezekiel. Nakatitig lang siya sa manibela, ang kaniyang mga kamay ay nananatiling mahigpit ang kapit."Bakit mo ginawa 'yun?" tanong niya nang hindi man lang lumingon. "Bakit mo ako pinoprotektahan gayong ang tingin mo sa akin ay isang estranghero na kinalimutan ka?""Dahil kahit anong pader ang itayo mo, ikaw pa rin ang lalaking pinili kong makasama habambuhay," sagot ko, pilit na pinapatag ang aking boses.Lumingon siya sa akin. Ang kaniyang mga mata ay hindi na galit, hindi na malamig. Puno na ito ng pagod. Isang uri ng pagod na tanging ang mga taong nawawala sa sariling alaala lang ang nakakaramdam."Suzette," aniya, ang
KABANATA 20: SUZETTE’S POV Nanginginig ang aking mga daliri habang binabasa ko nang paulit-ulit ang mensahe sa aking cellphone. “Ang asawa mo ang susunod. Huwag kang lalapit sa kanila kung ayaw mong madamay.” Sino ang nagpadala nito? Ang mga tauhan ba ni Donya Magda? O may iba pang taong gustong magpabagsak sa mga Morgan? Sa gitna ng kaguluhan sa loob ng ballroom, pakiramdam ko ay nakatutok sa akin ang lahat ng mata. Mabilis kong ibinulsa ang aking cellphone bago pa man ito mapansin ng sinuman. Kailangan kong makita si Ezekiel. Sa kabila ng pagiging malamig niya, sa kabila ng sakit na ibinibigay niya sa akin araw-araw, siya ang asawa ko. Siya si Vince. At hindi ko hahayaang may mangyari sa kaniya. Dali-dali akong tumakbo patungo sa parking lot. Ang mga security ay nagkakagulo, may mga pulis na nagsisimula nang mag-inspeksyon sa paligid. Nakita ko ang sasakyan ni Sir Andres na puno ng mga tama ng bala. Walang tao sa loob, kaya nabunutan ako ng konting tinik—buhay siya. "Suzette!
KABANATA 19: Ang Morgan Group of Companies ay kilala sa pagho-host ng mga pinakamahuhusay na charity gala sa bansa. Ang gabing ito ay walang pinagkaiba ang kristal na chandelier, mga bilyonaryong nakasuot ng tuxedo, at mga babaeng balot ng mamahaling alahas. Para sa akin, ito ang pinakamahabang gabi ng aking buhay. Bilang executive secretary ni Sir Andres, ang trabaho ko ay siguraduhing walang magiging aberya sa flow ng event. Pero sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang matatalim na tingin ni Ezekiel. Nakatayo siya sa gilid ng VIP lounge, umiinom ng scotch habang kausap ang ilang mga investors. Kahit malayo, alam kong nakamasid siya sa bawat kilos ko. "You look breathtaking, Suzette," isang pamilyar na boses ang nagpabalik sa akin sa realidad. Humarap ako at nakita si Alexis. Suot niya ang isang midnight blue tuxedo na lalong nagpalutang sa kaniyang asul na mga mata. Inabot niya ang kamay ko at bahagyang hinalikan ang likod niyon. "Alexis? Hindi ko akalaing darating ka," sagot
KABANATA 18: SUZETTE’S POV Lumipas ang mga araw matapos ang gabi ng dinner namin ni Alexis, at tila mas lalong bumigat ang hangin sa loob ng Morgan Group. Inaasahan ko na pagkatapos ng pagsugod ni Ezekiel sa restaurant at ang pag-amin ko sa kaniya tungkol sa aming nakaraan, may magbabago. Kahit katiting na paglambot man lang. Pero nagkamali ako. "Ms. Lopez, I believe I asked for the Palawan liquidation reports an hour ago. Bakit wala pa ito sa desk ko?" malamig na boses ni Ezekiel ang bumasag sa katahimikan ng opisina ko. Naka-de-kwatro siya sa swivel chair, ang kaniyang mamahaling suit ay walang gusot, at ang kaniyang mga mata ay tila dalawang pirasong yelo na nakatitig sa akin. Wala roon ang bakas ng kalasingan o ang "Vince" na panandalian kong nakita noong gabi sa apartment. "Sir, pinapirmahan ko pa po kay Sir Andres. Kagagaling lang po niya sa London at marami siyang kailangang i-clear," mahinahon kong sagot habang inilalapag ang folder sa harap niya. Kinuha niya ang folder


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.