Share

Kabanata 007

Author: Kane Demitri
last update Last Updated: 2024-12-15 23:25:01

Napansin niyang lalong kumunot ang noo ni Arkin. Alam niyang may pinindot siyang sensitibong parte ng ego nito, pero wala siyang balak umatras. Wala rin naman siyang pakialam kung anong iniisip nito tungkol sa kanya. Ang mahalaga lang, mukhang siya ang nakakauna sa laban na ito.

Hindi na alam ni Yunifer ang mga sumunod na nangyari. Napagtanto na lang niyang nakadikit na ang likod niya sa malamig na pader at ang isang kamay ni Arkin ay mahigpit na nakapulupot sa leeg niya.

 

Mulat na mulat ang mga mata niya habang tinititigan ang lalaki—na para bang naglalagablab ang tingin nito sa galit. Hindi naman ganoon kabigat ang pagkakasakal sa kanya, hindi niya maramdaman ang hapdi na maaaring magpawala ng hininga. Pero malinaw ang mensahe ni Arkin: tinatakot siya nito. Isa itong tahasang babala, isang pagsubok kung matitinag siya. Pero sa halip na manghina, lalo pang tumibay ang loob ni Yunifer. Ginusto niya ang reaksyong ito.

 

Nakuha niya ang gusto niya—ang palabasin ang nagkukubling poot ni Arkin kay Zandreah at kay Juhan at hindi ito dapat pagsisihan.

 

Hindi siya kumibo, ni isang reklamo ay wala. Hinayaan lang niyang manginig ang kamay ni Arkin sa leeg niya, kahit na ramdam niya ang pulso nitong nagngangalit sa galit. Sa kabila ng lahat, hindi siya natakot. Sanay na siya rito. Tila ba isa itong eksena na dapat niyang tapusin nang maayos. Kung ikukumpara sa mga hindi sinasadyang bugbog na naranasan niya sa mga acting workshops noong kolehiyo, ito? Wala pa sa kalingkingan.

 

“You
 how dare you mock me?” Nanginginig ang boses ni Arkin sa kontroladong galit. “Who are you, huh? Sino ka para pagtawanan ang sitwasyon ko?”

 

Hindi nagpatinag si Yunifer. Diretso pa rin ang tingin niya kay Arkin. Nakangiti pa nga siya nang bahagya, tila ba lalong iniinis ito.

 

“Ano? Nasaktan ka, di ba?” Mahinahon pero mabigat ang mga salitang binitiwan niya. Alam niyang tuhog sa puso nito ang bawat linya.

 

Sa bawat igting ng panga ni Arkin, sa bawat pagkislap ng galit sa mga mata nito, alam niyang naabot na niya ang puntong gusto niyang marating. Hindi siya natakot kahit pa ang kamay nitong nasa leeg niya ay nanginginig sa pagpipigil na huwag siyang masaktan nang lubusan. Sa totoo lang, nakakaawa siya, naisip ni Yunifer. Pero hindi ito ang oras para magpakita ng simpatya.

 

“Take revenge, Arkin,” bulong niya, bahagyang lumalalim ang tono ng boses. “Dahil sayo siya. Hindi ba? Pinaghirapan mo si Zandreah. Ilang taon kang nagpakabait, ilang taon kang nagpakahusay para lang mapansin ka niya. Tapos ganun na lang? Ipapalit ka sa isang lalaking mas marami pang babae kaysa nagawa mong mahalin?”

 

“Shut up,” singhal ni Arkin, mas madiin na ngayon.

 

Ngunit hindi nagpaawat si Yunifer. Lalong tumalim ang mga salita niya.

 

“Suck it up, Arkin. Totoo naman, eh. Katawa-tawa ka. Isa ka nga’ng makapangyarihang tao pero isa ka ring duwag. Kaya tinatanggap mo na lang ang pagkatalo? Pinapalampas mo ang lahat? Duwag ka, Arkin.”

 

Muli, binitawan ni Arkin ang leeg niya, at halos itulak siya sa pader sa sobrang bilis ng pag-atras nito. Bumuntong-hininga ang lalaki, bakas ang pagpipigil sa sarili.

 

“Fuck,” bulong ni Arkin habang hinahagod ang mukha niya gamit ang mga palad. Muntik na siyang mawalan ng kontrol. Pero kahit na anong pagmumura ang gawin niya, hindi iyon makakabura sa mga sinabi ni Yunifer. Totoo ang lahat. Totoong pilit niyang kinakalimutan ang sakit. Pilit niyang inililibing sa limot ang araw na nakita niyang niyayakap at hinahalikan ni Zandreah si Juhandi. Ngunit narito si Yunifer, pilit tinutuklap ang sugat na ilang araw niyang binabalewala.

 

Tahimik lang si Arkin, nagngangalit ang bagang, habang si Yunifer ay nakatingin sa kanya na para bang wala siyang ginawang mali. Alam niyang wala siyang karapatan para pigain ang damdamin ni Arkin, pero trabaho lang ito para sa kanya. Hindi siya pwedeng umatras.

Bigla, tumawa si Arkin—mababa, mapanukso, ngunit puno ng tensyon. Tumitig siya kay Yunifer, at tila nagbago ang hangin sa pagitan nila.

“You want to see me lose control, don’t you?” Tumagilid ang ulo nito, ang boses ay dumulas sa pagitan ng mapanuksong pagod at nakakatakot na intensyon. “Fine. Let’s give her something worth being jealous about.”

Hindi agad naintindihan ni Yunifer ang ibig sabihin ng lalaki. Pero nang makita niya ang paghagod ng mga mata nito sa katawan niya, mula ulo hanggang paa, sumilay ang kilabot sa kanyang balat.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya, halos pabulong.

“Imagine this,” bulong ni Arkin habang dahan-dahang lumapit sa kanya. “If she saw me
 with you. Wouldn’t that be poetic justice? Since I saw them kissing, wouldn’t it be satisfying if she saw me fucking you instead?”

Halos malagutan ng hininga si Yunifer sa sinabi nito. Ang init sa mga mata ni Arkin ay tila baga apoy na bumalot sa buong katawan niya. Natataranta, napalunok siya.

“T-teka lang! Ano bang pinagsasasabi mo—”

Ngunit hindi siya pinansin ni Arkin. Patuloy lang itong lumapit, hanggang halos magdikit na ang mga katawan nila.

“I can see it now,” anito, mababa ang boses at puno ng pagnanasa. “Her face
 her jealousy. Wouldn’t that feel like justice, Yunifer? To finally make her feel what I did?”

Naguguluhan si Yunifer, pero hindi niya maitatangging natatakot siya sa biglang pag-iba ng timpla ng lalaki. Ang mapanuksong ngiti nito ay para bang naglalandi, ngunit puno ng panganib.

“S-seryoso ka ba?!” bulalas niya, pilit itinatago ang nerbyos na unti-unting kumakain sa kanya.

Hindi sumagot si Arkin. Pero sapat na ang tingin nito para malaman niyang hindi ito nagbibiro. At sa sandaling iyon, alam niyang naipasok na niya ang sarili sa isang laro na hindi niya sigurado kung kaya niyang takasan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Gorgeous Pet   Kabanata 0010

    "Arkin, hi." Ang mga matang nakatuon kay Yunifer ngayon ay nakabaling na kay Zandreah, na nakapulupot ang mga braso sa kanya na parang pagmamay-ari. Bahagya siyang napairap, pilit tinatago ang kilabot na dulot ng mga kilos nito. Kasama pa nito si Juhandi at dalawa pang kasamahan na tila sadyang nanunukso sa presensya niya. Talagang iba ang kapal ng mukha ng babaeng ito. Hindi ba siya kailanman napapagod sa pang-iinsulto? "I thought you are not coming. Hindi kasi kinompirma ni Tito na dadalo ka," she said, referring to his father, Ballard. "He said I should not expect you anyway."Napabuntong-hininga si Arkin, pilit na pinapakalma ang sarili sa pag-aastang anghel ni Zandreah. Hanggang kailan nga ba nito itatago ang pagtataksil nila ni Juhandi?Kumukulo ang dugo niya. Gusto niyang suntukin ang lalaking nasa harap niya, pero ayaw niyang maging sentro ng atensyon, lalo na't kaarawan ito ng isa sa kanilang mayamang kasosyo. Nagngangalit ang bagang niya habang pinipilit sikmurain ang pagkuk

  • The Billionaire's Gorgeous Pet   Kabanata 009

    Napakaganda ng kondisyon ng isip ni Arkin ngayon, kahit pa alam niyang magtatagpo ang landas nila ng ex-fiancée niyang si Zandreah ngayong araw. Simula nang mahuli niya itong nangaliwa, hindi na niya ito muling nakita o nakausap man lang. Pinutol niya ang koneksyon nila nang walang alinlangan, parang isang lupid na pinutol nang walang kahirap-hirap.Ang lahat ng nangyari kahapon, lalo na ang biglang pagsulpot ng babaeng si Yunifer, ay nananatiling kakaiba at nakakagulat para sa kanya. Ang totoo, ayaw niyang sumang-ayon sa kahit anong plano ng kanyang ama, lalo na ang ideyang pagselosin si Zandreah. Para sa kanya, isang napakababaw at walang kwentang plano ang mag-utos pa ng babae para lang makaganti sa ex niya.Gaya ng sinabi niya, ayaw niyang mag-aksaya ng kahit kaunting lakas para lang maghiganti kay Zandreah. Baka nga wala nang pakialam ito sa kanya, at ang magmukha siyang katawa-tawa ang pinakaayaw niyang mangyari. Naging tanga na siya noon, at hinding-hindi na niya hahayaang maul

  • The Billionaire's Gorgeous Pet   Kabanata 008

    Buong gabi'ng hindi nakatulog si Yunifer. Sa living area siya natulog, sa sofa kung saan pinayagan siya ni Arkin mahiga.Matapos pumayag si Arkin sa kung anumang plano ng ama nito, hindi na siya kumibo at dumiretso sa kanyang kwarto upang matulog. Ang pagkaing niluto ni Yunifer ay siya lang ang kumain, napakarami pa ngang natira at hindi niya alam kung itatapon ba ito o ilagay na lang sa ref.Nakaidlip naman siya, pero kahit sa kanyang panaginip ay patuloy siyang binabagabag na ideya ni Arkin, iyon ay mapaselos si Zandreah at makita silang dalawa na... nagtatalik.Sa dinami-dami ng mga lalaking nagkandarapa at halos lumuhod sa harap niya para lang mapasagot siya, wala ni isa man sa kanila ang sinuwerte. Pero ngayon, ang isuko ang iniingatan niyang puri sa isang lalaking ni hindi niya gusto—isang kalapastanganan sa sarili niyang prinsipyo."Nakaka-irrational!" Galit niyang naisip. Kahit ang maghubad sa harapan ni Arkin ay hinding-hindi niya kayang gawin—ang makipagtalik pa kaya?“At sa

  • The Billionaire's Gorgeous Pet   Kabanata 007

    Napansin niyang lalong kumunot ang noo ni Arkin. Alam niyang may pinindot siyang sensitibong parte ng ego nito, pero wala siyang balak umatras. Wala rin naman siyang pakialam kung anong iniisip nito tungkol sa kanya. Ang mahalaga lang, mukhang siya ang nakakauna sa laban na ito. Hindi na alam ni Yunifer ang mga sumunod na nangyari. Napagtanto na lang niyang nakadikit na ang likod niya sa malamig na pader at ang isang kamay ni Arkin ay mahigpit na nakapulupot sa leeg niya. Mulat na mulat ang mga mata niya habang tinititigan ang lalaki—na para bang naglalagablab ang tingin nito sa galit. Hindi naman ganoon kabigat ang pagkakasakal sa kanya, hindi niya maramdaman ang hapdi na maaaring magpawala ng hininga. Pero malinaw ang mensahe ni Arkin: tinatakot siya nito. Isa itong tahasang babala, isang pagsubok kung matitinag siya. Pero sa halip na manghina, lalo pang tumibay ang loob ni Yunifer. Ginusto niya ang reaksyong ito. Nakuha niya ang gusto niya—ang palabasin ang nagkukubling poot ni

  • The Billionaire's Gorgeous Pet   Kabanata 006

    Juhandi Cruz?Napakunot-noo si Yunifer nang marinig ang pangalan. Ang hot topic na aktor na laging trending sa social media, lalo na’t may upcoming teleserye. Pero ang pinaka-highlight? Ang napaka-dramatikong breakup nito sa long-time girlfriend na dating ka-love team. At kahit kaliwa’t kanan ang chismis na isa raw itong certified cheater, parang mas lalo lang siyang sumisikat. Well, welcome to the Philippines—kung saan kahit ang pinakamatindi mong kapalpakan, ay nagiging topic lang ng memes.Natigilan siya sa pagninilay-nilay at muling ibinaling ang atensyon kay Arkin, na ngayon ay pinipigilan ang ma-inis habang nakatingin sa kanya. Halata ang iritasyon nito, pero tila napapalitan ng kalituhan sa harap ng kanyang ngiting punong-puno ng pang-aasar.“This woman
” tahimik na usal ni Arkin sa sarili. Ang presensiya ni Yunifer ay parang isang nakaka-irita pero interesting na puzzle. Kung ang ibang tao ay nanginginig na sa takot sa harap niya kahit hindi pa siya nagsasalita, si Yunifer? Ng

  • The Billionaire's Gorgeous Pet   Kabanata 005

    5 PM na—oras na para umuwi matapos ang sandamakmak niyang meetings. Ma-pride siyang tao, at gusto niyang patunayan sa pamilya niya na kayang umunlad pa lalo ang negosyo nila kahit hindi na ituloy ang kasal kay Zandreah. Kaya simula nang mag-desisyon siyang tumira mag-isa, dinoble pa niya ang sipag sa trabaho.Ilang beses nang sinubukang makipag-usap ni Zandreah sa kanya, pero lagi niya itong pinapatayan ng tawag hanggang sa tuluyan na niya itong na-block sa contacts niya.Final na ang desisyon niya. Kahit pinagsisigawan pa siya ng lolo niya noong isang araw dahil sa galit, buo pa rin ang loob niyang walang kasalang mangyayari. Twenty-seven na siya, bakit pa niya kailangang sundin lahat ng gusto ng mga magulang niya? Siya pa rin naman ang wild card ng pamilya. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mas makikilala ang mga Andres.Habang naglalakad siya sa hallway ng opisina papuntang elevator, nagsitabi agad ang mga empleyado niyang nadaanan. Yung tatlong empleyado na dapat sasakay sa elevato

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status