Juhandi Cruz?
Napakunot-noo si Yunifer nang marinig ang pangalan. Ang hot topic na aktor na laging trending sa social media, lalo na’t may upcoming teleserye. Pero ang pinaka-highlight? Ang napaka-dramatikong breakup nito sa long-time girlfriend na dating ka-love team. At kahit kaliwa’t kanan ang chismis na isa raw itong certified cheater, parang mas lalo lang siyang sumisikat. Well, welcome to the Philippines—kung saan kahit ang pinakamatindi mong kapalpakan, ay nagiging topic lang ng memes.
Natigilan siya sa pagninilay-nilay at muling ibinaling ang atensyon kay Arkin, na ngayon ay pinipigilan ang ma-inis habang nakatingin sa kanya. Halata ang iritasyon nito, pero tila napapalitan ng kalituhan sa harap ng kanyang ngiting punong-puno ng pang-aasar.
“This woman…” tahimik na usal ni Arkin sa sarili. Ang presensiya ni Yunifer ay parang isang nakaka-irita pero interesting na puzzle. Kung ang ibang tao ay nanginginig na sa takot sa harap niya kahit hindi pa siya nagsasalita, si Yunifer? Ngingiti lang na parang sinasabing “E ano ngayon?”
"Do I look like a joke to you?" tanong ni Arkin, puno ng pagpipigil. "The truth is, I don’t care about that guy, Juhandi. I didn’t even know who he was the first time I saw him kissing my ex-fiancée... not until I Googled him." Bahagya siyang ngumiti ng masama, pilit pinapakita ang kanyang superiority. "He’s just some cheap actor who uses his lame acting skills to survive. And Zandreah? She’s a woman who was impossible to sway, even for me. Then suddenly... siya na? Isn’t that just what girls want nowadays? Someone who’s below their league?”
Nilingon ni Arkin si Yunifer, at doon lang niya napansin ang subtle na tiklop ng kilay nito. Kung may intimidation man siyang nararamdaman, hindi halata. Ang mas malala, parang aliw na aliw ito sa kwento niya.
"So, gusto mong sabihin na pareho kami ng ex-fiancée mo? Hah! Excuse me, hindi ‘no!” sabay nguso ni Yunifer, sabay atras para makalayo nang kaunti kay Arkin. "At saka, hindi ko type ang Juhandi na ‘yan. Kahit ilang beses ko pa siyang nakita nang personal, wala akong makita sa kanya!"
Natigilan si Arkin. Wait, ilang beses na niyang nakita? "You’re a liar," umiiling niyang sagot. "And how... how the fuck have you met him ‘countless times’? What are you, some die-hard fan who barges into tapings just to see your idols?”
"Huh? Excuse me, hindi ako mahilig sa mga TV dramas, okay? At FYI, graduate ako ng Fine Arts, major in Theater. Pag-aartista ang gusto kong maging propesyon. May problema ka ba doon?"
"Fuck... she’s even worse than I thought." mahina niyang bulong habang napapailing.
"Ano?” mabilis na usisa ni Yunifer, kita sa mukha ang kunwaring pagtataka.
Napabuntong-hininga si Arkin. Ramdam niya ang unti-unting pagtaas ng tensyon sa pagitan nila. Hindi niya alam kung bakit pero tila ba ang babaeng ito ay may kakaibang talento—ang uminit ang ulo niya habang siya mismo’y hindi makalaban ng todo. Gusto niya itong paalisin, pero parang siya pa ang naiipit sa sarili niyang diskarte. Tumikhim siya at bahagyang inayos ang kwelyo ng polo, pilit pinapakalma ang sarili."Okay, so what’s your name again?”
"Yunifer," nakataas ang kilay nitong sagot, parang tinatanong kung bakit ang hina ng memorya niya.
"Yunifer. Look, I don’t know how much money my father paid you, but I don’t need an actress to make my ex jealous. And for the record, I don’t want her back. So, please, this is a request… or maybe even a plea: get out of my house and never come back."
Naroon lang si Yunifer, tahimik sa umpisa habang pinapanood ang masungit na anyo ni Arkin. Alam niyang pinipilit nitong magmukhang kalmado, pero kitang-kita niya sa bawat galaw nito ang iritasyon at pagkalito. Ang galing niyang magpanggap na hindi siya affected, bulong niya sa sarili, pero halata naman.
Hindi siya agad sumagot. Imbis na tumalikod o umalis, marahan niyang hinubad ang suot niyang apron, sinadya pang tiklupin ito nang maayos para lang lalo pang mairita si Arkin. Nilingon niya ito, sabay inayos ang buhok niya na parang wala siyang pakialam sa tensyon sa pagitan nila.
"Ay, nako," simula niya, sabay malalim na buntong-hininga. "Drama mo naman." Hindi niya naiwasang mag-roll ng mata habang nagsasalita.
Kitang-kita niya ang pagbabago ng ekspresyon ni Arkin. Para bang hindi ito makapaniwala na kaya siyang kontrahin ng isang tulad niya. Sa totoo lang, natatawa siya sa sarili. Sino ba naman ang hindi? Eh sa bigat ng presensya ni Arkin Andres, isang babaeng gaya niya ang nangahas na magbiro nang ganito. Kung ibang tao siguro ‘to, baka pinalayas na niya.
"Ang totoo, nasa denial stage ka pa rin," dagdag niya habang diretso ang tingin sa kanya. Hindi siya natatakot, kahit na sa tingin niya ay puputok na ang ulo nito anumang oras.
Bahagyang umangat ang kilay ni Arkin, pero nanatili itong tahimik, waring hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Kaya naman, lalo niyang siniguro na tatamaan ito sa mga salita niya.
"Malinaw pa sa sikat ng araw, nasaktan ka talaga sa ginawang panloloko ni Zandreah," aniya, sa mas mahinahon ngunit matatag na tono. Pinanood niya ang bahagyang pagngiwi ng labi ni Arkin, pero hindi ito tumugon.
Nagpatuloy si Yunifer, siniguradong may dagdag na asim sa mga salita niya. "Ano ba kasing pumasok sa utak niya na magloko… at doon pa sa Juhandi na napakarami nang naging side chick?"
Binalingan niya ulit si Arkin, na ngayon ay parang hindi malaman kung sasagot o mamngunguyom sa galit. May bahagya itong namutawi sa labi, pero hindi ito nagtuloy. Is this working? naisip ni Yunifer, sabay simpleng ngiti sa sarili.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung saan nanggagaling ang tapang niya, pero ang saya sa pakiramdam na makitang hindi ito makasagot. Bihira lang siguro mangyari sa isang tulad ni Arkin na may pumipigil sa yabang niya, at mas bihira na babae pa ang gumagawa nito.
"Sabihin mo nga," dagdag pa niya, pilit na pinapakalma ang tinig. "Anong meron sa Juhandi na ‘yon na wala sa’yo? I mean, really? Maliban sa pagiging ultimate ‘bad boy’ na sinusubaybayan ng madla, ano pang angas meron siya? Kasi kung ako si Zandreah—pero syempre hindi ako ganon kababaw—hinding-hindi ko ipagpapalit ang isang Arkin Andres sa isang... well, hamak na side chick magnet."
"Arkin, hi." Ang mga matang nakatuon kay Yunifer ngayon ay nakabaling na kay Zandreah, na nakapulupot ang mga braso sa kanya na parang pagmamay-ari. Bahagya siyang napairap, pilit tinatago ang kilabot na dulot ng mga kilos nito. Kasama pa nito si Juhandi at dalawa pang kasamahan na tila sadyang nanunukso sa presensya niya. Talagang iba ang kapal ng mukha ng babaeng ito. Hindi ba siya kailanman napapagod sa pang-iinsulto? "I thought you are not coming. Hindi kasi kinompirma ni Tito na dadalo ka," she said, referring to his father, Ballard. "He said I should not expect you anyway."Napabuntong-hininga si Arkin, pilit na pinapakalma ang sarili sa pag-aastang anghel ni Zandreah. Hanggang kailan nga ba nito itatago ang pagtataksil nila ni Juhandi?Kumukulo ang dugo niya. Gusto niyang suntukin ang lalaking nasa harap niya, pero ayaw niyang maging sentro ng atensyon, lalo na't kaarawan ito ng isa sa kanilang mayamang kasosyo. Nagngangalit ang bagang niya habang pinipilit sikmurain ang pagkuk
Napakaganda ng kondisyon ng isip ni Arkin ngayon, kahit pa alam niyang magtatagpo ang landas nila ng ex-fiancée niyang si Zandreah ngayong araw. Simula nang mahuli niya itong nangaliwa, hindi na niya ito muling nakita o nakausap man lang. Pinutol niya ang koneksyon nila nang walang alinlangan, parang isang lupid na pinutol nang walang kahirap-hirap.Ang lahat ng nangyari kahapon, lalo na ang biglang pagsulpot ng babaeng si Yunifer, ay nananatiling kakaiba at nakakagulat para sa kanya. Ang totoo, ayaw niyang sumang-ayon sa kahit anong plano ng kanyang ama, lalo na ang ideyang pagselosin si Zandreah. Para sa kanya, isang napakababaw at walang kwentang plano ang mag-utos pa ng babae para lang makaganti sa ex niya.Gaya ng sinabi niya, ayaw niyang mag-aksaya ng kahit kaunting lakas para lang maghiganti kay Zandreah. Baka nga wala nang pakialam ito sa kanya, at ang magmukha siyang katawa-tawa ang pinakaayaw niyang mangyari. Naging tanga na siya noon, at hinding-hindi na niya hahayaang maul
Buong gabi'ng hindi nakatulog si Yunifer. Sa living area siya natulog, sa sofa kung saan pinayagan siya ni Arkin mahiga.Matapos pumayag si Arkin sa kung anumang plano ng ama nito, hindi na siya kumibo at dumiretso sa kanyang kwarto upang matulog. Ang pagkaing niluto ni Yunifer ay siya lang ang kumain, napakarami pa ngang natira at hindi niya alam kung itatapon ba ito o ilagay na lang sa ref.Nakaidlip naman siya, pero kahit sa kanyang panaginip ay patuloy siyang binabagabag na ideya ni Arkin, iyon ay mapaselos si Zandreah at makita silang dalawa na... nagtatalik.Sa dinami-dami ng mga lalaking nagkandarapa at halos lumuhod sa harap niya para lang mapasagot siya, wala ni isa man sa kanila ang sinuwerte. Pero ngayon, ang isuko ang iniingatan niyang puri sa isang lalaking ni hindi niya gusto—isang kalapastanganan sa sarili niyang prinsipyo."Nakaka-irrational!" Galit niyang naisip. Kahit ang maghubad sa harapan ni Arkin ay hinding-hindi niya kayang gawin—ang makipagtalik pa kaya?“At sa
Napansin niyang lalong kumunot ang noo ni Arkin. Alam niyang may pinindot siyang sensitibong parte ng ego nito, pero wala siyang balak umatras. Wala rin naman siyang pakialam kung anong iniisip nito tungkol sa kanya. Ang mahalaga lang, mukhang siya ang nakakauna sa laban na ito. Hindi na alam ni Yunifer ang mga sumunod na nangyari. Napagtanto na lang niyang nakadikit na ang likod niya sa malamig na pader at ang isang kamay ni Arkin ay mahigpit na nakapulupot sa leeg niya. Mulat na mulat ang mga mata niya habang tinititigan ang lalaki—na para bang naglalagablab ang tingin nito sa galit. Hindi naman ganoon kabigat ang pagkakasakal sa kanya, hindi niya maramdaman ang hapdi na maaaring magpawala ng hininga. Pero malinaw ang mensahe ni Arkin: tinatakot siya nito. Isa itong tahasang babala, isang pagsubok kung matitinag siya. Pero sa halip na manghina, lalo pang tumibay ang loob ni Yunifer. Ginusto niya ang reaksyong ito. Nakuha niya ang gusto niya—ang palabasin ang nagkukubling poot ni
Juhandi Cruz?Napakunot-noo si Yunifer nang marinig ang pangalan. Ang hot topic na aktor na laging trending sa social media, lalo na’t may upcoming teleserye. Pero ang pinaka-highlight? Ang napaka-dramatikong breakup nito sa long-time girlfriend na dating ka-love team. At kahit kaliwa’t kanan ang chismis na isa raw itong certified cheater, parang mas lalo lang siyang sumisikat. Well, welcome to the Philippines—kung saan kahit ang pinakamatindi mong kapalpakan, ay nagiging topic lang ng memes.Natigilan siya sa pagninilay-nilay at muling ibinaling ang atensyon kay Arkin, na ngayon ay pinipigilan ang ma-inis habang nakatingin sa kanya. Halata ang iritasyon nito, pero tila napapalitan ng kalituhan sa harap ng kanyang ngiting punong-puno ng pang-aasar.“This woman…” tahimik na usal ni Arkin sa sarili. Ang presensiya ni Yunifer ay parang isang nakaka-irita pero interesting na puzzle. Kung ang ibang tao ay nanginginig na sa takot sa harap niya kahit hindi pa siya nagsasalita, si Yunifer? Ng
5 PM na—oras na para umuwi matapos ang sandamakmak niyang meetings. Ma-pride siyang tao, at gusto niyang patunayan sa pamilya niya na kayang umunlad pa lalo ang negosyo nila kahit hindi na ituloy ang kasal kay Zandreah. Kaya simula nang mag-desisyon siyang tumira mag-isa, dinoble pa niya ang sipag sa trabaho.Ilang beses nang sinubukang makipag-usap ni Zandreah sa kanya, pero lagi niya itong pinapatayan ng tawag hanggang sa tuluyan na niya itong na-block sa contacts niya.Final na ang desisyon niya. Kahit pinagsisigawan pa siya ng lolo niya noong isang araw dahil sa galit, buo pa rin ang loob niyang walang kasalang mangyayari. Twenty-seven na siya, bakit pa niya kailangang sundin lahat ng gusto ng mga magulang niya? Siya pa rin naman ang wild card ng pamilya. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mas makikilala ang mga Andres.Habang naglalakad siya sa hallway ng opisina papuntang elevator, nagsitabi agad ang mga empleyado niyang nadaanan. Yung tatlong empleyado na dapat sasakay sa elevato