Eumerriah's Point of View
"Kateee!" Sigaw ng lalaking epal sa buhay ko kahit kailan. Tinatawag niya si Kate na kausap ko ngayon. Nang makalapit siya ay hinigit niya si Kate sa likod niya. " Wag ka ngang sumasama sa kagaya niya. Mamaya niyan mahawa ka sa ugali niya." "Lover's Quarrel kayo?" Nakangising tanong agad ni Kate. Hindi ko na kaya matagalan ang pangiinsulto niya sa ugali ko. Isang beses ko lang nagawa sa kaniya pero nakakadalawang beses na niya akong pinagsasalitaan ng ganyan. Kapal ng mukha! Huminga ako ng malalim habang nakapikit at maglalakad na sana paalis ng maalala kong magpaalam kay Kate. " Nice to know you Kate. Let's bond another time pag wala ng asungot sa buhay natin." Nagwave pa ako sa kaniya at patuloy na paglalakad ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero siguro kailangan ko lang i-check kung may tawag na si Manager Kim. Nakalimutan ko ng may kailangan pala akong puntahan. "See you again ate Yumi!" Sigaw ni Kate. Hindi na ako lumingon pa at naglakad na lang ako pabalik sa kubo o bahay man ang tawag doon. "Nakakaboring" Komento ko pagkaakyat ko. Hinanap ko agad ang cellphone ko. Pasalamat na lang talaga ako dahil may signal dito kung wala baka napatay ko na ang lalaking iyon. Madami pa ding notification akong natatanggap. Hanggang ngayon pinaguusapan pa din ang nangyari kagabi. Wala naman akong narecieve na tawag mula sa dalawang taong malapit sa akin, si Shaira at Jerome. Kaya ngayon pakiramdam ko ay totoo ang mga sinasabi ni Gabrielle. Hindi ako naniniwala dahil naging totoo sa akin si Shaira. Alam kong kaibigan ako ituring ng babaeng iyon pero siguro nga tama si Gabrielle hindi ko kilala ang mga tao sa paligid ko. Tanging gusto ko lang makita ang pinapaniwalaan ko. Napaigtad ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Napabalik nito ang isip ko sa reyalidad. Sinilip ko muna kung sino ang tumatawag, hindi ako nagkamali si Manager Kim nga. "Yumi! N-nasaan ka ba? Kagabi pa kami naghahanap sa iyo. Alalang alala kami. Buti naman sumagot ka na." Napakunot ako ng ulo habang pinapakinggang ang sinasabi ni Manager Kim habang natataranta. Wala akong idea sa ginagawa niya ngunit nagisip ako ng mabuti, hinayaan ko siyang magsalita ng magsalita, pinakinggan ko lang ang background niya at inaral ang mga sinasabi niya. " Nandito si Shairaa. Nagaalala din siya, hindi ka din daw niya makontak. Kamusta ka na ba? Napanuod mo na ba?" Bingo! Bilin ko kay Manager Kim na walang makakaalam na nagkakausap kami. Wala siyang dapat pagsabihan kung nasaan ako although hindi niya talaga kung nasaan ako. "Yumi!! Hindi kita nakita kagabi sa party, nasaan ka ba? Alam mo ba ang kumakalat na vedio? Totoo ba iyon? Kamusta ka ngayon? May natutuluyan ka ba? Gusto mo sunduin kita dyan! Tulungan kitang magtago." Natawa naman ako. Talaga naman palang artista siya. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Kung kaya niyang magpanggap na walang alam kaya ko din ipakita sa kaniya na magaling din ako sa bagay na sinimulan niya. " Shairaa bess, ayos lang naman ako dito. Hayaan mo tatawagan kita kung kailangan ko ng tulong mo. Sa ngayon gusto ko munang mapagisa." Kunwaring naluluhang sabi ko. Nagpanggap din ako na nawawalan ng signal dito kaya naibaba ko ang tawag. Hangga't hindi ako nakakasigurado na may kasalanan siya sa nangyari sa akin hindi ko siya pwedeng komprontahin. Wala akong matibay na ebidensya na ginawa niya ang bagay na iyon. "Ang galing mo talagang artista" Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat. " Bakit hindi ka muna kumatok bago pumasok?" Tanong ko, "Kailangan pa ba?" Tanong niya habang ngumunguso, tinuturo niya ang pinto na wala naman pintuan kundi isa lang kurtina. Hindi ko na siya pinansin ng makarecieve ako ng text. Nakita kong galing ito kay Manager Kim kaya dali-dali ko itong binuksan. 'Yumi, magsuot ka ng damit na hindi ka makikilala ng kahit sino. Wag ka din magsuot ng sangglases or cup na pang mayaman. Magsuot ka ng normal na damit ng mga tao bago ka pumunta sa clinic na ito. Halos dalawang buwan na din ang nakalipas kaya hindi makakasigurado kung accurate ang makukuhang result pero kailangan pa din natin subukan.' Napaisip naman ako sa ibig niyang sabihin. "May alam ako." Biglang sabat ni Gabrielle mula sa likuran ko. Nakadungaw ito sa ibabaw ng balikat ko kaya ng tumingin ako sa kaniya ay halos magdikit ang labi namin, half inch na lang ay mahahalikan ko na siya. Kita kong napatingin siya sa labi ko habang ganoon din ako. Isang galaw na lang ay possibleng mahalikan na niya ako. " Ate yumiii!" Nagulat ako kaya nasanggi ko siya dahilan para bumagsak kaming dalawa sa sahig. Nasa ibabaw ko siya habang nasa ilalim naman ako. Nakatukod ang kamay niya pero n-nasa. "Aaaaaaaah! Bakit ka naghahawak ng boobs!" Tulak ko sa kaniya. Hindi ko alam kung paano nakarating ang kamay niya sa dibdib ko. " Huh? Kuya Gabrielle? Minanyak mo si Ate Yumi? Nakakadire ka!" Sigaw ni Kate, itinago pa niya ako mula sa likuran niya habang yakap yakap ko ang sarili ko. "H-hindi sa ganoon. Bumagsak ako sa kaniya humanap ako ng mahahawakan pero- hays! Hindi ko sinasadya okay! Hindi ko hahawakan ang dibdib niya. Hindi naman iyan ang tipo ko." Depensa ni Gabrielle. " Ang kapal mo!" Singhal ko. "Isusumbong kita kay Lola. Manyakis ka ah. Pagkatapos sasabihin mo hindi mo siya tipo! Kailan ka pa naging ganyan kabastos kuya Gabrielle!" Singhal ni Kate sa kuya niya habang hawak-hawak ako palabas ng kwarto. "Bagay mo?" Tanong niya sa akin. Nilakihan ko siya ng mata dahil hindi ko nagegets kung ano ang sinasabi niya. " Bagay ba sa akin maging ate? Pwede na ba akong maging tita? Matured na ba akong tingnan?" Pataas-baba pa ang kilay niya at parang nagkikislapan ang mata niya. "Huh?hahahaha Oo mukha ka ng matured." Nahihiya kong sagot. "Kasi naman, palagi niyang sinasabi na isip bata pa ako. Lagi niya akong pinapagalitan dahil matanda na daw siya." Reklamo niya. Ang cute niya! Tama naman si Gabrielle para siyang bata. Hahahahahaha15 years ago,Eumerriah's Point of View "Pakasalanan mo si Jerome!" galit na sabi ni Daddy, habang tinitigan ako ng mariin.Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pero, Dad, alam naman nating hindi ko na siya kayang balikan.""Dahil ano? Dahil sa kapatid niya? Alam mo bang nilalagay mo sa kapahamakan si Gabrielle?" Lumalim ang mga mata niya, at may bigat sa bawat salitang binibitiwan niya.Napatingin ako sa kanya, litong-lito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"Nag-aalangan si Mommy, biglang hinawakan ang braso ni Daddy. "Mahal, wag mo na sabihin kay Yumi ang bagay na iyan," pakiusap niya, tila may pag-aalala sa kanyang boses.Pero matatag si Daddy, hindi nagpatinag. "Hindi, kailangan niyang malaman para matauhan siya. Ang lakas ng loob magpabuntis sa lalaking iyon."Napalunok ako, unti-unti nang tumitindi ang kaba sa aking dibdib. "Ano po ba kasi iyon?!"Lumapit si Daddy, malamig ang tingin niya sa akin. "Kaya nilang patayin si Gabrielle, huwag lang kayong magkatuluyan."Parang nabingi
Eumerriah's Point of ViewSa tagal naming nag-uusap ni Gabrielle, hindi kami magkasundo. Hindi ko maunawaan kung bakit niya kailangang ilayo ang sarili niya sa amin. Lumabas na ang lahat ng katotohanan—ang tungkol sa kasal nila ni Kristine at ang naging takbo ng buhay niya kasama si Paul. Nagsisisi na rin siya, at maging si Paul ay tila napansin ang kanyang mga pagkakamali."Hindi mo talaga ako nauunawaan," sabi ni Gabrielle, may halong frustration sa boses."Edi ipa-intindi mo sa akin!" sagot ko, hindi na rin nakapagpigil."Sige, matanong kita. Bakit pinili mong lumayo at magtago, aber? Labing limang taon! Labing limang taon kong hindi nakita at nakasama ang anak ko, tapos malalaman kong legally anak siya ni Shaira! Paano mo ipapaliwanag sa akin ang bagay na iyon, ha?" tanong niya, puno ng galit at pagkabigo."Makinig ka!" sabi ko, halos hindi ko na maitago ang sakit sa boses ko. "Nawalan ng anak si Shaira dahil sa naging asawa mo! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Natural, inisip ko
Eumerriah's Point of View"Nasaan siya?" tanong ko kay Kate, diretso at puno ng curiosity."Kung gusto mong malaman, sumunod ka sa akin," sagot niya, sabay pasok sa kanyang kotse. Tumango ako, ngunit imbes na mag-drive ng sarili kong sasakyan, nagmadali akong pumasok sa passenger seat ng kotse niya.Napakunot ang noo niya at binigyan ako ng tingin na parang nagtatanong. "Bakit ang tamad mong mag-drive?" tanong niya, may halong inis."Gusto kong sumakay sa kotse ng babaeng gustong-gusto ako dati," sabi ko, nagpapatawa na rin para mawala ang tensyon."Tsk! Kung hindi dahil kay Kuya Gabrielle, hindi kita magugustuhan," bawi niya, pero may nakakalokong ngiti sa mga labi."What do you mean?" tanong ko, medyo naguguluhan pero alam kong may something siyang tinatago."Secret," sagot niya, sabay tawa habang nagmamaneho.Napatingin ako sa labas ng bintana, pero di ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko. Hindi ko akalain na ang masiyahing bata noon na palaging nakadikit sa akin, gustong gusto ako,
"Eumerriah!" Tinawag ako ni Kate, ang boses niya ay puno ng alalahanin.Lumingon ako sa kaniya, at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Naiisip mo pa din ba siya?" Tanong niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala. "Kung kamusta man lang ba siya?"Tahimik akong tumayo at binugaw ang mga tao sa paligid, tila may nararamdaman akong bigat. Naisip ko si Gabrielle. Sa lahat ng nangyari, siya pa rin ang nagbigay ng damdamin sa aking puso, pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon."Ano bang nais mong iparating?" tanong ko, pilit na tinatago ang nararamdaman."I just wanted you to know," sabi ni Kate, ang kanyang boses ay seryoso, "na noon pa lang nahirapan na siyang tanggapin na nawala ka ng ganoon lang. Tapos bigla kang bumalik at inisip na pinabayaan ka niya, na hindi ka man lang hinanap?"Habang binabasa ko ang kanyang mga salita, parang sumabog ang sakit sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pighati ni Gabrielle sa mga taon ng pagkawala ko, ngunit hindi ko rin kaya
"Another movie you slay!" bati ni Shaira, habang yakap ako ng mahigpit."Napakagaling talaga ng mommy ko," puri ni Justine na ngayon ay nakaayos na parang ganap na binata na, ang buhok ay maayos, at ang suot na amerikana ay tumatakip sa kanyang buong katawan. Tumingin siya sa akin ng may labis na paghanga, at para bang natutunan niya ang mga bagay na ito mula sa akin."You always pretty, Mommy," sabi ni Dustine, na kahit bata pa, may mga simpleng salita na kayang magpasaya sa puso ko. Nakangiti siya sa akin, ang mga mata ay puno ng kasiyahan at pagmamahal."Ang napakaganda at walang kupas sa galing," papuri naman ni Jayson, na tumayo sa aking tabi, ang mga mata ay puno ng paggalang.Kakatapos lang ng premier night ng isa sa mga pinakamatagumpay naming pelikula ni Jerome. Ang kwento namin sa pelikula ay punong-puno ng emosyon, at hindi ko inisip na magiging ganito ang lahat. Matapos ang ilang linggong hirap at pagod, ang pagkakataon na ito ay nagbigay saya at tagumpay sa amin.Nasa git
Eumerriah's Point of View Sa loob ng anim na buwan, nasa maayos ang lahat. Walang gulo, walang away, kahit madalas ko nang katrabaho si Jerome."Siya pa din ba hanggang ngayon?" tanong ni Jerome."Eh, ano naman sa'yo?" Sagot ko, medyo matalim ang tono.Para bang wala siyang pakialam sa mga nangyari noon. Na parang hindi siya ang lalaking minsang kinabaliwan ko."Kung sana pinagpatuloy mo lang ang pagiging baliw sa'kin, baka natutunan ko pa 'yang mahalin ka," biro ko."Sabi mo e," sagot niya, tila walang malasakit."Ang tigas mo na ngayon, ah. Parang hindi ka nabaliw sa'kin noon," patuloy ko."It's been 17 years and still? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Hindi mo nga nagawang ipaglaban ang bestfriend kong una mong minahal, ako pa kaya na ginamit mo lang?""Eh, hindi ko kasalanan kung hindi siya matanggap ng pamilya ko.""Kasalanan mong pinaasa mo siya at hindi minahal ng totoo.""Anong alam mo sa pagmamahal ng totoo?""Eh, ikaw? Anong alam mo? Hindi na tayo mga bata para dyan! Kung