Share

Kabanata 2.2

“Thank you so much, Aurora. Thank you for the help.” Muling humarap sa salamin si Beatrice at pinag-aralan ang kaniyang mukha.

“I am not the Eilish before, all of you will pay.” May diin niyang aniya. Eilish was rescued by the most famous Italian architect and Eilish studied under her and she became the most famous architect.  Nanatili siya ng anim na taon sa Italy kasama ng babaeng nagligtas sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang sa kabila ng aksidenteng nangyari sa kaniya ay nabuhay pa rin siya, thanks to Aurora, who help her.

Muli niyang tinitigan ang bago niyang mukha. She undergoes in plastic surgery, she changed her face, want to take her revenge to the people who hurt her in the past. This is her first time attending one of the biggest design conferences.

Bumaba na siya ng kaniyang kwarto wearing a red dress, a red stiletto and a red lips. Ang dating Eilish ay malayong malayo na sa kung ano at sino na siya ngayon. She is not the Eilish before, she is now known as Beatrice in Italy.

“Let’s go, I’m sure they are waiting for you.” wika ni Aurora. Sumakay na silang dalawa sa kotse at nagtungo kung saan gaganapin ang isang pang malakihang conference. Sunod sunod na pagflash ng camera ang sumilaw sa mga mata niya ng makababa sila ng kotse.  Mabilis na hinarang ng kaniyang mga body guard ang mga nagtatangkang reporters na lumapit sa kaniya. Bahagyang ngiti lamang ang iginawad niya sa mga ito saka sila dumiretso sa loob.

Punong puno ng iba’t ibang klase ng tao ang event. Lahat ng mga nandito ay mga nasa mundo ng negosyo especially about construction and development corporation.

“Good evening Ms. Beatrice, you’re so beautiful tonight.”

“Thank you, Mr. Romano.” Pormal niyang saad, iba’t ibang tao ang kinausap niya. Halos lahat ay kilala siya sa Italy because of her unique design. Nang may dumaan na waiter ay nanguha siya ng isang wine glass at akma na sana itong iinumin ng may mahagip ang kaniyang mga mata na pamilyar sa kaniya.

Tiningnan niya si Aurora pero busy na rin itong makipag-usap sa mga kakilala niya. Iniwan niya na muna ito saka lumapit sa isang kumpol ng ilang mga negosyante.

“I’m glad you came Mr. Del Valle.” Napangisi si Eilish, it’s been 6 years, anim na taon niyang hindi narinig ang apilidong yun. Sumimsim siya ng kaniyang wine at tiningnan si Blaze.

‘Wala pa ring nagbago, dating ikaw pa rin. Ang gwapo mong mukha, ang matipuno mong katawan at ang blangko mong mukha.’ Wika niya sa kaniyang isipan habang tinitingnan ang kabuuan ni Blaze.

“Ms. Beatrice, Hi. Thank you for coming.” Bati sa kaniya ng lalaking nang mapansin siya. May ngiti namang lumapit si Eilish sa kanila.

“Oh, this is Mr. Blaze Del Valle, Mr. Del Valle this is Ms. Alfera, one of the famous architect here in Italy.” Pagpapakilala ng isang lalaki sa kaniya.

“Lieto di conoscerti, signor Del Valle.” May ngiting wika ni Eilish. Napakunot naman ang noo ni Blaze dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ng dalaga.

“Oh, he’s from the Philippines Ms. Alfera. He can’t understand our language.”

“My bad.” Iyun lamang ang sinabi ni Eilish habang diretsong nakatingin kay Blaze.

“She said nice to meet you.” pagtratranslate ng lalaki sa sinabi ni Eilish. Napatango naman si Blaze at inilahad ang kaniyang kamay kay Eilish.

“Nice to meet you too Ms. Alfera.” Blangkong tiningnan ni Eilish ang nakalahad na kamay ni Blaze. Itinaas na lamang niya ang kaniyang wine glass at bahagyang tumango kay Blaze.

“I’m glad that you came.” Tanging sagot ni Eilish and then she excuse herself. His mouth parted  because of what Eilish did. Napapahiya niyang ibinaba ang kamay niya habang nakasunod ang mga tingin niya kay Eilish na may kausap na ngayong iba.

“She is the youngest successful architect here, she’s beautiful right? There’s a lot of man who want to win her heart but no one success.” Naiiling na kwento ng lalaki kay Blaze. Hindi maalis ni Blaze ang paningin niya kay Eilish dahil walang sinoman ang nakagawa nun sa kaniya, ang ipahiya siya sa harap ng ilan. Sumimsim siya ng kaniyang wine habang diretso pa rin ang paningin niya kay Beatrice.

Nang may magsalita sa stage ay nagsiupo na silang lahat, nasa harapan naman si Eilish kasama ni Aurora. Pare-pareho na sila ngayong nakikinig at paminsan minsan ay sumasagot si Beatrice. Nakatitig lang buong oras ni Blaze kay Beatrice.

 ‘There is something different with her.’ Muling sumimsim ng wine si Blaze ‘but I don’t like her, I don’t like her personality.’ Anas pa niya saka itinuon ang atensyon sa harapan.

Sumasagot din siya paminsan minsan pero kinokontra siya ni Eilish. Niluwagan niya ang necktie niya dahil wala pang sinoman ang naglakas ng loob na kontrahin siya but this woman is different. Salubong na salubong na ang kilay niya.

Ano bang alam niya? I don’t care if she’s one of the famous architect here. Hindi naman kagandahan ang mga designs niya especially her presentation.

Nanggigil pa niyang saad sa isipan niya habang kunot noong nakatingin kay Beatrice na nakangiti sa kaniya ngayon. Hindi na siya nagsalita at muling sumimsim ng alak, hindi niya alam kung nakailang inom na ba siya ng alak dahil kay Beatrice. Tila ba tumaas ang dugo niya dahil kay Beatrice.

Hindi na siya sumagot hanggang sa matapos, halos lahat naman ng mga taong nasa event ay nagpalakpakan kay Beatrice at halos lahat sila ay binati siya.

“You’re really smart, Bea. You never disappointed me.” komento na rin ni Aurora.

“Of course, this knowledge is from you.” kindat na sagot niya kaya pareho na silang natawa ngayon. May mga ilan ulit ang lumapit sa kaniya, nang mapansin niya si Blaze ay inayos niya ang sarili niya. Wala ng makakakilala sa kaniya dahil ibang iba na ang itsura niya noon sa ngayon.

“I really like your designs Ms. Alfera. No one can beat you.”

“Thank you, I am honoured to be praised by someone like you, Mr. Ricci.” Blangko lang namang nakikinig sa kanila si Blaze habang may hawak pa ring wine glass.

“You’re still here Mr. Del Valle. I hope you like my designs, and I hope we can work together in the future.” Kindat niyang saad, nanatili lang namang blangko ang reaksyon ng mukha ni Blaze. Akmang lalampasan na sana ni Eilish si Blaze ng huminto siya sa tapat nito.

“Masaya akong makita ka, Blaze.” may ngiti niyang bulong dito. Bahagyang nagulat si Blaze dahil ang buong akala niya ay purong Italian si Beatrice, base pa lamang sa apilido niya at sa maganda niyang accent na salita ni Beatrice in Italian language. Tuluyan ng umalis sila Beatrice at muling nakasunod ang paningin ni Blaze sa kanila.

Nagsalubong ang kilay niya dahil para bang may something kay Beatrice. Marunong itong magtagalog and its like she’s fluent. Dire-diretsong ininom ni Blaze ang wine niya habang nakatingin pa rin sa papalayo ng imahe ni Beatrice.

He don’t like her at ayaw niya itong makatrabaho balang araw.

Nakauwi naman na si Eilish at nagbihis. Matapos niyang maligo ay dumiretso siya sa kwarto ng anak. Hinaplos niya ang buhok nito at ang mukha ng anak niya. Mabuti na lamang at nabuhay pa silang mag-ina at walang nangyari sa anak niya. Kung sakali mang namatay ang anak niya dahil sa mga taong nasa nakaraan niya ay hindi niya ito sila mapapatawad.

Mahimbing na ang tulog ni Ethan, he’s 5 years old now. Sa kabila ng nangyaring aksidente sa kaniya 6 years ago ay naging maayos naman ang anak niya.

“I saw your Daddy lately at wala na akong nararamdaman sa kaniya. Simula ng lokohin niya ako, simula ng marinig ko ang mga boses nila sa loob ng kwarto namin ay napuno na ako ng galit sa puso ko. Gusto ko na siyang sampalin but I need to calm myself. Marami akong gustong itanong pero hindi niya na ako makikilala pa. I want him to taste the hell, I want him to taste my wrath. I will never forgive him.” May galit niyang saad habang inaalala ang mukha ni Blaze. Kung may napansin man siyang pagbabago kay Blaze iyun ay ang masyado nitong pagiging seryoso.

Inayos  niya na ang kumot ng anak saka ito hinalikan sa noo at bumalik na siya ng kaniyang kwarto. Nakatulala lang siya sa kisame habang inaalala ang lahat ng mapait niyang nakaraan. Malaki ang pasasalamat niya kay Aurora, siya ang tumulong noong walang wala siya. Itinuring siyang parang tunay na anak ni Aurora.

Ang ginagamit niyang apilido ngayon ay apilido ni Aurora.

Inayos niya na ang lahat ng mga gamit nila habang nanunuod sa kaniya si Aurora na nakasandal lang sa pintuan niya.

“Are you really sure about this?”

“Hmmm, it’s been 6 years. I will continue my carrier there.” Sagot niya habang ineempaki ang mga gamit nila.

“I will go with you then.” Napahinto si Eilish sa ginagawa niya at hinarap si Aurora.

“I really appreciate your help, Aurora but don’t leave your work here just to come with us in the Philippines.”

“Well, I can continue my career there also.”

“But you have a company here.”

“I have my employee to run it.” Napapailing naman at natatawa si Eilish. Lumapit siya kay Aurora saka niya ito niyakap. Siya ang nagsilbing ina niya sa loob ng anim na taon, hindi siya iniwan nito hanggang sa maging successful architect na siya. Buo na ang loob niya, she’s going back in the Philippines and take her revenge.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kaabang abang kaso kawawa naman si Blaze madadamay sa paghihiganti mo Eiliesh na ang tanging may jagagawan ay ang kapatid mong walang hiya na si Camilla
goodnovel comment avatar
Tria 0911
salamat po Author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status