Share

Kabanata 3.1

Mariing ipinikit ni Eilish ang mga mata niya ng muli niyang malanghap ang mainit na hangin ng Pilipinas.

6 years, 6 years akong nawala and now I’m back. Welcome me, bitch. Nakangisi niyang aniya, muli siyang lumanghap ng malalim na hangin. Nang matapos na isakay lahat ng mga gamit nila ay umalis na sila ng airport. Dahan dahan na hinahaplos ni Eilish ang buhok ng anak, tulog pa rin ito. Malamang napagod sa byahe.

Tomorrow, she’s going to start her plan. Matagal tagal na panahon niya rin itong pinaghandaan at pinag-isipan. Gusto niyang maranasan ng lahat ng mga taong nanakit sa kaniya sa nakaraan niya ang sakit, she’s going to find all of them, wala siyang ititira.

Nang makarating sila sa bahay na nabili niya noong nakaraang taon pa ay binuhat niya na ang tulog pa niyang anak saka niya ito dahan dahan na ibinaba sa kama. Hinalikan niya na muna ito sa noo bago siya lumabas.

Lahat ng mga kakailanganin niyang mga papeles bukas ay kailangan niya ng maayos at maihanda.

“Are you really sure about this? You’re going to apply to that company? What’s the name again?”

“It’s Del Valle construction and development corporation.”

“Oh, I see. One of the famous companies huh? You want help?”

“Nah, I can do this without your help. Ano palang gagawin mo rito habang nandito ka?” tanong niya.

“Wow,” namamanghang wika ni Aurora kaya napatingin sa kaniya si Eilish. “It’s been 4 years I guess, since I heard you using that language. You’re so cute.” Natutuwang wika ni Aurora. Napairap na lang si Eilish dahil akala niya kung ano na.

“Whatever.”

“It’s true, nakakatuwa ka lang pakinggan.” Napapailing na lang si Eilish dahil natutuwa rin siya sa pagtatagalog ni Aurora. Aurora know how to speak in Tagalog, she learned about it when she met Eilish. Malaki ang utang na loob ni Eilish sa kaniya mula sa pagkakaligtas ni Aurora sa kaniya sa ilog na yun.

Tinanong niya noon si Aurora kung paano siya nito nakita, sinabi nitong nakita siya sa ibabaw ng ilog at walang malay. Nakiusap siya noong ilayo siya sa lugar na iyun na sinunod naman ni Aurora. She changed her face, gusto niyang magsimula bilang si Beatrice Alfera and she will take her revenge.

Lahat ng mga papeles na hinanda niya kagabi ay inilagay niya na sa iisang folder, today she’s going to apply in Del Valle's company.

“Mommy,” nilingon niya ang anak na bagong gising. Kinukusot pa nito ang mga mata niya.

“Good morning baby, your milk is ready. You can get it to your nanny, okay?” hinalikan niya na muna ang anak saka niya pinagpatuloy ang ginagawa niya. Malaki ang pasasalamat niyang nabuhay ang anak niya, hindi niya alam kung anong gagawin niya kung nawala noon ang anak niya. Iniwan na siya at ang anak niya lang ang nanatili sa kaniya.

Kung may masama mang nangyari sa nakaraan niya, anak niya naman ang pinakamagandang nangyari. Matapos niyang ihanda ang lahat ay nagpaalam na muna siya sa anak niyang aalis na ito.

“Ako na munang bahala sa kaniya, isasama ko na lang din siya mamaya sa meeting namin.” napakunot ang noo ni Beatrice.

“Meeting? You have a meeting?”

“Hmm,”

“Hindi ba nakakaabala ang anak ko sayo and what kind of meeting?”

“Don’t worry hindi siya makakaabala sa akin, meeting lang yun about new project.”

“You sure?”

“Of course, ano ka ba saka saglit lang yun.” Napatango tango na lang siya saka sinukbit ang bag at nagpaalam na. Sumakay na siya sa kotse niya at may ngiting nilalakbay ang daan patungong Del Valle’s company. Alam niyang hindi magiging madali ang pagpasok niya sa kompanya but she’s going to give her best to become one of their architect.

Walang pakialam si Blaze kung anong posisyon mo o kung gaano ka kasikat, all he want is the quality of your works. Kahit wala ka pang experience kung mapagkakatiwalaan ka niya sa gawa ay kukunin ka pa rin niya. Nanatili na muna siya sa loob ng kotse niya bago siya lumabas. Bahagya siyang bumuntong hininga, anim na taon din siyang nawala sa Pilipinas at walang balita sa pamilya niya o sa mga taong nasa nakaraan niya.

Taas noo siyang naglalakad sa lobby at halos lahat ng mga empleyado ay napapatingin sa kaniya. Bahagya siyang napapangiti kapag naririnig niya ang mga papuri sa kaniya. Dahil saulong saulo niya naman ang bawat sulok ng kompanya ay dumiretso na siya sa office ni Blaze. Kumatok na muna siya ng tatlong beses, nang marinig niya na ang pagpapasok sa kaniya ay pumasok na siya.

Tiningnan niya naman si Blaze na kunot noong nakatingin sa mga iilang papeles, ang pagkagat niya sa dulo ng ballpen niya. Nabalitaan niya ang ginawa ni Blaze nitong nakaraang linggo lang na marami siyang inalis na empleyado niya na architect dahil lang sa dahilan niyang hindi nila maabot ang standard niya.

Iniangat ni Blaze ang ulo niya ng walang nagsasalita simula ng papasukin niya kung sino ang kumatok. Kunot noo niyang tinitigan si Beatrice at nagtataka kung anong ginagawa nito gayong taga Italy ito.

“What are you doing here?” malamig at seryoso niyang tanong. Naupo naman si Beatrice sa harap ni Blaze at ibinaba ang mga hawak niyang papeles, ang mga ipapasa niya para sa pag-aapply niya sa trabaho.

“I want to apply here.” diretso niyang sagot, nanatiling salubong ang kilay ni Blaze dahil hindi niya inaasahan ang muling pagkikita nila ng babaeng komokontra sa kaniya noong nasa pangmalakihang event sila. Dahan dahang sumilay ang ngisi sa labi ni Blaze, now it’s his time.

Binitawan niya ang hawak hawak niyang ballpen at maayos na hinarap si Beatrice.

“So, you want to be part of my company, of my team. I can give you that but I need you to submit a design, a unique design of a building as an interview question. Kapag nagawa mo yun, why not?” mapanghamong saad ni Blaze, blangko lang namang nakatingin sa kaniya si Beatrice at dahan dahang tumango.

“Sure,”

“I need it this week.”

“What? That fast?” hindi niya makapaniwalang tanong, sinong architect ang makakagawa ng bagong design in just one week lang? napangisi naman sa kaniya si Blaze dahil sa una nitong pagrereklamo.

“May reklamo ka? if you can’t then leave.”

“No, of course I can.” Malugod niyang tinanggap ang hamon sa kaniya ni Blaze. Tinitigan ni Blaze ang mukha ni Beatrice, hindi niya gusto si Beatrice lalo na ang ginawa sa kaniya noong nasa Italy sila. Pakiramdam niya natapakan ang pagkatao niya, ang ego niya. Hindi niya matanggap na ang isang babae lang ang makakakontra sa kaniya, ang hindi sumang-ayon sa mga sinabi niya noon. Ngayon, titingnan niya kung hanggang saan ang kaya ng isang Alfera.

“Is that all, Sir?”

“Of course your resume and other papers. I need it.” Inilabas na ni Beatrice ang mga naihanda niya namang mga papeles saka ibinigay kay Blaze. Bahagya lang yung pinasadahan ng tingin ni Blaze saka niya iginilid.

“Kapag naipasa mo sa akin ang gawa mo at nagustuhan ko, welcome to my team at kapag hindi mo nagawa o hindi ko nagustuhan. Don’t ever show your face in front of me, again.” May diin niyang saad, nagkibit balikat lang naman si Beatrice na tila wala lang sa kaniya ang mga sinasabi ni Blaze.

Hindi niya aakalain na sa loob ng anim na taon ay marami ng nagbago. Ang dating mainitin na si Blaze ay mas lalong naging mainitin ang ulo. Hindi naman siya nasabihan na parang pumapatol na sa babae si Blaze. Nagtitigan pa silang dalawa na tila pinag-aaralan ang isa’t isa.

“Hon,” naputol ang pagtitig ni Beatrice ng marinig niya ang boses ng isang babae. Nilingon niya iyun at napakunot siya ng noo.

‘Ate Camilla,’ wika niya lamang sa isipan niya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
lalong madadagdagan ang galit ni Beatrice kay Blaze dahil akala ni Beatrice ba hinintay lang ng dalawa na mawala sya bago nagsama ang dalawa kawawang Blaze makakatikim ng paghihiganti na hindi naman sya ang may gawa kundi ang bruhang si Camilla kung bakit nawala si Eilish/Beatrice
goodnovel comment avatar
Tria 0911
salamat po Author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status