Tatlong buwan na ang lumipas simula ng mawala si Eilish, simula ng ilibing nila ito.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Nasa playground ka ba para maging ganito ang kalalabasan ng gawa mo? kahit elementary students ay kaya iyang gawin, kaya iyang idrawing!! Your design is a trash!!” malakas na sigaw ni Blaze, they are presenting their design but Blaze didn’t like it. Pare-pareho na sila ngayong nakayuko, nagulo ni Blaze ang buhok niya dahil sa lahat ng mga prenesent ng mga empleyado niya ay wala siyang nagustuhan. Ang ayaw niya sa lahat ay ginagawang laro ang trabaho nila at hindi man lang ito sineseryoso.
Walang naglakas loob na magsalita dahil isang dahilan mo lang sa kaniya ay paniguradong wala ka ng babalikan bukas.
“Get your things and leave. Submit all your designs this week at kung wala kayong maibigay sa akin na maayos na gawa ay huwag niyo ng tangkain na bumalik pa rito.” maawtoridad niyang wika, mabilis namang kumilos ang mga empleyado niya at lumabas ng conference room. Minsan pa niyang tiningnan ang mga denesign ng mga ito na bahay pero wala talaga siyang nagustuhan. He wants a perfect design, their company is the number 1 construction and development corporation in the Philippines ganun na rin sa labas ng bansa. At ayaw na ayaw niya ng nahihigitan siya ng mga kompanyang nakakababa sa kaniya.
Simula ng mawala ang asawa niya ay mas naging mainitin ang ulo nito, he became more heartless businessman. Halos lahat ng mga taong nakakakilala sa kaniya sa business world ay kinatatakutan siya at walang gustong kumalaban.
Matapos ang maghapon na iyun ay umuwi na siya. Napakunot na lamang ang noo niya ng makita niyang nakasindi ang mga ilaw ng condo niya at bukas din ang pintuan. Gusto niya na sanang makapagpahinga pero dumiretso siya sa kusina dahil dun niya naririnig ang mga ingay.
“Anong ginagawa niyo rito? I want to rest, leave.” Malamig niyang saad at akmang tatalikod na sana siya ng magsalita ang ama niya.
“We want to talk to you Blaze.”
“Bukas na lang, I’m tired.”
“This is serious, sit and let’s talk.” seryosong wika ng kaniyang ama, bumuntong hininga si Blaze at naupo na. Blangko ang kaniyang mukhang nakatingin sa kung saan. Kasama nila ang mga magulang ni Eilish at si Camilla.
“Ano bang sasabihin niyo? Spill it out so I can rest.” Walang gana niyang saad.
“Kumain muna tayo saka natin pag-usapan.” Tahimik silang kumain, kunot noong tinitingnan ni Blaze si Camilla kung anong ginagawa nito rito kasama ng kaniyang mga magulang. Nirerespeto niya naman ang pamilya ng dati niyang asawa subalit hindi lang siya sanay ng dinadalaw siya makalipas ang tatlong buwan.
Matapos silang kumain ay kinamusta na muna nila si Blaze, tanging okay at tango lang ang isinasagot niya. Ang nakapagpagulat sa kaniya ay ang sinabi ni Mr. Bautista.
“What did you say?” hindi niya makapaniwalang tanong.
“You got our daughter pregnant and you need to marry her as soon as possible.”
“Anong kalokohan ito?!” hindi niya mapigilang sumigaw at mapatayo. Halos ilang buwan pa lamang simula ng ilibing ang asawa niya at hanggang ngayon ay nahihirapan at nasasaktan pa rin siyang tanggapin ang lahat.
“You got our daughter pregnant and you think this is a bullshit?”
“Answer me Camilla. What are they talking about? Kailan may nangyari sa atin gayong hindi naman tayo nagtatabi?! Tatlong buwan pa lang simula ng mamatay si Eilish at sa tingin niyo magagawa ko na siyang lokohin?”
“You got the point! Tatlong buwan pa lang and you did this to her? You two is in fault. Paano mo nagawa ito Camilla sa kapatid mo at lalong lalo ka na Blaze!” tahimik na umiiyak si Camilla habang nakayuko, hilaw namang natawa si Blaze at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Tiningnan niya si Camilla pero wala siyang nakuhang sagot mula rito.
“Sagutin mo ako Camilla, paano nangyari? All of you know how much I love Eilish. Wala akong matandaan na nakatabi kita.” Seryoso at blangko niyang tanong kay Camilla. Dahan dahang iniangat ni Camilla ang ulo niya pero ng makita niya ang nanlilisik na mga mata ni Blaze ay muli siyang yumuko.
“N-noong gabing m-malasing ka.” nanginginig na panimula niya. “Hindi ko rin naman alam kung paano kita icocomfort dahil alam kong nalulungkot at nasasaktan ka sa pagkawala ng kapatid ko. You kissed me thinking that I am Eilish, I swear I didn’t mean it too. H-hindi ko lang alam kung anong gagawin ko to lessen your pain, and, and then we had sex. I’m sorry, I’m really really sorry.” Humahugolgol niyang anas. Napahilot sa sintido niya si Blaze, he remembered it. Ang buong akala niya ay panaginip lang yun pero wala siyang matandaan na may nangyari sa kanila. Ang alam lang niya ay hinalikan niya lang ito.
Tanging pag-iyak na lang ni Camilla ang maririnig, napailing iling si Blaze dahil hindi niya naman alam ang nangyari. Hilaw siyang natawa dahil tila ba pinaglalaruan siya ng tadhana.
“You like it or not, you need to marry our daughter kung ayaw mong masira ang pangalan mo at ng kompanya mo. Let’s go, Camilla umuwi ka muna samin.” Umalis na ang pamilya ni Eilish at tahimik na naiwan ang pamilya ni Blaze sa hapag kainan. Pilit na pinoproseso ni Blaze sa isip niya ang mga narinig at nalaman niya ngayong gabi.
“I’m sorry son, I know you really love Eilish but you need to marry Camilla. Kahit para na lang sa magiging anak niyo.” Tinapik na lang siya ng kaniyang ama sa balikat saka sila umalis. Naiwan mag-isa si Blaze at nakatulala. Muli niyang hinilot ang kaniyang noo, paanong nangyari ang lahat ng ito sa isang iglap lang?
Simula ng mamatay ang asawa niya ay wala na siyang ibang babaeng nilapitan, lalong hindi pa niya iniisip na palitan sa puso niya ang pinakamamahal niyang asawa. Naging mainitin ang ulo niya sa lahat ng kaniyang empleyado and now, dumagdag pa ang problemang kailangan niyang pakasalan ang babaeng hindi niya naman minahal kahit minsan.
Walang nagbago sa kaniya, nanatiling blangko at mas lalong naging mainitin ang ulo niya. Lahat ng mga ipinasang design ng mga empleyado niya ay pinunit niya at itinapon sa basura.
“You know what, all of you are not suitable in this job. Maybe this is not for you. Simple lang ang gusto ko! I want a beautiful at nakakaakit na design pero hindi niyo pa maibigay sa akin.” walang sumagot sa kaniya, inis na lumabas ng conference room si Blaze at bumalik sa kaniyang opisina.
Saka lamang nakahinga ng maluwag ang lahat ng mga empleyado niya ng makaalis si Blaze. Pakiramdam nila ay nasa impyerno sila kapag kasama nila si Blaze sa conference room.
Naganap ang kasal sa pagitan nilang dalawa ni Camilla. Blaze married her under pressure from the family. Gusto niya mang tanggapin ang lahat at muling magsimula ay hindi pa niya magawa. Ang kailangan lang naman niya ay panagutan ang bata.
Tumira na si Camilla sa dating bahay nila Eilish at hindi niya maipaliwanag ang tuwang nararamdaman niya. Matagal niyang pinangarap na maging Mrs. Del Valle at maging asawa ni Blaze. Halos mapatalon siya sa tuwa because finally she is the new Mrs. Del Valle. She’s gonna seduce Blaze and make him fall in love with her.
Nang makita niya ang mga pictures nila Eilish at Blaze ay itinaob niya iyun.
“I’m sorry my little sister, sinabi ko naman sayong huwag mong pakasalan si Blaze eh. Yan tuloy ang nangyari sayo.” nakangisi niyang saad. Lahat ng mga pictures ni Eilish kasama ni Blaze ay inalis niya at pinalitan niya ng mga pictures nila noong ikinasal sila.
Walang araw din na hindi nagalit si Blaze sa kompanya niya. They called him a heartless man dahil isang pagkakamali mo lang sa trabaho mo ay matatanggal ka na. Nagpatuloy ang buhay niya na tila nasa isa siyang walang katapusang kadiliman.
Lumipas ang araw, linggo, buwan at maging ng taon. Anim na taon na ang lumipas.
Seryosong nakatingin sa salamin ang isang babae habang inaayos ang sarili. She is now ready, she’s really ready. Anim na taon na ang lumipas at marami ng nangyari.
Pumasok ang isang may katandaan ng babae sa isang kwarto.
“Are you ready? I know you can do it, you gave all your efforts in this field. Trust yourself Beatrice.” Said by the old woman, the woman she called Beatrice smirked. Matagal na panahon, matagal na panahon siyang nagtiis at naghintay para sa araw na ito. “Just remember, you are not the woman in your past you are now Beatrice Alfera, the most famous architect in Italy.” Nakangiting wika ng ginang.
Ilang araw simula nang lumipad ako patungong Italy at palihim silang pinapanuod sa tuwing lumalabas sila. Habang naglalakad ako mag-isa ay kunot noo kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. Alam kong kilala niya ako, what he is doing here? Lumingon ako sa likuran ko kung may tinitingnan ba siya dun pero wala naman ng ibang tao sa likuran ko kaya nilingon ko siya uli at alam kong ako nga ang tinitingnan niya dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako, napansin niya ba ako nitong mga nakaraang araw? Pinanuod ko siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sinuntok sa mukha. Sa sobrang lakas ramdam ko ang panandaliang pagkahilo ko. Nalalasahan ko na rin ang lasang kalawang sa labi ko. Tipid akong ngumiti saka pinunasan ang dugong nasa labi ko. “Is it that easy to leave and forget your family?! They are like a gem that I can’t afford to lose and it’s so easy for you to hurt them?! Anong klase kang lalaki? If she did something
Maraming beses akong nagduda sa tunay na pagkatao ni Beatrice pero hindi ko pinansin ang mga yun dahil iniisip kong baka masyado lang akong nangungulila kay Eilish. Ni hindi ko maiwasang hindi siya hanapin sa tuwing nawawala siya sa paningin ko, ni hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya sa tuwing magkasama kaming dalawa.Napabuntong hininga na lang ako, pinakiramdaman ko ang puso ko kung ano bang special ang nararamdaman ko para kay Beatrice. Masaya akong sa loob ng maraming taon dumating na ang babaeng muling magpapagulo sa isip ko, sa buhay ko. Ang akala ko ay wala na akong pag-asang maghilom pa mula sa nakaraan, sa tuwing nawawala ako, sa tuwing kailangan ko ng makakasama she’s always there, siya yung palaging nakakahanap sa akin kung nasan ako.Nagtataka man minsan ay hindi ko binigyan ng pansin dahil mas binibigyan ko ng pansin kung ano bang nararamdaman ko sa kaniya. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, hindi ko na pinapansin yun dahil mas nakatuon ang atensyon ko kay Beatri
“We have a surprise for you, matagal mo na itong hinihiling diba? Ngayon, matutupad na namin ang hiling mo.” wika ni Jayson, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni Blaze sa kamay ko, ramdam ko na rin ang pamamawis nun, he’s really nervous.Nagbilang pa hanggang tatlo si Jayson saka niya inalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mga mata ni Ethan. Napakurap-kurap na muna si Ethan hanggang sa mapatingin siya sa amin at mas lalo siyang napatitig kay Blaze.Maya-maya ay biglang humaba ang nguso niya at umiyak.“Hey, baby, why?” nagtatakang tanong ni Jayson, nagkatinginan kaming dalawa ni Blaze. Mas lalong lumakas ang iyak ni Ethan saka siya mabilis na tumakbo papunta kay Jayson. Nakatago siya ngayon kay Jayson habang umiiyak, hindi ba siya masaya o masyado namin siyang ginulat sa lahat?“Come here baby, come to Daddy. Don’t be afraid, don’t worry Daddy will not eat you.” pambibiro ni Blaze, kahit na kinakabahan siya ay kinausap pa rin niya si Ethan. Sinilip ni Ethan si Blaze at pahikb
“Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan ng ganito Eilish? What have I done to you para gawin mo sa akin ito?” halos mawasak ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. His voice crack at malayong malayo sa Blaze na madalas kong marinig na boses niya.“I, I don’t understand.” Naguguluhan kong saad, naghintay ako sa kaniya sa hospital, naghintay ako sa bahay pero hindi siya dumating. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita.“I was waiting for you, I hoped you would look for me but you didn’t come. Why is it so easy for you to leave and hurt me? Hinanap ko lang yung sarili ko Eilish, gusto ko lang mag-isip pero bakit ganun kabilis sayo para iwan ako at bumalik ka rito?”“Naghintay ako sayo sa hospital, sa bahay, sinubukan kitang hanapin Blaze pero hindi kita makita. Alam kong kalabisan na ang gusto kang makita at makausap pero sinubukan ko, hinanap kita sa mga posibleng lugar na pwede mong puntahan pero hindi kita makita.”“Is that enough? Sapat ba yung
Naaalala ko pa rin si Blaze, may balita man lang ba siya sa amin o talagang kinalimutan niya na kami? Umasa akong kahit papaano ay masaya siyang makilala ang anak naming dalawa pero mukhang nagkamali ako dahil kung talagang tanggap at gusto niya ang anak naming dalawa baka kahit nasa hospital pa lang kami ay pinuntahan niya na kami pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong pupuntahan niya kami.Nakarating kami ng airport at si Jayson ang may hawak kay Ethan. Ilang beses akong nalingon sa entrance dahil kahit imposible nagbabakasakali akong pupuntahan niya kami dahil kapag nagkataon baka siya ang maging kahinaan ko para hindi na bumalik ng Italy. Isang salita niya lang, marinig ko lang ang salitang gusto kong marinig baka sumunod at sumama na ako sa kaniya pero ang mga iniisip ko ay imposibleng mangyari.Paglingon ko sa harapan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jayson, tipid niya akong nginitian. Alam kong kanina pa niya ako napapansin na parang may hinihintay dahil nasa entrance ang
Lumipas pa ang mga ilang araw, naghintay ako sa kaniya, hinintay ko siya pero hindi siya dumating. Umaasa akong pupuntahan niya ang anak namin kapag nagising na ito pero hanggang ngayon kahit nakalabas na si Ethan ay hindi ko man lang siya nakita. Mapait akong napangiti, maiintindihan ko kung hindi niya kayang tanggapin ang anak niya sa babaeng katulad ko, he deserve more at sana mahanap niya na ang kapayapaan at katahimikan sa buhay niya. Tahimik akong nakaupo at naghihintay dito, napatingin ako kay Ate Camilla nang makalabas na siya sa kulungan. Nakayuko siya at ibang iba na siya sa dati kong kapatid, gulo-gulo ang buhok niya at wala man lang kakulay-kulay ang mukha niya. Tahimik siyang naupo sa harapan ko, napatingin na lang ako sa metal na nakakabit sa kamay niya. Hindi ito ang pinangarap ko sa aming magkapatid, bakit kailangang masira ang samahan naming dalawa ng dahil lang sa inggit? Kung alam ko lang siguro na matagal niya ng minamahal si Blaze, noong mga panahon na hindi pa