Pinagpag ni Beatrice ang sarili niya saka sila lumayo ni Blaze at naupo para makapag-usap ng maayos. Salubong ang mga kilay ni Beatrice habang nililingon si Blaze, hindi niya maintindihan ang ugali nito dahil para bang biglang nagbabago.“What are you doing here anyway? You’re not wearing any safety gear too, paano kapag hindi ako dumating, ano na lang mababalitaan ko?”“I’m okay! Okay? Okay lang ako, hindi naman ako nasaktan eh. Ano bang ikinagagalit mo?!” inis na ring tanong niBeatrice, wala naman siyang ginawa para magalit ito sa kaniya, she’s also okay.“Kung may mangyari man sa akin, you don’t have to worry. I can handle myself. Come here and I’m gonna clean your wound.” Hinila niya si Blaze para magtungo kung nasan ang mga medical kit nila. Hindi naman nakaimik si Blaze. Iniwas niya ang paningin niya kay Beatrice dahil maging siya hindi niya alam kung ano ba ang ikinagagalit niya.‘Crazy,’ anas niya sa isipin niya. Hinayaan niya na lang si Beatrice na gamutin ang maliit lang nam
“You fucking asshole.” Tanging naiusal niya, hindi niya alam kung saan niya sisimulan ang napakaraming gawain. Napaupo na lang siya sa upuan, katatapos niya lang gumawa ng napakaraming gawain tapos may kasunod kaagad.Ramdam niya ang pagpasok ng kung sino man sa opisina pero tila pagod na siya para lingunin pa iyun.Inilibot ni Aaron ang paningin niya sa buong opisina pero wala siyang ibang makita maliban kay Beatrice na nakaupo at bakas ang pagiging problemado.“Nasan si Sir Blaze?” tanong niya kay Beatrice.“Nagbakasyon, may oras pa siyang magbakasyon kahit naman napakarami pa niyang gawain. Ayos din yang boss mong yan ah. Magpapakasarap buhay tapos ako naman ang pahihirapan niya sa mga iniwan niyang gawain.”“Bakasyon, wala siyang sinabi sa aking may plano siyang magkabasyon.”“Why don’t you ask him instead? Tssss.” Inis niyang saad saka kinuha ang napakaraming papeles. Halos mahirapan pa siyang dalhin dahil sa bigat. Pabagsak niya iyung ibinaba sa lamesa niya napasuntok na lang sa
Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ni Beatrice ng makaramdam siya ng pagod sa trabaho niya. Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Blaze. Inayos niya na ang mga papeles na ibibigay niya sa marketing department saka lumabas. Napakarami niyang trabaho na iniwan sa kaniya ni Blaze kaya halos hindi niya na alam kung anong uunahin niya. Inagaw niya ang atensyon ng mga empleyado sa marketing saka nginitian ang mga ito. “Good morning Ma’am Alfera, ano pong maitutulong namin?” tanong ng pinakanghead nila. “Naaprobahan ko na lahat ng yan kapag dumating si Blaze pwede niyo ulit ipatingin sa kaniya para masimulan niyo na rin but I know he’s gonna approve that.” nakangiti niyang saad, iniabot niya na ang mga papeles sa head. “Naku, salamat po ma’am. Sana tumawag na lang po kayo sa department namin para naman ipinakuha na lang namin sa office niyo ang mga ito. Nakaabala pa kami.” “No, it’s okay. Gusto ko rin namang maglakad-lakad.” Nagpaalam naman na si Beatrice kaya tumango a
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!! hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo, dire-diretso ka na lang naglalakad!!” galit nanamang saad ni Blaze na kanina pang nakasunod kay Beatrice. Inis na lumayo si Beatrice kay Blaze. “Ano bang pakialam mo kung masagasaan ako?!! Bakit ka ba nandito? Hindi kita pinapakialamanann kaya huwag mong pakialamanan ang buhay ko na para bang nag-aalala ka nga!” “You stubborn woman!” anas niya saka hinawakan sa kamay si Beatrice at hinila pero inis na inalis ni Beatrice ang pagkakahawak sa kaniya ni Blaze. “Bitawan mo nga ako! Nasasaktan na ako sa ginagawa mo!” “We need to talk.” “Pwes, ayaw kitang makausap kaya pwede ba lumayo ka na lang sa akin at bumalik ka na sa ginagawa mo! Hindi mo hawak ang buhay ko at hindi ko hahayaang kokontrolin mo lang ako dahil mas nakakataas ka sa akin. Hindi ako papayag Del Valle! Ano ba bitawan mo ako sabi!!” anas niya ng muli siyang hawakan at hilain ni Blaze. Napapatingin na lang sa kanila ang ilang empleyado na nakaka
“Gusto kong alamin mo ang tunay na pagkatao ni Beatrice. Hindi ko hahayaang masira lang ang pamilyang matagal kong inaalagaan.” Maawtoridad na utos ni Camilla habang kinakausap ang isang lalaki. Palihim ang pag-uusap nilang dalawa.“Wala kang dapat problemahin. Basta ba ikaw ang kapalit.” Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Camilla at dahan dahang inamoy ang leeg nito. “Sinabi ko naman sayong ako ng bahala satin. Manahimik ka lang diyan sa gilid at mag-isip kung paano ako pasasayahin.” Mahina pang bulong nito.“Ano ba Martin. Baka may makakita sa ating dalawa. Mag-ingat ka dahil kung hindi dalawa tayong pupulutin sa basurahan.”“Wala namang makakakita sa atin dito. Gagawin ko ang gusto mo basta dating gawi, pupuntahan mo ako sa apartment ko at alam mo na kung anong gagawin.” Punong puno ng pagnanasa nitong saad. Tiningnan siya ni Camilla at napabuntong hininga.“Darating ako, siguraduhin mong may malalaman ka sa Beatrice na yan.”“No worries my love. Leave it to me.” aniya pa.Ha
“Halata nga anak, ang laki ng tiyan mo eh hahahaha.” Nagkwentuhan pa silang mag-ina at ng maghapunan sila ay sabay sabay na silang tatlo. Napapatingin na lang si Aurora kay Beatrice dahil masyado na itong nagiging masekreto sa kaniya. Iginagalang naman niya ang desisyon ni Beatrice at ang dahilan nito para bumalik ng Pilipinas. Wala siyang masyadong alam sa kung anong mga pinaplano ni Beatrice at tila ba hindi ito maganda. Gusto niya itong tanungin pero mas pinili na lang niyang manahimik, as long as she’s safe hindi siya mangingialam sa mga plano nito. “Kwentuhan na lang kita uli anak para makatulog ka na, okay?” “Yes Mommy.” Masiglang sagot ng anak. Nagsimula ng magkwento si Beatrice ng mga pambatang kwento. Ito ang gawain nilang mag-ina sa araw-araw. Maglalaro saglit, magkwekwentuhan at magbabasa naman ng kwento bago matulog. Kinabukasan, naglalakad siya ng looby at papasok na sana ng elevator ng makita niyang bigla iyung isinarado ni Blaze kahit na nakita na siya nitong papasok
BEATRICE POV Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ng magising ako sa isang ingay. Ikinurap kurap ko pa ito ng ilang beses dahil nanlalabo pa ang paningin ko.“Paanong hindi nakabukas ang lahat ng cctv?!!” napalingon ako kung saan nanggaling ang sigaw. Inaninag kong mabuti kung sino ba ang lalaking nakatalikod sa akin.“Alamin mo ang lahat kung sino ang nasa likod nito. Huwag kang titigil hangga’t hindi mo nakikita.” May diin niyang aniya, nakusot ko ang mga mata ko dahil baka namamalikmata lang akong si Blaze ang nakikita ko na kasama ko dito ngayon.Halos mapabalikwas ako sa kinahihigaan ko ng maalala ko kung anong nangyari.“Hey, be careful. Let me help you.” nang mapansin niya na akong gising ay inalalayan niya akong umupo at sumandal sa headboard. Anong nangyari? Sino ang may gawa nun? Alam kong sinadya ang paglalagay ng tear gas sa stock room habang nandun ako. Hindi ko rin naman isinarado ang pintuan para maglock yun. Kung hindi man sinasadyang mailock ko iyun ay si
Ibig sabihin, planado talaga lahat. Hindi naman pinapatay ang cctv ng sabay sabay eh.“Nakausap mo na ba ang mga nakaduty ngayon sa cctv room?” tanong ni Blaze.“Oo, dalawa silang nakabantay dun at ang iba naman ay nag-aayos sa ibang floor pero lahat ng cctv sa floor kung nasaan ang stock room ay maayos iyung gumagana. Ang sabi pa ng dalawa, may lalaki raw na pumasok ng cctv room at pareho silang pinatulog. Ang nangyari sa stock room ay planado para patayin ka.” baling niya sa akin. I knew it, naikuyom ko na lang ang mga kamao ngayong nakompirma ko.Ibig sabihin, hindi ako ligtas sa kompanya pero kung ito ang gusto niya hindi ko siya aatrasan kung sino man siya.“Wala rin silang nahanap kahit anong finger print sa tear gas. Maingat siya sa ginagawa niya. Wala ka bang pwedeng panghinalaan?” inilingan ko naman siya. Kahit isa wala. Kung gusto niya akong patayin bilang Beatrice, ibig sabihin maaaring inggit? Hindi rin naman imposible dahil ilang buwan ko pa lang naman sa kompanya ay nagi