Share

CHAPTER 12

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-20 22:17:18

Agad niyang natagpuan ang attending physician ni Erin.. Kinompronta niya ito kaagad.

"Bago siya tuluyang lumisan ng araw na iyon, may sinabi siya," halos pabulong na wika ng doktor, tila nag-aatubili pa kung itutuloy iyon. "Kung may magtatanong daw tungkol sa naging kalagayan niya, sabihin ko lang daw ay hindi naman iyon malubha, at hindi masakit, upang hindi na daw siya hanapin pa ng kung sino man ang magtatanong tungkol sa naging kalagayan niya.."

'Hindi hanapin..'

Parang kidlat na tumama kay William ang mga salitang iyon. Biglang nagbalik sa kanya ang mga alaala: ang singsing na iniwan, ang bahay na ipinagbili, ang resignation letter... Hindi galit ang dahilan, hindi rin para ipahiya siya. Higit pa roon—kamatayan. Parang mas nanaisin pa ni Erin na mawala sa mundo, kaysa makasama siya!

Sa kanyang kapabayaan, kawalang-malasakit, at mga maling akala, sa mga panahong kailangan siya ni Erin, itinulak niya ito palayo. Dinurog niya ang pagmamahal at pag-asa nito sa kanya.

Nanginig ang b
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
angelita Bernabe
next Poe plzzz I
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin   CHAPTER 16

    Naghahanda na sana siya para sa pinakamasamang resulta, at nagsimulang mag-isip pa kung saan makakahanap ng susunod na potensyal na customer, ngunit hindi niya inaasahan na ...... Talaga bang naging pabor sa kanya ang disisyon ni Blake Gener?Ang malaking sorpresa at isang hindi mailalarawan na pakiramdam ng kakaiba ay magkakaugnay, at hindi niya sinasadya na tumingin muli kay Blake, ngunit hindi inaasahang nakatagpo ang kanilang mga mata..... Nakatingin din ang lalaki sa kanya!Medyo natulala si Erin nang ilang sandali, malinaw na hindi inaasahan na nakatingin din sa kanya ang kabilang partido.Nang mapansin ni Blake, na tila nag aatubili si Erin kung tatanggapin ang kanyang suggestion na makipag ugnayan ito sa kanya sa susunod, ibinaba niya ang kanyang mga mata, sa kanyang daliri, at muling hinawakan ang bilog ng kanyang relo. Malamig ang kanyang mga mata, na tila ba hindi tatanggap ng “no” na kasagutan.At nang si Erin ay nalilito na, nakita ni Arcel sa gilid na hindi nagsasalita

  • The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin   CHAPTER 15

    Ilang taon nang nasa tabi ni Mr. Gener si Arnold, at sa buong panahong iyon, ni minsan ay hindi pa siya nakakita ng kahit sinong babae na nanatili sa paligid ng lalaking iyon. Kahit pa may dumaan, gaano man iyon kaganda at kasexy, malamig ang tingin na ipinupukol ni Blake—tila mas gugustuhin pa nitong makipag-usap sa isang asong gala kaysa makipag-small talk sa mga babae. Dahil dito, matagal nang may alingawngaw sa labas tungkol sa kanyang sexual orientation.Akala ng iba ay bakla siya.At ngayon?Ang babaeng ito—si Erin—ay kapatid pa ng kanyang mortal na kaaway.Kung iisipin, mas lalong imposibleng mapalapit dito si Blake.Samantala, ang pakiramdam ni Erin ay tinutusok siya ng dose-dosenang titig. Ramdam niya ang paninigas ng kanyang likod, ang malamig na pawis na unti-unting bumababa sa kanyang batok. Wala siyang ibang magawa kundi magsalita.“Salamat, Mr. Gener… Sa inyong malawak na pang unawa..” maingat niyang wika.Halos hindi mahalata ang pagkurba ng mga labi ni Blake. Napakati

  • The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin   CHAPTER 14

    Nang mapansing nananatiling tahimik si Erin, biglang natawa si Blake. Marahan niyang tinapik ang mesa gamit ang mga daliri, tila walang bigat ang buong sitwasyon.“Huwag na nating ungkatin ang nakaraan,” wika niya. “Sa palagay mo, Attorney Sandoval, anong uri ng ebidensya ang tunay na makapagtatatag ng subjective malice?”Nanikip ang lalamunan ni Erin.Sa larangan ng batas, ang tinatawag na subjective goodwill o malisya ay isang malabong espasyo—dito madalas gumagalaw ang mga abogado sa pagitan ng logic at sophistry. Ito sana ang puwang na maaari niyang samantalahin. Isang pagkakataon upang ibalik kahit kaunti ang balanse. Kaya niya itong bigyan ng daan.. sana..Ngunit mula nang dumating si Blake, para bang eksaktong tinamaan nito ang bawat mahahalagang punto. Hindi siya binigyan ng espasyong huminga, ni ng oras upang makabawi.Gayunpaman, ang umatras sa gitna ng laban ay hindi kailanman naging bahagi ng pagkatao ni Erin.Sa kawalan ng mas maayos na option, kinagat niya ang bala ng pa

  • The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin   CHAPTER 13

    Pagkalipas ng anim na buwan...Makulimlim ang kalangitan, at ang amoy ng nababasang lupa ay humahalo sa hangin.. Bahagyang umaambon.. At ang daloy ng trapiko sa kalsada, ay hindi ganoon kabigat.Nakatanaw si Erin sa bintana ng sasakyan, at ang magandang kapaligiran sa bagong dinedevelop na lungsod sa Zambales ay talagang hindi matatawaran. Kumpara sa Cebu City, mas maganda ang tanawin dito.. mas sariwa pa ang hangin at madalang sa patak ng ulan kung bumigat ang traffic.“Sigurado ka bang ganyan ang susuotin mo?” tanong ni Arcel habang hinahatak ang kanyang pulang kurbata. Makikita ang bahagyang pagkakunot ng kanyang noo sa rearview mirror. “Mukha kang ahente ng insurance.”Binawi ni Erin ang tingin sa labas at humarap sa kanya, seryoso ang tono. “Ito ang unang kasong hahawakan ng law firm natin. Kailangang magsimula tayo nang maayos. Isa pa, formal ang suot ko, anong masama dito?”Sinulyapan siya ni Arcel sa salamin. Ang pulang lip glaze ni Erin ay malinaw na nagbibigay-diin sa kanyan

  • The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin   CHAPTER 12

    Agad niyang natagpuan ang attending physician ni Erin.. Kinompronta niya ito kaagad."Bago siya tuluyang lumisan ng araw na iyon, may sinabi siya," halos pabulong na wika ng doktor, tila nag-aatubili pa kung itutuloy iyon. "Kung may magtatanong daw tungkol sa naging kalagayan niya, sabihin ko lang daw ay hindi naman iyon malubha, at hindi masakit, upang hindi na daw siya hanapin pa ng kung sino man ang magtatanong tungkol sa naging kalagayan niya.."'Hindi hanapin..'Parang kidlat na tumama kay William ang mga salitang iyon. Biglang nagbalik sa kanya ang mga alaala: ang singsing na iniwan, ang bahay na ipinagbili, ang resignation letter... Hindi galit ang dahilan, hindi rin para ipahiya siya. Higit pa roon—kamatayan. Parang mas nanaisin pa ni Erin na mawala sa mundo, kaysa makasama siya!Sa kanyang kapabayaan, kawalang-malasakit, at mga maling akala, sa mga panahong kailangan siya ni Erin, itinulak niya ito palayo. Dinurog niya ang pagmamahal at pag-asa nito sa kanya.Nanginig ang b

  • The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin   CHAPTER 11

    Napakalakas ng boses ni Menchie, dahilan upang mapalingon ang ilang tao sa paligid.Ngunit hindi man lang huminto ang mga hakbang ni Erin; ni hindi siya lumingon. Ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang babaeng iyon na muli siyang makaharap, dahil baka maging kriminal siya sa susunod.Sanay na siya sa kakapalan ng mukha nito, kaya nung sampalin niya kanina, palad pa niya ang nanakit. "Grabe! parang yari sa aspalto ang mukha ni Menchie!"Maingat niyang kinuha ang maleta at naglakad sa gilid ng kalsada, saka itinaas ang kamay upang pumara ng taxi.“Kuya, airport po. Salamat.” sabi niya sa driver matapos sumakay sa loob.Nang magsara ang pinto ng sasakyan, tuluyan nang naputol ang mga hindi matiis na sigaw at insulto ni Menchie.Mabilis na sumabay ang taxi sa daloy ng trapiko, patungo sa paliparan.Sumandal si Erin sa upuan at tahimik na pinagmamasdan ang tanawing mabilis na umaatras sa labas ng bintana.Limang taon niyang ipinaglaban ang pag-ibig na iyon. Limang taon niyang tinalikuran an

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status