Share

003. Surprise

Author: misfitmisty
last update Last Updated: 2025-02-01 11:09:56

Kabanata 3

Sigurado ka bang 'yan ang bibilhin mo para sa boyfriend mo? Mahal, ah!"

Umangat ang tingin si Ria sa kaibigang si Venus, nakapamaywang ito at umiiling. Nasa isang shop sila ngayon ng mga nagtitindang sapatos para ibili ng regalo ang boyfriend niya. It was their second year anniversary today so she was willing to pay any amount as long as she could. Balak niyang bilhin ay iyong original dahil 'yon ang pangarap na sapatos ng boyfriend niya. 

"Ngayon lang naman Ven. 'Tsaka isa pa, matagal niya nang sinabi na gusto niya ng ganitong sapatos," ani Ria, desidido nang bilhin ang Nike shoes na nagkakahalaga ng mahigit sampong libong piso.

Bumuntong-hininga si Venus. "Kung hindi ka sana nag-resign sa work mo, e'di wala kang problema sa pera ngayon."

She shook her head to show her disagreement. Hindi na muna siya sumagot at tuluyan nang binili ang sapatos. Kalaunan ay lumabas na sila ng shop. 

Nag-umpisa silang maglakad sa ilalim ng tirik na araw patungo sa paborito nilang karinderya. "Buksan mo ang payong mo, girl. Baka umitim ka at hindi ka na magustuhan no'ng milyonaryo mong admirer!" Humagikgik si Venus.

Sumunod naman Ria dahil sa nakakapasong sinag ng araw. "Sabi ko naman sa 'yong huwag mo nang babanggitin ang lalaking 'yon. Gusto ko na siyang makalimutan, buti nga ay tinigilan niya na ako nung umalis ako sa kumpanya niya."

"Alam mo? Sayang 'yon! Panigurado yayaman ka kapag pinatulan mo 'yon! Sobrang guwapo pa man din at mukhang-"

"Venus ayan ka na naman! Hindi ko 'yon tipo! At may boyfriend ako, 'no. Mas guwapo kaya si William." Umirap siya dala ng iritasyon sa kaibigan, pero alam niya namang nang-aasar lang ito at sanay na siya na ganito sila mag-usap.

Magkaibigan na sila ni Venus Cortez simula noong siya'y nasa kolehiyo. Noong una, akala ni Ria ay hindi niya ito makakasundo dahil baliktad ang kanilang personalidad. But Ria didn't judge her right away even though a lot of students in their school back then hated her. It was because when she got to know more about her, she immediately understood why Venus is like that. Kalaunan ay nagkasundo sila at naging sandalan ang isa't isa tuwing may problema.

"Kung sa akin 'yon nagkagusto, wala nang sere-seremonya pa. Kasal agad!" Venus chuckled.

Tinignan ni Ria ang kaibigan at napailing na lamang. Maganda si Venus; morena, perpekto ang hugis ng katawan, at matangkad din na p'wedeng isabak sa mga patimpalak na pageant. The reason why a lot of men were also admiring her. Dahil sa gipit at hindi pinanganak na mayaman ay ginagamit niya ang iba upang makahuthot ng pera. 

"Kahit may boyfriend ka na?" 

"Aba'y oo naman! Lalo na kung katulad ni William ang boyfriend ko! Ubod ng yabang, ang akala mo naman eh napakayaman. Biruin mo nung isang araw pinagyabang sa atin 'yong iPhone niyang nabili!? Nung tinanong ko kung fully paid, hindi naman nakasagot!" 

"Kinukwento niya lang naman..." pagtatanggol ni Ria sa kasintahan.

"Ay basta. H'wag mong pagsisihan na hindi mo g-in-rab ang malaking opportunity! Helios na 'yon, 'te! CEO!" sa sobrang lakas nang pangangalandakan ni Venus ay pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid.

"Tigilan mo na nga ang pagbanggit sa kaniya," suway ni Ria.

"Bakit? Natatakot ka ba na magparamdam bigla?" pang-aasar lalo ng kaniyang kaibigan. 

Bumuntong-hininga na lamang siya at napaisip sa sinabi ni Venus. Noong una, labis ang kaba at takot ni Ria dahil sa huling usapan nila ni Helios. Para kasing...tinatakot siya nito at pinaalalahanan siya sa mga kaya niyang gawin. Kaya naman labis na lamang ang pagtataka niya nang walang paramdam ang binata sa kaniya simula noong nag-resign siya-isang linggo na ang lumipas.

It was not that she was disappointed or something. Hindi lang siya mapakali at nababahala siya na baka may pinaplano itong masama. Kaya naman halos gabi-gabi niya ipinagdarasal na sana ay huwag nang magpakita si Helios sa kaniya kahit kailan.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating sila sa karinderya at agad nag-order ang mga ito ng tanghalian.

"Ililibre na kita," offer ni Venus at agad nang binayaran ang pagkain nila para hindi na makatanggi si Ria.

"Salamat, ha. 'Pag natanggap ako sa in-apply-an kong bagong trabaho...babawi ako."

"Hay, kung ako sa 'yo, babalik ako nang LF corp."

At hindi natigil ang pang-aasar ni Venus hanggang sa kumakain na sila.

Nang matapos sila ay dumaretso na pauwi si Ria. Sa Antipolo sila nakatira at hindi naman gaanong malayo sa downtown.

Umidlip siya ng isang oras bilang pahinga at nang magising ay nagluto na siya ng hapunan para may nakahanda na kapag umuwi ang tatay at kapatid niya.

She took a bath right after she finished cooking. Agad siyang nag-ayos nang matapos. She took her phone to check if there are any messages from his boyfriend, pero ang huli niyang text ay kaninang 2:30PM pa...he just texted the address on where they were going to meet. 

Hindi mapigilan ni Ria ang mapangiti nang maisip na baka abala ito sa paghahanda ng surprise sa kaniya. Ganoon kasi ang ginawa nang binata noong unang taon nila.

Sobrang mahal ni Ria si William dahil tingin niya ay nasa kaniya na ang lahat ng magandang katangian ng isang lalaki. Mabait, marespeto, masipag, may pangarap sa buhay, at marami pang iba. Naalala niya noong magtapat ng nararamdaman sa kaniya ang binata, hindi pa siya handa noon dahil nag-aaral pa sila. But then, he waited for her and in the end, they ended up with each other.

Matapos ang kabuuang pag-aayos ay lumabas na siya ng kaniyang kuwarto. She was now wearing a gradient black and white dress with puff sleeves that his boyfriend gave to her on her last birthday. Manipis lang din ang suot niyang make up at natural, habang ang kaniyang buhok ay hinayaan niyang nakalugay. 

Nagsusuot siya ng 2 inches heels sa kanilang sala nang biglang bumukas ang pintuan.

"Oh, Ate? Ang ganda ah! May date kayo ni Kuya William?" bungad ng nakakabata niyang kapatid pagkapasok ng kanilang bahay. Galing siya sa eskwelahan at nakasuot pa ng uniporme.

She finished fixing her shoes and then looked at her sister with a sweet smile on her face. "Second anniversary namin," hinablot niya ang paper bag na nakatapong sa maliit na lamesa na gawa sa kahoy. "Eto nga oh, may regalo ako. Sana magustuhan."

"Naku! Magugustuhan 'yan ni Kuya Will panigurado! Ano ba 'yan? Jacket? O baka naman tee-shirt?"

"Sapatos..."

Her sisters' lips dropped open because of amazement. "He will like that for sure! Mahilig iyon sa sapatos, hindi ba? Good luck, Ate!" 

Tumayo na si Ria at sinukbit sa balikat ang isang sling bag habang bitbit niya ang paper bag. "Osya, aalis na 'ko. Mag-lock ka ng pintuan, ha. At H'wag ka nang lalabas."

"Yes po! Ingat!!"

Niyakap niya ang kapatid dahil sa na-aappreciate niya ang suportang binibigay nito sa kaniya. Ganoon rin sa kaniya ang Tatay niya na istrikto at maraming payo pero suportado siya palagi, lalo na pagdating sa mga desisyon sa buhay. 

Makatapos ang halos isang oras ay natagpuan niya na lamang ang sariling naglalakad sa mabatong daan. Kababa niya lang ng taxi at nandito siya ngayon sa address na binigay ni William.

She smiled and she walked carefully and roamed her eyes in the surroundings. May mga puno sa gilid ng kaniyang dinaraanan, at bawat isa sa mga puno at may mga nakasabit na maliliit na ilaw. Sapat laman upang makita niya ang kaniyang dinaraanan at ang paligid. 

Malamig ang simoy ng hangin at habang papalapit nang papalapit sa kaniyang destinasiyon ay mas lumalakas din ang tugtog ng violin. She felt a warm feeling inside her chest despite the cold breeze that enveloped her whole body.

She stopped walking when she reached the spacious area surrounded around it. May mga maliliit na lanterns ang nakasabit sa mga puno at may isang malaking lamesa ang nasa gitna. May wine glasses siyang nakita sa ibabaw no'n. 

Her eyes were roaming around the place more so she could picture every detail on her mind. May isang lalaki at dalawang babae ang ilalim ng isang puno na nakasuot ng formal white attire...sila ang tumutugtog ng violin. 

She continued walking towards the table as she began to search for William. Hinulaan niya pa kung saan magmumula ang binata. 

Kalaunan ay may anino siyang namataan sa isang gilid. Huminto ang tingin niya roon at mas lalong lumapad ang ngiti dala ng excitement. She focused on looking at his shoes first noong magsimula siyang maglakad at magpakita kay Ria. 

Her forehead creased when she got to stare at his shoes a little longer...nagtataka siya kung bakit black shoes iyon gayong puro rubber shoes ang sinusuot ni William. 

Bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib at agad na inangat ang kaniyang tingin sa mukha ng lalaki. Her eyes widened in shock. Ang lamig ay nagsimulang kumalat sa kaniyang buong katawan, dahilan upang manginig ng bahagya ang mga kamay niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang paper bag upang hindi niya iyon mabitawan. 

Her lips were trembling as the man walked closer towards her. She became more nervous when she saw the smirk on his face like a monster or much worst...a devil.

Napaatras siya ng kaunti nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya. 

"Surprise?" Helios uttered in a deep, baritone voice that sent shivers down her spine.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Obsession    033. Marketplace

    Kabanata 33He stayed at Ria's house until evening even though her father treated him like a housekeeper. Kinagabihan ay sinundo siya ng kaniyang mga bodyguard at hindi na sila gaanong nakapag-usap ni Ria dahil bantay-sarado ang Tatay niya. Kinabukasan, maagang nagising si Ria upang mamalengke tulad na lamang lagi niyang ginagawa noon. Nagulat pa siya nang maaga rin si Helios at ang kaniyang Tatay sa pagsisibak ng kahoy. Her father told him to accompany her in the marketplace, ayaw man ni Ria ay wala na siyang nagawa dahil hindi naman din tumanggi ang binata. He was wearing a black shirt and a brown cargo shorts, while she was on her jogging pants and fitted spaghetti strap top. Nag-tricycle sila papunta roon kahit hindi gaanong kalayuan ang palengke sa kanila. They were both sitting inside since Helios doesn't want to sit beside the driver. "Hindi ka na dapat pa'ng sumama. Ang tigas din ng ulo mo, 'no?" suway niya sa binata. "What's wrong with it, anyway? I'm just helping you o

  • The Billionaire’s Obsession    032. Courtship

    Kabanata 32CourtKinabukasan ay tanghali na nang magising si Ria. Mahaba ang tulog niya dahil sa matinding pagod. It has been a while since the last time she felt asleep this long. Iba pa rin talaga 'pag nasa bahay siya. Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kuwarto. Kahit papaano ay naninibago siya, ilang linggo rin niya hindi nakita ang lugar na ito.She stood up and did some stretching before taking clothes from her closet. Dahil wala naman siyang balak umalis ngayon, pambahay lamang ang kinuha niya. Nang makalabas siya ay walang tao sa sala. She expected them to be in the kitchen since it was lunch time already. Wala rin tao roon pero may mga plato nang nakahain sa hapag-kain. She walked towards the bathroom but she was stunned when Helios suddenly appeared. Kalalabas niya lang ng banyo at may dala itong timba!"Anong ginagawa mo dito??" gulat niyang tanong. Hindi pa man nakakasagot si Helios ay may nagsalita na sa kaniyang gilid. She looked at beside her and saw his father h

  • The Billionaire’s Obsession    031. Family

    Kabanata 31Ang hirap paniwalaan dahil hindi ka nagpaalam o nagsabi man lang, Arianna!" singhal ng ama niya matapos marinig ang paliwanag ni Ria. Lahat ng sinabi niya ay kasinungalingan. She had no choice but to make up stories. Sinabi niyang tumungo siya sa Cebu upang magtrabaho at kumita ng mas malaking pera. "I-I was afraid...'pag pinigilan niyo ko baka sumunod lang din ako sa'yo. Gustong gusto ko 'yung trabaho dahil sa sweldo nang sa gayon mas mapunan ko ang mga pangangailangan natin..."Mariing pumikit ang tatay niya at hinilot ang sentido. They were now sitting across each other which made her more nervous. She was like a criminal that was being interviewed. Her father opened his eyes and looked at her with a trace of disappointment. "Bakit, anak? Nagreklamo ba kami sa gan'tong buhay? At akala ko ba ayos na tayo sa ganito?" She was pinching her palm under the table, stopping herself to feel emotional. "Sorry, Tay...akala ko rin, eh. Alam ko naman hindi kayo nagrereklamo pero

  • The Billionaire’s Obsession    030. Thoughts

    Kabanata 30 KINABUKASAN maaga ang flight nila papuntang Manila, sa eroplano na rin sila kumain ng agahan. She didn't eat a lot since she felt so sleepy. Natulog siya sa buong dalawang oras na byahe. Nang makarating sa Manila ay sinundo sila ng isang van kasama ang mga bodyguards ni Helios. Since she already gained energy, she can feel the excitement and at the same time nervous. Nag-iisip na rin siya ng idadahilan sa tatay niya kung bakit biglaan siyang nawala.She seriously doesn't know how to explain it to them, una sa lahat ay dahil hindi siya sanay magsinungaling sa pamilya niya. Pangalawa ay kailangan niyang gumawa ng kuwento mula sa kung paano sila nag-break ni William hanggang sa bakit sila magkasama ni Helios, and that wasn't easy for her.Her thoughts were interrupted when he suddenly handed her a paper bag. "Ano 'to?" Kasabay no'n ay ang pagbukas niya, tumambad sa loob ang kaniyang sling bag. Her eyes widened in shock. "Oh Ghad! My bag!""I didn't really throw it, tinago

  • The Billionaire’s Obsession    029. Trust

    Kabanata 29Dalawang araw ang lumipas bago tuluyang mawala ang sakit sa pagitan ng hita ni Ria. She finally can do swimming again and not just stay at their hotel room the whole day. Nang matapos maligo, bumalik na sila sa room at saka nagbihis. They headed the restaurant and ate their lunch. "Hanggang kailan tayo dito?" He sipped on his water before answering. "We'll be back in Manila tomorrow."Her eyes widened in surprise. Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya. "M-Manila?!" "Yes," he said, almost a whisper."Talaga?! Makakabalik na 'ko samin?" She can't hide the amusement of her voice as well as the smile on her lips. He just gave her a nod. "But I am still your boyfriend."She paused for a while, processing to her mind the last word he said. Mariin niya itong tinitigan at nakaawang pa ang mga labi. "Anong boyfriend?! Desisyon ka?" "How will you introduce me, then?""Bilang kidnapper ko!" "What? That's ridiculous." Napainon na lamang siya ng tubig at huminga ng mal

  • The Billionaire’s Obsession    028. Warmth

    Kabanata 28THE NEXT DAY, maagang nagising si Helios. Napakagat siya ng isang labi, nagpipigil ng ngiti nang makita ang posisyon nila ng dalaga. Magkaharap sila saka magkayap habang ang buong katawan ay walang saplot at natatakpan lamang ng makapal ng comforter. Tinitigan niya ng maigi ang maamong mukha ng dalaga. Ang isa niyang kamay sa ilalim ng ulo nito ay hindi niya na halos maramdanan ngunit hindi niyo iyon inalis. Hinaplos niya naman ang buhok nito at ganoon na rin ang pisngi.The thought of them cuddling felt so unreal for him. It was just one of his dreams before. Ngayon ay nangyayari na. He sniffed at her hair, inhaling the mixture of arousal and sweet scent from her. Kusang pumasok sa isip niya ang mga ala-alang nangyari kagabi. His groin hardened immediately. Napapikit siya at suminghap ulit, nalilibang sa pag-amoy sa buhok ng dalaga. "Hmm..." Gumalaw na si Ria. He didn't move, wanting her to realize their position.Unti-unting dinilat ni Ria ang mga mata niya. Patagil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status