Share

Chapter 3

Halos kalahating oras ang byahe namin mula sa Boutique, bago nakarating dito sa malawak na Fish Port.

Mula rito sa kinatatayuan namin, natatanaw ko ang mga maliit na boat at malalaking yate.

Napatitig ako sa likod ng lalaking laman ng isip ko sa loob ng isang linggo. Malakas ang tindig niya at masculine, halatang babad sa gym.

"Tayo na." He said before he hold my wrist at iginaya ako papunta sa pinakadulong yate.

Ngayon ko pa lamang na pansin ang ayos niya.

He looks dashing handsome right now.

Naka soot siya ng black button-down suit na humapit sa katawan niya.

"Kumapit ka sa braso ko." Matigas ang boses niyang instraksyon kaya wala akong nagawa kundi ang kumapit sa braso niya.

"How's life, Bud?" Bati ng isang lalaki sa kanya bago sila nag fist-bump.

"Sucks." Tipid niyang tugon sa kaibigan.

"Oh, who's this beautiful woman beside you?" Lumipat ang tingin nito sa'kin kaya napalunok ako.

"My girlfriend." He answered proudly to the man, kaya tumaas ang isang kilay ko.

"Alright. Wala ka bang planong ipakilala ako sa girlfriend mo? Ouch... Nakakasakit ka na ah." Pagda-drama ng lalake sa kaibigan.

"Sige na nga. Ako na mag-papakilala." Pagkatapos ay bumaling ito sa'kin."Hello, Miss. Caston Velasquez--"

"Fuck off, Moron, kung ayaw mong ipakain kita sa pating." Matigas ang boses na banta niya sa kaibigan bago ipinulupot ang kamay sa aking beywang.

Now, he is acting like a possessive boyfriend.

Masama ang tingin nito sa kaibigan na nakangiti, parang naaaliw sa nasaksihan.

"Ang lakas ng tama mo, Bud!" Sabi ng lalaki sa kaibigan sabay tapik sa kanya.

"Nakita mo ba si mommy?" Sa halip ay nag tanong siya.

"Yeah, nando'n si tita sa loob kausap mga colleagues niya." Tugon nito.

"Sige, una na kami." Turan nito sa kaibigan bago ako hinila papasok sa loob.

Umawang ang labi ko nang makita ang isang may edad na babae na lumapit sa'min at niyakap itong kasama ko.

Hindi maipagkakailang mag-ina sila dahil mag-kamukha silang dalawa.

"Akala ko ba wala kang kasama?" Tanong ng ginang kay Tyron. It's probably his mom.

"It's a surprise, Mom." Tugon nito sa Ina.

"Hi, Sweetheart!" Bati nito nang bumaling sa'kin.

"Magandang gabi po, Ma'am." Bati ko saka bahagyang yumuko.

"Just call me Tita. You'll be part of our family kapag ikinasal na kayo." Mahinahon nitong turan tiyaka malapad na ngumiti.

Nanlaki ang mga mata ko sabay tingin kay Tyron na nag-iwas ng tingin.

"Anyway, I'm Flor Villarreal. Tawagin mo lang akong Tita Flor, okay?" Mahinahon na sabi nito, her voice sounds soothing and he has this angelic face, parang hindi marunong magalit.

"Yes po, Tita. Grace Fajardo, po." Pagpapakila ko sabay lahad ko ng aking kamay.

"Nice to meet you, hija." Nakangiting tugon nito matapos tanggapin ang kamay ko.

"So, Uhm... Pupuntahan ko lang ang daddy mo, ma-iwan ko na muna kayo, ha." Sabi nito sa anak bago bumaling sa'kin.

"Just enjoy the night, Sweetheart. Okay?" Saad nito bago umalis.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya makalipas ang ilang minuto.

"Gusto kong mag-pahangin." Tipid kong tugon saka ipinalibot ang paningin sa paligid. Ang mga bisita ay parang may kanya-kanyang mga mundo. Ang iba ay lasing na.

"Okay. Halika." Hinawakan niya ang kamay ko bago hinila palabas.

Pumikit ako nang yumakap sa'king naka exposed na balat ang hangin na nagmula sa dagat.

"Here. Wear this." Saad niya matapos hinubad ang suit at inabot iyon sa'kin.

I was hesitant na tanggapin 'yon, pero sa huli ay tinanggap ko rin.

"Salamat." Tugon ko matapos tanggapin itong Suit niya.

"Ang ganda, noh?" Tanong ko sakaniya habang tinatanaw ang mga ilaw mula sa isang city kung saan makikita ang nag-lalakihang mga gusali na nag-rereflect sa dagat. For short, city lights.

"Yeah... Ang ganda," He said huskily, I glanced at him only to find him staring at me.

Mabilis akong nag-bawi ng tingin at ibinalik ang tingin sa dagat, pilit na pinapakalma ang lakas ng pintig ng aking puso.

Why am I acting like this?

"Ahm... Total may napagkasunduan tayo, maari ko bang malaman kung bakit kailangan nating mag-panggap sa mga magulang mo?"

"Mahabang kwento, but it's about my inheritance." Tipid niyang tugon habang seryosong nakatingin sa kawalan.

"Wala ka bang... Girlfriend?" Tanong ko at dahan-dahan siyang tinignan.

"Meron," he replied.

"Meron ka palang girlfriend, bakit hindi nalang siya?" Nakakunot nuo kong tanong sakaniya.

"It's you. Ikaw ang girlfriend ko, remember?" Nakataas ang sulok ng labi niya bago sumimsim sa hawak niyang baso ng alak, hindi maalis ang tingin sa'kin.

"Baliw. Baka nakakalimutan mong nag-papanggap lang tayo." Sabi ko sakaniya nang hindi siya tinitingnan.

"Kahit na. Sa paningin nila, girlfriend kita," inisang hakbang niya ang pagitan naming dalawa saka bahagyang inilapit ang labi sa gilid ng aking tenga. "... And you're mine tonight," he said huskily without breaking our eye contact.

I could feel thousands of bolts through my body. Something is building up my body, making my heart pound loudly inside my chest which is inevitable.

Mariin na kinagat ko ang pang-ibabang labi, hindi magawang makapag-salita sa mga sandaling ito.

"Tyron? Baby?"

Sabay kaming lumingon sa nag salita habang nag-lalakad palapit sa gawi namin.

Sinulyapan ko si Tyron, he is greeting his teeth na parang hindi nagustuhan ang presensya ng babae.

Siguro ay ex-girlfriend niya.

Pinagsadahan ko ito ng tingin. Nakasuot ito ng strapless na black silver dress na hanggang tuhod ang haba, habang may hawak-hawak na baso sa kaliwang kamay.

"It's been awhile. Na miss kita." Nang-aakit ang boses nito habang nakatitig kay Tyron.

"Who's that bitch?" Maarting tanong ng babae habang dinu-duro ako.

"Excuse me?" Nakataas ang isang kilay kong tanong dito.

"Sino ka ba? Don't tell me, girlfriend ka ni Tyron?" Nakataas ang isang kilay nito at pinagsadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Edi hindi ko sasabihin." Tipid kong sambit sa walang buhay na boses, not breaking our eye contact.

"Oh, really? At sa tingin mo papatol si Tyron sa isang katulad mo?" Sarkastiko itong tumawa.

"Sa tingin mo, bakit ayaw niya sa'yo?" Pilit akong ngumiti, hindi alintana ang masama nitong tingin sa'kin.

"Mahal niya ako." Nag-bago ang emosyon sa mukha nito. " He wouldn't have begged for me to comeback after leaving him." Proud nitong sabi.

"Athena. Tumigil ka na." Mariin na sita ni Tyron sa babae. He may look calm, but the way he clenched his jaw says it all.

For some reason, naawa ako kay Tyron at nadagdagan ang inis ko sa mahadirang babaeng 'to.

"Bakit, Tyron? Dahil ba sa babaeng ito? Eh, alam ko naman na nag-papanggap lang kayo!" Tumaas ang boses nito habang nanggagalaiti sa galit.

I let out a soft chuckle. Inisang hakbang ko ang pagitan namin ni Tyron bago inilapat ang labi sa labi niya.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para gawin 'to, pero ang alam ko, may kakaiba akong naramdaman sa mga sandaling dumampi ang labi ko sa kaniya.

Siguro dahil ito ang first kiss ko.

Naramdaman kong nanigas siya habang seryosong nakatitig sa'kin, tila hindi makapaniwala.

I was about to pulled away the kiss when I felt his tongue moved.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, pero hinayaan ko na lamang siya habang pasimpleng pinipigilan ang sariling ma batokan ito.

"A-Anong... Argh! Tandaan mo, may hangganan ang kasiyahan mo ngayon." Sabi nito sa'kin bago tumalikod at nagpapad‘yak na umalis. Buti nga sakaniya.

Nang makalayo ang babae, hindi ko magawang tingnan ito sa mata.

"Look at me." Kalmado niyang saad.

Napalunok ako bago dahan-dahan tumingin sa kaniya.

"I didn't know you're that wild." Saad niya pagkatapos ay may sumilay na ngiti sa labi.

Agad na umakyat ang hiya ko sa aking pisnge.

"Fyi, ginawa ko lang 'yon para umalis na ang babae mo." I said before looking away

"Fyi rin, hindi ko 'yon babae, dahil ikaw lang ang babae ko." Giit niya pa.

"Ilang beses ko ba kailangan ipaalala sa iyo ang totoong meron tayo? Na hindi mo ako pagmamay-ari?" Sabi ko habang diretsong nakatingin sa kaniya.

Nilagok niya ang alak sa baso na hawak bago sinalubong ang tingin ko.

"Babe. We shared saliva," Nilagay niya ang ilang strand ng aking buhok sa likod ng aking tenga. "... And I'm your first kiss." Dagdag niya, nanlaki ang mga mata ko at lihim na kinagat ang pang-ibabang labi.

Ganon ba ako kahalata?

"P-Paano mo nalaman?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Simple lang." His gaze went down to my lips. "Hindi ka marunong humalik. Gusto mo bang turuan kita? Free session." Then he smirked.

"Tumigil ka, Villarreal. Kung ayaw mong ihulog kita sa dagat." Saway ko sakaniya bago siya itinulak palayo sa'kin.

"Son? Grace?" Tawag ng mommy ni Tyron sa amin.

"Mom," he replied.

"Tita," Sambit ko at tipid na ngumiti.

"May nag-sabi sa akin na nag skandalo rito si Athena? Totoo ba 'yon? Ang babae na 'yon talaga," Asik ni Tita Flor, halata sa boses ang disgusto sa ginawa ng babae tiyaka napahilot sa noo.

"It's okay, Mom. Grace handled it very well," Pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

" I knew it. Mabait itong si Grace. She has manners unlike Athena." Pag sang-ayon nito.

"Mom, may room ba sa loob? Hindi kasi maganda pakiramdam ni Grace." Nag-salubong ang kilay ko sa tanong nito sa Ina.

"Yes. Follow me." Tugon nito bago nag simulang mag-lakad.

Sumunod naman kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa isang pintuan.

"Here. Take a rest, hija. Siguro napagud ka sa byahe. Sige, alis na ako." Paalam nito bago umalis.

Nang maka-alis ang ginang ay hinarap ko siya at sinamaaan ng tingin.

"Ano na naman ba ito?" I crossed my arms over my chest as I narrowed my eyes on him.

"Does it hurt?" Sa halip na sagutin ako, tinuro niya ang heels na suot ko.

"Huh? Ahh… Hindi naman," Sagot ko na lamang.

"Let me see," Hindi ako nakaangal nang lumuhod siya at dahan-dahan tinanggal ang suot kong heels.

"Aray…" D***g ko.

"Let's treat your wound." Saad niya bago tumayo, hawak-hawak ang sandals ko bago binuksan ang pintuan.

Hindi naman agad ako nakapag react sa inakto niya at nanatiling nakatitig sa mukha niya hanggang sa matapos siya sa ginagawa.

Pilit kong pinapakalma ang naghaharumintado kong puso. Ganito ba talaga ang epekto ng sobrang pag kakape?

I didn't know that he has this side of him. I judged him too quickly, but can you blame me?

Hindi maganda ang una naming pagkikita. He was a jerk.

How ironic it is, right?

I hate him, but now, I'm his girlfriend.

Ngayong na alam kong hindi naman siya ganun ka walang hiya, i'm interested to get to know him more.

I know, I'm playing with fire, but I will not let myself get lost in his fire.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status