Share

Chapter 2

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari sa hotel, but I still can't eradicate the man in my mind.

His voice and his touch... the way he travelled his lips on my neck— darn it!

Iyon na ata ang gabing hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

"Anak? Gising ka na ba? Papasok ako ha," I heard my mother said before she slowly opened the door.

"Nay," I genuine smile formed on the side of my lips.

Nandito ako ngayon sa bahay ng magulang ko. Isang linggo na rin ang nakalipas, at sa susunod na araw, may bagong proyekto na naman ako sa isa paring Hotel.

Hindi ako sigurado kung tanggapin ko ba iyon. Mahirap na, because the last time i had a project in hotel, may nangyari. It didn't went well.

"Anak... May sasabihin ako sa‘yo," She said and cleared her throat.

"Ano po 'yun, 'Nay?" I asked curiously as my heart begun to pound. Ganito s‘ya kapag may problema, kaya hindi ko maiwasang kabahan.

"Anak, pasensya na talaga, ayaw naming sabihin sa‘yo dahil alam namin na marami kang iniisip, pero... Bilang anak namib, may karapatan kang malaman." Humugot siya ng isang malalim na hininga, tila nahihirapan sabihin ang gusto niyang sabihin kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Ano po bang dapat kong malaman, 'Nay? Nanalo ho ba kayo sa lotto?" I laugh at my own jokes to change the ambiance, but her expression didn't change at all kaya tumikhim ako.

"Nung mag kasakit ang ama mo, kinailangan namin ng isang milyon para ma operahan s‘ya. Kaya umutang kami ng isang milyon sa boss niya," bumuntonghininga sya. I caressed his back to calm her down. "Dahil hindi na nakabalik sa trabaho ang daddy mo, hindi na namin na bayaran ang utang, kaya i-sinangla namin ang bahay. Pero... dahil isang taon na ang nakalipas at hindi parin namin nababayaran ang inutang na pera, w-wala tayong magagawa kung kukunin nila ang bahay at lupa natin."

I still can't process everything. Parang kinurot ang puso kong makita ang labis na kalungkotan sa mga mata ng Inay.

"Nay... Gagawa po ako ng paraan." Sabi ko bago ko s‘ya niyakap.

She heaved a sigh.

"There's nothing we can do, Grace. Kung hindi sila ngayon pupunta rito, baka bukas o sa makalawa. I'm sorry..." Naiiyak na saad niya.

"Huwag ka na mas‘yadong mag alala, Nay. Gagawa po ako ng paraan." Mahina kong saad matapos bumitaw sa yakap.

"Ate? Nay? May tao po sa labas, hinahanap po kayo." Sabay kaming lumingon sa kapatid ko na nasa pintuan habang hinihingal, siguradong nag-mamadali pa itong tumakbo mula sa baba.

"Sino?" Nagtatakang tanong ni mommy.

"Hindi ko po kilala, Nay. Pero, mukha silang mayaman dahil may kotse. Hindi kaya... Manliligaw mo, ate?" Bumaling ito sa'kin habang malapad na nakangiti.

"Baliw. Wala akong manliligaw." Giit ko sa kapatid sabay irap.

"Mabuti pa, bumaba na tayo. Bilisan niyo." Sambit ng Inay bago naunang umalis at bumaba.

Mabilis kaming tumalima at sumunod sa kan‘ya sa labas kung saan natagpuan namin ang dalawang black na SUV, sa harap mismo ng aming bahay.

Inoobserbahan namin ang mga kinikilos ng mga lalaking naka tayo sa labas ng Van, nakatayo lamang sila kapagkuwan ay binuksan ang pintuan kung saan lumabas ang isang lalaki na siguradong boss nila.

Para akong binuhosan ng malamig na tubig nang magtagpo ang mga tingin namin.

Halos nawalan ako ng balanse matapos mamukhaan ang lalaking kakalabas ng itim na Van. He has this strong authorative awra while he is wearing poker face.

Anong ginagawa niya rito?

"Uhm... Magandang umaga, Mr. Villarreal." Bati ni Nanay dito, naglakad siya sa direksyon namin habang nakapamulsa.

He has this strong authoratitative presence while walking, wearing a poker face while his black deep eyes are fixed on me.

Napalunok akong muli nang mag tagpo ang tingin namin, napansing kong natigilan din sys pero agad din na naging blanko ang expression sa mukha niya.

"Mrs. Cynthia Fajardo." He uttered my mom's name in his deep and cold voice.

What a jerk.

"Sir… pwede bang ngayong katapusan ng buwan? Hindi kasi talaga sapat ang pera namin," Pakiusap ni nanay, ngayon pa siya bumaling kay nanay.

Umawang ang labi ko sa narinig. Naging malinaw na ang lahat.

Ito ang tinutukoy ng inay na dating boss ng itay na pinagkaka-utangan nila.

"Okay... sigurado ba kayong ma ko-kompleto niyo ang pera pag dating ng katapusan?" Tanong niya, palipat-lipat ang tingin niya sa'ming mag-ina.

"Gagawan namin ng paraan." Ako ang sumagot kaya bumaling siya sa'kin, may sumilay na ngiti sa gilid ng kaniyang labi.

"Nay? Si tatay po, gising na." Sabi ng kapatid ko na sumulpot.

Ang tatay kasi ay na stroke, ilang buwan na ang nakalipas. Salamat sa diyos at nakakalakad na siya kahit papano, pero kailangan parin alalayan.

"Oh sige. Mr. Villarreal at Grace, Anak, maiwan ko na muna kayo ha," Nag paalam ang inay bago umalis, naiwan ako kasama ang lalaking 'to.

"I told you. Mag kikita tayong muli." Basag niya sa katahimikan.

Agad na tumaas ang kilay ko.

"Wala akong pakealam. Sinadya mo 'to noh?" Tanong saka sya pinandilatan.

"Of course not. Bakit ko naman 'yun gagawin?" Inosente niyang tanong.

"Ewan ko sa'yo." Tugon ko bago humugot ng isang malalim na hininga.

"May sasabihin ka? Kasi aalis na ako." Tanong niya nang mapansing may gusto akong sabihin pero nag-dadalawang isip ako.

"What? Are you expecting me to beg you? To kneel my knees in front of you?" I raised my brows at him and grin in annoyance.

He let out a sigh, then shrugged his shoulder.

"I have an offer to make. Your parent's debt will be paid only if you accept my offer." He muttered like he is just offering me a food. Ano daw?

Agad na nag laho ang ngiti sa mukha ko.

"I'm not dumb not to know you're taking advantage of my situation."

A smile escaped from the side of his lips.

"Am I?" May naglalarong ngiti sa kanyang labi.

"Look I'm just offering you a help," nagkibit balikat sya.

"What kin of offer is that?" I asked while frowning.

Nahigit ko ang hininga nang humakbang siya palapit sa'kin.

"Be my girlfriend," he said.

Tila na bingi ako sa narinig. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tila hindi agad rumihestro sa utak ko ang sinabi niya.

It was like a bomb that has exploded.

Kinurot ko pa ang sarili para ma siguradong hindi ito isang panaginip.

Pinag krus ko ang braso sa dibdib habang nakataas ang isang kilay.

"Nababaliw ka ba? At sa tingin mo papayag ako sa kabaliwan mo?" Nakataas ang kilay kong tanong saka sarkastikong tumawa.

"Hindi ako kaladkaring babae para pumayag sa gusto mo. Mas gugustohin ko nalang manlimos, kaysa ibinta ang sarili ko sa'yo." Asik ko, pero ngumiti lamang siya at dahan dahan na tumango.

"Kahit sabihin kong oras na pumayag ka sa proposal ko, wala na kayong babayaran pa. All you have to do is to accept my proposal at mag panggap na kasintahan ko

"Don't worry, I won't touch you." He added.

"Talaga lang, ah. Eh, ano 'yong ginagawa mo sa'kin sa hotel?" Nakataas ang kilay kong tugon habang nakatingin diretso sa mga mata niya. His dark black jet eyes is beautiful yet mysterious.

"Lasing ako that night," Depensa niya.

"Here." Nagtatakang tiningnan ko ang black card na inabot niya.

"Ano 'to?" Tanong ko matapos tanggapin.

"Address at number ko. Kung sakaling mag-bago ang isip mo." Tugon niya bago sinenyasan ang mga kasamahan na pumasok na sa loob ng sasakyan.

"Bibigyan kita ng oras para mag-isip. Bye, Grace." Paalam niya bago tumalikod.

Napalatak ako at umirap. Grace?

Ang kapal nman talaga ng mukha niyang tawagin ako sa pangalan ko.

Bumaba ang tingin ko sa hawak na Card bago bumalik sa loob ng bahay.

Ibinulsa ko ang Card bago lumapit sa kapatid kong abala sa panonood ng television.

"Wala silang mama sa kwarto. Nakita mo ba sila?" Tanong ko sa kapatid.

"Nasa terrace po sa taas." Tipid na sagot nito.

Umakyat ako sa itaas at nag-tungo sa terrace namin, pero hindi pa man ako nakakalapit ay narinig ko ang pinag-uusapan nilang inay.

"Paano na tayo ngayon, Anton? Ang mga anak natin? Importante sa'tin ang bahay at lupa. Dito tayo nag-simula." Boses ng inay habang humihikbi.

"Gagawa tayo ng paraan." Sabi ng itay habang patuloy na pinapakalma ang inay.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi, parang may kumurot ang puso ko habang nakikita silang nahihirapan.

Kahit na lumipat kami sa Apartment ko, alam kong malulungkot parin ang mga magulang ko dahil alam ko kung gaano ka importante sa kanila ang lupa at bahay.

Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito. Sinubokan kong tawagan ang mga kaibigan ko, maging ang mga kasamahan ko sa trabaho, pero wala rin silang maipapahiram sa'kin.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga habang nakatingin sa Card na hawak.

Alam talaga ng lalaking 'yon ang kahinaan ko. Pero, hindi ba't napaka coincidence ng nangyayari ngayon?

"Bahala na." Sambit ko bago i-dial ang number ng lalaking 'yon.

"Hello? Who's this?" He answered.

Tumikhim ako bago nag-salita. "Ako to."

Ilang segundong nawalan ng imik ito mula sa kabilang linya bago nag-salita.

"I see. Nakapag decision ka na ba?" Hindi ko napigilan ang umirap.

"Oo. Pumapayag na ako." Malamig kong tugon.

"I can imagine your face right now." Amusement was visible in his voice. "Anyway, mag ready ka na. Susundoin kita mamaya." Naging seryoso ang boses nito.

"Mamaya? Agad-agad?" Hindi makapaniwala kong tanong, walang pakialam kung tumaas ang boses ko.

"Oo, may pupuntahan tayo mamaya. Gusto mo bang ako na mag-paalam sa mga magulang mo?" Tanong nito Mabilis naman na nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi na!" Mabilis kong tanggi.

"Okay." Parang may iba s‘yang kasama dahil may naririnig akong boses na nag-tatalo sa background.

"Sige." Tugon ko bago pinatay ang linya.

Pasado alas dose na nang matapos akong mag-ayos. Nag-paalam ako kina Inay na may bago akong proyekto, kaya kailangan kong umalis sa lalong madaling panahon.

Kahit ayaw kong mag-sinungaling, wala akong nagawa.

Makalipas lamang ang ilang minuto, na tanaw ko ang isang sasakyan na hindi tinted, kaya nakita ko ang nag-mamaneho.

Iba-iba rin ang kotse niya, siguro iba-iba rin ang mga babae ng lalaking 'to.

Bumuntong-hininga ako bago nag-simulang mag-lakad sa direksyon nito.

"Stop frowning." Sita niya sa'kin nang maka-pasok ako sa loob.

"Nag maneho ka nalang." Sa halip ay sinabi ko.

"Yes, boss." Tugon niya bago pinaharurot ang sasakyan.

"Bakit dito tayo huminto?" Tanong ko nang mapansing itinigil niya ang sasakyan sa harap ng boutique.

"Basta. Sumunod ka sa'kin," sabi niya bago binuksan ang pintuan at lumabas. Lumabas din ako at sinundan siya.

Nang makapasok kami ay binati kami ng mga babae na nag-tatrabaho sa Shop.

"Omg, Sir Tyron! Napadalaw ka ata, Sir?" Tanong ng isang gay na nag-mamadaling lumapit sa'min.

"Jun. Make her the most beautiful woman tonight." Tipid niyang sabi rito habang seryosong nakapamulsa.

"Sure, Sir! Pero mukhang hindi na kailangan dahil sobrang ganda na ng girlfriend niyo! Halika na, girl." Hindi na ako nakapagsalita sa bilis ng pangyayari.

Iginaya ako nito sa isang room kung saan maraming mga make-up kit at nang matapos, pinapili nila ako ng dress na susuotin.

Ang napili ko ay Red classic evening dress na strapless na may slit.

Nakalantad ang collarbone ko at humapit ito sa beywang ko.

"Ang ganda mo." Tanging na sabi niya habang nakatitig sa akin.

Mabilis namang umakyat ang init sa pisnge ko saka napalunok.

"Alam ko." Sabi ko bago bumaling sa counter. "Miss... magkano po lahat?"

"Fifthy-nine thousand po, Ma'am." Agad na nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

Ano?

Ganon kamahal ang gown na ito?

Hindi naman talaga mukhang mumurahin itong gown na suot ko, pero... Nakakalula naman itong presyo nila.

Kasama na siguro rito ang make-up ko at mga accessories.

I blinked twice saka tiningnan si Tyron.

"Siya ho ang mag babayad," Turo ko sa kasama. I smirked at him, but my smile faded right away.

"Bayad na po lahat, Ma'am. Salamat po." Formal na sagot ng babae sa Counter.

Napabuntonghininga ako saka umirap.

Bakit ko ba nakalimotang mayaman itong kasama ko?

"Ano? Tayo na?" Tanong niya habang nakatuon ang mga mata niya sa'kin. "Thanks, Miss." Tinapunan niya ng tingin ang babae sa counter na ngayon ay kinikilig.

Umirap ako sa hangin at naunang mag lakad palabas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status