Share

KABANATA 11:

KABANATA 11:

HINDI KO NA kailangang magpaganda. Iyon ang nasa isip ko kanina, hindi ko na rin naman kailangang mag-ayos. Pero kinain ko iyon dahil ngayon nga ay talagang nag-retouch pa ako ng make-up para lang hindi magmukhang manang sa harap ni Tres.

Nang makalabas ako ng banyo, pilyong mga ngiti ang isinalubong sa akin ng mga kapatid kong siraulo.

“Nagdadalaga na talaga si Ate Sera!” bulalas ni Matias.

“Ang tagal niyang magdalaga, pa-menopausal age na—”

Mabilis na sinugod ko si Lucio at hinatak ang kanyang buhok. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak sa sakit ng paghatak ko roon.

“Sige, mang-asar pa!” reklamo ko.

“Totoo naman ang sinasabi ko, Ate—aray!”

Pasalamat siya at napahinto ako nang marinig ang pagbusina ng sasakyan mula sa labas. Kuya Gideon stood up and then gestured me to come with him. Sumunod rin naman ako kahit hindi naman na kailangang kasama pa ako sa pagbubukas ng gate.

Sa harap ng gate, naroon na nga ang kotse ni Tres. Si Kuya Gideon ang nagbukas ng gate na tinulun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status