The Billionaire's Perfect Seduction

The Billionaire's Perfect Seduction

last updateLast Updated : 2022-09-25
By:  JheangLiitOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
15Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Navillera Sera Ibarra grew up in a wealthy family with four brothers who are all strict towards her. She is beautiful but even though she has the beauty, no one dares to court her because she is rich and too intimidating. Wanting to escape from her boring life as an heiress of their company, she runs away to an Island where no one knows her. There she met Tres Eduard Ramirez who also ran away from his life in Manila. They met in a bar that Tres owns and had a small talk. From then on, they started to see each other until Sera asked for a night with him. That night was the start of their comfort and undeniable happiness with each other’s arms. They shared each other’s agony while sharing the same bed. But as soon as they are both willing to tell their real identities, Sera’s brother finds her and asks her to come home. Two years later, they meet again not knowing that they're lives are entangled in a rivalry. The rivalry that will tame by a perfect seduction.

View More

Chapter 1

PROLOGUE:

PROLOGUE:

“YOU?”

Hindi maipinta ang mukha ni Tres Eduard Ramirez nang makita ako. Even I, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon. Two years ago was so long that I couldn’t almost remember what we did back then. Pero hindi ko kailanman makakalimutan ang mukha niya…

“I can’t believe you’re Navillera Sera Ibarra,” he chuckled. He even covered his mouth with too much surprise.

I smiled. “Bakit hindi natin pag-usapan ang tungkol sa sadya natin dito? You said you want to talk about Shine Wine…” sagot ko.

At ngayong kaharap ko na siya, hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng nangyari. Kung ano ang mga ginawa namin sa loob ng iisang kwarto, at kung paano namin ibinahagi ang problema ng isa’t isa. Those moments that I cherished a lot, and I almost tell him my real identity– an heiress of a company.

He scoffed. Inalis niya ang pagkakatakip sa kanyang bibig saka ako tinitigang maigi. Halata sa kanyang mukha na na-disappoint siya sa naging sagot ko.

“Your Shine Wine is very popular now in Luzon and some parts of Visayas. Well, didiretsuhin na kita Ms. Ibarra. Gusto ko sanang magtulungan tayo para mas pasikatin pa ang produkto niyo. It’s either I’ll buy the formula or I’ll invest on it.”

My mouth parted as I heard his offer. Hindi ako makapaniwala. Walang sinabi sa akin si Matias noong sinabi niyang kailangan kong makipagkita sa director ng Rhumirez Corporation, I guess this is it. That offer…

Triple ang yaman ng mga Ramirez kaysa sa amin at kung papayag ako sa gusto niya, maaaring mas maganda ang kalalabasan no’n but… this man in front of me wasn’t the man I want to be a business partner. Tres is one of my greatest memory in life. Masaya ako noong kasama ko siya noon, ang lahat ng mga ipinakita ko sa kanya ay iyong totoong ako. Now that the greatest memory I have was in front of me, showing his real life, hindi ko alam kung papayag ba akong ma-involve siyang muli sa buhay ko. Ayaw kong ma-disappoint siya sa akin. Everyone knows that I am intimidating and sophisticated. Only him knows the real me.

“Bakit naman ako papayag?” tanong ko.

Umawang ang labi niya at saglit na natigilan sa sagot ko. Ilang saglit pa ay umayos siya sa pagkakaupo at humalukipkip. “You are smart, Ms. Ibarra. You know very well what will happen if your product goes nationwide or even worldwide with our help. Kaya bakit parang nagdadalawang-isip ka pa?”

Dinampot ko ang baso ng kape na nasa aking harapan saka lumagok doon. Padarag na ibinagsak ko iyon sa lamesa kasunod ng paninitig sa kanya nang masama. This man thinks that we can’t go higher by ourselves! Parang sinasabi niya sa aking wala kaming kakayahan. Siya ba talaga iyong lalaking nakasama ko sa Biliran? Kahit pa higit na mas mayaman sila kaysa sa amin, wala siyang karapatang maging mayabang!

“Alam mo, hindi ako makapaniwala na iniisip mong hindi namin kayang maging worldwide ng walang tulong n’yo,” sagot ko sa nanunuyang tono.

Agad naman siyang umiling. “No, that’s not what I mean. Gusto ko lang naman na–”

“Iyan ang nasa isip mo Mr. Ramirez. Why don’t you just admit it?” taas ang kilay na tanong ko.

“Is it because of what happened to us two years ago, Ms. Ibarra? I mean, Sera?” he asked, eyeing me. His intimidating hooded eyes pierced me, pakiramdam ko ay malulusaw ako sa paraan niya ng paninitig.

Gustuhin ko mang bumitiw sa titigang ito, pero hindi ako magpapatalo. Ayaw kong makitaan niya ako ng kahit na kaunting pagpapakumbaba. Because I am not like that.

Tumikhim ako para maalis ang tila nakabara sa aking lalamunan. “Huwag mong alalahanin kung ano man ang nangyari sa atin noon. Ang tagal na noon! Huwag mong sabihing hindi mo pa rin nakakalimutan?”

He licked his lips after he heard what I said then he laughed. “Shit, Ms. Ibarra. I am facing a different person right now. The Sera I know, she’s soft-spoken, innocent and–”

“Sinabi ko nang huwag mo nang alalahanin ang nakaraan!” pagpuputol ko pa sa sinabi niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. “Now if you’ll excuse, aalis na ako.”

Aalis na sana ako but he grabbed my hand that made me look back. “Teka… what about my offer?”

I shook my head. “Sorry pero hindi mo ako mapapa-oo. Kaya naming pasikatin sa buong mundo ang produkto namin ng walang tulong mo. Hindi ako makikipag-sosyo sa isang mayabang na tulad mo.”

With that, I walked out of the coffee shop. Hindi ako papayag na magkaroon pa kaming muli ng koneksyon. Kung inaakala niyang hindi namin kaya na wala siya, I will prove him wrong. This is a rivalry between our families. Matatalo lang siya sa huli dahil mas sisikat ang Shine Wine na higit pa sa produkto nilang pang-mayayaman lang!

Paglabas ko ng coffee shop, dali-dali rin akong pumasok sa kotse ko at akma sanang paaandarin na nang tinatawag niya na naman ako. Hindi ko na sana siya papansinin pero napansin kong dala niya ang handbag ko. Naiinis na binuksan ko ang bintana.

Imbes na bilisan ang paglalakad papunta sa akin, pinili niya pang maglakad nang mabagal. Taas ang kilay ko habang naghihintay sa kanya. Para siyang modelo habang naglalakad palapit sa akin. The way he walk, the way he looked at me, and the way he brushed his hair with his long fingers. Those fingers who used to touch–

“Tutulo ang laway mo Ms. Ibarra,” he chuckled.

Napakurap ako at natauhan nang marinig ang marahang halakhak niya.

“Anong sinasabi mo–”

Naputol ang sasabihin ko nang siya na mismo ang nagpasok ng bag ko sa bintana saka sumilip mula sa bintana. “Anyway, I never forget a single moment with you, Sera. Even your lips, I can still taste it.” Then he winked. “See you!

My mouth parted after he turned his back to me. Hindi ako makapaniwala. I couldn’t believe myself from gawking over him. Damn it, Sera! You should have ashamed of your self!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
athengstersxx
Support ...️
2022-08-28 22:16:21
2
user avatar
Totoy
Congrats po, Miss Jhea...
2022-08-11 07:45:20
1
15 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status