Share

KABANATA 3:

KABANATA 3:

NAMILOG ANG MGA mata ko nang makitang papalapit na sa amin iyong dalawa. They are both naked! Tatakpan ko na sana ang mga mata ko nang ang malapad na palad na ni Tres ang sumalubong sa akin. Siya na ang nagtakip.

“What the heck are you two doing?” sigaw ni Tres.

“Oh shit!” malakas na mura ng lalaki. “Putangina mo, Tres! Nasaan ang mga damit namin?!”

Kilala niya!

“Ewan! Kayo ang naghubad, dapat alam n’yo rin kung saan ninyo inilapag!” Tres guided me to stand up. Hinawakan niya ang beywang ko. “Nakakahiya kayo, may kasama pa naman akong bagong salta rito!”

“I know you’re behind this, Tres!” galit na sigaw nito.

“Pati ako idadamay n’yo sa kalokohan n’yo? Nakakahiya ka, ang liit ng ti–” Hindi niya itinuloy ang sasabihin. Binitiwan niya ang pagkakatakip sa mga mata ko at hinatak ako patakbo, palayo roon!

“Lagot ka sa akin kapag nalaman kong ikaw ang gumawa nito!” galit na sigaw ng lalaki.

Humarap naman si Tres doon sa lalaki habang tumatakbo kami saka nag-middle finger. I laughed hard at what he did.

Never in my entire life have I ever thought of doing a thing that as crazy as this! Hindi ako kailanman natawa sa ganitong klaseng kalokohan. For me it was silly, before. But because of him, I experienced this silly thing that I thought was boring.

Naging masarap ang tulog ko ng gabing iyon. Hindi ko talaga inaasahan na magiging ganito ang mangyayari sa pagdating ko rito sa isla. What I expected was me being alone in my hotel room, doing the things that I want alone and nothing more. Dahil gusto ko ngang mapag-isa. Pero masarap din naman pala ang may kasama. Ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano ay may kasama ako sa pagtakas ko sa tunay kong mundo.

Ilang araw ang nakalipas at naging mas madalas na ang pagkikita namin ni Tres. Noong sumunod na tatlong araw, madalas lang kaming hindi sinasadyang nagkikita ngunit nitong nakaraang dalawang araw lamang ay napagpasyahan na naming magkita talaga. Hindi lang din naman kalayuan ang Bar niya. Siya ang may-ari ng Bar na iyon at sa likod no’n ay doon din siya nakatira.

“Sexy natin ngayon, ah!” bungad na puri niya sa akin nang makita ako. His eyes wandered all over my body then to my face. Namamangha ang ekspresyon niya. Nag-init naman ang aking pisngi. I felt like he was burning me with the way he look! Oh gosh!

Last few days, I’ve been wearing clothes that hide my skin. But then I realized we were on a beach, and many women out there were wearing bikinis while I was hiding. Two piece red bikini ang suot ko habang pinatungan ko ng kulay puting beach robe.

“I thought we’re going to swim?” I asked.

“Nagbago ang isip ko, iba na pala ang gusto kong gawin,” he said wiggling his brows. “Bakit kasi ganyan ang suot mo e,” he murmured.

“Should I change, then?”

He shook his head. “Hindi naman, tara maligo na tayo. Sabay para masaya.”

“Sira!” I exclaimed.

Tinawanan niya lamang ako at saka tumakbo palayo. Tumakbo rin naman ako at hunabol sa kanya. Hanggang sa tuluyan kaming nakarating sa dagat. May iilan pa ring naliligo doon. Papalubog na ang araw, ayaw kong magpa-tan kaya ganitong oras kami nagpasyang mag-swimming. He said he had already prepared everything and I guess he really did.

Pagkarating namin doon ay may dalawang beach bench chair. Mag ice box din at mga tuwalya. Huminto ako nang malapit na ako roon habang siya’y humarap sa akin nang naglalakad paatras, papuntang dagat.

“Let’s go!” he shouted.

Tumango naman ako at naglakad na palapit. I was about to take off my robe when he took his shirt first. Nang tumama ang huling liwanag ng araw sa kanyang balat, nakaramdam ako ng init. The heat coming from the sun couldn't burn me, but his hotness did.

Ilang araw na kaming magkasama, ngayon ko lang siya nakitang naghubad ng damit. Namangha ako sa ganda ng hubog ng kanyang katawan, his chest is so interesting. Hindi sobrang bato-bato ang katawan niya, but when he moves, his muscles also sexily made it's way to impress me.

“Huwag mo akong tingnan nang ganyan, baka matunaw ako. Halika na rito!”

Napalunok ako’t tuluyan nang hinubad ang roba at inilapag sa beach bench. Kinakabahan akong lumusong sa malamig na tubig. Sa wakas ay tila nabawasan naman ang init na nararamdaman ko nang malamigan ako.

Dahan-dahan pa nga akong lumulusong, nabigla na ako nang isang kamay ang humawak sa aking braso at hinatak ako palusong!

“Tres! Ang hilig mong manghatak!” reklamo ko.

“Ang bagal mo, come on! Let’s dive,” he replied.

Hindi na ako nakareklamo nang salubungin namin ang maliit na alon. Humampas iyon sa aking mukha kahit hindi pa kami malalim lalo na at napaupo ako.

“Dahan-dahan! Ang tagal ko nang hindi nakakapag-swimming sa dagat!” sabi ko.

“Climb up behind me!”

Kumunot ang noo ko. “Huh?”

Sinenyasan niya akong umangkas sa likod niya. Hindi ko alam kung susundin ko ba iyon lalo na nang tumalikod siya sa akin. Ngayong kaharap ko ang matigas niyang likod… bumalik ang init na aking nararamdaman.

“I… I’m wearing a bikini,” I almost whispered.

He slowly chuckled. “Ayaw mong mag-enjoy?”

Marahas akong napalunok. Again, hindi ko dapat alalahanin. Nandito ako para tumakas sa buhay ko bilang Navillera Sera na demure ang image. Now, I have to get out of my barrier.

Hindi ko na pinag-isipan pa nang husto, basta, umangkas na ako sa kanyang likuran at kumapit sa kanyang balikat.

“Hold your breath, Sera… 1, 2, 3—”

We dive!

Sa tagal kong hindi nakapag-dive nang ganito, napahawak ako sa kanyang balikat kasunod ng kanyang paglangoy. We were ready to dive deeper when I gasped for air!

Nakalunok ako ng tubig, napabitiw sa pagkakakapit sa kanya at napalayo. He quickly turned his attention to me then caught me with his arm. Dali-dali niya naman akong hinatak paakyat hanggang sa tuluyan kaming nag-angat sa tubig.

Ilang beses akong napaubo. Mabilis ang pagtahip ng aking dibdib dahil sa kaba. Muntik na akong malunod!

“Damn it! Why did you gasped?” he exclaimed. “Shit, you almost drowned!”

Imbes na tumuloy pa kami sa pag-dive ay ipinulupot niya ang kanyang braso sa beywang ko at hinatak paalis sa dagat. Nang makaalis na kami roon ay inaalalayan niya pa ako hanggang sa makaupo sa beach bench.

“S-sorry…” I said. Sinira ko yata ang gusto niyang mangyari.

Kunot na kunot ang noo niya, mukhang nainis yata. Hindi siya kumibo. He was just looking at the sea while catching some breath.

“Sorry talaga, ang tagal ko na kasing hindi nakakapag-dive. I guess, when I was in senior highschool? Masyado na ‘yong matagal…”

He turned his head to me, with his still pissed-off reaction. “I’m not mad at you. Huwag kang mag-sorry.”

I nodded. Muli kaming naging tahimik. Muli siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Ilang saglit pa ay binuksan niya ang ice box na naroon at kumuha ng dalawang lata ng beer. Binuksan niya iyong isa at iniabot sa akin.

“Galit ka yata e,” sabi ko.

“Hindi nga.” Lumagok siya sa lata ng beer pagkatapos sabihin iyon.

Uminom din ako ng beer, agad na gumuhit ang pait sa aking lalamunan na nagbigay ng lakas ng loob sa akin. I turned my head to him again, now he’s looking at me.

“What if… we go back to your house then just do something fun?” I asked.

His mouth parted at what I asked. Tila hindi makapaniwala.

Ilang saglit pa ay marahan niyang dinilaan ang pang-ibabang labi. “Are you sure?”

I just smiled, “yeah.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status