Share

CHAPTER 11

"COME ON."

Matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan nila, iyon ang sinabi ni Gareth at tumayo. Naglakad palabas ng mansion. Sumunod na lamang siya sa lalaki. Dumiretso sila sa sasakyan na nakaabang na roon si Butler Andy at agad silang pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Gaya kanina, tahimik lamang sila sa loob hangang makaandar iyon.

Lumunok muna si Sam nang makailang ulit bago nagsalita. "P-pasensya ka na, dahil sa akin ay nagkasagutan pa kayo ng kapatid mo," aniya nang hindi na matiis ang katamikan.

Mula sa pagkakatingin sa labas ay lumipat ang tingin ni Gareth sa babae. Pinagmasdan siya nito. Hindi maarok ni Sam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaki nang mga sandaling iyon. Wala kasing bahid ng kahit anong emosyon ang mukha nito. Napakagaling nitong mag blank face, hindi gaya niya, masyadong transparent.

"Wala silang magagawa kung gusto kong pakasalan ka," marahan nitong bigkas.

Hindi agad nakatugon si Sam, n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status