Share

Chapter 3

Author: Zyglerx
last update Huling Na-update: 2024-10-22 20:55:30

Lahat ng mga lalaki sa binigay na profile ni Irene ay hindi guwapo. Halos nasa kuwareta anyos na ang mga ito at karamihan sa kanila, walang kahit isang disenteng trabaho.

Pinandilatan ni Ben si Tasha at halatang hindi natuwa sa nakita.

"May mga lalaki talaga na halos kasing edad ko rito, Tasha? Paano mo naatim na ipakilala sa matatandang lalaki si Irene?"

Medyo naninigas ang mukha ni Tasha. Ang totoo, inutusan niya sa isang tao na itago ang mga larawan at profile ng mga lalaking iyon. Hindi niya inaasahan na si Irene, isang tahimik na batang babae ay may kakayahang malaman ang totoong impormasyon ng mga lalaking iyon.

Nagmamadaling umarte si Tasha na animoy na-agrabyado.

"Ben, hindi ko alam kung paano ito mangyayari. Ang mga lalaking pinili ko para kay Irene ay pinili mula sa isang daang lalaki na nasa blind date circle. Siguradong nagsinungaling ang matchmaker tungkol sa impormasyon na binigay niya."

Hindi naman maiwasan ni Irene na matawa sa sinabi ng kanyang tiya.

"Tita Tasha, hindi mo man lang na-verify ang authenticity ng impormasyon ng lalaki? Patuloy mong sinasabi na siya ay isang de-kalidad na lalaki? Dahil lang sa hindi mo ako biological na anak, wala ka nang pakialam sa mangyayari sa buhay ko? Dad, kung magpakasal ako sa isang matandang lalaki, hindi ka magiging proud di ba?"

Nagmamadaling inayos ni Tasha ang kanyang mga salita para magpaliwanag.

"Hindi...hindi..."

Ngunit ayaw makinig ni Ben. Ibinato niya ang mga papel sa mukha ni Tasha sa matinding pagka-inis.

"Enough! Hindi mo na kailangan pang mag-alala sa marriage ni Irene in the future! Your bank card will be suspended this month. Huwag kang gumastos ng pera nang walang ingat. Pag-isipan mo ang mga ginawa mo pagdating sa bahay!"

Namutla ang mukha ni Tasha.

"Ben, nagkakamali ka ng pagkakaintindi!” wika ni Tasha habang pinipigilan si Ben.

Hindi siya pinansin ni Ben at tumingin sa kanyang batang anak na babae na si Irene na may halong pagsisisi.

"Irene, nakakahiya na humarap ka sa napakaraming matatandang lalaki kamakailan. Huwag kang mag-alala, hindi mo na kailangang makipag-blind date."

Ngumiti si Irene.

"Salamat, Tatay!"

Matapos umakyat ni Ben sa kanyang kuwarto, nababakas sa mukha ni Tasha ang galit at tinapunan niya ng matalas na tingin si Irene.

Naramdaman ni Irene ang tingin na iyon ni Tasha, saka mahinahong nagsalita.

"Nga pala, Tita Tasha, nakalimutan kong sabihin sa iyo. Akala ko kasi ang mga de-kalidad na lalaki na pinili mo ay ang ideal na manugang na gusto mo, kaya ang contact number na binigay ko sa kanila ay ang private number ni Sarah. Sana maikasal si ate Sarah sa isa sa kanila.”

Nagngitngit ang ngipin ni Tasha dahil sa gali.

"Ano? Ikaw! Ang lakas ng loob mo!"

Ang kanyang ate Sarah ay isang sikat na artista. Paano magiging karapat-dapat ang mga basurang lalaki na iyon sa ate niyang si Sarah?

Masyado nang tinatamad si Irene para alalahanin pa si Tasha, kaya umakyat na siya sa itaas para matulog.

Sinumpa ni Tasha si Irene sa mahinang boses at gustong bumalik sa kwarto para hikayatin si Ben na huwag ihinto ang kanyang bank card, ngunit biglang tumunog ang doorbell.

‘Sino naman kaya ang bibisita nang ganitong oras ng gabi?’

Pagbukas niya ng pinto, nakita niya ‘di kalayuan ang isang lalaki na naka-suit at leather na sapatos. May isang hilera ng mga lalaking nakaitim sa likod nito na may dalang maraming gamit. Kakaibang presensya ang binibigay ng mga ito habang paparating. Napakarami nila at nakakatakot.

Biglang dumating ang mga estranghero sa kalagitnaan ng gabi at hindi maiwasan ni Tasha na maging alerto.

"Sinong hinahanap nyo?" tanong ni Tasha.

"Hello, Madam Smith, narito kami sa utos ni young master upang maghatid ng regalo para kay Miss Smith sa darating nitong kasal," paliwanag ni Luke kay Tasha.

Ang mga regalo na ito ay isang mahalagang bahagi ng tradisyon ng kasal. Ang pamilya ng nobyo ay nagre-regalo sa pamilya ng kanyang nobya bilang simbolo ng kaunlaran at suwerte.

"Regalo? Anong regalo para sa kasal? Sinong young master mo?" naguguluhang tanong ni Tasha.

"Ang pangalan ng aking young master ay John Maki Montealegre."

Ang pangalang sinabi ng bisita ay tila kumalembang sa tainga ni Tasha, dahilan upang manlaki ang kanyang mga mata.

"Montealegre... John Maki Montealegre?! Si Maki Montealegre ba? Ang panganay na anak ng unang pamilya. Montealegre family?"

"Yes! Precisely!" sambit ng bisita.

"Ibig mong sabihin, kursunada ni Mr. Maki ang aking anak?"

Hindi maipinta ang mukha ni Luke dahil komplikado ang pangyayari. Sandali siyang nag-alinlangan bago nagsalita, "Maiintindihan mo siguro ito pagdating ng panahon."

Naisip ni Tasha na ang kanyang anak na babae na si Sarah, na isang sikat na artista, maganda at mayumi, ay ang tinutukoy ng mayamang young master.

Gayunpaman, si Maki ay isang maimpluwensyang tao at siya ay dumiretso sa bahay upang mag-propose ng kasal, na masyadong biglaan.

Nang mapagtanto ni Luke na hindi tumugon si Tasha, nagtanong siya rito.

"Madam, hindi ka ba sumasang-ayon sa kasal na ito?"

Bumalik sa katinuan si Tashai at mabilis na umiling.

"Hindi, hindi, hindi! Wala lang kasi ang anak ko ngayon sa bahay. Napakalaking pagkakataon ito, hintayin nating bumalik siya."

Sumabad si Luke: "Madam, tinanggap na ng iyong anak ang engagement ring na ipinadala ng aking young master, kailangan mo na lang tanggapin ang regalo sa kasal ngayon."

‘Ano? Tinanggap na ni Sarah ang singsing na pinadala ni Mr. Maki? Hindi kaya matagal na silang magkasintahan?’ sa isip ni Tasha. ‘Napakalihim talaga ng anak kong si Sarah. Hindi man lang niya sinabi sa akin na mayroon siyang napakabuting kasintahan tulad ni Mr. Maki,” nangingiting sambit ni Tasha sa sarili.

Hindi na nangahas si Tasha na pabayaan ang kagalang-galang na panauhin at mabilis na inanyayahan si Luke na pumasok at maupo.

Hindi pumasok si Luke, ngunit sinenyasan lang niya ang kanyang mga tauhan na dalhin ang mga regalo para sa kasal.

"Pagkalipas ng tatlong araw, darating ang aking young master para pakasalan nang personal si Miss Smith."

Nagulat ulit si Tasha, "Ah? Makalipas ang tatlong araw? Hindi ba... parang mabilis?"

Sinabi ni Luke, "Makakaasa kayo, Madam Smith, ang young master ay nag-utos na sa mga tao na ihanda ang seremonya ng kasal. Magiging engrande ang lahat.”

‘Si Mr. Maki ay labis na nahulog kay Sarah?’

Sa oras na magpakasal si Sarah sa pamilya Montealegre, si Tasha ang magiging biyenan ng panganay na anak ng pamilya. Lahat ng makakakita sa kanya ay dapat maging magalang, tumango at yumuko.

Sa pag-iisip nito, napakasaya ni Tasha.

"Sige! Sa tatlong araw, maghahanda rin ang pamilya namin. Ihahanda ko na rin ang anak kong babae para sa kasal," masayang tugon ni Tasha.

Tumango si Luke at nagpaalam, "Kung gayon, mauna na ako, paalam."

Narinig ni Ben ang ingay at muling lumabas.

"Sinong nandyan? Ano ang mga ito?"

Hindi mabitawan ni Tasha ang mahahalagang regalo para sa kasal, at natutuwa ang kanyang puso.

"Ben! Magandang balita! Si Maki Montealegre, ang panganay na anak ng pamilya Montealegre, ay nakursunadahan ang ating si Sarah. Ito ang mga regalong ipinadala ng pamilya nila para kay Sarah, lahat ay maganda hindi ba?"

Natigilan si Ben, "Ano? Maki Montealegre? Ang tinutukoy mo ba ay si John Maki Montealegre, ang presidente ng Montealegre Group na kababalik lang sa Pilipinas?"

Biglang tumango si Tasha, "Siya ‘yon! Siya ‘yon!"

Tinakpan ni Ben ang kanyang dibdib sa takot na tumigil ang kanyang puso dahil sa sobrang pagkasabik.

"Oh my God! Hindi ko akalain na ang ating Si Sarah ay mananalo sa puso ni Mr. Maki!"

Hindi maitago ni Tasha ang pagmamalaki niya sa kanyang anak.

"Hindi mo ba nakikita kung sino ang nagsilang sa iyong anak na babae?" nakangusong animoy nagpapalambing na wika ni Tasha.

"Tasha, binigyan mo ako ng isang suwerteng anak!" masayang tugon naman ni Ben.

"Huh! Pinupuri mo na naman ba ako? Kakasabi mo lang na sususpindihin mo ang bank card ko, hindi ba?"

“Hoy! Kanina lang ako nagalit sayo. Ang anak ko kasi na si Irene ay hindi mo nga biological na anak, pero hindi mo naman pwedeng hayaang makipag-blind date si Irene kasama ang isang matandang lalaki."

"Hindi ko sinasadya! Lumaki si Irene sa nayon. Taklesa siya at masama ang ugali. Gusto ko lang makahanap ng mas matandang lalaki na kayang tiisin ang katigasan ng kanyang ulo. Who knew na magsisinungaling ang matchmaker sa iba pang impormasyon."

"Tasha, nagkamali ako. Nagkasala ako sayo."

Labis na ipinagmamalaki ni Tasha ang kanyang sarili dahil sa isang iglap, sinusuyo na siya ngayon ni Ben.

Ngayon, ang kanyang anak na si Sarah ay malapit nang ikasal sa pamilyang Montealegre at ang magagandang araw ng mag-ina ay malapit nang dumating.

Wala na silang oras para asikasuhin pa si Irene, ang maliit na asong iyon.

***

Kinaumagahan, tinawagan ni Tasha ang kanyang artistang anak na si Sarah at hiniling na umuwi kaagad.

Pagpasok pa lang ni Sarah sa bahay, inis siyang nagreklamo.

"Nay! Bakit gusto mo kong bumalik kaagad? Kailangan ko pang mag-shoot sa hapon!"

"Syempre para sa kasal mo sa panganay na anak ng pamilya Montealegre!"

"Kasal? Anong kasal? Hindi ko kilala ang panganay na anak ng pamilyang iyon!"

Nang makita ni Tasha na tila walang alam si Sarah sa mga nangyayari, nagulat siya at mabilis niyang sinabi sa anak ang lahat, tungkol sa isang tao na pumunta sa kanilang bahay upang mag-propose ng kasal kagabi.

"Sarah, paanong hindi mo kilala ang panganay na anak ng pamilya Montealegre? Hindi mo ba tinanggap ang engagement ring na ibinigay sa ‘yo ng panganay na anak ng pamilyang iyon?"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 24.1

    Sa SNOW box.Bagaman tinawag itong box, ang loob ay parang isang malaking flat stage na napakaluwag.Mayroong magandang ilaw ngunit malabo, habang tumutugtog ang isang live band.Nakasuot ng magagandang damit ang mga tao, umiinom at nag-uusap sa kani-kanilang mga barkada.Pinagmasdan ni Irene ang mga tao sa paligid, hinahanap si Angela.Maya-maya lang, biglang may lumabas sa pinto na may kulay Barbie pink na buhok patungo sa kanya, “Tita...”Inunat ni Irene ang isang daliri at pinindot ang mga labi ni Angela, pinatahimik ang huling salita na “Tita,” at sinabi: “Kapag nasa labas tayo, tawagin mo ko sa pangalan ko.”Ngumimik si Angela, “Ah, sige! Irene...”Bahagyang nakasimangot si Irene at sinuri mula ulo hanggang paa kung may mga sugat ang babaeng kaharap, “Anong nangyari sa’yo? Tinawag mo ako para humingi ng tulong?”Hindi kumportable na niyakap ni Angela ang braso ni Irene, lumingon siya at itinuro ang likod niya, “Sila yon! Minamaltrato nila ko!”Itinaas ni Irene ang kanyang mga ma

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 24

    Ang ikalawang palapag ng Twilight ay isang high-end na pribadong kuwarto, na hindi naririnig ang ingay mula sa bar sa ibaba at tila ibang mundo.Tinawagan ni Irene si Angela ngunit walang sumagot, at hindi niya alam kung saang pribadong kuwarto ito naroroon.Napansin siya ng general manager ng Twilight at lumapit ito nang may paggalang, "Miss Smith, hinahanap mo ba si Sir Dave?"Dahan-dahang umiling si Irene at nagtanong, "Nakita mo ba kung saang pribadong kuwarto nandoon ang panganay na babae ng pamilya Han?"Sabi ng manager, "Hindi po, walang tao mula sa pamilya Han ang naasikaso sa itaas ngayon."Nagtangka si Angela na hanapin si Maki nang palihim kaya hindi siya dumaan sa karaniwang proseso ng bar.Pinag-isipan ni Irene ito at muling nagtanong, "Saang private room pumasok si Maki?"Matapat na sumagot ang manager, "Miss Smith, si Ginoong Maki ay nasa SNOW."Ang SNOW ang pinakamalaki at pinaka-luxurious private room sa bar na iyon, eksklusibo para sa mga nakatataas sa lipunan.Haban

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 23

    Tumaas ang ulo ni Irene at tiningnan ang salamin na corridor sa second floor kung saan nakaturo si Angela. Sumingkit ang mga mata ng dalaga nang mapatunayang si Maki nga ang lalaking ito na may payat at malamig na pigura. Sa likuran ni Maki, naroon ang isang Magandang babae, matangkad, payat ang baywang, mahaba ang binti at kulot na buhok. Sinusundan nito ang lalaking si Maki.Ibinalik ni Irene ang tingin niya, kalmado ang kanyang ekspresyon, at magaan ang tono, "Huwag mo siyang isipin."Nagtaka si Angela sa sinabi ni Irene, "Tita, ang asawa mo ay lihim na nakikipagkita sa ibang babae sa taas, at wala kang pakialam?"Walang pakialam na uminom si Irene ng juice gamit ang straw, "Wala akong pakialam."Kaka-break lang ni Angela sa isang lalaking manloloko, at lasing pa siya, kaya hindi niya matiis ang ganitong bagay."Hindi! Tita, hindi ka man lang nagagalit sa tito ko? Huhulihin ko siya sa panloloko para sa iyo! Humph, may asawa na siya, pero kasama pa rin niya ang ibang babae. Sobrang

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 22

    Walang ganang umirap si Irene saka tumugon, "Oo at hindi."Nakayuko pa rin si Maki at saka nilipat ang pahina sa dokumento na hawak niya."Totoo ba o hindi?"Sinabi ni Irene ang totoo, "Nilagay ng babaeng iyon ang video, pero ang tunog ay nirecord ko gamit ang aking phone at idinagdag doon sa video."Bumuntong-hininga si Maki nang mahina, "I asked you to be a bridesmaid, pero sinamantala mo ang pagkakataon para sirain ang kasal ng iba. Paano mo ipapaliwanag iyon?"Kumunot ang noo ni Irene, "Uncle, honestly speaking, negosyo ito ng inyong pamilya, hindi sana ako dapat makialam! Pero, ang mga walanghiya ay mga kaaway ng lipunan, may obligasyon akong patayin ang isa kapag nakakita ako ng isa."Bahagyang itinaas ni Maki ang kanyang labi na may halong pagngisi, "Hindi ko alam na si Miss Irene ay isang messenger of justice."Medyo nagalit si Irene, "Ang lalaking iyon na si Yuan, hindi lang niloko si Angela, kundi sinamantala rin niya ang pagkakataon na hawakan ang kamay ko nang magkita kami

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 21

    "Napakawalang hiya mo!"Itinaas ni Angela ang kamay niya para sampalin si Yuan, pero nahawakan agad ng binata ang kamay nito.Hindi nagalit si Yuan, bagkus ay tumawa pa, "Angela, mas mabuting sumunod ka na lang at pakasalan mo ako. Huwag mo akong suwayin, dahil alam mo na kung ano ang mangayayari."Nanaginip ka! Hindi kita pakakasalan kahit mamatay pa ako!" Namumula sa galit ang mga mata ni Angela. Nakita na niya ang tunay na kulay ni Yuan at nadidiri siya. Gusto na niyang bugbugin ito hanggang sa mamatay.Ngunit mahigpit na hawak ng binata ang pulso niya. Hindi niya mahila o maalis ang kamay niya.Mayabang na tumawa si Yuan, "Hindi ka ba natatakot na ang magaganda mong litrato na halos wala nang saplot ay ia-upload sa mga social media platforms, at saka..."Pack!Biglang may isang sampal ang lumipad sa ere at tumama nang malakas sa mukha ni Yuan.Napaikot si Yuan at tumama sa mural sa koridor.Walang gana na inalis ni Irene ang alikabok sa kanyang mga kamay."Basura!" inis na sambit

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 20

    Nagsimulang mamutla ang mukha ni Yuan at agad na tiningnan si Charice. Sigurado siya na ito ay may kagagawan ng mga nangyayari.Samantala, unti-unti namang nagbago ang expression ni Angela, ang kaninang masaya nitong mukha ay napalitan ng pagkagulat. Halos hindi na ito makagalaw sa kinatatayuan dahil sa nakita.Lumingon si Angela kay Yuan na nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala.“Y-Yuan, A-Anong relasyon mo sa babaeng ‘yan?” nauutal na tanong ni Angela.Agad na hinawakan ni Yuan ang balikat ni Angela. “Angela, listen to me. Mali ang inaakala mo. ‘Yang mga oras na ‘yan, lumapit sa akin ang bridesmaid at sinabing masama ang pakiramdam niya. She asked for my help kaya sinamahan ko siya sa storage room. Sino ang mag-aakala na maghuhubad siya sa harapan ko at aakitin ako? Maniwala ka, Angela, wala akong ginagawang masama,” sunod-sunod na paliwanag ni Yuan at pilit nitong pagsisinungaling.Tinulak ni Angela si Yuan at mabilis na lumakad patungo sa kinaroroonan ng mga bridesmaid. “Si

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status