author-banner
Zyglerx
Zyglerx
Author

Novels by Zyglerx

The Billionaire's Sassy Fiancée

The Billionaire's Sassy Fiancée

Hinalikan ni Irene Smith ang isang lalaking hindi niya kilala upang matakasan ang ka-blind date, subalit hindi niya akalain na ang lalaking aksidente niyang hinalikan ay isa palang bilyonaryo na noon ay nakatakda nang ikasal. Si John Maki Montealegre, isang mayamang lalaki na nangangailangan ng mapapangasawa. Kailangan niyang mapapayag ang kanyang lolo na magpa-opera. Dahil sa ginawa ni Irene, siningil siya ni Maki sa kalapastanganan ng dalaga. Ang kabayaran? Ipakikilala ni Maki si Irene sa kanyang pamilya bilang kanyang fiancée.
Read
Chapter: Chapter 12
Suot ni Irene ang isang malaking damit na panglalaki. Dahil nakabukas ang bintana ng sasakyan para sa bentilasyon, nakaramdan siya nang kaunting lamig."Narinig kong nawalan ka ng trabaho?" walang ganang tanong ni Maki sa kanya.Naiinip na tumingin si Irene sa labas ng bintana at tinanaw ang kalsada nang marinig niya ang malalim at mayamang boses ni Maki.Hinila ni Irene ang sulok ng kanyang labi saka tumugon, "Oo, salamat sa ‘yo!"Si Maki ay nagbabasa ng mga papeles na nasa loob ng folder sa kanyang kamay na may blankong ekspresyon, "I gave you a chance, but you made mistakes that shouldn't have happened. According to my standards, that kind of plan has no investment value."Medyo inaantok si Irene at nag-inat."Oh! Hindi na ako empleyado ng Kumpanyang iyon, kaya hindi mo na kailangang sabihin sa akin ang dahilan."Hindi tumugon si Maki at tumahimik nang sandali.Itinaas ni Maki ang kanyang kamay at binuklat ang isang pahina ng mga dokumento. Maya-maya lang, muling nagsalita si Maki,
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Chapter 11
Ang nananahimik na si Luke na ngayon ay nakaupo sa tabi ng driver ay mariing napalunok nang marinig ang usapan ng dalawa. Nag-signal siya sa katabing driver at sinabing ihinto sandali ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Matapos ang paghinto ng kotse, agad niyang hinawakan ang braso ng driver at sinama sa paglabas niya mula sa kotse. Ang dalawa ay lumakad palayo at hindi tumingin sa nakaparadang mamahaling sasakyan upang hindi makita ang ano mang bagay na hindi dapat nila makita.Sa loob naman ng kotse, seryosong nakatingin ang malamig na mga mata ni Maki sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan. Ang guwapo nitong mukha ay tila namamangha sa katapangan ng babaeng napili niyang mapangasawa at hindi niya maipaliwanag kung bakit.***Samantala, sa Antel Corporation, sunod-sunod ang panenermon ni Mr. Salazar kay Manager Chen dahil sa pagpapapasok ng mga empleyadong hindi maayos at gumamit pa ito ng backer system upang makapasok lang sa kompanya ang kanyang kamag-anak."Manager Chen, gumawa ka ng
Last Updated: 2024-12-12
Chapter: Chapter 10
Sinundan ng tingin ni Charice ang mamahaling Mercedes Benz habang ito ay papalayo. Mariin pa itong napakagat ng labi dahil sa inggit na kanyang nararamdaman. Padabog na lumakad ang dalaga pabalik sa kanilang opisina at agad na sinabi ang nakita sa kanyang mga kasama."Alam nyo ba? Kaya pala wala lang para kay Irene na mawalan ng trabaho kasi naman, may sugar daddy pala ang malanding 'yon?""Sugar daddy?"Kumunot ang noo ng mga empleyadong nakarinig sa sinabi ni Charice. Isa-isang lumapit ang mga ito upang makiusiyoso."Bakit? Paano mo nalaman?" sambit ng mga marites niyang katrabaho."Nakita ko," taas noong pagmamalaki ni Charice. Umupo siya sa kanyang swivel chair saka pinag-cross ang mga binti. Isa-isa namang umupo sa malapit ang kanyang mga kasama at seryosong nakinig sa kanya. "Kanina kasi, ihahatid ko lang sana ang mga gamit ni Irene sa kanya, pero nagulat ako nang makitang sumakay siya sa isang top-of-the-line luxury car. Isang matandang lalaki ang sumundo sa kanya at kumandong
Last Updated: 2024-12-11
Chapter: Chapter 9
Kunot ang noo ni Veronica habang nakatingin sa seryosong si Irene, na ngayon ay nakaupo sa harap ng computer. Unti-unti na kasi siyang nawawalan ng pag-asa na maaayos pa ang presentation na pinaghirapan niyang gawin nang isang buwan.Marahang umiling ang dalaga, saka bumuntong hininga."Mukhang busy ka, sandali at kukuhaan kita ng kape," pag-offer ni Veronica sa kaibigan."Sige, salamat," tugon naman ni Irene na tutok pa rin ang mga mata sa ginagawa.Nagsimulang lumakad palayo si Veronica at nagtungo sa pantry. Maya-maya lang, isang red na bar line ang nag-flash sa black screen monitor ni Irene. Agad na nilagay ng dalaga ang password at kinausap ang hacker na nasa kabilang program."Anong problema mo? Bakit mo pinasok ang system ng kompanyang ito?" tanong ni Irene sa hacker.Sa kabilang banda, nagulat ang hacker nang mabasa niya ang mensahe ni Irene. Agad itong nag-type sa keyboard upang sagutin ang dalaga."Sino ka? Paano ka nakapasok sa program namin?" tanong ng hacker."Hindi na ma
Last Updated: 2024-12-10
Chapter: Chapter 8
Bago pa man makatugon sa katrabaho, narinig na niya ang beep tone sa kabilang linya ng telepono. Kamot-ulo pa siyang tumayo mula sa kinauupuang kama saka lumakad patungo sa closet ni Maki. Sa pagbukas niya nito, kumunot ang kanyang noo nang makitang puro panlalaki ang nasa loob ng kabinet at ang lahat ng ito ay maluwag sa kanya.Dahil sa ginawa ni Faye kanina, wala na namang maisuot si Irene at wala siyang choice kung hindi ang suotin ang damit ng kanyang asawa.Napabuntonghininga na lang si Irene, saka humila ng isang puting Tshirt sa kabinet ni Maki. Hanggang tuhod ang haba ng damit na iyon sa kanya, sapat lang upang magmukhang casual dress kay Irene.***Matapos magbihis, agad na nagtungo ang dalaga sa building ng Antel Corporation kung saan siya ay kasalukuyang intern.Ang Antel Corporation ay isa sa malalaking kompanya sa bansa, napakasuwerte niya dahil napili siya ng kanilang university na dito mag-take ng kanyang internship dahil na rin sa matataas niyang grades sa school.Nagm
Last Updated: 2024-12-02
Chapter: Chapter 7
MATAPOS magpalit ng damit si Irene, sandali siyang sumilip sa labas ng pinto at nakita niyang wala na roon si Maki. Hindi na niya iyon pinansin at lumabas na lang ng silid. Hindi na rin inisip ng dalaga kung saan nagtungo ang asawa dahil wala na rin siyang pakialam, after all, isang kontrata lang naman ang pinagsasaluhan nila, isang kontrata na tatagal nang tatlong buwan.Agad na pumunta si Irene sa pinto upang i-lock ito, saka natulog sa malambot niyang kama.***Sa pagsapit ng umaga, kumunot ang noo ni Irene nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kanyang silid. Wala n asana siyang planong sagutin ang mga katok na iyon ngunit nagising ang diwa niya nang marinig ang salita ng tao mula sa kabila.“Madame, inutusan po ako ng young master na dalhan ka ng damit pamalit,” sambit ng kasambahay sa likod ng pintong iyon.Hindi pa kumpleto ang tulog ni Irene ngunit wala siyang magawa. Walang ganang tumayo mula sa pagkakahiga ang dalaga, saka lumakad patungo sa pinto at ti
Last Updated: 2024-12-01
You may also like
THE GAME MAKER (SPG)
THE GAME MAKER (SPG)
Romance · KYLIEROSE
284.8K views
A Night With You
A Night With You
Romance · Shanelaurice
275.4K views
Seducing My Hot Ninong Everett
Seducing My Hot Ninong Everett
Romance · LiaCollargaSiyosa
263.3K views
CHASING MY EX-WIFE
CHASING MY EX-WIFE
Romance · Cathy
258.5K views
MY SON'S DADDY is a MAFIA
MY SON'S DADDY is a MAFIA
Romance · Siobelicious
257.0K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status