Pilit kong winawaksi sa isipan ko ang nangyari saming dalawa ng batang bilyonaryo na iyon. Hindi madali para sa akin pero pinipilit. Hindi madali dahil paano nga naman? Single ako buong buhay ko sa loob ng 29 years and I tried to reserve my virginity for that long. Mataas ang kompyansa kong sa tamang lalaki ko lang ibibigay ang pagkabirhen ko tapos sa isang estranghero lang pala ako bibigay.
I can’t believe na bibigay ka lang ng ganun ganun lang,Solenn. Naisip ko sa sarili. Di ako makapaniwalang ganun lang pala kadali yun. Kapag nadarang ka na, mahirap na palang iwasan.
Marcus Walton is a gift na maituturing sa lahat ng Eba. Ano pa nga ba ang hahanapin dito? Mayaman, edukado at gwapo. At kung susumahin, masyado itong romantiko sa kama. Gentleman but wild. Sweet but adventurous. Isa ito sa mga first time kong tila masarap ulit ulitin---Pagpantasyahan at panaginipan. Ilang araw na bang binabalik balikan ko ang mga tagpong yun ultimo sa aking mga panaginip? Alam nya sa sariling isang oportunity yun. Isang oportunidad na makaniig ang binata. Isang pagkakataong di na mauulit pa. Dahil sa totoong buhay, kung makikilala ako ng bilyonaryong yun, ni tignan siguro ako ay di nya gagawin. Ilang linggo na ba akong nagigising na tila pagod na pagod at hingal na hingal. Damang dama ko pa din ang kada haplos ng kanyang mga daliri sa aking katawan. Bumabalik balik pa din sa akin ang mga pag indayog ng aming mga katawan sa isat isa na para bang nasaliw sa isang musika.
At ang mga mata na iyon…
Ang mga matang handang magpadurog ng aking pagkatao.
“Iha, sa counter ka muna. “Pakiusap ng Auntie Vicky. Napa igtad ako sa biglaan nyang pagtapik. Magaan lang naman ito ngunit sapat na para manumbalik ako sa realidad ng buhay.
Kailangan ko ng magtrabaho. Kailangan ko ng kumayod!
Si Auntie Vicky ay isang malayong kamag anak namin dito sa Maynila. Matagal na siya dito kaya naman habang mas tumatagal ay mas nagiging kuripot ito sa paggastos ng pera. Laging dahilan nya mahirap daw ang buhay dito, which is totoo naman talaga. On-call ako dito sa canteen sa tuwing kailangan niya ako tsaka lang ako pumupunta. Minsan tinatanggihan ko sya dahil sa mura ang service fee nya sakin pero madalas ay pumapayag na rin ako lalot walang makuhang raket sa iba. Mahirap ang buhay dito sa Manila, lalo na’t dito ang araw araw ay puro palabas ang pera.
Matanda na si Auntie kaya naman kahit mababa lang ang bayad sakin sa arawan ay pinapatos ko na. Okay na to kesa sa walang raket. In the first place, walang wala naman akong choice para mamili pa ng trabaho. Ano nga ba magagawa ng undergraduate ng high school na katulad ko sa mundo kung saan ang dokumento ang nagsasalita at ang diploma ay napakahalaga.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kusina. Iniwanan ko na ang kanina ko pang pag gagayat ng mga gulay para sa mga ulam na lulutuin mamaya maya. Masakit na rin ang aking mga daliri sa pagbabalat ng ilang kilong bawang duon sa loob at halos paso na ang mga daliri ko mula dito. Lihim akong nagpasalamat sa pagtawag sa akin para naman makatakas sa gulayan. Kaya naman dali dali akong tumayo para tumungo sa sink.
Naghugas ako ng kamay ng makailang beses para maalis ang makapit na amoy ng bawang at sibuyas. Matapos ay naghilamos ako ng mukha to refreshen up. Kinuha ko ang maliit kong make up pouch after ko patuyuin ng kitchen paper towel ang basa kong mukha. Nag liptint ako at nag bb cream .Nag apply din ko ng konting kilay at blush on na galing din sa ginamit kong liptint kanina. Mamula mula na ng konti ang aking pisngi ng muling lumingon sa salamin. Sinuklay suklay ko ng mga daliri ang aking mahabang buhok, biglaang ipinusod at nilagyan ng hairnet.
Nawala na nga ang kaninang pamumutla ko sa huling sulyap ko sa salamin at napalitan na ito ng masigla siglang kulay sa mukha. Isang malalim na buntung hininga lang ang nailabas ko matapos makita ang sarili.
“Fight” pag eencourage ko sa sarili , bago lumabas ng kusina.
May kahabaan na ang pila sa canteen at tila madami na ang naghihintay sa akin sa counter. Pinilit kong ngumiti kahit pagod na. Mabilis ang aking paglalakad pero tila ba parang nag slow motion ang lahat nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na pigura ng lalaki.
Matangkad ito na naka one sided ang buhok. Nagtama ang aming mga paningin at tila napako na ako dito. Nakakaakit ang mga mata lalo pa at nginitian pa siya nito sa kabila ng nakaharang na mask. Habang ako naman ay naglalakad ng dahan dahan. Sa palagay ko ay huminto ang paligid sa paggalaw. Nabawasan ang ingay, kundi katahimikan lang.
Wala akong narinig kundi ang kumakalabog kong dibdib. Mabilis ang mga pintig nito na tila ba may karerang nagaganap sa loob.
Pamilyar na pamilyar ang mga matang yon. Hindi ako maaaring magkamali. How could I forget?
I found myself na nakaharap na sa cash register at nakatitig sa harapan ng lalaki.
“Marcus?” wala sa ulirat kong biglaang nasambit sa kaharap. Walang kakurap kurap ang aking mga mata at walang kagatol gatol kong nabanggit. I was dumbfounded. Really.
Hello mga READERS! Mukhang hindi na makalimot si Solenn sa nakaraang FAILED MISSION nya. Madudugtungan na ba ang Marcus-Solenn romance sa tila muli nilang pagkikita? You may read the next chapters by watching Ads. Kaya ano pang hinihintay nyo?(ANN LEE) READ na!!!
Pauwi na sila Solenn at habang palapit na palapit si Solenn pa Maynila ay mas lalong dumadagundong ang kaba niya sa dibdib at para ba siyang hihimatayin ng biglang nag ring ang kanyang telepono ng paulit ulit. Si inay. Tumatawag si Inay. Gusto nya sanang wag sagutin ang tawag na yun pero para bang mas malakas na dumadagundong sa kanyang pakiramdam ang puso nya. In the first place, di ugali ng kanyang ina ang tawagan siya lalo nat alam nitong she is working. She clicked the answer button at duon ay mas lalo pa siyang natulala sa nakita.Hindi makakurap kurap si Solenn sa bumungad sa kanya sa video call. Si nanay at si kuya... Dinaig ang lamig na nararamdaman nya kanina sa isipin kung paano nya sasabihin sa boyfriend nya ang katotohanan. Gumapang ang lamig na iyon mula sa kanyang mga kamay hanggang sa buo niyang pagkatao. Sa pakiramdam nya ay pinagpapawisan siya ng tubig na may yelo. She was frozen at hindi nya rin magalaw ang kahit na anong parte ng kanyang katawan. "Solenn, and
Flashback***(9 months ago)Eto na ata ang pinakamasayang araw ni Solenn na kasama nya ang lalaking pinakatatangi tangi nya. Nagrehistro sa langit ang mga salitang Will you marry me, Solenn? Kinusot nyang bahagya ang kanyang mga mata sa nakita at sumulyap sa binata.Nakita niya itong nakaluhod sa gilid niya.Napasinghap na lang siya sa nakitang gesture nito.He is proposing?Gaya ng ibang nag propropose. Nakaluhod ito sa harap nya at ang mga staff ay nasa likuran nila. May dala dalang mga letters at nakalagay dun ang mga salitang "Please say YES baby."Totoo ang mga video na napapanuod natin sa facebook at anupaman. Walang ni isa man salita masabi si Solenn sa nakita. Kusang dumaloy ang mga luha nya sa mga mata. She's trembling. She can't even utter any word."Will you marry me, baby?" muling pagtatanong ni Marcus.Tanging pagtango na lamang ng paulit ulit ang nagawa ni Solenn at inilahad nya ang pala
"Pwede nyo na pong tignan ang kambal bago po namin sunugin." Huling sinabi ng lalaking may nakasukbit pang sigarilyo sa bibig. Maliit lang na crematory ang lugar na nasa gitna ng pampublikong sementeryo sa syudad. Tila wala bang narinig si Solenn na sinabi ng lalaki. "Solenn, anak." mahinahong pagkalabit pa ng Auntie Vicki sa kanya. "Magpaalam ka na sa mga anak mo." Malumanay ang boses ng matanda na nagpabalik sa ulirat ni Solenn. Tinignan lamang ni Solenn ang auntie na kanina pa maga ang mga mata sa kakaiyak para sa mga sanggol na nasa harapan nila at bahagyang nakatakip ang mga mukha ng kapirasong tela. Okay na po. Pwede nyo na pong i-cremate. Eto sana ang gusto nyang sabihin sa lalaki na naroroon. Ayaw na niya sanang makita ang mga sanggol na minsan nyang naramdaman sa kanyang katawan. Hindi nya matanggap na ang mga mumunting nilalang na minsan nagbigay sa kanya ng pag asa ay daglian namang binawi sa kanya.Pakiramdam nya ay naging madamot sa kanya ang mundo at ang mga pagkaka
Hindi na matiis ni Solenn ang halos ilang oras na niyang pagkakahiga sa hospital bed. Kabuwanan na niya at hindi nya inaasahang na ganito pala kahirap magluwal ng bata. Lahat na ata ng santo ay itinawag na nya sa isip niya. Pati ang pangalan ng kuya at nanay nya sa mga oras na iyon. Ngayon lang niya naranasan ang tumagaktak ang pawis nya na butil butil. Pakiramdam ni Solenn ay malalagutan na siya ng hininga alinmang oras."Diyos ko po..." Hagulgol ng dalaga habang nakahawak sa unan nito sa uluhan."Kesa magtawag ka ng diyos eh iire mo na lang yan. Mali kasi ang pag ire mo." Iritableng sabi pa ng doctor. "Konti na lang at i-ccs ka na namin, kaya mo pa ba?"Tila mas natakot si Solenn sa narinig. Marami siyang di magandang naririnig sa pag CCS kaya naman pipilitin nyang ilabas ng normal ang sanggol nya."Kakayanin po doc." lakas loob nyang pagsagot kahit alam niyang may pagkabahala siyang nararamdaman."isang ire pa ng malakas. Hinga
Simple lang ang buhay na meron ako. Simple at mahirap pero di kumplikado. pero ng nakilala at mimahal ko si Marcus nagbago ang takbo ng buhay ko. at binago din nito ang pananaw ko sa buhay. ********************** "Hoy bagong salta! Tumayo ka nga diyan." Ilan buwan na nga ba siya sa lugar na yon pero bago pa din ang tingin sa kanya ng mga tao na naaandon. Napasinghap si Solenn ng halos tila malunod siya sa pagkabuhos ng tubig sa kanyang mukha sa higaan habang natutulog. "Masarap ang pagkakahiga mo diyan, habang kami siksikan dito sa paanan. Magkakaamoy na kami dito sa pawis habang ikaw buhay prinsesa." habang nagtatawanan pa ang ibang kasamahan nila sa nakakarinig. At ang iba naman ay naiiling na lamang at kibit balikat sa lahat ng nangyayari." Ano? Di ka pa din tatayo dyan?" mataas taas na ang tono ng babae sa harapni Solenn."Pasensya na, masama kasi pakiramdam ko." pagdidipensa pa ng dalaga."Pasensya na, masama kasi pakiramdam ko." pangungutya pa ng malaking babae ng in
"Marcus?""Yes, baby?"Walang tingin tingin na pagsagot ni Marcus kay Solenn habang nag da-drive. Pauwi na sila sa mga Gutierrez at tila nakaramdam naman si Marcus na hindi na rin gusto ni Solenn ang masyadong magtagal pa sa mansion. Habang si Solenn naman ay naghahanda na kung paano aamin sa boyfriend.Ilang beses na rin niyang pinag iisipan sa kung paanong paraan ba niya kakausapin ang lalaki tungkol dito.Dapat ba sa mas tahimik na lugar?Dapat ba sila lang dalawa?"May sasabihin sana ako sayo." lakas loob ni Solenn."Ako din eh." sabay ngiti pa nito sa dalaga ng sumulyap."Ano yun? Ikaw muna." She was trying to buy more time for herself.But instead sumagot agad ay hinawakan lang ng mahigpit ni Marcus ang kamay na kanina pa nanlalamig."Ang lamig ng kamay mo hahaha." Puna ni Marcus sa dalaga."Ikaw din naman eh. " pabalik na puna ni Solenn.At nagkangitian ang dalawa ng