Share

CHAPTER 4: "Di ka ba buntis?"

I found myself na nakaharap na sa cash register at nakatitig sa harapan ng lalaki.

“Marcus?” wala sa ulirat kong biglaang nasambit sa kaharap. Walang kakurap kurap ang aking mga mata at walang kagatol gatol kong nabanggit. I was dumbfounded. Really.

****************************************************************************************

She can’t understand the feeling. Iba ang pagtalon ng kanyang puso sa pagkakita ng pamilyar na pigurang yon. Titig na titig si Solenn sa lalaki na para bang di makapaniwala sa muli nilang pagkikita at di mapigilang mapangiti.She was mesmerized by just looking directly to his eyes.

Ang ganda ganda talaga ng mga matang yon. sapantaha nya.

Habang ang lalaki naman ay nanatiling nakadirecho ang braso to give his payment para sa pagkaing inorder nya sa linya kanina pa.

Hanggang sa nakaramdam si Solenn ng tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa pagbalik ng kanyang ulirat na nawala ng saglitan lamang. Natuon ang pansin nya sa kamay ng lalaki. Malalaki ang mga daliri nito at mahahaba ang kuko na medyo nanggigitata sa dumi. Barakong barako ang kamay ng customer na mukhang sagsag sa trabaho.

Hindi ganito ang kamay ni Marcus.  Pagkumpirma nya sa sarili. Bigla siyang nalito.

Muling ibinalik ni Soleen ang tingin sa lalaki sa kanyang harapan . Mula kamay hanggang mata. Mata patungo sa dulo ng mga daliri at duoy nanlaki ang kanyang mga mata.

Susmaryoseff! Nag-hahallucinate na ba siya?

Gusto nyang ilublob ang sarili sa tubig ng mahimasmasan. Hinihila na sya ng kanyang mga paa para magtago sa kahihiyan. Madami na ang mga tao sa pila na di malaman kung kikiligin o magtataka sa kung anong mahika ng pag ibig ang nagpahipnotismo sa kanya sa lalaking customer.

Daglian nyang binawi ang kaninang malawak nyang pagkakangiti ng makumpirmang malayo ni sa anino nito ang binata. Ang kaninang abot tengang ngiti ni Soleen ay napalitan ng biglaang pagbabago ng mood nya. Namula ang mukha ng dalaga at kinuha ng walang anu ano ang lilimandaang pera na hawak ng lalaki.

Minadali nya ang pagkilos sa pagbibigay sukli sa napagkamalan nyang customer na kunwari ay walang anuman ang nangyari. Iniwasan nya ang tumingin muli dito sa pagkakapahiya. Muli siyang napatingin sa customer ng mapansing hindi pa rin ito umaalis kahit na naibigay na nito ang tamang sukli sa lalaki.

Tinaasan nya ito ng kilay na para bang may pagtatanong kung bakit naroroon pa ang binata. Nameywang pa ito ng di natinig ang lalaki sa pag arko ng kanyang kilay.

“Ako nga pala…” pagpapakilala nito matapos hubarin ang mask na kanina pa nagkukubli sa kanyang mukha.

Ngumiti ito at tumambad ang tila manilaw nilaw nitong  mga ngipin at ang bakod sa unahang linya ay nakukulangan pa ng isa. 

Mapaet na ngumiti si Solenn sa nakita at napalunok ng bahagya.

“Okay na po. “ Putol ni Solenn sa sasabihin ng binata. “Mahaba po ang pila, oo! Kaya wala po tayong dapat sayanging oras sa pagpapakilala. “may pagkasarkastikong pagsasalita ni Solenn kahit sinabayan nya pa ito ng pagturo sa mahabang pila sa counter. Nagkunwari pa ito na busy busy han at di mapakali sa pagkilos. “Next!” paglakas pa ng boses ng dalaga para mapilitan na ang naunang lumakad patiuna sa pila.

Alam ng dalaga na mali ang ginawa nya. Nakaramdam siya ng kaunting guilt sa ginawa. Di naman kasalanan ng lalaking makakita ng opportunity sa pagkakataon na yon. Di naman nito kasalanan mapagkamalan nyang si Marcus ito. Nakisuyo na lamang siya sa kasamahan na padalhan ng mainit na sabaw ang lalaki para makapag pasensya at makabawas sa ginawa nyang kamalditahan.

" Okay na daw, " pagkumpirma pa ng kasamahan nya sa trabaho regarding dun sa customer na napagkamalan nya.

Pumait ang kanyang panlasa kasabay ng pagbabago ng kanyang mood. Di ba malaman ni Soleen kung bakit pero biglang sumama ang kanyang pakiramdam. Hindi nya makumpirma sa sarili kung dahil ba ito sa pagkapahiya nya sa sarili o talagang pagod lang siya ng mga nakaraang araw.

Inilapat nya ang kanyang likod sa malambot na upuan sa loob ng kusina matapos ang dagsaang pagpasok ng mga customers sa canteen. Ramdam na ramdam nya ang pagod sa araw na yon at pagkadismaya. Sa puso nya, masaya sya sa ideya na makitang muli si Marcus kahit na ipinangako na niya sa sariling di na sila muling mag kru-krus pang muli ng landas.

“Wala ka ata sa mood ngayon.” bati ng Auntie VIcky nya.  

Sanay kasi ang matandang lagi siyang masigla  at masiyahin. Maliban sa mga nakaraang linggo. Napansin din nyang parang latang lata na rin sya at tila laging matamlay.

“Pagod lang po.” at napabuntung hininga pa ang dalaga sa pagkakasabi nyang yun.

“Hindi magandaang kulay mo ngayon. Mukha kang maputla.” dugtong pa ng matanda.“Di ka ba buntis?” at sinabayan pa ng matanda ng pagtitig sa kanyang mga mata. At ng makitang natulala ang dalaga sa pagtatanong niya ay bigla nitong hinampas ang dalaga. “Joke lang.”

“Auntie naman, wala nga kong boyfriend.” may paet nyang pagkakasabi.

“Alam ko, joke lang yun. Makikipag relasyon ka pa ba eh wala ka na ngang oras para sa sarili mo. Tignan mo nga yang sarili mo? Ni magpagupit di mo na magawa. Ang dry dry na ng hair mo. May sariling buhay ka din.” patuloy pa ng tiyahin.

“Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang inay at ang kuya, auntie.” at mas lalong nangibabaw ang lungkot sa puso ni Solenn. “ Mas kailangan ng tulong ngayon ng kuya sa mga treatment nya at mga pain relievers  na need nya sa pang araw araw.” dugtong pa ng dalaga habang nararamdaman nyang halos mangilid ngilid na ang mga tubig sa kanyang mga mata.

“Oh siya, iiyak ka na naman.” at kinuha ng matanda ang isang kamay ng dalaga at inilapat ang isang sobre sa palad nito. “May dagdag yan di lang kalakihan. Pasensya na kayo yan lang ang kaya kong maibigay sa inyo sa ngayon na tulong.” at ngumiti pa ang matanda sa kanya at pinisil pisil ang palad ng dalaga. “ Pwede ka ng umuwi at magpahinga ka.”

Hindi alam ni Solenn kung anong nakain ng tiyahin nya at bigla itong nagpauwi ng maaga at bumaet baet. Nabawasan ang masungit na mood nito na dati rati ay puro pera lang naman ang lagi nitong pinoproblema.

Sa unang pagkakataon ay napayakap siya dito at nagpaalam para mauna ng umuwi.

Inayos na nya ang kanyang mga gamit at dali daling nagpalit ng sapatos at nagsuot ng sombrero sabay kuha ng kanyang knapsack.

“Bye!” Pilit-sigla nyang pagpapaalam sa mga natitirang mga tauhan ng auntie Vicky.

Hinila  nya ang bakal ng pintuan ng canteen para buksan ng sa di nya malamang kadahilanan ay tila biglaang umikot ang kanyang paningin.

“Di ka ba buntis?”

Parang echo na nagpaulit ulit sa kanyang balintataw ang salitang binitawan ng kanyang Auntie Vicky. Nagkaroon ng kaba sa kanyang dibdib lalo na ng naramdaman nyang unti unti na siyang bumibitaw sa pagkakahawak sa bakal na yon. Mga sigawan na lamang ang narinig nya at ang kanya kanyang pagtawag sa kanyang pangalan.

“Solenn!!!”

“Solenn, ano bang nangyari sa batang to?” ang huling mga salitang narinig ng dalaga bago nya tuluyang naipikit ang kanyang mga mata.

ANN LEE PEN

Hello mga ka-ANN LEE READERS! Nagkaka hallucination na ata ang ating bidang babae. Pano yan kung buntis siya sa binatang bilyonaryo? Pwede na ba siyang mabaliw kay Marcus? Hehe. You may read the next chapters by watching Ads. Kaya ano pang hinihintay nyo?(ANN LEE) READ na!!!

| Like
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Adora miano
NAKU!!! nagbuga na paano na yan
goodnovel comment avatar
Elizabeth Cabanilla
thank you more please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status