One year after...Kinuha ni Solenn ang kanyang simpleng smart phone sa kanyang kanang bulsa at ang kanyang portable speaker sa kanyang knapsack. She turned on the bluetooth at kinonekta ang bawat isa. Unti unting naririnig na nya ang music na nakakaindak sa kanyang pandinig. Tamang tama para isabay sa gawaing bahay at pagpapapawis. Masarap isabay ang pag indak sa pagpupunas ng mga mwebles. Kasabay ng kanyang pagpapatugtog ay ang paglabas ng kanyang apron na dagliang ipinatong sa kanyang katawan at itinali sa kanyang likuran. Isinuot nya na rin ang mask para sa kanyang ilong. At iniabot ang feather duster na naka hang sa likod ng main door. Sinimulan na nyang mag linis at magpunas punas ng mga furniture na nandoon habang iniindak ang sarili sa masayang tugtugin.Napagitla siya sa doorbell na narinig sa loob ng bahay kung saan siya nagtratrabaho ngayon. Inalis nya ang mask na nasa bibig nya at ang kanyang apron. Naghugas din ng kamay na nagmamadali bago pa tumungo sa may pintuan. Daha
Hindi ko nga ba alam kung bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Minsan ang mga bagay na gustong gusto na nating kalimutan at iwasan ay kusang magpaparamdam sa mga buhay natin. Sino nga ba naman ang may gustong masaktan ng paulit ulit? O kaya naman ay mahalungkat pang muli ang nakaraan na gusto na nating kalimutan. Eto ako ngayon. Nasa harapan ko ngayon ang lalaking unang nagpatibok ng aking puso at umangkin sa aking pagkababae. Naglalakad palapit sa akin na tila ba nagka amnisya. Walang bahid sa kanyang mukha na naaalala pa nya ako. Nagkukunwari lang ba ito? o talagang ibang iba lang talaga ang hitsura ko ngayon kesa nung nasa ospital? Ganun ata talaga ang mga mayayaman. Sa pantaha ko, sa dami ng nakikilala nilang mahahalagang tao sa pang araw araw nilang pamumuhay ay hindi na nila alintana ang mga maliliit na bagay o tao para pahalagahan. Ibang iba sa mga katulad naming mga laki sa hirap. Kitang kita ko si Marcus na palapit sa akin. Malaki ang pagkakangiti. Wala pa ding n
"Take me home, Solenn." Na lalong nagpalaki sa mga mata ni Solenn sa narinig mula kay Marcus. "Please..." dugtong pa ng binata habang hawak hawak sya nito sa beywang at marahang isinasayaw. Napatigagal si Solenn sa harap ng binata at tinignan ang kabuuan nito. Bahagyang lumayo ang dalaga sa lalaki. Mukhang lasing na nga ito at mapula na ang mukha. Kanina pa rin kasi ito umiinom at walang tinatanggihan na cheers ng mga bisita. Tila patapos na rin naman ang party na kanina pa din naman nagsimula. Ang ibang mga bisita ay pawala na halos. Di rin naman kaila sa kanyang sarili na kanina pa din nya sanang gustong umuwi ngunit ayaw siya talagang tantanan ng binata. Nagsimula lang ito sa simpleng pag aya ng pagsasayaw na sa akala niya ay kaya niyang malusutan. Naalala pa nya ang mga pangyayari kanina. "Can I dance with you?" Biglang tumugtog ang isang love song at nakita niya na lang ang paglahad ni Marcus ng kanyang palad towards her. She just looked and sighed. She tried harder not to s
"Miss Solenn, hindi nga pwede yung sinasabi mo?" "Anong hindi pwede? Eh di ba ikaw ang driver nya?" Tiim bagang na pagsasabi ni Solenn kay George. Hindi malaman ng dalaga kung anu ang personal na relasyon ng dalawang lalaki pero ito ang kanina nyan unang nakitang magkasama sa party na nag iinuman ng dumating siya. Hindi mapigilan iemphasize ni Solenn ang salitang driver sa kaharap. "Ayyy oo nga pero hindi nya ko alalay para ihatid ko pa siya sa condo unit nya. " pagsimangot pa nito sa harap ni Solenn. Hindi maipaliwanag ni Solenn ang sitwasyon. Tauhan na maituturing si George ng binata pero ayaw man ito pagmalasakitan na iuwisa condonito kahit na lasing na lasing pa ang sariling amo. "Yung amo mo lasing, tapos nagpapahatid sa akin. Babae ako and I am wearing this." sabay turo sa magarbo pa nitong sexy dress. Tinignan siya mula ulo gang paa ng lalaki at mula ulo gang sa malulusog nitong dibdib. "Stop!" sabay pag muestra pa nito ng kanyang kamay na malapit sa pagmumukha ng driver
(Point of view ni Marcus) "Who's that woman?" Gulat na gulat na tanong ko sa driver kong si George habang titig na titig sa babaeng nakadress na puti. Hapit na hapit sa katawan ng babae ang dress na iyon at kumikinang ang mga brilyanteng nakakabit sa tela nito. Ang kada paggalaw ng babae ay lalong nagpapakinang sa kanya. Hindi ito katabaan ngunit lalong di payat. Tamang pangangatawan lamang na handang magpakinang ng kahit na anong damit na naroroon .Papasok pa lang ito sa garden ngunit takaw attention na ang babae. Litaw na litaw ang ganda nya sa aking paningin at sa ibang bisitang naroroon."Ang ganda nya no?" komento ni George. "Oo. Napakaganda." sagot ko. Hindi ko nilubayan ang dalaga sa pagtanaw. Na tila ba ngayon lang ako nakakita ng isang napaka gandang babae. HINDI! Mali! Ngayon lang ako nakakita ng totoong diyosang ipinagkaloob ng langit. Ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay para bang naeengganyo ako ng husto sa mga kilos nito. Lalo akong na attract sa pagngiti nito n
Sunod sunod na pag do door bell ang siyang nagpagising sa himbing na himbing na pagkakatulog ni Solenn. Sino ba tong door bell ng door bell na to? napaisip siya at napatingin sa cell phone. 8 am pa lang ng umaga at kulang pa siya sa tulog dahil 4 am na siya nakapag pahinga kagabi. "Saglit lang," pupungas pungas pa siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Nagsuot ng step in na pambahay at tuluyang inunlock ang door knob at inikot ikot ang double lock sa itaas. Hindi niya mapigil ang tahulan ng mga aso na lalong nagpataranta sa kanya. Maluwang nyang binuksan ang pinto ng condo unit na halos silaw pa sya sa liwanag. walang hilamos.walang suklay..."Ano pong..." Hindi pa natatapos si Solenn sa pagtatanong ay para ba siyang lalagnatin sa nakita. "Ikaw???" Gulat na gulat na pagtatanong ni Marcus sa kanya. "AKO???" Gulat din na pagtatanong ng dalaga sa di inaasahang bisita. Nagpalinga linga pa ito sa likuran to check kung may nakikita ba ito na di nya nakikita na nagpapagulat sa kanya.
Bago pa man din makasagot si Solenn sa makahulugang tanong ni Marcus ay tuluyan ng bumitaw ang lalaki sa pagkakahawak sa kanya. Tuluyan na nitong hinawakan ang door knob to get out na di naman pinigilan ni Solenn. Naiwang tulala si Solenn at napasandal na lamang ito sa likod ng pinto habang hawak hawak ang sariling dibdib. She lied. Everything is a lie. His lips are so soft and yet too addictive. Yun ang mga labing hinding hindi nya pagsasawaang halik halikan. Para bang isang magnet na kapag naglapit ay ayaw ng maghiwalay. Matamis ang mga likidong nasa bibig ng binata na siguradong hahanap hanapin mo. Ang paggalaw ng kanyang bibig at dila ay parang awtomatikong nag si- synch sa kanya. Hinawakang muli ni Solenn ang kanyang mga labi at muling napaisip. Sa isip nya ay tila may kilig siyang naramdaman. Ngunit sa kabilang banda ay may takot. Last night was a different thing. Para kay Solenn, masaya siya na kaharap nya ang lalaking unang umangkin sa kanya na di na kailangan p
Humahangos na pumasok si George sa loob ng kwarto ng amo nyang si Marcus. Nakatayo ito sa may bintana at walang pang itaas habang nakapamulsa naman na nakadungaw sa kawalan. Seryoso ito at hindi maipinta ang mukha. "Boss Marcus?" pagmamadali pa ng driver habang hawak hawak ang kaliwanag dibdib nito sa hingal. "Bat ang tagal mo?" seryosong pagtatanong ng binatang bilyonaryo. :Kanina pa kita tinatawagan and I texted you several times." Seryoso pa nitong sabi habang naglakad sa gilid ng kama para punan ang liquor glass na nasa tabi nito. Sinulyapan ni George ang malaking orasan sa loob ng kwarto at nakita niyang 8:30 pa lamang naman ng umaga. 9 am naman madalas ang pasok nya sa amo dahil wala naman ito gaanong ginagawa pa sa ngayon. Napaisip siya sa kung anu bang dahilan ng pagmamadali nito. May party bang pupuntahan? May meeting na biglaan? May restaurant na gustong kainan? He was thinking a lot of possible things pero Marcus is not like that. Lahat ng bagay ay naka schedule. ka