เข้าสู่ระบบ"Kuya Reagan is home!"Mula sa itinutupi na mga damit ay dumako ang tingin ni Zarayah sa kanilang anak na agad na nagtatakbo palabas ng kwarto. "Isabelle, don't run! Baka madapa ka!"Mabilis niya itong hinabol dahil baka mahulog ito sa hagdan. Nakahinga siya ng maluwag nang maabutan niya ito at kinarga na pababa sa sala. "Don't do that, baby. Paano kung matapilok ka sa hagdan at masaktan? Do you want to see me cry?"Ngumuso ang limang taong gulang na anak ni Zarayah. Isabelle Faith Escalante. Kamukhang-kamukha ito ng ama. Parang girl version ni Carcel. Bahagya pa siyang nagtampo noon dahil wala man lang nakuhang genes ang kanilang anak sa kanya. Natatawa na lang sa kanya noon ang asawa at sinabing siya naman daw ang kamukha ng susunod nilang anak. And she was three months pregnant now. "Sorry po, Mommy.." hinging tawad ni Isabelle at hinalikan pa ang pisngi ng ina. "I couldn't wait to see Kuya Reagan. I missed him already."Napangiti naman si Zarayah sa ginawang iyon ng anak. Sobra
Mahinang napasipol si Carcel habang pinagmamasdan si Zarayah na umahon mula sa dagat. Her skimpy bikini clung to her body like a second skin. Bahagya pa siyang napakagat ng labi habang masusing pinapasadahan ng tingin ang bawat makurbang detalye ng katawan nito. Tangina talaga. Ang tangi na lang niya talagang magagawa ay tumitig sa kanyang napakagandang asawa katulad ng ibang mga tao na narito rin sa tabing dagat. He was feeling possessive but he couldn't do anything about that anymore. Normal lang talaga ang humanga sa isang tao. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin kay Zarayah lalo na at ganito pa ang suot? Muli na naman niyang naalala ang mahina nitong ibinulong kanina. Umabot iyon sa kanyang pandinig na kung hindi lang nito kandong ang kanilang anak ay baka ginitgit na niya ito sa kinauupuan upang ipaulit ang mga katagang binitawan. Napabuntong hininga siya. Kailan kaya niya ulit ito mahahawakan? He dreamed about it every night. Na sa tuwing magkatabi sila ay umaasa ang
"Dada! Why don't we take Mommy to the art studio that you built for her? She will surely love it!"Pasimpleng nakikinig si Zarayah sa usapan ng mag-ama. Kababalik lang nila dito sa San Juan. Nai-chika nga sa kanya ng anak ang tungkol sa ipinagawa ni Carcel na kanyang shop noon. At gustong-gusto niyang makita iyon. Hindi nga lang niya kayang sabihin iyon sa asawa kaya nakisuyo na lang siya kay Reagan na ito na ang magsabi."We can go there tomorrow. Hindi ka pa ba pagod sa biyahe?" malumanay ang boses na tanong ni Carcel sa anak. Nasa sala ang mga ito at nagpapahinga galing sa mahabang biyahe. Siya naman ay nasa kusina at naghahanda ng meryenda ngunit alerto ang tenga sa pakikinig sa usapan ng dalawa.Humaba ang nguso ni Reagan sa nakuhang sagot sa ama. Hindi niya pwedeng biguin ang Mommy niya! "I'm not yet tired, Daddy! You can rest there as we watch sunset. Malay niyo po, baka matuwa si Mommy kapag nakita niya ang shop na ipinagawa niyo. Magkakabati na rin kayo. Don't you want that?
Maingay. Magulo. Mabaho...Iyon ang naabutan nila Zarayah at Carcel sa mental hospital na pinuntahan nila. Bahagya ring madilim ang loob ng building. Ang ilang mga gamit ay sira na. May mga basag na mga bintana, ang mga dingding ay nagtutuklapan na ang mga pintura, ang maliit na hardin ay tuyot na tuyot. Meron ding ibang mga pasyente ang nakalabas sa kanilang mga silid at hinahabol pa ng mga staff.Napangiwi si Zarayah sa eksenang naabutan nila. Hindi niya lubos maisip na dito nakalagay si Sofia. Ayon sa kanyang ina ay wala raw itong alam kung saang pagamutan ito dinala dahil hindi na raw nag-abala pa na pakialaman pa ang babae. Kaya sila na ang nagtanong tanong sa hospital kung saan ito huling na-admit noon. To which lead them here.Walang maayos na pasilidad at halatang napabayaan na. It's still under operation because of the growing population of people with mental issue. Maayos din ang pasahod sa ilang trabahador dito. Iyon nga lang ay kakaunti lang dahil nga sa ganitong ayos ng
Namumugto na ang mga mata ni Cristina sa kakaiyak simula pa kanina ngunit hindi pa rin matigil ang mga luha niya. Nagulat siya kaninang umaga nang biglang dumating sina Carcel at ng kanyang apo sa kanyang bahay. Kabibisita lang ng mga ito noong nagdaang araw kaya nalito siya dahil lumuwas na naman ang dalawa dito sa siyudad.But her confusion instantly changed into shock and astonishment upon seeing the person who was with them. Akala niya ay multo. It's her beloved daughter— Zarayah. At buhay na buhay ito!Cristina had emotional breakdown at muntik pang isinugod sa hospital. Nang mahimasmasan ay doon na ito nag-iiyak ng walang humpay, ganun din si Margareth at ng buong pamilya nito.Halos hindi pakawalan ni Cristina ang anak na matagal na nawalay sa kanya. Naniniwala siyang namatay ito noon dahil wala ngang na-recover na mga bangkay.Isa itong malaking milagro. Iyon lang ang tanging nasa isip niya habang ikinukwento ng dalaga ang lahat ng nangyari dito— mula sa aksidente hanggang sa
"Mommy! Where are you?!"Hindi na hinintay pa ni Zarayah na mahanap siya ni Reagan dahil siya na mismo ang pumunta dito. Halos tumakbo na siya sa matinding saya na sa wakas ay makikita na rin niya ang kanilang anak. Just like Carcel, hindi ito nawala sa isip niya. Gusto sana niyang lumaki ito na may buong pamilya. He must be longing for a mother's love. Sana nga lang ay hindi ito nabu-bully sa paaralan kapag may meeting o family activities na wala ang presensya niya. "Baby!" tili niya nang makita ang bata."M-Mommy?!"Namilog ang mga asul na mata ni Reagan pagkakita sa ina na matagal na nawala. Agad itong nagtatatakbo at nagpabuhat sa dalaga.Tuluyan nang nahulog ang mga luhang kahapon pa pinipigilan ni Zarayah nang madama sa kanyang mga bisig ang kanyang anak.Ang laki na nito! At amoy polbo."Mommmy!!" atungal ni Reagan sa ina na pinaghahalikan pa sa buong mukha. "I thought. .. I thought we've lost you forever! Waahhh!""I know.. I know. I'm sorry, baby. I missed you so much. Momm







