LOGINNaging katatawanan ng buong sambayanan si Zarayah Del Valle nang kumalat ang balitang nakipagrelasyon siya sa isang magsasaka matapos siyang hiwalayan ng asawa. Desperada na raw siya at kung kani-kanino na lang pumatol. Sa galit at kahihiyan na dulot niya sa kanilang pamilya ay itinakwil siya ng mga magulang. Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay parang asong ulol na naghahabol ulit sa kanya ang dating asawa. Halos magkanda-dapa ito at magmakaawa para lang makuha ang atensyon niya. "Please, Zarayah. Bumalik ka na sa akin. I'll do anything. Gagawin ko ang lahat upang mahalin mo ulit ako." Pumayag ang dalaga sa kagustuhang makaganti dito at sa kanyang kapatid sa ginawa nitong pang-aagaw kay Ethan. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay malalaman ng bago niyang asawa ang kanyang mga pinaggagagawa! At isang gabi nga, sa loob ng mahabang panahon ay bigla itong lumitaw sa kanyang tirahan ng walang pasabi, wala ng pang-itaas na damit at nagbabaklas ng sinturon. Madilim ang mukha nito at nag-iigting ang panga sabay sabing... "Get your hands and knees on the bed, my lovely wife. You need to be punish." •• THIS STORY CONTAINS A LOT OF MATURE SCENES | PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK. ••
View More"Walang hiya ka! Mang-aagaw ka ng asawa hayop ka!"
Walang pakundangan na sinabunutan ni Zarayah ang mahabang buhok ng babaeng hinila niya mula sa pagkakahiga sa kama. Hubo't hubad pa ito at wala siyang pakialam kahit mabunot pa ang lahat ng buhok nito sa anit! "A-Aray.. Please, tama na. Nasasaktan ako!" pagmamakaawa nito ngunit parang nabingi na siya sa matinding galit. Nagklat na rin ang ilang mga hibla ng buhok nito sa sahig. "Honey, are you awake?" Binuksan ni Ethan ang pintuan ng hotel room. Ngunit ang matamis na ngiti sa labi ay biglang nabura sa nabungarang eksena sa loob ng kwarto. Agad niyang nabitawan ang mga pinamili at dali-daling inawat ang dalawang babae. "Zara! Anong ginagawa mo dito? Itigil mo na iyan! Tingnan mong walang kalaban-laban sa iyo si Sofia!" At imbes na kumalma ay lalong nag-init ang ulo ni Zarayah sa narinig na para bang mas kinakampihan pa nito ang babae kaysa sa kanya. May halo rin ng galit ang boses nito. Iwinaksi niya ang kamay ni Ethan at binigyan ng malakas na sampal. "Ikaw pa itong may ganang magalit? Nawala lang ako ng ilang araw pero heto at nangka-kama ka na ng ibang babae? Ako ang asawa mo, Ethan! How can you do this to me?!" Taas baba ang dib dib ni Zara habang puno ng galit, pagkabigo at sakit na nakatingin sa kanyang asawa. Kauuwi lang niya galing business meeting sa abroad nang sinalubong siya ng pinsan ng masamang balita. Kaibigan ni Lexie ang may-ari ng hotel na ito na nasa kabilang lungsod pa. Namukhaan nito si Ethan at agad na nagsumbong sa kanyang pinsan na may kasama itong ibang babae. Kaya kahit na pagod pa sa biyahe ay dali-dali siyang lumawas dito kasama si Lexie. They were married for almost a year and tomorrow was supposed to be their first wedding anniversary. Iyon ang dahilan kung bakit siya umuwi nang maaga. Susorpresahin niya ito ngunit siya ang nasorpresa. Samantala, natulala naman si Ethan sa ginawang pagsampal sa kanya ni Zara. Ngunit hindi nagtagal ay dumako rin ang tingin kay Sofia na nakalugmok at umiiyak sa sahig. Agad niya itong dinaluhan at inalo. Para bang may punyal na sumaksak kay Zarayah nang basta na lang siyang tinabig ng kanyang asawa upang daluhan ang babae nito. Kumuyom ang kanyang mga kamay. Nanunubig ang kanyang mga mata pero pinigilan niya ang maiyak sa harap ng mga ito. "Ethan—" "Stop it, Zara. Huwag mo akong galitin." May pagbabanta na ngayon ang seryosong boses ng binata. "Umalis ka na dito. Sa bahay na lang tayo mag-usap." "Pero—" "I said leave and go home! Ano ba ang hindi mo maintindihan doon, Zarayah?!" bulyaw ni Ethan na siyang ikinatigagal ng dalaga. Ni minsan ay hindi siya sinigawan ng asawa.. hindi nagalit nang ganito. Pero ngayon ay parang ibang tao na ang kaharap niya. Mabigat man ang loob ay napilitan si Zara na umalis. Pagkalabas na pagkalabas ng silid ay doon na nagsiunahan na tumulo ang kanyang mga luha. Sobrang sakit. Parang dinudurog ang puso niya. Sa buong biyahe pabalik ay halos pag-iyak ang ginawa ni Zara. Naaawa man si Lexie sa pinsan ay wala naman siyang magawa upang pagaanin ang loob nito. "Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng makakausap, okay? We're always here for you. Kaming mga pinsan mo." Sa kabila ng mga namumugtong mga mata ay pilit na ngumiti si Zara. "Thanks, Lexie," aniya bago pumasok ng kanilang bahay. Hindi natulog si Zara nang gabing iyon sa kakahintay sa kanyang asawa, hindi na rin kumain. Halos madaling araw na nang marinig niya ang pagdating ng sasakyan nito. Sa sala pa lang ay kinompronta na niya ito. "Bakit ngayon ka lang umuwi? I've been waiting you the whole night. Saan ka nanggaling? Kasama mo ba ang babaeng iyon hanggang sa oras na ito—" "Pagod ako, Zara. Bukas na lang tayo mag-usap," malamig nitong turan at basta na lang siya nilampasan. Kumuyom ang mga kamay ni Zara at sinundan ang asawa. "Ganun na lang iyon? Kung umakto ka ay parang wala kang ginawang kasalanan sa akin! Hinintay kita para makapag-usap tayo—" "Hindi ko sinabing hintayin mo ako!" puno ng pagtitimpi na sigaw ng binata ngunit banaag na doon ang galit. Tigagal naman na napatingin si Zara kay Ethan. Ito pa ngayon ang may ganang magalit? Ito ang nagtaksil sa kanilang dalawa! Hindi na napigilan ni Zara ang sarili at sinugod ang asawa. Pinagsusuntok niya ito sa dib dib habang umiiyak. "Bakit mo nagawa sa akin ito, Ethan? I've been a good wife to you! Ibinigay ko ang lahat ng pagmamahal ko sa iyo! Lahat ng pagtitiwala ko! Ano pa ba ang kulang ha? Ano pa ba ang kulang?!" "Alam mo kung ano ang kulang!" sigaw ni Ethan sa namumulang mukha. Pinigilan niya ang mga kamay ng dalaga at mariin iyon na hinawakan. "Alam mo ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon!" "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo!" "Matagal tayong naging magkasintahan, isang taong kasal! Ngunit ni isa ay hindi man lang kita magawang maangkin! May pangangailangan din ako bilang isang lalaki na kahit kailan ay mukhang hindi mo maibibigay sa akin!" Parang gripo na bumuhos ang mga masaganang luha ng dalaga. Masakit tanggapin na iyon ang dahilan kung bakit ito nagluko. She doesn't have a sexual drive compared to normal girls. Hindi siya nag-iinit kahit na anong pangro-romansa ang gawin ng binata sa kanya. She doesn't get wet and arouse. They tried using lube pero sobrang sakit pa rin ng pakiramdam niya at walang magawa si Ethan kundi ang tumigil. Kita niya lahat ng frustrations nito ngunit wala itong salitang lalabas ng kwarto kahit na alam niyang naiinis ito nang matindi sa kanya. Hindi naman niya ginusto ang ganitong sitwasyon. Ilang beses na rin niya itong nahuling nagloko noong hindi pa sila kasal dahil sa naturang dahilan. She believed that he will change once they get married, ngunit nagkamali siya. "M-Mahal mo pa ba ako?" tanong ni Zara sa pagitan ng mga pag-iyak ngunit lalong sumidhi ang kirot sa dib dib ng dalaga nang tinalikuran siya ng asawa. "Pagod ako. Gusto ko nang magpahinga." Walang lingon-likod na iniwan ni Ethan ang dalaga na umiiyak sa sala. At imbes na dumiretso sa kwarto nilang mag-asawa ay sa guestroom siya tumuloy. Pagkaupo niya sa kama ay saktong may natanggap siyang text message. Ang iritang nararamdaman ay dagling naglaho nang makitang galing iyon kay Sofia. Pagkabasa niya sa mensahe nito ay mabilisan siyang naligo at nagbihis. Nakita ni Zara ang pag-alis ni Ethan ngunit wala na siyang lakas upang pigilan pa ito. Natigil lang ang pag-iyak niya nang makatanggap ng tawag galing sa isa sa mga katulong sa bahay ng kanyang mga magulang. "Ma'am Zarayah. Pumunta po sana kayo dito sa mansyon. Kanina pa po naglalasing ang Mommy niyo. Hindi namin maawat kaya tinawagan na po kita." Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dalaga at dali-daling pinuntahan ang kanyang ina. Halos madurog ang puso niya nang makita ang lugmok nitong itsura. "Mom, anong nangyari? Bakit kayo naglalasing?" puno ng pag-aalala na tanong niya dito. "Zarayah, anak!" Agad na niyakap ni Cristina ang dalaga at nag-iiyak sa mga balikat nito. Parang dinurog ang puso ni Zara sa nakikitang kalagayan ng ina. Ngayon lang ito uminom ng ganung kadaming alak, gulo-gulo ang buhok at halos hindi makatayo sa sariling kalasingan. "Please,tell me what happened," pagsusumamo niya dito. At nang magsalita ang kanyang ina ay halos mabingi siya sa narinig. "A-Ang Daddy mo. May anak siya sa ibang babae. Halos magkasing edad lang kayo at gusto niyang ipakilala ito sa publiko.""Hayop ka! Walanghiya ka talaga kahit kailan!"Walang pakundangan na pinagsusuntok at sampal ni Cristina si Gregory nang makarating sa hospital. Wala na siyang pakialam pa kahit na nagpapagaling pa ito sa sugat."C-Cristina! Ano ba ang nangyayari sa iyo?" gulat na turan ni Gregory habang sinusubukan na pigilan ang mga atake ng asawa. Ngayon lang niya ito nakitang magalit ng ganito. May palagay na siya kung bakit ganito ang inaatsa nito kaya mariin niyang itinikom ang mga labi."Nagmamaang-maangan ka pa? Napakawalang kwenta mong ama! Tanging si Sofia na lang ang iniisip mo at nagawa niyo pang sirain ang kasal ni Zarayah! Masaya ka ba sa ginawa mo? Nagdurusa siya ngayon dahil sa kagagawan ninyo!"Natanggap niya ang mensahe galing sa dalaga na aalis ito ng bansa. Hinayaan na lang niya at hindi pinigil dahil nakasakay naman na ito ng eroplano. Bukod doon ay mukhang kailangan talaga nitong mapag-isa muna. Masyadong masakit dito ang nangyari."I don't have a choice!" pagod na sikmat ni Greg
Pagkatapos mahimasmasan ni Cristina sa mga pangyayari ay mabilis niyang hiniram ang sasakyan nila Margareth upang sundan ang kanyang anak. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari kanina ay natulala na lang siya at pinanood itong umalis.Labis siyang nag-aalala kay Zarayah dahil baka napano na ito sa daan o kung ano na ang ginawa sa sarili. Muling nagbalik sa alaala ni Cristina ang napanuod na video kanina.Hindi pa niya alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit kasama ni Carcel si Sofia. Ngunit paniguradong may kinalaman na naman dito ang magaling niyang asawa! Lahat na lang talaga ay sinisira nito! Anak din naman nito si Zarayah ah? Bakit pati ang importanteng araw para dito ay kailangang sirain ng makasariling mag-ama na iyon? Lahat na lang ay ginugulo!Humigpit ang hawak ni Cristina sa manibela. Kapag napatunayan na kagagawan na naman ito ni Gregory ay hindi niya alam kung ano ang magagawa dito. And if something bad happen to Zarayah, she will never forgive him!Nagpasalamat siya na
Kanina pa pinagmamasdan ni Zarayah ang mga tao sa labas ng simbahan. Aligaga ang mga ito at ang iba ay nagbubulung-bulungan na na nakatingin sa sasakyang kinaroroonan niya.What was happening? Bakit parang problemado ang mga ito?Hindi na nga niya natiis at lumabas na siya ng sasakyan. Lalo lang nataranta ang mga ito nang makita siyang palapit. Maging siya ay nabahala na rin. Wala pa ba ang pari? Ang videographer?"What is happening, Mom?" tanong niya sa ina nang makalapit dito."Z-Zarayah! Bakit ka lumabas ng sasakyan? S-Sana ay naghintay ka na lang sa loob." Kandautal si Cristina pagkakita sa anak. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na hindi pa dumarating si Carcel. Usually ay ang groom talaga ang dapat na mauna at ito ang maghihintay sa bride. Pero halos kalahating oras na pagkatapos ng napagkasunduang oras ay wala pa ito."Naiinip na po ako eh. Hindi pa ba tayo magsisimula? Kanina pa tayo dito. May problema po ba?"Mariin na itinikom ni Cristina ang mga labi. Hindi niya al
Mariin na tinitigan ni Carcel ang lalaking nagmamakaawa sa kanya na sumama siya. Nababaliw na ba ito? Hindi niya tatalikuran ang kanyang sariling kasal!"No," pinal ang boses na sagot niya kay Gregory. Labas na siya sa kung ano man ang problema ng mga ito. Ang importante lang sa kanya ay si Zarayah. Wala ng iba.Naalarma si Gregory sa naging sagot na iyon ng binata. Yumakap siya nang mahigpit sa mga binti nito nang akmang aalis na. Hindi pwede! Kailangan niya ito!"Let go!" nauubusan ng pasensya na wika ni Carcel. May respeto pa rin siya dito kahit papaano dahil kung wala ay baka kanina pa niya ito sinipa palayo.Ngunit hindi natinag si Gregory sa kabila ng galit sa boses na iyon ng binata. Halos nakahiga na ito sa kalsada para lang mapigilan ito sa paglalakad.Tiim bagang na binalingan ni Carcel si Logan na naaaliw lang na nanunuod sa eksena. Ngunit nang makita ang tingin na iyon ng kaibigan ay nakuha niya agad kung ano ang ibig sabihin nito.Hinablot niya ang mga paa ng baliw na lal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore