Matapos makauwi galing bakasyon at makipaghiwalay kay Zarayah, walang pag-aalinlangan na inimbitahan ni Ethan si Sofia sa kanilang family house kung saan nakatira ang kanyang mga magulang at nakababatang kapatid. Nasabihan na niya ang nga ito na may kasama silang magdi-dinner. Alam ng kanyang mga magulang ang pinaggagagawa niya sa kanyang buhay at wala siyang narinig na salita galing sa mga ito."Ma, Pa. Si Sofia pala. Ang bago kong kasintahan," puno ng pagmamalaki na pakilala ni Ethan sa dalaga. Mahinhin ang ginawang pagtawa ni Sofia, kalkulado ang mga galaw na parang babasaging krystal. Sa isip ng dalaga ay hindi siya pwedeng magkamali sa harap ng mga ito. "Hello po, Mr & Mrs. Solomon. Nice meeting you po.""Nice meeting you rin, hija. Naku, napakagandang bata. Parang anghel!" puno ng galak na litanya ni Letecia Solomon na agad namang sinang-ayunan ng asawa. Pustorang-pustora ang ginang. Kahit nasa bahay lang ay kumikinang ang mga palamuting alahas sa katawan. Maganda pa rin ito ka
Last Updated : 2025-09-28 Read more