"You want me to marry this woman kung hindi ko makikita si Andrea?" Napasinghap ang apo ng matanda. Hindi ko maiwasang tingnan ito ng masama nang nakita ang nakakainsulto niyang pagtingin sa akin. "I will not marry this woman!"
"Asa ka rin na magpapakasal ako sa isang tulad mo, 'no!" galit na singhal ko sa kaniya. Bumaling ako sa matanda. "Sir, kung ano man ang trip niyo labas po ako riyan. Huwag niyo po akong isali sa problema ng pamilya niyo. Kung wala po pala kayong kailangan sa akin, maari na po ba akong umalis? May trabaho pa po ako para makaipon pangpaopera sa Nanay ko." "You can stop working today if you'll agree to marry him, hija." "Ano?! Hindi po pwede 'yan, Sir. Kailangan ko ang trabaho ko. Hindi ako hihinto sa pagtatrabaho para upang pakasalan ang apo niyo. Inuulit ko po, labas po ako kung ano man ang problema ng pamilya niyo." "Kita mo 'yan, Lolo? Ayaw niya rin sa akin. Ayaw namin sa isa't isa. Paalisin mo na nga lang ang babaeng 'to! Tingnan mo nga ang itsura niya, ang dungis-dungis tapos ito ang napili mong babaeng ipapalit kay Andrea kung hindi namin siya makikita?" Bumuga ako ng hangin at hindi napigilan ang sariling huwag batokan ang apo niya. Sobra na ang pang-iinsulto niya sa akin. "What the hell -" "Wala kang karapatan para insultohin ako. Hindi porket mayaman ka ay may karapatan ka ng insultohin ang pagkatao ko!" Pinagpapalo ko siya ngunit nahuli niya ang mga kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong itulak. Mabuti na lang sa kama ang bagsak ko. "I will find my fiance. Sisigurodohin ko na kaniya lang ako ikakasal. I won't marry this freaking woman!" asik ni Raheel. "That's enough, Raheel!" saway ng Lolo niya. Napaigtad ako nang narinig ng buo ang boses ng matanda. Galit itong nakatingin sa apo niya. Para namang hinihila ni Raheel ang buong kaluluwa ko sa pagtitig niya sa akin. "Niligtas niya ang buhay ko. Susuklian ko ang kabutihang nagawa niya sa akin. Kahitbsa ganoong paraan lang -" "You can pay her, Grandpa. Pera lang naman ang habol niya. Look at her. Hahayaan mo akong makasal sa babaeng 'yan? Hindi kami pwedeng ikasal kung hindi ko mahalagilap si Andrea!" "Hijo, this not the first time na biglang nawawala si Andrea. Sinabihan na kita na hiwalayan ang babaeng 'yon dahil palagi siyang nali-link sa ibang lalaki. Pero hindi ka nakikinig sa akin!" "Mag-aaway pa ba kayo? Pwede po ba akong umalis na dahil hinihintay ako ng Nanay ko," singit ko. Tumingin silang dalawa sa akin. "Pag-isipan mo ng mabuti ang inalok ko sa 'yo, hija. Sagot ko na ang operasiyon ng Nanay mo kung papayag kang pakasalan ang apo ko." "Lolo!" sambit ni Raheel. Ibinigay ng matanda ang calling card niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos kong basahin ang pangalan niya. "Chairman Marcelo Del Fuego?" Tumango ang matanda. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Sa inyo po ba ang Del Fuego Industries?" "Hindi ba halata? Basahin mo nga ang nasa likod ng calling card niya. Para ka namang walang pinag-aralan," pang-iinsulto ulit ni Raheel sa akin. "Raheel!" saway ni Chairman Marcelo sa apo niya. "Call me, hija, kapag nakapag-isip ka na. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo talagang pakasalan ang apo ko. Willing din akong tumulong sa Nanay mo." Isinilid ko sa bulsa ang calling card niya. "Sige po. Mauna na po ako," pagpapaalam ko. "Huwag na huwag kang magpapakita sa akin baka makakalimotan ko na babae ka," pagbabanta ni Raheel sa akin. "I*****k mo sa baga mo ang kayamanan niyo! Hinding-hindi ako magpapakasal sa isang taong kagaya mo!" galit na sigaw ko saka binuksan ang pintuan at padabog na lumabas. Nakahinga ako ng maluwang paglabas ko ng hospital. Napapikit ako nang napansin ang susi sa sasakyan ng matanda sa loob ng bulsa ko. Ibinigay ko ito sa guwardiya. Siya na lang ang inutosan kong magbigay ng susi kay Chairman Marcelo dahil kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang apo niya. Sumakay ako ng jeep patungo sa Convenience store kung saan ako nagtatrabaho bilang isang cashier. Habang nasa biyahe ay tinatawagan ko naman ang kasama ko sa trabaho na si Shiela. Napamura ako nang napansing paubos na ang baterya ng cellphone ko. Hindi ko rin dala ang charger nito dahil naiwan ko ito sa iskinita. "Wala pa rin ba si Anabelle? Anong oras na at marami tayong cuatomers?!" Umaalingawngaw sa labas ng employee's room ang boses ng manager namin. Nakabusangot ang mukha niya nang napansin niya ang pagdating ko. "Papasok ka ba o hindi? Kay bago-bago mo pa sa trabaho pero ang dami mo ng absent sa buwan na 'to!" "Nagkaproblema po kasi ako sa amin, Manager Kim. Hindi po ako nakapagpaalam na mahuhuli ako sa pagdating dahil unexpected rin ang pagpalayas ng landlady sa kwartong inuupahan ko -" "I don't need your explanation, Anabelle!" sigaw ng Manager namin. Napapikit ako sa sobrang hiya nang narinig ko ang pagtawa ng iba kong mga katrabaho. "Wala ka bang cellphone? Pwede mo naman akong tawagan. Pwede mong tawagan ang ibang kasama mo sa trabaho. Hindi mo ba naisip 'yon?" Nanliliksik ang mata niyang tumingin sa akin. "Wala po kasi ang contact number sa inyo at sa mga katrabaho -" "Nagdadahilan ka pa? Hindi ka ba marunong manghingi sa kanila?" Bumuga siya ng hangin habang nakapamewang sa harapan ko. "Cashier ka sa store. Hindi pwedeng palagi na lang ganito, Anabelle. Liliban ka nang hindi nagpapaalam." "Manager, patawarin niyo po ako. Hindi na po mauulit. Pangako, hindi na po ako mahuhuli." "Hindi ka na talaga mahuhuli sa trabaho dahil tanggal ka na! Ang dami mong absent, Anabelle! Kung hindi ka a-absent, late ka naman palagi!" "Manager, huwag niyo naman po akong tanggalin. Kailangan ko ang trabahong 'to. Nasa hospital si Nanay at -" "You're fired, Anabelle Enriquez!"January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng