Home / Romance / The Billionaire's Surrogate Bride / CHAPTER 43— The Unexpected Guest

Share

CHAPTER 43— The Unexpected Guest

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-10-19 22:07:45
TAHIMIK ang mansyon nang sumapit ang late morning. Nasa garden si Solenne, nakaupo sa rattan chair habang pinapanood ang sinag ng araw na tumatama sa mga dahon. Kasama niya si Maria na abala sa pagdidilig ng mga halaman. Nakasuot siya ng light pink dress, maluwag at komportable, habang sa tabi niya’y may tray ng crackers at mainit na gatas.

“Ma’am, baka po giniginaw kayo,” sabi ni Maria, iniaabot ang manipis na shawl.

Ngumiti si Solenne. “Okay lang ako. Gusto ko lang mag-babad sa hangin. Mas madaling huminga kapag nandito.”

Mula pa nang malaman niyang buntis siya, araw-araw nang binabantayan ni Caelum ang pagkain niya, kung ano’t kailan kakainin, pati oras ng pahinga. Kaya ngayong umaga, habang wala ang lalaki sa bahay dahil may meeting daw, pakiramdam ni Solenne ay nakahinga siya kahit konti.

“Si Sir Caelum po ba, anong oras daw uuwi?” tanong ni Maria.

“Ewan. Siguro mamaya pa ‘yon. Sana nga matagal pa.” Napatawa siya, pero may halong hiya. “Hindi ko sinasadyang sabihin ‘yan.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 48

    CHAPTER 46 – Silent PatternsIsang linggo na ang lumipas mula nang kaharapin ni Caelum ang kanyang Uncle Hector, pero hanggang ngayon, walang malinaw na ebidensya. Ang mga report na dumarating gabi-gabi kay Damon ay puro teknikal offshore accounts, shell companies, mga numero na walang pangalan. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, ramdam niya na malapit na siya.Masyadong tahimik ang mga susunod na araw at sa katahimikang iyon, mas lalo siyang naging mapagbantay.---7:00 AM.Sa kusina, abala ang mga kasambahay sa paghahanda ng almusal. Tahimik na pumasok si Solenne, naka-simpleng cotton dress, may hawak na maliit na notebook. Sa mga unang linggo ng pagbubuntis niya, mas madalas niyang maramdaman ang pagod. Minsan kahit simpleng pag-akyat lang sa hagdan, parang napapagod agad siya.“Good morning, Ma’am,” bati ni Maria habang nagbubuhos ng gatas. “Mainit po, para hindi sumama ang tiyan.”Ngumiti siya. “Salamat, Maria.”Habang umiinom ng gatas, napansin niyang nasa mesa ang folder ni Caelum

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 47

    HINDI pa sumisikat ang araw ay nasa kompanya na si Caelum. Ang buong opisina sa penthouse floor ng Valtieri Tower ay balot ng dilim maliban sa ilaw mula sa malaking monitor sa harap niya. Naka-display doon ang isang IP trace, mga linya at coordinates na kumikislap sa mapa ng Metro Manila.“Cross-reference the data set again,” utos niya kay Damon sa kabilang linya, kalmado pero matalim. “Double-check the encryption key. I want a clear confirmation before I make the call.”“Yes, Sir,” sagot ni Damon. “But there’s no mistake. The breach came from an old shell company— Voltaire Industries.”Tahimik si Caelum sa ilang segundo, nakatitig lang sa monitor. Sa isang click, lumabas ang archived file.“VOLTAIRE INDUSTRIES (Inactive since 2009)”Sa ilalim, ang pangalan ng registered owner— Hector M. Valtieri.Nanlamig ang mga daliri ni Caelum. Hindi siya agad kumilos. Bagkus, pinilit niyang magpakatino at pinilit ang boses na manatiling kalmado, pero ang panga niya ay halatang nag-igting.“Send m

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 46 — A Breach In Silence

    LATE evening sa mansyon. The sky was an endless sheet of deep blue-black, sprinkled with faint city lights from afar. Sa loob, tanging ilaw lang ng hallway sconces at mahinang tunog ng grandfather clock ang maririnig. Everything looked peaceful—too peaceful.Caelum sat alone in his study. The room was dim, lit only by the desk lamp that cast a golden glow across the dark wood. Sa mesa niya, nakakalat ang mga papel at laptop na nakabukas sa mga report. Sa tabi, naroon pa rin ang ultrasound photo—flattened, untouched, but always within reach.He leaned back in his chair, removing his glasses. The silence felt heavy, almost unnatural. For the first time in days, he couldn’t focus. There was an itch at the back of his mind, something off, something he couldn’t name.Sa labas ng bintana, umuulan nang mahina. The raindrops hit the glass in small, steady beats, matching the rhythm of his thoughts.---Meanwhile, sa kabilang wing ng mansyon, Solenne was sitting by the window of her

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 45 — Lines That Shouldn't Cross

    MAPAYAPA ang umaga sa mansyon. Ang araw ay unti-unting sumisilip sa malalaking bintana, nag-iiwan ng malambot na sinag sa marmol na sahig. Sa kusina, mahinang kalansing lang ng kutsara at plato ang maririnig, habang sa sala naman ay ang mabagal na tunog ng orasan sa dingding.Nasa dining area si Solenne, nakaupo at tahimik na iniikot ang kutsarita sa tasa ng gatas. Wala pa si Caelum, pero naroon na ang isang plato ng oatmeal at prutas, gaya ng araw-araw na nakahanda para sa kanya.“Good morning, Ma’am,” bati ni Maria. “Si Sir Caelum po nasa office pa. Nagpadala lang ng message na huwag n’yong kalimutang kumain.”Ngumiti si Solenne ng mahina. “Parang may choice pa ba ako?”Tumawa nang mahina si Maria. “Hindi po talaga. Kahit kami, sinusundan ng schedule kapag may utos si Sir. Pati tulog namin halos may oras.”Napailing si Solenne. “Typical Caelum.”Sa totoo lang, nasasanay na siya sa ganitong klase ng routine. Maaga siyang gigising, may nakahandang pagkain, tapos may listahan ng mg

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 44— The Farewell and the Secret

    MAAGA pa lang ay abala na ang buong mansyon. Tahimik pero buhay ang paligid, mga kasambahay na nag-aayos ng mesa, tunog ng mga kutsarang maingat na tinatabi, at ang amoy ng kape na nagmumula sa kusina. Ang tanging hindi pa gumigising sa oras na iyon ay si Solenne, na marahang idinilat ang mga mata nang marinig ang mahinang katok sa pinto.“Ma’am Solenne,” tawag ni Maria. “May breakfast po kayo sa veranda. Si Madam Isabella po gusto kayong samahan.”Napatigil si Solenne. Mabilis na bumalik ang kaba na naramdaman niya kahapon. Agad siyang bumangon, naglagay ng manipis na robe sa ibabaw ng pajama at tumingin sa salamin. Namumugto pa ang mata niya sa kakaisip kagabi kung paano siya tinignan ni Isabella, kung paano ito ngumiti na parang may alam pero piniling manahimik.Huminga siya nang malalim bago lumabas ng kwarto. Sa veranda, nakita niya agad ang ginang na nakaupo sa may dulo ng mesa, may hawak na tasa ng kape, habang binabasa ang pahayagan. Nakasuot ito ng kulay ivory na blouse

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 43— The Unexpected Guest

    TAHIMIK ang mansyon nang sumapit ang late morning. Nasa garden si Solenne, nakaupo sa rattan chair habang pinapanood ang sinag ng araw na tumatama sa mga dahon. Kasama niya si Maria na abala sa pagdidilig ng mga halaman. Nakasuot siya ng light pink dress, maluwag at komportable, habang sa tabi niya’y may tray ng crackers at mainit na gatas. “Ma’am, baka po giniginaw kayo,” sabi ni Maria, iniaabot ang manipis na shawl. Ngumiti si Solenne. “Okay lang ako. Gusto ko lang mag-babad sa hangin. Mas madaling huminga kapag nandito.” Mula pa nang malaman niyang buntis siya, araw-araw nang binabantayan ni Caelum ang pagkain niya, kung ano’t kailan kakainin, pati oras ng pahinga. Kaya ngayong umaga, habang wala ang lalaki sa bahay dahil may meeting daw, pakiramdam ni Solenne ay nakahinga siya kahit konti. “Si Sir Caelum po ba, anong oras daw uuwi?” tanong ni Maria. “Ewan. Siguro mamaya pa ‘yon. Sana nga matagal pa.” Napatawa siya, pero may halong hiya. “Hindi ko sinasadyang sabihin ‘yan.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status